Share

Chapter 2 [Pagtatanggol]

Author: Dwendina
last update Last Updated: 2025-03-30 13:04:21

HINDI NIYA MAIPALIWANAG ang kaligayahan na kaniyang nararamdaman nang mga sandaling iyon.

‘Sana totoo na lang ang lahat ng ito..’ Lihim siyang napangiti.

Parang may kung anong tumutukso sa kaniyang yakapin ang senador. Mas pinili na lamang niyang maging behave sa mga bisig nito. Napapapikit siya habang ninamnam ang mabangong amoy na dala nito. Minsan lang siyang maka-experience na tratuhin nang ganoon ng isang lalaki. Pero ang tanong totoo nga ba itong lalaki?

Well, kahit nga si Lucas ay hindi nito nagawa ang katulad ng ginagawa ng senador ngayon. Hindi niya naiwasang maikumpara ito kay Sen. Javier. Hindi katulad nitong senador, guwapo na mabait pa. Nai-imagine niya tuloy ang sarili niya na para siyang nasa loob ng isang fairytale na libro.

‘Isang napakagwapong prinsepe na na-in love sa isang matabang prinsesa..’

Napakurap siya nang bigla siya nitong ibaba.

‘Hindi ako nakapaghanda ‘ron ah,’ pairap niyang bulong sa sarili.

Napatingin siya sa paligid. Nasa corner sila malayo sa mga bisita sa party. Inayos ng senador ang nagusot nitong suit. Hindi maiwasan ni Francesca ang mapasulyap nang pasimple sa mukha ng poging senator.

Napakagat-labi pa siya nang magtamang muli ang paningin nila ng hot at gwapong senador ng bansa na si Sen. Javier Ricardo Carpio. Ang hinahangaan at pinapangarap ng lahat ng kababaihan.

‘Tama nga ang usap-usapan na napakagwapo at napakalakas ng karisma ni senator.’ May kung anong bumugsong damdamin sa puso't isipan niya. ‘Sa kabila ng edad niya, hindi halata sa kaniyang nasa 40's na siya. Kahit pa nga siguro’ng mas bata pa sa ‘kin ay malalaglag panty kapag tinitigan ng Greek god na ito... Hays, sayang lang at may nakapagsabing bakla siya.’ Nadismaya naman siya sa huli.

Pinilit niyang makipagtitigan sa senador. Kahit pa alam niyang natutunaw na siya sa titig nitong animo'y hinuhubaran siya.

“Ano yung sinasabi mo kanina?” kunwaring tanong niya upang hindi siya mahalata.

Kailangan niyang lakasan ang loob lalo pa't kaharap niya ngayon ang heartthrob ng senado. Walang emosyon ang mukha na lumapit ito hanggang sa mapasandal siya sa wall. Unti-unting bumibilis ang pintig ng puso niya nang mga oras na iyon.

“I am Senator Javier Ricardo Carpio and you are?” Napatingin siya sa nakalahad nitong kamay.

Kinabahan siya. Akala niya ay hahalikan siya nito.

‘Assuming..’

Oo nga pala't hindi pa siya nagpapakilala. Nagdadalawang-isip siya kung kakamayan ba ang senador o hindi.

“Francesca Alexandra Barcelona, granddaughter of the Ex-President Gregorio Barcelona,” tugon niya nang tanggapin ang pakikipagkamay nito.

Napapikit siya nang parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan niya mula sa kaniyang palad.

“I wanted to offer you a contract. It's a marriage between you and me.”

‘Ano raw?’

Biglang nagpanting ang tenga niya sa narinig. May kung anong bumara sa kaniyang lalamunan.

“Are you proposing me? Where's the ring?”

Nagsalubong ang kilay nito sa sunud-sunod niyang tanong.

“Sabihin mo nga, naglolokohan ba tayo rito?”

Hindi ito sumagot at tinitigan lamang siya.

“Sige sabihin mo sa ’kin, yung kaninang inangkin mo ‘kong fiancée mo sa harap ng maraming tao. Tapos ngayon kasal naman? Are we playing a game here? Or sadyang nahulog ka na sa ‘kin?”

Muling nagsalubong ang mga kilay nito.

‘Wala ng hiya-hiya ito.. Pakapalan na ng mukha.’

“In return of what I did a while ago, papayag ka sa gusto kong mangyari,” maawtoridad nitong saad. “Isipin mo ang pagpapahiya sa ‘yo kanina, how could you repay me?”

“Ah, e–” hindi niya alam kung saan hahagilap ng maisasagot.

Nanlaki ang mata niya sa ginawa nitong paglapit nang husto. Halos isang dangkal na lang ang layo sa pagitan ng kanilang mga mukha.

“I don't accept no for an answer,” mariin nitong saad.

Napataas ang kilay niya. Sino ba ito para utusan siya? Isa pa, hindi naman siya ang unang lumapit at humingi ng tulong rito. Bigla lang naman itong dumating ng walang pasabi. Well, deep inside nagpapasalamat pa rin naman siya pero–.

“Alright, let me tell you this. You heard the rumors about me, didn’t you?” Bahagya itong umatras.

Naalala niya ang narinig niyang tsismis tungkol sa senator.

“So, totoo iyon?”

“Be my wife, don't worry it's just a contract marriage. No kisses, no hugs and even no sex involved.” Napalunok siya sa sinabi nito.

‘Aba totoo nga’ng bakla siya? Gagamitin niya pa ako para pagtakpan ang sarili niya? Kung sabihin na lang kaya niya ang totoo? Hindi ‘yung itatago pa.’

“Maliban roon, I will give you money as payment and a treatment as what a wife deserved,” baritonong saad nito.

“Hindi ako pumapayag. Ano ito, ‘yung artistang mag-asawa tapos in the end na-reveal na bading ang husband niya?”

Tumalim ang tingin ni Sen. Javier sa kaniya na parang nangangain nang buo.

“Pati ba naman ikaw, pinag-iisipan mo ako ng ganyan?”

Napalunok siya.

‘Ano ba dapat kong isipin?’

“Mali ba ‘ko sa sinabi ko?”

Nakita niya ang pagpipigil nito.

“Gusto mong gumanti sa ex-fiancé mo hindi ba?”

Napaisip siya.

“S-sige,” agad niyang pagsang-ayon.

May punto si Sen. Javier. Naisip niya ang ex-fiancé niyang si Lucas. Kung tutuusin magagamit rin naman niya talaga ang senador. Ipamumukha niya sa Lucas na iyon na hindi ito kawalan sa buhay niya.

Maliban roon, maipapakita niya rin na kamahal-mahal din siya sa kabila ng appearance niya. Nakita niya kung paano lumiwanag ang mukha ng senator sa sagot niya.

“Tomorrow morning, ipahahatid ko sa bahay mo ang contract. After you signed it, prepare to leave dahil kukunin ka ng driver.” Tatalikod na sana ito nang–.

“T-teka..”

Muli itong lumingon sa kaniya.

“Ahm, patulong naman oh,” malumanay na wika niya.

Tumingin ito sa paa niya. Lumapit ito at muli siyang binuhat hanggang sa parking area. Nagpatuloy ang kakaibang kilig na iyon. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa mawala na ang senador sa paningin niya. Siguro ay uuwi na lamang siya. Kahihiyan lang ang inabot niya sa party’ng iyon.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Papasok na siya ng kotse nang may kung sinong lalaking humatak sa braso niya. Nagulat na lamang siya nang makilala ito.

‘Lucas..’

“Bubuyog nga naman, sinuswerte minsan. Lakas din ng kamandag mo ano, pati ba naman si Sen. Javier? Mahiya ka naman sa hitsura mo.” Duro sa kaniya ni Selina.

“Talaga bang wala ka ng kahihiyan? Pati ba naman bakla pinapatulan mo na ngayon?” ani Lucas habang hindi pa rin siya binibitawan.

Nanlaki ang mga mata nila nang biglang makatikim ng malutong na suntok si Lucas.

‘Sen. Javier..’

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 85 [Baon na Ngiti]

    “Mom, make sure you’ll come back tomorrow.”“Of course, sweetie, I will.” Hindi siya nakakibo agad nang i-smack siya nito sa pisngi. Nakaramdam siya ng isang feeling which is familiar.“Thank you, mom. Good night, I love you..”“I love you too..” Pumasok na ito sa loob. Sumunod naman rito si Delta.“I’ll drive you.”“Huwag na, malapit lang naman ang bahay. Hindi na kailangan,” tanggi niya rito. Nagsalubong ang kilay ng senador.“Padilim na, baka may mangyari pang masama sa iyo sa daan. Ihahatid kita, sa ayaw at sa gusto mo,” he insisted. Kinagat niya ang ibabang parte ng labi. Wala siyang nagawa kundi ang mapapayag.Tanaw ni Francesca mula sa sasakyan ang maliit na bahay ng mag-asawang kumupkop sa kaniya. Bukas na ang ilaw sa labas. Naroon ang mga ito sa maliit na terrace at tila ba nag-uusap.“Gusto mong pumasok? Para naman makilala mo sina Nanay Loling at Tatay Fredo,” saad niya nang tanggalin ang seatbelt.“Sure, para na rin makapagpasalamat ako sa kanilang kabutihan.”Inalalay

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 84 [Pagpayag]

    “Mommy..” Patakbong yumakap kay Francesca ang batang si Lewis. Nakita niya kung gaano ito kasaya nang muli siya nitong makita. Pati si Delta na yaya nito ay natuwa rin at nakangiting lumapit sa kaniya.“Ms. Francesca, buti ho at bumalik na kayo. Naku, antagal n'yo pong nawala,” nae-excite pa nitong saad.“Ah,” napangiti naman siya rito kahit pa hindi niya maalala kung sino ba talaga ito. Napasulyap siya sa nakangiting si Javier. Habang si Danica naman ay tila ba hindi masaya sa presensya niya. Hindi na lamang niya ito pinansin. Naupo na lamang siyang humarap sa anak niyang si Lewis.“Kamusta ka na?”“English-sin mo, Francesca hindi siya nakakaintindi ng tagalog,” kaagad namang sabi ni Danica. Nagkatinginan sila ni Javier. Hindi na lamang siya kumibo.“I felt really good mom, mula nang makita kitang muli,” sagot nito na nakapagpangiti naman sa kaniya at pagkatapos ay bumaling kay Danica. “Don't worry tita, look, I can now speak filipino. Tinuruan ako ni yaya,” dagdag pa nito sa may

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 83 [Halinghing]

    “Oh..!” bulalas niya nang tuluyang ibaon ng senador sa looban niya ang katigasan nito. Napayakap na lamang siya sa macho nitong pangangatawan habang itinatama sa kailaliman niya ang dulo ng alaga nito. Feel na feel niya ang kabuuan ng senador. Masarap sa pakiramdam. Iyong tipong para siyang minamasahe sa bawat labas-masok na ginagawa nito. Narinig niya ang mabilis na kabog ng dibdib ng senador. Muli siya nitong hinagkan at pagkatapos ay nagpatuloy sa pagbayo. Pabilis nang pabilis at palakas nang palakas. Naririnig niya na ang paghabol nito ng hininga.“Honey, Francesca.. Ito ang na-miss ko sa ‘yo nang sobra,” usal nito habang umiindayog nang todo. Siya naman ay para na ring nababaliw sa sarap na dulot ng kahabaan ng alaga nito. Na tila ba tumatama sa kung saang parte ng loob ng kaniyang pagkababae. Napapaangat na ang pwet niya, nawawalan ng kontrol. Minsan pa ay hinahatak ng senador nang todo ang balakang niya. Idinidiin pang lalo.“Senator.. Oh, hmm..” Naririnig na niya ang saril

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 82 [Reyalidad]

    Mariin siyang napapikit. Ano ba itong nangyayari sa kaniya? Hindi na niya maintindihan ang kaniyang sarili. Para siyang nahirapang lumunok nang makita niya kung paano tumitig ang senador sa kaniyang mga labi. Sa titig pa lang ay para na siya nitong tinitikman sa pamamagitan ng halik.Ang mapanukso nitong mga tingin ay hindi nakaligtas sa kaniya. Magkakatotoo kaya ang mga imahinasyon niya kanina? Nagulat na lamang si Francesca nang hapitin siya nito sa bewang at hinatak patungo sa kung saan. Naramdaman na lamang niyang naupo na siya. Ang mga titig ay hindi binitawan. Ang malalim at mapang-akit nitong mga mata na patuloy na nangungusap ay hindi na napalis pa. Tuluyan na siyang napapikit nang lumapat na ang mga labi nito sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit hindi siya tumututol at para bang gustung-gusto pa ng kaniyang katawan kung ano ang ginagawa nito. Isang kakaibang kiliti at pagkasabik ang bumalot sa buo niyang pagkatao. Akala niya'y hanggang imahinasyon lang siya ngunit bakit

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 81 [Imahinasyon]

    Kinaumagahan, muling pumasok si Francesca sa trabaho. Pinag-isipan niya nang maigi kagabi ang pagpapasya. Nang nag-aayos na siya ng ilang mga upuan sa bar at naglilinis sa paikot na mesa ng counter ay biglang lumapit sa kaniya ang boss nila na si Sen. Javier. Naupo ito roon at humarap sa kaniya. Unti-unting lumakas ang pintig ng puso niya habang tinititigan siya nito. Seryoso ngunit may halong pagnanasa.“Give me champagne and bring it to the office, right away.” Pagkawika niyo'y agad itong tumayo at naglakad patungo sa office building nito. Naiwan siyang tulala at kabado. Masyado naman yatang maaga para mag-inom ang senador? Huminga na lamang siya nang malalim at ikinalma ang sarili. Sabagay, ang mga lalaki nga naman kapag inom na ang pinag-usapan walang pinipiling oras. She shook her head. Hindi iyon nakaligtas sa head nilang si Josie. Nakita niya kaagad sa sulok ng kaniyang mata ang naging reaksyon nito. Lumapit ito kaagad sa kaniya at hinampas siya sa braso.“Uy, beh.. Iba na ‘

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 80 [Bigat ng Loob]

    “Halika, maupo ka anak. Kamusta? Napagod ka ba sa trabaho mo?” Iginiya siya ng kaniyang ina na maupo sa mahabang upuan na gawa sa kahoy. “Aba, may trabaho bang hindi nakakapagod, Loling? Ikaw talaga, oo.” Sabat naman ng kaniyang kinikilalang ama na si Fredo habang inaayos nito ang lambat sa terrace ng kanilang bahay. “Tumigil ka, Fredo. Mamaya ka sa ‘kin, hindi ka talaga makakatikim ng niluto kong sinigang na bangus.” Tipid siyang napangiti. Ganoon na talaga ang mga ito, sanay na siya sa batuhan ng mga biro. Masayahin sina Nanay Loling at Tatay Fredo. Maswerte nga siya dahil may mga magulang siyang mapagmahal at maalaga, ngunit magulang nga ba niya talaga ang mga ito? Iyon ang tanong na ngayon ay gumugulo sa kaniyang isipan. “Tahimik ka yata anak. May problema ba?” Baling sa kaniya ni Nanay Loling. “Ay, baka kailangan mo uli ng hilot. Baka masakit na naman iyang balikat at likod mo. Tamang-tama, kagagawa ko lang ng langis kanina. Maganda iyon sa katawan, nakakatanggal ng pananaki

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status