Teilen

Ninong Senator's Contract Marriage
Ninong Senator's Contract Marriage
Dwendina

Chapter 1 [Pagkikita]

last update Zuletzt aktualisiert: 30.03.2025 13:02:02

“BRO, HOW ARE YOU?”

Napalingon si Sen. Javier sa pinagmulan ng boses. Lumapit ang dalawa niyang barkadang sina Benny at Michael. Javier gave them a toast. Ang dalawang ito lang ang malalapit niyang kaibigan since college days.

“Guess about the rumors we heard?!”

Napabuntong-hininga siya.

“Yeah, iyan rin ang panunukso sa ’kin ng ka-batchmates ko nitong reunion namin,” malamig niyang sagot.

“So, ano ang balak mo sa issue’ng iyan?” concerned na tanong ni Benny.

Natahimik siya at napasandal na lamang.

“Alright, we have a dare. Make sure na gagawin mo ito. Just to shut the rumors.”

He smirked. Ano na naman kayang kalokohan ang pumasok sa isipan ng mga ito?

“Hanap ka ng babaeng fit sa panlasa mo ngayong gabi rito sa party. Ano game?”

Napailing siya. Hindi niya type ang mga babaeng mayayaman. Ang totoo, simula nang mawala sa buhay niya ang kaniyang highschool sweetheart ay nawalan na siya ng ganang umibig pang muli. Maraming babaeng nagtangkang lumapit at lumandi sa kaniya subalit siya na mismo ang kusang lumalayo. Wala siyang panahon sa mga ito.

But deep inside, napaisip siya. What if subukan niya? Paano kung magpatuloy ang panunukso at pagtsismis sa kaniyang bakla siya? Baka sa susunod na taon na mag-declare uli ng reunion, siya na naman ang pag-usapan ng lahat? Panira talaga sa imahe ang issue’ng iyon.

“Ano, game? That's the only thing you can do for now. Isipin mo ang edad mong 42. Kahit na sino mapapaisip na gay ka dahil hanggang ngayon wala ka pa ring asawa at anak,” wika naman ni Michael.

Tiningnan niya ito nang masama. Paulit-ulit na lamang niyang naririnig ang mga katagang iyon. Sabagay, wala namang masama kung susubukan niya ang suhestiyon ng mga kaibigan. Baka nga makatulong pa iyon.

Isa pa, for now lang naman hangga't mainit pa ang issue tungkol sa kaniya. Pwede naman siyang makipaghiwalay pagdating ng araw kapag lumamig-lamig na ang issue. Makakasira kasi ang tsismis na iyon sa image niya bilang senador ng bansa lalo pa't election na sa susunod na taon.

Nilibot niya ng tingin ang paligid.

“Yown!” Nag-apiran ang dalawa.

Huminga siya nang malalim.

“So ganito, kung sino man ang unang babaeng tumingin sa ‘yo ngayon rito sa party ay liligawan mo’t pakakasalan. Dare?”

“Kasal agad?” kunut-noo niyang protesta.

“Siyempre, para tigilan ka nila kaagad,” mahinahong wika ni Benny.

He sighed and cleared his throat. Tumango siya bilang tugon. Ngumiti naman ang mga ito.

*****

ISANG MALAPAD na red carpet ang bumungad kay Francesca nang pasukin niya ang entrance ng isang luxurious hotel. Ginaganap ng mga oras na iyon ang isang social event. Pinasadahan niya ng tingin ang malawak na bulwagan. Gaya ng nakasanayan, taun-taon ginaganap ang event na iyon para sa ugnayan ng mga mayayamang businessman sa industriya at mga kilalang bigating pulitiko. Pumunta siya roon para sa presensya ng kaniyang lolo na dating Presidente ng bansa at sa amang nasa States sa ngayon.

Napatingin siya sa gawi ng fiancé niyang si Lucas na nakangiti habang kinakamayan ang ilang mga bisitang naroon. Natuon ang paningin niya sa pamilyar na babaeng katabi nito na animo'y linta kung makadikit. Habang hawak-hawak naman nito sa braso ang fiancé niya. Tila kumulong bigla ang kaniyang dugo sa kaniyang nakita. Kasabay niyon ay ang pagdaan naman ng waiter sa gilid niya.

‘Cheater..’

Mabilis niyang dinampot sa tray ang wine glass na may lamang alak. Nilagok niya ang kalahati niyon at walang anu-anong naglakad siya palapit sa mga ito. Nang makalapit ay lakas-loob niyang binuhusan ng wine ang dress ng babae. Nanlaki ang mga mata ni Selina sa ginawa niya. She crossed her arms habang sarkastiko niya itong nginitian. Matalim naman ang naging tingin sa kaniya ni Lucas.

“Francesca, don't make a scene here,” mariin ngunit pabulong nitong wika.

Nasaktan siya ng hawakan siya nang mahigpit ni Lucas sa braso dahilan para maagaw ang atensyon ng ibang panauhin roon.

“Babe, bitiwan mo ‘ko nasasaktan ako. Ano ba?!”

“Talaga bang gusto mong gumawa ng eskandalo rito?” Nanlilisik ang mga mata nito.

“Bakit? Nahihiya ka ba na malaman ng lahat kung gaano ka katraydor at manloloko? Kay Selina pa talaga!”

Hindi niya napaghandaan ang ginawang pagtulak sa kaniya ni Selina dahilan para matumba siya at mapaupo sa sahig. Napangiwi siya sabay ng pagkuyom ng kamao. Tinitigan niya ito nang masama. Ngumisi lamang ito.

“Oh, Ms. Barcelona. Hindi ko inaasahan na ganyan ka ka-confident. Well, I thought you two had broken up already.” Lumapit sa kaniya si Selina na nakangiti.

Hindi niya inalis ang masamang tingin rito. Pakiramdam niya ay siya tuloy ang nagmumukhang talunan sa harap ng mga ito. Pinilit niyang tumayo ngunit nabali ang heels ng sandals niya.

“I've told you, na huwag kang mag-eskandalo,” ani Lucas.

“Look at you, don't you see yourself? A big, fat woman. Nagtataka nga ako kung paano ka naging fiancée ni Lucas. Sa pangit at taba mong iyan, I don't know if there's someone na magkakagusto sa ‘yo. Nakakadiri ka.” Naglakad si Selina at kumuha ng wine at dahan-dahan siyang binuhusan sa damit.

Napatingin siya sa paligid. Narinig niya ang ilang tawanan at mapanghusgang tingin ng ilang mga guest sa party. Nangingilid na ang luha niya sa kahihiyan nang dumako ang paningin niya sa papalapit na gwapo at matipunong lalaki.

‘Senator..’

Lumakas ang kabog sa dibdib niya nang mga sandaling iyon.

“Are you okay, honey?” tanong nito sa malambing na boses.

‘Ano raw? Honey?’

Teka, paano siya nito naging honey?

‘Lakas yata ng tama nito..’ Lihim siyang napangiti.

Napalitan ng kung anong kilig ang kanina’y kahihiyan.

“Hmm,” tugon niya.

Nagulat siya nang buhatin siya nito. Papalag pa sana siya nang maamoy ang pabango nitong tila nakakaadik. Humarap at tumingin ito nang masama sa dalawa.

“Ahm, Sen. Javier.. Let me explain,” natatarantang saad ni Selina.

“Don't you dare touch my woman! One more finger, and you will regret,” husky ang boses na wika ng senator.

Parehong natigilan ang dalawa nang muli itong magsalita.

“Everyone, I wanted to reveal my secret long time girlfriend and now my fiancée. Whoever tries to lay a finger on her will cost a life,” diniinan pa nito ang huling katagang binanggit. Pagkuwa'y tumalikod na ito at naglakad palayo habang buhat-buhat siya.

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Kommentare (1)
goodnovel comment avatar
Ligaya Tapoc
nice one......️
ALLE KOMMENTARE ANZEIGEN

Aktuellstes Kapitel

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 161 [Uncle Rod]

    “Good morning, sir..” bati sa kaniya ni Laviña nang makipag-shake hands.“Good morning,” tugon naman niya nang maupo. “How's the company?”“Improving. Sa katunayan, mas lumakas ngayon ang hatak ng sales sa mga urban areas lalo na sa Georgia.”Tiningnan niya ang datos.“Good..” Tumango siya. “Ikalat mo pa sa ilang mga bayan at lungsod. At kapag tumaas pang muli ang sales, i-try mo hanggang sa kabilang kontinente.”“Yes, sir.”“Here's the files. Hindi na ako magtatagal dahil marami pa akong gagawin at makaka-meeting na new client.” Tumayo na siya. Matapos marinig ang huling tugon ni Laviña, kaagad na siyang lumabas ng resto.Niluwagan niya ang necktie. Nang matulin nang pinaandar ng kaniyang driver ang sasakyan, napatingin siya sa cellphone nang matanggap ang footage na kaniyang hinihingi. Napakunot ang kaniyang noo. Pamilyar sa kaniya ang kilos ng lalaki kahit pa naka-disguise ito. Napaisip siya nang malalim.‘Si Uncle Rod, pero.. ano ang kailangan niya? Bakit hindi siya pumasok?’ A

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 160 [Malalim na Isipin]

    Malalim na ang gabi, hindi pa rin dinadalaw ng antok si Javier. Nasa balkonahe siya at malalim ang iniisip habang si Francesca ay mahimbing nang natutulog. Napakahaba ng araw para sa kaniya. Ang daming mga nangyari. Napabuntong-hininga siya. Nakatayo siya habang nakatanaw sa syudad. Nakagagaan ng pakiramdam ang tanawin sa gabi dahil sa mga city lights. Muli siyang uminom ng alak. Pampatulog sa gabi. Napasandal siya at napasinghap. Laman pa rin ng kaniyang isipan sina Lucas at Dionisio. Paano na lang kung magkasabwat ang dalawa? Napag-alaman pa naman niyang peke ang nakasaad sa article ng newspaper na nabasa ni Francesca nung isang araw. Ginawa lamang ito ni Dionisio para matakasan ang mga nakapatong na kaso sa ulo. He smirked. ‘Kahit pa anong gawin mong pandaraya, Dionisio. Hindi mo ako maloloko..” Umigting ang kaniyang panga. ‘Balang-araw, mahuhulog ka rin sa mga palad ko, gaya nang nangyari kay Selina..’ Kuyom ang kamaong saad niya. Sa ngayon, nakakulong si Lucas pero alam niy

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 159 [Sa Park]

    Sa loob nang mga panahong wala na siyang kinikilalang kaibigan at kapatid. Kay Alona niya naramdamang muli ang isang bagay na ipinagpapasalamat niya na tanging siya lang ang nakakaalam. Gayunpaman, maraming bagay ang iniwan nito sa kaniya na hindi mapapalitan ng anumang ginto. Makalipas pa ang mga araw, muling bumalik sa dati ang kaniyang buhay. Tahimik at focus sa asawa’t anak. Ang mga ito ang natatangi niyang yaman. Isang araw, habang nasa park at pinagmamasdan ang kaniyang anak na naglalaro. Tahimik siyang nakangiti habang nakaupo sa bench. Si Delta, ang kalaro ng kaniyang anak na nagbabantay rito habang siya ay nakatingin lamang sa mga ito. Nakaramdam siyang bigla ng kaba, nang may kung anong bagay ang tumusok sa kanyang tagiliran.“Huwag kang sumigaw kung ayaw mong mabutas ang tagiliran mo..” malalim at mabagsik na bulong ng lalaking naupo sa kaniyang tabi. Hindi siya nakakibo. Kumakabog nang malakas ang kaniyang dibdib. Iniisip kung si Dionisio nga ba ang nakasumbrero at na

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 158 [Isang Kaibigan]

    Kinaumagahan ay nagising siyang wala na si Javier sa kaniyang tabi. Napakunot-noo siya. Tanging gusot na lamang ng bed sheet ang naging bakas. Naisip niyang baka nagkakape lang sa baba. Tumayo siya at pumasok ng banyo. Nag-ayos ng sarili at naglinis. Pagbaba niya ay narinig niya ang mga ito na masayang nagkukwentuhan. Kumpleto ang mga ito sa hapagkainan. Naroon na rin maging ang anak niyang si Lewis.“Good morning, hija.. anak.” nakangiting bati sa kaniya ng ina. Ngumiti siya. Gumaya na rin ang kaniyang anak na bumati sa kaniya. Inaya pa siya ni Lewis na mag-breakfast sabay ng mga ito. Ngumiti siya sa anak at tumugon. Natuon ang paningin niya sa isang babaeng mestisa na kasabayan ng mga ito sa mesa. Nakatingin rin ito sa kaniya. Ang mga mata nito ay kulay bughaw. Magandang tingnan. Subalit, napakunot ang kaniyang noo. Ang babaeng ito, ang modeling kausap ni Javier kagabi.“Good morning, kumain ka na, honey..” Napatingin siya sa platong inayos ni Javier na sinandukan pa nito ng p

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 157 [Pagdududa]

    “Nabalitaan mo na ba ang tungkol kay Dionisio?” Hindi umimik si Javier. Inabot niya rito ang newspaper. Tinapunan lamang nito ng tingin ang diyaryo, ni walang komento.“Alam mo na ba ang tungkol dito?” muling tanong ni Francesca. Sumandal lamang si Javier at malalim na napahinga. Ilang sandali bago ito nagsalita.“I don't know.. I'm not sure about that..”“Bakit?” Napaupo siya sa harap nito. Kasalukuyang nasa opisina sila ni Javier nang mga oras na iyon. “Mukha kasing hindi siya ang taong iyon. Isa yatang impostor..” Nanlaki ang kaniyang mata. “Nakita mo ba? Paano mo naman nasabi?” Napasinghap ito. “Sasabihin ko sa ‘yo, once mapatunayan natin na siya nga iyon. Huwag ka munang pakampante..” Hindi siya kumibo. Nagsimula na sanang gumaan ang pakiramdam niya dahil akala niya totoo ang balitang kaniyang nabasa. “Kung gayon, ang tungkol kay Selina.. hindi rin iyon totoo?” maang niyang tanong.Umiling si Javier. “No, ‘yung kay Selina.. totoo ‘yun.” Napatingin siya sa asawa.“Napat

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 156 [Pagbisita]

    Tumingala siya sa kabuuan ng mansion mula sa labas ng gate. Distansya mula roon ang entrance ng bahay. “Ma'am, sino po sila?” bungad sa kaniya ng guwardiya. “Ano po ang kailangan ninyo?” Napatingin siya rito nang mapansin siya ng isa sa mga nagbabantay ng gate. “Uy, ano ka ba si Miss Francesca iyan, anak ni boss..” untag ng isang guard na nakakikilala sa kaniya sa kasamahan nito na tila baguhan pa lamang. Si Manong Benjo, ang halos sampung taon nang naninilbihan bilang guard sa pamilya na kinalakhan niya. Naroon pa rin ito at loyal na nagtatrabaho. “Ah, ganun ba? Pasensya na po. Pasok po kayo Ma'am..” napapakamot pang saad ng bagitong guard. “Salamat..” Itinago ni Francesca ang kaniyang kaba nang binagtas ang daan patungo sa entrance ng main door ng malaking bahay. Nagbabakasakaling naroroon pa si Manang Lena. Hinawi niya ang mga nakabitin na dahon mula sa may katamtamang taas ng puno ng halamang namumulaklak. Nilingon niya ang paligid at sinilip ang loob. Lakas loob siya

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status