LOGINMadalas kong puntahan ang library sa mansyon. Doon lang kasi ako nakakaramdam ng kapayapaan. Tahimik, malayo sa bigat ng presensya ni Ninong Sebastian. At totoo lang, nakakatulong din na nalulunod ako sa mga librong iniwan ng kung sinu-sinong henerasyon na nauna sa kanya.
Gabi na noon, mga alas-onse. Hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya nagpasya akong magbasa. Naka-upo ako sa sofa, may hawak na makapal na libro, at tanging ilaw lang ng desk lamp ang nagbigay liwanag sa paligid. Nasa kalagitnaan ako ng isang page na binabasa ko nang marinig ang marahas na pagbukas ng pinto. Napaangat ako ng ulo. At doon ko siya nakita. Si Ninong Sebastian. Pero iba siya sa nakasanayan ko. Magulo ang buhok, mapupungay ang mata, at halatang lasing na lasing. May bahid ng alak ang hangin, at mabigat ang bawat hakbang niya. “Alina…” mahina niyang tawag, pero parang hindi niya ako nakikita ng malinaw. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapagsalita. Lumapit siya nang dahan-dahan, at bago ko pa namalayan, nasa harap ko na siya. Umupo siya sa tabi ko, halos dikit na ang balikat namin. Ramdam ko ang init ng katawan niya, ang amoy ng alak at mamahaling pabango. “N—Ninong?” mahina kong sabi, nanginginig ang boses ko. Pero hindi siya sumagot. Bagkus, tumitig siya sa akin nang matagal, para bang sinusuri ang mukha ko. Tapos, biglang lumambot ang ekspresyon niya. “Claire…” bulong niya. Napakunot ang noo ko. Claire? Sino si Claire? Bago ko pa siya matanong, bigla siyang yumuko. At sa isang iglap, naglapat ang labi niya sa labi ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanigas ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung itutulak ko ba siya o mananatiling nakatulala. Ang alam ko lang, ramdam ko ang bigat ng halik niya noong mga oras na iyon. Mainit, mabigat, puno ng sakit at pananabik na hindi ko maintindihan. Mabilis ang tibok ng puso ko. Para akong mawawalan ng ulirat. “N-Ninong…” napabulong ako nang bahagya akong nakawala. Pero bago pa ako makabangon, bumagsak ang ulo niya sa balikat ko. “Claire… huwag mo akong iwan,” garalgal niyang bulong bago tuluyang pumikit. Nanatili akong nakaupo, hawak ang librong kanina’y binabasa ko at ngayon ay halos malaglag mula sa panginginig ng kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gigisingin ko ba siya? Tatawag ba ako ng tauhan? O mananatili lang akong nakatulala habang ramdam ko pa rin ang init ng labi niya sa labi ko? Isa lang ang malinaw sa akin. Hindi ko na mababawi ang gabing ito. At hindi ko na rin mababago ang katotohanang… sa unang pagkakataon, nahalikan ako ng taong kinatatakutan ko, pinoprotektahan ako at ngayon, mas lalo akong naguguluhan kung ano ba talaga siya sa buhay ko. Kinabukasan, paano ko haharapin si Ninong Sebastian? Paano kung maalala niya ang lahat? At paano kung… hindi? Kinabukasan, hindi ko alam kung paano ako babangon. Para akong binangungot, pero sa parehong oras, parang totoo ang lahat ng nangyari kagabi. At totoo nga. Dahil kahit anong pilit kong kalimutan, ramdam ko pa rin ang bigat ng labi ni Ninong sa labi ko. Nagkulong ako sa banyo at matagal na nakatitig sa salamin. Pulang-pula pa rin ang pisngi ko. At habang hinahaplos ko ang labi ko, halos ayaw kong tanggapin na isang halik lang iyon ng isang taong lasing. Hindi para sa akin. Para sa ibang babae. “Claire…” bulong niya kagabi. Sino siya? Ex-girlfriend? Dating asawa? Bakit gano’n ang bigat ng tono niya, para bang siya ang mundo niya? Pinilit kong iwaksi ang mga tanong at bumaba para mag-almusal. Pero halos manlumo ako nang makita ko siyang nakaupo na sa mesa, nakapormal na asul na suit, parang walang nangyari. “Good morning,” malamig niyang bati habang nagsasalin ng kape. “G—Good morning po, Ninong,” sagot ko, halos hindi makatingin. Tahimik akong naupo sa dulo ng mesa. Kumuha ng kaunting tinapay, itlog, at juice. Wala akong ganang kumain, lalo na’t ramdam kong paminsan-minsan ay dumadaan ang tingin niya sa akin. “Hindi ka ba natulog nang maayos kagabi?” bigla niyang tanong. Halos malaglag ang tinidor ko. Napatingin ako sa kanya, pilit pinapakalma ang boses ko. “M—medyo po, Ninong. Baka dahil naninibago lang po ako sa kwarto.” Bahagya siyang tumango. “Masasanay ka rin.” Wala na siyang idinagdag. Wala siyang binanggit tungkol sa library, tungkol sa halik, tungkol sa kahit ano kagabi. Para bang wala talagang nangyari. At doon ako mas lalong natakot. Buong umaga, nilibang ko ang sarili ko sa library ulit, pero hindi para magbasa, kundi para isipin kung normal ba talaga ang lahat. Kung guni-guni ko lang ba ang halik na iyon. Na baka ako lang ang nagbigay ng kahulugan sa isang bagay na aksidente lang naman. “Alina?” tawag ni Marites, sumilip sa pinto. “Pinapatawag daw kayo ni Sir Sebastian sa opisina niya.” Para akong kinuryente. Ngayon ulit? Ano na naman ba ang sasabihin niya sa akin? Bumigat ang bawat hakbang ko habang papunta sa opisina. At nang buksan ko ang pinto, nakita ko siyang nakatayo sa harap ng mesa, nakasandal, hawak ang isang basong tubig. “Tuloy ka,” sabi niya, malamig pa rin. Dahan-dahan akong pumasok. Hindi ko alam kung saan ako titingin. “Gusto ko lang ipaalala na darating ang tutor mo mamayang hapon,” panimula niya. “Gusto kong seryosohin mo ito. Ayokong masayang ang oras at pera ng kahit sino.” “Opo, Ninong,” mahina kong sagot. Tumitig siya sa akin, matalim, pero hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. “May problema ba?” tanong niya bigla. Napatulala ako. “Ha?” “Kanina pa kita tinitingnan. Para kang lutang. May iniisip ka ba?” “W-wala po,” mabilis kong sagot, sabay yuko. Tahimik siya sandali, tapos bumuntong-hininga. “Kung may ayaw ka o hindi ka komportable sa tutor mo, sabihin mo sa akin. Hindi ako manghuhula sa kung anong nangyayari sa iyo.” Parang may kirot sa puso ko. Kung alam niya lang. Kung alam niya lang kung bakit hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. “Opo, Ninong,” iyon lang ang nasabi ko. Paglabas ko ng opisina, halos manghina ang tuhod ko. Iisa lang ang naiisip ko, hindi niya naaalala. Hindi niya alam ang nangyari kagabi. At kung hindi niya alam… dapat kalimutan ko na rin ang halik na iyon. Pero paano ko kakalimutan kung bawat segundo, naiisip ko ang init ng halik na iyon? Kinagabihan, muli akong nakahiga sa kama, hawak ang rosaryo ng tatay ko. “Tay,” bulong ko, “hindi ko alam kung tama bang manatili ako rito. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang itago ang nararamdaman ko. At hindi ko rin alam kung… ligtas pa bang tawagin siyang Ninong Sebastian dahil sa nangyari na halik.” Napapikit ako, pilit nilulunok ang mga luhang ayaw ko sanang bumagsak. Dahil alam kong simula kagabi, hindi na lang simpleng takot ang nararamdaman ko kay Ninong Sebastian. May bago na. May mas malalim. At iyon ang mas nakakatakot.(Alina’s POV) Tahimik ang buong mansion nang pumasok ako sa study room. Nakabukas ang ilaw at naamoy ko agad ang pamilyar na halimuyak ng kape na laging iniinom ni Ninong Sebastian. Nasa tapat siya ng malaking mesa, nakatalikod at abala sa pagbabasa ng ilang dokumento. “Ninong Sebastian…” mahina kong tawag, halos pabulong lang. Hindi ko alam kung bakit biglang parang kinakabahan ako nang sabihin ko iyon. Paglingon niya, agad akong binati ng ngiti niya, hindi ‘yong tipid o pilit na ngiti na madalas kong nakikita kapag may iniisip siya, kundi isang ngiting totoo, mainit. “Alina,” mahinahon niyang sabi habang nilalapag ang mga papel. “Tamang-tama, gusto sana kitang kausapin.” Lumapit ako nang dahan-dahan. “Tungkol saan po?” Hindi siya agad sumagot. Sa halip, umikot siya sa mesa at tumayo sa harapan ko. Ilang segundo kaming tahimik lang, nagtititigan. Sa mga mata niya, may kung anong lambing akong nakita. “Ninong Sebastian?” tanong ko, pero bago ko pa man madugtungan ang sasabihin
(Sebastian’s POV)Mabigat ang bawat pag-ikot ng manibela habang binabaybay ko ang madilim na kalsada. Tahimik ang paligid, pero sa loob ko, parang may kulog na hindi mapakali. Ang imahe ng mukha ni Alina kanina ‘yong takot na takot, nanginginig, halos hindi makapagsalita nang makita ang ahas sa kahon, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko iyon. Gusto kong sumabog sa galit. Hindi ko man lang siya naprotektahan nang maayos. Iisa lang ang may kasalanan nito.Si Claire.Walang iba kundi siya. Kilala ko ang galaw ng babaeng ‘yon, ang paraan ng pag-iisip niya kapag nasasaktan o naiinggit siya sa mga taong nasa paligid ko. Matagal ko nang alam na may mga limitasyon si Claire pagdating sa ibang tao, pero ngayong nasangkot na si Alina sa gulo namin, nalampasan na niya ang hangganan ko.Hindi ko na hinintay si Manong Raul; ako na mismo ang nagmaneho ng kotse. Kailangan kong makausap si Claire, harapan. Pagdating ko sa bahay niya, agad akong bumaba ng kotse. Ang ilaw sa veranda lang ang bukas at
(Alina’s POV)Tahimik lang ang buong bahay. Wala ni isang tunog maliban sa mahina’t tuloy-tuloy na tunog ng orasan sa sala. Ang ganitong katahimikan, dati ay nakaka-relax. Pero ngayong gabi, parang bawat segundo ay may bigat dahil sa nangyari kanina.Nasa veranda ako, nainom ng gatas habang pinagmamasdan ang pagdilim ng kalangitan, nang marinig ko ang mga yabag ni Ninong Sebastian mula sa hallway. Paglingon ko, bumungad siya, nakasuot ng itim na coat, seryoso ang mukha, at tila mas lalong lumalim ang mga linya sa noo niya.“Alina,” tawag niya, mahinahon pero matigas ang tono.Agad akong tumayo. “Ninong, aalis po kayo?”Tumango siya. “Oo. Kailangan ko lang ayusin ang isang bagay.”Napatigil ako sandali. Alam kong may kinalaman iyon sa nangyari kanina, ang ahas, ang sulat na nabasa niya at ang takot na halos hindi ko pa rin mailubog sa isip. “Si… si Claire po ba ang may kasalanan noon?” maingat kong tanong.Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ako. Ilang segundo siyang hindi sumagot,
(Alina’s POV) “Mas maganda nga siyang ngumiti,” sabi niya bigla, diretso kay Yaya Loring pero halatang may ibang kahulugan. Namula agad ako at napayuko, pilit na tinatakpan ang mukha ko ng baso. “Ninong…” bulong ko. Natawa siya nang mahina. “Bakit, totoo naman ah.” Nagkibit-balikat lang si Yaya, pero bakas sa mukha niyang may kutob siya. “Basta kayo ha, kung anuman ‘yang pinaguusapan n’yong dalawa, sana magtulungan kayong huwag nang dumagdag sa problema. Peace and love lang, ganun!” “Wala pong problema, Yaya,” mabilis kong sabi. “Okay na po kami.” Ngumiti si Yaya, parang kuntento na sa sagot ko, tapos lumabas muna sa kusina para maglinis sa labas. Nang kami na lang ulit ang naiwan sa mesa, sandali kaming natahimik ni Ninong Sebastian. Pareho kaming kumakain, pero ramdam ko ‘yung kakaibang lambing sa katahimikan. “Salamat, Alina,” bigla niyang sabi. “Sa ano po?” tanong ko, naguguluhan. “Sa hindi paglayo sa akin,” sagot niya. “Alam kong pwede mo kong iwasan at siguro mas madal
(Alina’s POV)“Hindi ako makali kapag naiisip kong umiwas sa’yo. Pero mas lalo akong hindi mapalagay kapag naiisip kong masisira ang buhay mo dahil sa akin,” dagdag niya, halos pabulong.“Sebastian…” tawag ko, at hindi ko alam kung dapat ko ba siyang papasukin sa buhay ko o itulak palayo.Tumingin siya sa akin, tapos mahinang natawa. “Nakakatawa no? Ako pa ‘tong laging may sagot sa lahat dahil matanda na ako, pero pagdating sa’yo, parang wala akong alam.”Napangiti rin ako kahit papaano. “Hindi mo kailangang sagutin lahat. Minsan sapat na ‘yung alam mo ang tunay na nararamdaman mo.”Tumahimik siya, tapos marahan niyang sinabi, “Kung sabihin kong gusto kitang protektahan, hindi bilang Ninong Sebastian mo, kundi bilang lalaki, masasabi mo bang mali ako?”Napatigil ako. Walang salitang lumabas sa bibig ko.Ang tanging nagawa ko lang ay huminga nang malalim at tumingin sa kanya. Ang mga mata niya, puno ng lungkot pero puno rin ng katotohanan.“Hindi kita masasagot ngayon,” sabi ko, halos
(Alina’s POV)Alas tres ng hapon, dumating si Ms. Regina, ang private tutor ko, dala ang ilang makakapal na libro at laptop. Kagaya ng dati, maayos siyang manamit, naka-blazer, pencil skirt at salamin. Tahimik ko siyang binati habang inaayos niya ang mga gamit sa study table ko. “Kamusta ka, Alina?” tanong niya, nakangiti pero halatang may pag-aalala sa boses niya. “Narinig kong may nangyari rito kanina. Okay ka lang ba? Hindi ka ba niya sinaktan?” Napayuko ako. “Wala po ‘yun, Ms. Regina. May bisita lang si Ninong kanina at medyo nagkaroon sila ng problema.” Tumango siya at hindi na nagtanong pa. Alam kong marunong si Ms. Regina makaramdam kung kailan dapat tumahimik tungkol sa mga bagay-bagay. Kaya sinimulan na namin ang lesson tungkol sa literature analysis, pero kahit anong pilit kong mag-concentrate, parang lumilipad ang isip ko. Habang binabasa ko ang isang tula ni Jose Garcia Villa, bigla kong naisip si Ninong Sebastian, ang bawat linya ng tula tungkol sa pag-ibig na hindi d







