Share

CHAPTER 2

last update Last Updated: 2025-09-09 12:47:11

(Alina's POV)

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi. Siguro dahil sa pagod, siguro dahil sa luha, o baka dahil sa bigat ng isipin na nagbago na talaga ang buhay ko. Ang alam ko lang, nang imulat ko ang mga mata ko, hindi na kisame ng maliit naming bahay ang nakita ko kundi kisame ng isang kwartong parang galing sa isang magazine.

Ang ganda. Mas maganda pa sa mga hotel na napapanood ko lang sa TV. Pero kahit ganoon, parang may kulang. Parang kahit gaano kaganda, hindi ko pa rin matawag na “akin.” ito.

Nag-ayos ako, mabilis na naghilamos at nagsuklay. Hindi ko alam kung anong oras ako dapat bumaba. Wala namang nagsabi. At isa pa, hindi ko rin alam kung paano ba makikisalamuha sa mga tauhan dito. Natatakot pa nga ako dahil baka tarayan nila ako.

Hinawakan ko ang rosaryo ng tatay ko bago ako lumabas ng kwarto. “Samahan mo ako, Tay. Hindi ko kaya mag-isa sa bahay na ito.”

Pagbaba ko sa hagdan, halos matulala ako sa lawak ng sala. Ang daming painting, ang daming mamahaling bagay na parang bawal hawakan. Pakiramdam ko, bawat galaw ko ay may mata na nakatingin na santo o kung ano man. Feeling ko, kapag may nabasag ako rito, magbabayad ako ng malaki.

May ilang tauhan na nakaabang sa ibaba, lahat sila’y nakaayos, maayos ang uniporme. Nagulat ako nang sabay-sabay silang yumuko sa akin.

“Good morning, Ma’am,” bati nila.

Muntik akong matapilok. “A—ah, good morning po,” nahihiya kong sagot. Ma’am? Tinawag nila akong Ma’am? Hindi ako sanay sa ganun, ah.

“Miss Torres,” sabi ng isang babaeng mukhang pinakamatanda sa kanila, “Ako po si Yaya Loring, head maid dito. Ako po ang bahala sa mga pangangailangan ninyo. Ihahatid ko po kayo sa dining room para makakain na po kayo.”

Napakagat ako sa labi at tumango na lang. “Salamat po kung ganoon.”

Pagdating namin sa dining area, muntik na namang mahulog ang panga ko. Ang lamesa? Parang hindi lamesa, e. Parang runway. Ang haba, at ang dami ng nakahain na pagkain. Tinapay, prutas, bacon, itlog, kape, at kung ano-ano pa.

At nandoon siya.

Si Ninong Sebastian, nakaupo sa dulo ng mesa, hawak ang tasa ng kape, seryosong nakatingin sa hawak niyang tablet. Parang isang hari kung titingnan mo.

“Good morning,” malamig niyang bati nang mapansin akong nakatayo sa may harapan niya.

“G—Good morning po, Ninong,” mahina kong sagot, sabay yuko. Takot na takot pa rin ako sa kanya.

“Umupo ka na at kumain. Sabayan mo ko. Ayaw ko na lumalamig ang pagkain.”

Agad akong umupo sa upuang malapit sa kanya, kahit pakiramdam ko’y hindi ako bagay sa kinalalagyan ko. Hindi ako makatingin nang diretso kay Ninong Sebastian.

Naririnig ko lang ang paglanghap niya ng kape, ang pagbukas ng tablet niya at ang bigat ng presensya niya.

“Hindi mo ba gusto ang pagkain na nakahain para sa’yo?” tanong niya bigla.

Napakagat ako sa labi. “Gusto po. Hindi lang po ako sanay na… ganito kadami ang pagkain ko. Hindi naman po ganito sa amin, Ninong.”

Bahagya siyang napatingin sa akin, tapos tumikim ng bacon. “Kumain ka na. Kailangan mong maging malakas dahil parang pumapayat ka na simula noong mamatay ang tatay mo.”

Dahan-dahan akong kumuha ng tinapay at itlog. Ang bawat galaw ko, para bang sinusukat ko. Hindi ko alam kung tama ba ang paghawak ko ng kutsara, kung hindi ba ako masyadong kabado. Lalo na’t paminsan-minsan, ramdam kong dumadaan ang titig niya sa akin.

“Simula ngayon,” sabi niya habang nilalagyan ng kape ang tasa niya, “Dito ka na titira. May mga tao akong mag-aasikaso sa’yo. Pero may mga bagay na dapat mong tandaan.”

Tumigil ako sa pagkain at nakinig sa kanya.

“Una, huwag kang lalabas ng mansyon nang wala akong pahintulot. Marami kasing masasama sa paligid. Ayaw ko lang na may mangyaring masama sa iyo.”

Napayuko ako. Ayun na naman, sabi ng isip ko.

“Pangalawa, kung may kailangan ka, sabihin mo agad sa akin. Huwag kang mahihiya dahil mahihirapan ka niyan kung panay hiya ang aatupagin mo.”

Tumango ako.

“At pangatlo…” saglit siyang tumigil at tumitig sa akin, “Matuto kang magtiwala sa akin, Alina. Dahil ako lang ang meron ka sa ngayon.”

Parang nanlamig ako. Totoo naman ang sinabi niya. Siya lang talaga. Pero paano ko matututunang magtiwala sa taong kinatatakutan ko noon pa?

Natapos ang almusal na halos wala akong nakain. Hindi dahil hindi masarap ang pagkain, kundi dahil sa kaba. Pagkatapos kumain, umalis agad si Ninong, sabi niya’y may pupuntahan siyang meeting. Naiwan ako sa mansyon na parang ewan.

Inilibot ako ni Yaya Loring at ng ibang tauhan ng mansion. Pinakita nila sa akin ang library na punong-puno ng libro, ang pool na kasinglaki ng buong kalsadang dati kong nilalaruan, at ang hardin na parang paraiso.

“Ma’am, dito po kayo pwedeng maglakad-lakad kapag gusto ninyo ng sariwang hangin,” sabi ni Yaya Loring.

Napangiti ako nang bahagya. “Salamat, Yaya Loring.”

Ngumiti siya, at doon ko lang naramdaman na may isang tao sa bahay na ito na hindi ako kinikilabutan.

Pagsapit ng tanghali, bumalik si Ninong. Tahimik lang siyang dumiretso sa opisina niya. Naririnig ko ang mga yabag niya, mabigat, siguradong-sigurado, parang laging may control.

Ako naman, nanatili sa kwarto ko. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang buhay dito. Hindi ko alam kung saan ako lulugar.

Pero bago matapos ang araw, nagulat ako nang kumatok si Yaya Loring sa kwarto ko.

“Ma’am, pinapatawag po kayo ni Sir Sebastian sa opisina niya.”

Nanlamig ang kamay ko. Ako? Pinapatawag?

Huminga ako nang malalim at hinawakan ang rosaryo ng tatay ko, dahan-dahan akong bumaba patungo sa opisina ng ninong kong kinatatakutan… at pinakanaguguluhan akong pagkatiwalaan.

Doon ko naisip, ito pa lang ang simula ng bago kong buhay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)   CHAPTER 27

    (Alina’s POV) Tahimik ang buong mansion nang pumasok ako sa study room. Nakabukas ang ilaw at naamoy ko agad ang pamilyar na halimuyak ng kape na laging iniinom ni Ninong Sebastian. Nasa tapat siya ng malaking mesa, nakatalikod at abala sa pagbabasa ng ilang dokumento. “Ninong Sebastian…” mahina kong tawag, halos pabulong lang. Hindi ko alam kung bakit biglang parang kinakabahan ako nang sabihin ko iyon. Paglingon niya, agad akong binati ng ngiti niya, hindi ‘yong tipid o pilit na ngiti na madalas kong nakikita kapag may iniisip siya, kundi isang ngiting totoo, mainit. “Alina,” mahinahon niyang sabi habang nilalapag ang mga papel. “Tamang-tama, gusto sana kitang kausapin.” Lumapit ako nang dahan-dahan. “Tungkol saan po?” Hindi siya agad sumagot. Sa halip, umikot siya sa mesa at tumayo sa harapan ko. Ilang segundo kaming tahimik lang, nagtititigan. Sa mga mata niya, may kung anong lambing akong nakita. “Ninong Sebastian?” tanong ko, pero bago ko pa man madugtungan ang sasabihin

  • Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)   CHAPTER 26

    (Sebastian’s POV)Mabigat ang bawat pag-ikot ng manibela habang binabaybay ko ang madilim na kalsada. Tahimik ang paligid, pero sa loob ko, parang may kulog na hindi mapakali. Ang imahe ng mukha ni Alina kanina ‘yong takot na takot, nanginginig, halos hindi makapagsalita nang makita ang ahas sa kahon, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko iyon. Gusto kong sumabog sa galit. Hindi ko man lang siya naprotektahan nang maayos. Iisa lang ang may kasalanan nito.Si Claire.Walang iba kundi siya. Kilala ko ang galaw ng babaeng ‘yon, ang paraan ng pag-iisip niya kapag nasasaktan o naiinggit siya sa mga taong nasa paligid ko. Matagal ko nang alam na may mga limitasyon si Claire pagdating sa ibang tao, pero ngayong nasangkot na si Alina sa gulo namin, nalampasan na niya ang hangganan ko.Hindi ko na hinintay si Manong Raul; ako na mismo ang nagmaneho ng kotse. Kailangan kong makausap si Claire, harapan. Pagdating ko sa bahay niya, agad akong bumaba ng kotse. Ang ilaw sa veranda lang ang bukas at

  • Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)   CHAPTER 25

    (Alina’s POV)Tahimik lang ang buong bahay. Wala ni isang tunog maliban sa mahina’t tuloy-tuloy na tunog ng orasan sa sala. Ang ganitong katahimikan, dati ay nakaka-relax. Pero ngayong gabi, parang bawat segundo ay may bigat dahil sa nangyari kanina.Nasa veranda ako, nainom ng gatas habang pinagmamasdan ang pagdilim ng kalangitan, nang marinig ko ang mga yabag ni Ninong Sebastian mula sa hallway. Paglingon ko, bumungad siya, nakasuot ng itim na coat, seryoso ang mukha, at tila mas lalong lumalim ang mga linya sa noo niya.“Alina,” tawag niya, mahinahon pero matigas ang tono.Agad akong tumayo. “Ninong, aalis po kayo?”Tumango siya. “Oo. Kailangan ko lang ayusin ang isang bagay.”Napatigil ako sandali. Alam kong may kinalaman iyon sa nangyari kanina, ang ahas, ang sulat na nabasa niya at ang takot na halos hindi ko pa rin mailubog sa isip. “Si… si Claire po ba ang may kasalanan noon?” maingat kong tanong.Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ako. Ilang segundo siyang hindi sumagot,

  • Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)   CHAPTER 24

    (Alina’s POV) “Mas maganda nga siyang ngumiti,” sabi niya bigla, diretso kay Yaya Loring pero halatang may ibang kahulugan. Namula agad ako at napayuko, pilit na tinatakpan ang mukha ko ng baso. “Ninong…” bulong ko. Natawa siya nang mahina. “Bakit, totoo naman ah.” Nagkibit-balikat lang si Yaya, pero bakas sa mukha niyang may kutob siya. “Basta kayo ha, kung anuman ‘yang pinaguusapan n’yong dalawa, sana magtulungan kayong huwag nang dumagdag sa problema. Peace and love lang, ganun!” “Wala pong problema, Yaya,” mabilis kong sabi. “Okay na po kami.” Ngumiti si Yaya, parang kuntento na sa sagot ko, tapos lumabas muna sa kusina para maglinis sa labas. Nang kami na lang ulit ang naiwan sa mesa, sandali kaming natahimik ni Ninong Sebastian. Pareho kaming kumakain, pero ramdam ko ‘yung kakaibang lambing sa katahimikan. “Salamat, Alina,” bigla niyang sabi. “Sa ano po?” tanong ko, naguguluhan. “Sa hindi paglayo sa akin,” sagot niya. “Alam kong pwede mo kong iwasan at siguro mas madal

  • Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)   CHAPTER 23

    (Alina’s POV)“Hindi ako makali kapag naiisip kong umiwas sa’yo. Pero mas lalo akong hindi mapalagay kapag naiisip kong masisira ang buhay mo dahil sa akin,” dagdag niya, halos pabulong.“Sebastian…” tawag ko, at hindi ko alam kung dapat ko ba siyang papasukin sa buhay ko o itulak palayo.Tumingin siya sa akin, tapos mahinang natawa. “Nakakatawa no? Ako pa ‘tong laging may sagot sa lahat dahil matanda na ako, pero pagdating sa’yo, parang wala akong alam.”Napangiti rin ako kahit papaano. “Hindi mo kailangang sagutin lahat. Minsan sapat na ‘yung alam mo ang tunay na nararamdaman mo.”Tumahimik siya, tapos marahan niyang sinabi, “Kung sabihin kong gusto kitang protektahan, hindi bilang Ninong Sebastian mo, kundi bilang lalaki, masasabi mo bang mali ako?”Napatigil ako. Walang salitang lumabas sa bibig ko.Ang tanging nagawa ko lang ay huminga nang malalim at tumingin sa kanya. Ang mga mata niya, puno ng lungkot pero puno rin ng katotohanan.“Hindi kita masasagot ngayon,” sabi ko, halos

  • Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)   CHAPTER 22

    (Alina’s POV)Alas tres ng hapon, dumating si Ms. Regina, ang private tutor ko, dala ang ilang makakapal na libro at laptop. Kagaya ng dati, maayos siyang manamit, naka-blazer, pencil skirt at salamin. Tahimik ko siyang binati habang inaayos niya ang mga gamit sa study table ko. “Kamusta ka, Alina?” tanong niya, nakangiti pero halatang may pag-aalala sa boses niya. “Narinig kong may nangyari rito kanina. Okay ka lang ba? Hindi ka ba niya sinaktan?” Napayuko ako. “Wala po ‘yun, Ms. Regina. May bisita lang si Ninong kanina at medyo nagkaroon sila ng problema.” Tumango siya at hindi na nagtanong pa. Alam kong marunong si Ms. Regina makaramdam kung kailan dapat tumahimik tungkol sa mga bagay-bagay. Kaya sinimulan na namin ang lesson tungkol sa literature analysis, pero kahit anong pilit kong mag-concentrate, parang lumilipad ang isip ko. Habang binabasa ko ang isang tula ni Jose Garcia Villa, bigla kong naisip si Ninong Sebastian, ang bawat linya ng tula tungkol sa pag-ibig na hindi d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status