Share

Chapter 161 [Uncle Rod]

Author: Dwendina
last update Last Updated: 2025-09-12 22:34:20

“Good morning, sir..” bati sa kaniya ni Laviña nang makipag-shake hands.

“Good morning,” tugon naman niya nang maupo. “How's the company?”

“Improving. Sa katunayan, mas lumakas ngayon ang hatak ng sales sa mga urban areas lalo na sa Georgia.”

Tiningnan niya ang datos.

“Good..” Tumango siya. “Ikalat mo pa sa ilang mga bayan at lungsod. At kapag tumaas pang muli ang sales, i-try mo hanggang sa kabilang kontinente.”

“Yes, sir.”

“Here's the files. Hindi na ako magtatagal dahil marami pa akong gagawin at makaka-meeting na new client.”

Tumayo na siya. Matapos marinig ang huling tugon ni Laviña, kaagad na siyang lumabas ng resto.

Niluwagan niya ang necktie. Nang matulin nang pinaandar ng kaniyang driver ang sasakyan, napatingin siya sa cellphone nang matanggap ang footage na kaniyang hinihingi. Napakunot ang kaniyang noo. Pamilyar sa kaniya ang kilos ng lalaki kahit pa naka-disguise ito.

Napaisip siya nang malalim.

‘Si Uncle Rod, pero.. ano ang kailangan niya? Bakit hindi siya pumasok?’

A
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 161 [Uncle Rod]

    “Good morning, sir..” bati sa kaniya ni Laviña nang makipag-shake hands.“Good morning,” tugon naman niya nang maupo. “How's the company?”“Improving. Sa katunayan, mas lumakas ngayon ang hatak ng sales sa mga urban areas lalo na sa Georgia.”Tiningnan niya ang datos.“Good..” Tumango siya. “Ikalat mo pa sa ilang mga bayan at lungsod. At kapag tumaas pang muli ang sales, i-try mo hanggang sa kabilang kontinente.”“Yes, sir.”“Here's the files. Hindi na ako magtatagal dahil marami pa akong gagawin at makaka-meeting na new client.” Tumayo na siya. Matapos marinig ang huling tugon ni Laviña, kaagad na siyang lumabas ng resto.Niluwagan niya ang necktie. Nang matulin nang pinaandar ng kaniyang driver ang sasakyan, napatingin siya sa cellphone nang matanggap ang footage na kaniyang hinihingi. Napakunot ang kaniyang noo. Pamilyar sa kaniya ang kilos ng lalaki kahit pa naka-disguise ito. Napaisip siya nang malalim.‘Si Uncle Rod, pero.. ano ang kailangan niya? Bakit hindi siya pumasok?’ A

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 160 [Malalim na Isipin]

    Malalim na ang gabi, hindi pa rin dinadalaw ng antok si Javier. Nasa balkonahe siya at malalim ang iniisip habang si Francesca ay mahimbing nang natutulog. Napakahaba ng araw para sa kaniya. Ang daming mga nangyari. Napabuntong-hininga siya. Nakatayo siya habang nakatanaw sa syudad. Nakagagaan ng pakiramdam ang tanawin sa gabi dahil sa mga city lights. Muli siyang uminom ng alak. Pampatulog sa gabi. Napasandal siya at napasinghap. Laman pa rin ng kaniyang isipan sina Lucas at Dionisio. Paano na lang kung magkasabwat ang dalawa? Napag-alaman pa naman niyang peke ang nakasaad sa article ng newspaper na nabasa ni Francesca nung isang araw. Ginawa lamang ito ni Dionisio para matakasan ang mga nakapatong na kaso sa ulo. He smirked. ‘Kahit pa anong gawin mong pandaraya, Dionisio. Hindi mo ako maloloko..” Umigting ang kaniyang panga. ‘Balang-araw, mahuhulog ka rin sa mga palad ko, gaya nang nangyari kay Selina..’ Kuyom ang kamaong saad niya. Sa ngayon, nakakulong si Lucas pero alam niy

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 159 [Sa Park]

    Sa loob nang mga panahong wala na siyang kinikilalang kaibigan at kapatid. Kay Alona niya naramdamang muli ang isang bagay na ipinagpapasalamat niya na tanging siya lang ang nakakaalam. Gayunpaman, maraming bagay ang iniwan nito sa kaniya na hindi mapapalitan ng anumang ginto. Makalipas pa ang mga araw, muling bumalik sa dati ang kaniyang buhay. Tahimik at focus sa asawa’t anak. Ang mga ito ang natatangi niyang yaman. Isang araw, habang nasa park at pinagmamasdan ang kaniyang anak na naglalaro. Tahimik siyang nakangiti habang nakaupo sa bench. Si Delta, ang kalaro ng kaniyang anak na nagbabantay rito habang siya ay nakatingin lamang sa mga ito. Nakaramdam siyang bigla ng kaba, nang may kung anong bagay ang tumusok sa kanyang tagiliran.“Huwag kang sumigaw kung ayaw mong mabutas ang tagiliran mo..” malalim at mabagsik na bulong ng lalaking naupo sa kaniyang tabi. Hindi siya nakakibo. Kumakabog nang malakas ang kaniyang dibdib. Iniisip kung si Dionisio nga ba ang nakasumbrero at na

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 158 [Isang Kaibigan]

    Kinaumagahan ay nagising siyang wala na si Javier sa kaniyang tabi. Napakunot-noo siya. Tanging gusot na lamang ng bed sheet ang naging bakas. Naisip niyang baka nagkakape lang sa baba. Tumayo siya at pumasok ng banyo. Nag-ayos ng sarili at naglinis. Pagbaba niya ay narinig niya ang mga ito na masayang nagkukwentuhan. Kumpleto ang mga ito sa hapagkainan. Naroon na rin maging ang anak niyang si Lewis.“Good morning, hija.. anak.” nakangiting bati sa kaniya ng ina. Ngumiti siya. Gumaya na rin ang kaniyang anak na bumati sa kaniya. Inaya pa siya ni Lewis na mag-breakfast sabay ng mga ito. Ngumiti siya sa anak at tumugon. Natuon ang paningin niya sa isang babaeng mestisa na kasabayan ng mga ito sa mesa. Nakatingin rin ito sa kaniya. Ang mga mata nito ay kulay bughaw. Magandang tingnan. Subalit, napakunot ang kaniyang noo. Ang babaeng ito, ang modeling kausap ni Javier kagabi.“Good morning, kumain ka na, honey..” Napatingin siya sa platong inayos ni Javier na sinandukan pa nito ng p

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 157 [Pagdududa]

    “Nabalitaan mo na ba ang tungkol kay Dionisio?” Hindi umimik si Javier. Inabot niya rito ang newspaper. Tinapunan lamang nito ng tingin ang diyaryo, ni walang komento.“Alam mo na ba ang tungkol dito?” muling tanong ni Francesca. Sumandal lamang si Javier at malalim na napahinga. Ilang sandali bago ito nagsalita.“I don't know.. I'm not sure about that..”“Bakit?” Napaupo siya sa harap nito. Kasalukuyang nasa opisina sila ni Javier nang mga oras na iyon. “Mukha kasing hindi siya ang taong iyon. Isa yatang impostor..” Nanlaki ang kaniyang mata. “Nakita mo ba? Paano mo naman nasabi?” Napasinghap ito. “Sasabihin ko sa ‘yo, once mapatunayan natin na siya nga iyon. Huwag ka munang pakampante..” Hindi siya kumibo. Nagsimula na sanang gumaan ang pakiramdam niya dahil akala niya totoo ang balitang kaniyang nabasa. “Kung gayon, ang tungkol kay Selina.. hindi rin iyon totoo?” maang niyang tanong.Umiling si Javier. “No, ‘yung kay Selina.. totoo ‘yun.” Napatingin siya sa asawa.“Napat

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 156 [Pagbisita]

    Tumingala siya sa kabuuan ng mansion mula sa labas ng gate. Distansya mula roon ang entrance ng bahay. “Ma'am, sino po sila?” bungad sa kaniya ng guwardiya. “Ano po ang kailangan ninyo?” Napatingin siya rito nang mapansin siya ng isa sa mga nagbabantay ng gate. “Uy, ano ka ba si Miss Francesca iyan, anak ni boss..” untag ng isang guard na nakakikilala sa kaniya sa kasamahan nito na tila baguhan pa lamang. Si Manong Benjo, ang halos sampung taon nang naninilbihan bilang guard sa pamilya na kinalakhan niya. Naroon pa rin ito at loyal na nagtatrabaho. “Ah, ganun ba? Pasensya na po. Pasok po kayo Ma'am..” napapakamot pang saad ng bagitong guard. “Salamat..” Itinago ni Francesca ang kaniyang kaba nang binagtas ang daan patungo sa entrance ng main door ng malaking bahay. Nagbabakasakaling naroroon pa si Manang Lena. Hinawi niya ang mga nakabitin na dahon mula sa may katamtamang taas ng puno ng halamang namumulaklak. Nilingon niya ang paligid at sinilip ang loob. Lakas loob siya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status