Ibinalita niya rin sa mga magulang niya ang nalalapit nilang kasal ni Javier sa Pinas. Pag-uwi nila galing doon, matutupad na ang lahat ng kanilang pinapangarap. Natuwa naman ang mga ito sa magandang balita. Alam ng kaniyang ama kung gaano kalakas si Javier sa mamamayan, sa negosyo at sa lahat ng bagay. Kilala ito ng ama simula pa noong kabataan nito. Marami na itong naging karanasan. Ayon pa rito, hinding-hindi raw siya magsisisi na si Javier ang lalaking napili niyang pakasalan dahil mabait itong tao at may paninindigan. Natuwa nang husto ang kaniyang ama sapagkat sinabi nitong hindi man nakatuluyan ni Javier ang ate niyang si Arianna noon. Ngayon na matutupad ang pangarap nitong maging isang tunay na son-in-law ang magaling at kilalang senador ng bansang Pilipinas. Nalulugod ang kaniyang damdamin nang malamang tanggap at pabor na pabor ang mga ito sa pagpili niya kay Javier. Subalit, may kung anong masamang hangin ang humaplos sa kaniyang puso. Nang maalala na walang kaide-ideya
Malambing na yumakap sa kaniya si Javier mula sa likuran. Kasalukuyan siyang naliligo sa pool nang mga oras na iyon. Marahan siyang napapikit nang maramdaman ang pagdikit ng namumukol nitong bahagi sa kaniyang maumbok na butt. Na tila ba gustong kumawala mula sa kinalalagyan nitong boxer shorts. Nanlakbay sa nerves niya patungo sa kaibuturan niya ang kiliting namuo mula sa paghalik-halik nito sa kaniyang leeg. Napakagat-labi na lamang siya hanggang sa hindi na niya makayanan ang sensasyong dulot niyon at kaagad na umiwas na lamang. Bahagya siyang umabante. “Nakikiliti ako at nananayo ‘yung balahibo ko sa ‘yo..” saway niya rito kasabay nang paglunok. Hindi pa rin humaharap, nakahawak pa rin sa nakapulupot nitong braso. Bahagya lamang itong ngumiti. “Honey, saan mo gustong ikasal, sa beach, hotel or sa simbahan?” malambing nitong tanong. Napangiti siya sa naging tanong ng senador. Iniisip rin pala nito ang magiging kasal nila.“Gusto ko sa simbahan, para feeling ko blessed na bless
Bumugso ang matindi niyang galit nang masilayan ang pagmumukha ni Danica. Kaya't heto at tadtad ng sampal ang pagmumukha ng babaeng traydor.“Para ito sa walang kamuwang-muwang kong anak sa sinapupunan ko na tinanggalan mo ng karapatang mabuhay! Wala kang kwentang babae ka, demonyo ka!” Wala siyang pakialam kahit gulung-gulo na ang buhok nito at namumula na ang buong mukha o ‘di kaya’y magkapasa-pasa pa ito. Maipaghiganti niya lamang ang sarili at ang magiging anak niya sana na nawala pa. Sila lamang dalawa sa loob nang mga sandaling iyon. Namumula na ang mukha nito habang taas noo pang nakatitig sa kaniya nang bitawan niya ito. Hawak-hawak ang pisngi nito nang duruin niya.“Wala ka talagang kaluluwa, ano? Noon, akala ko isa kang tunay na kaibigan. ‘Yun pala maitim ang budhi mo! Sana mangyari rin sa ‘yo ang ginawa mo sa ‘kin, at nang maranasan mo rin ang naranasan kong hirap!” Mas lalong kumulo ang dugo niya nang tawanan lang siya nito. Pinapakita lamang nito na hindi ito nagsisisi
Bakit tila ambigat yata ng kaniyang pakiramdam nang magising? Masakit rin ang kaniyang buong katawan. Lihim siyang napangiti nang maalala ang mga pinaggagawa nila kagabi ni Javier. Kasabay niyon ay ang pagtakip ng kaniyang bibig. Napahikab pa siya nang lingunin ang bintana. Sinipat niya ang orasan sa side table. Alas nuwebe na pala ng umaga. Tanghali na nang siya'y bumangon sa kama. She inhaled deeply. Tumayo siya at iniunat pa ang mga braso at binti.‘Another day, another blessing..’ bulong niya pa nang pumasok sa banyo. Hindi niya napansin na naroon rin pala sa loob si Javier. Gulung-gulo pa ang kaniyang buhok nang humarap sa salamin at nang isubo ang sipilyo. Namilog ang kaniyang mata nang biglang dumungaw sa kaniya ang senador. Ngumiti lamang ito sa kaniya nang lumabas mula sa shower. Iniwas na lamang niya ang tingin upang hindi na maakit pa sa katawan nito at sa malaking alagang nakatambad sa kaniya. Kaagad naman siyang naghilamos ng mukha.“Good morning, how's your sleep?”
Maging si Javier ay hindi na nakayanan ang mga nangyayari. Lumapit na rin ito sa dalawa. Si Ariella naman ay tumawag na rin sa awtoridad upang matigil na ang panggugulong hatid ni Marife roon. Malaking pagkakamali ang ginawa nito, lalo pa’t Christmas eve. Napabuntong hininga na lamang siya sa mga nasaksihan. Nilapitan siya ng kaniyang ina at niyakap. Pinaunawa nito sa kaniya ang kasalukuyang nangyayari. Tinulungan siya nitong pagaanin ang kaniyang loob at huwag matakot sa nangyayaring gulo sa ngayon. Dumating na ang mga awtoridad at dinala si Marife. Nagpaalam naman ang kaniyang ama upang sumunod doon para ayusin ang problema. Sumang-ayon naman siya, at sa isang iglap ay muling tumahimik ang bahay. Nag-usap-usap na lamang sila sa lanai. Buti na lamang at hindi nagtagal ang panggugulong ginawa ni Marife roon dahil kung hindi, nagising na sa wala sa oras ang mga bata. Nang mapag-isa ay napaisip si Francesca. Pakiramdam niya ay hindi na siya tinatantanan ng gulo. Para bang kakambal n
Hindi inaasahan ni Francesca ang pagdating ng kaniyang ina nang gabing iyon sa mansion. Naroroon rin sina Ariella, anak nitong si Liam at ang fil-am na asawa nitong si Alfie. Sabay-sabay nilang ise-celebrate ang pasko sa pagsapit nang alas dose. Masaya silang lahat na nagtipon hanggang sa bigla na lamang dumating ang isang lalaki. Namilog ang kaniyang mga mata nang makita niya ang ama niyang si Leo na may dalang mga regalo. Napalingon siya kay Javier. Maluwang ang pagkakangiti nito. Masaya na inabot ng kaniyang ama kay Lewis ang lahat ng regalo nito sa apo. Tuwang-tuwa naman ang bata dahil sa napakarami nitong natanggap na mga laruan.Yumakap sa kaniya ang kaniyang ama. “Merry Christmas anak, I love you, hija. Matagal ko na ‘tong inasam na magkaroon pang muli ng isa pang anak. Matapos nang mangyari sa mga ate mong kambal.” Bahagyang lumungkot ang mukha nito pero kaagad namang nakabawi. “Masayang-masaya ako na dumating ka sa buhay ko..” dagdag pa nito na naluluhang ngumiti.“Salamat