Nagkaroon sila ng masinsinang pag-uusap ng señora sa gazebo kanina. Ibinahagi niya rito ang kaniyang problema. Matapos magtapat sa matanda ay pinayuhan siya nito.“Kung ako lang ang masusunod, Francesca, hija. Ipatitigil ko na kay Javier ang kalokohang ginagawa niya.” Naalala niyang saad nito. Mataman niyang tinitigan ang kaniyang mukha sa salamin. Hindi niya batid kung tama bang isiniwalat niya sa señora ang lahat-lahat ng tungkol sa kanila ng senador. Ang tungkol sa kung ano lamang ang batayan ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Gayunpaman, gumaan naman ang pakiramdam niya matapos niyang gawin ang bagay na iyon. Matapos mag-usap, biglang nabuhay ang pagnanais niyang magkaroon ng lola o ina na katulad ng personalidad ng señora. Yaong makakausap niya palagi sa mga personal na bagay. Sapagkat ang lolo lamang niya ang mayroon siyang malalim na ugnayan. Napagsasabihan niya ito ng kaniyang mga saloobin noon pa man. Though andiyan naman ang kaibigan niyang si Danica, iba pa rin ta
Nasa labas na siya at nasa parking area nang mga oras na iyon. Isa na namang masamang hangin ang nagdala sa traydor na si Selina para mapadpad sa gym na kaniyang pinag-eehersisyuhan.‘Talagang nagkalat na ngayon sa kung saan ang mga basura sa lipunan. You get what you deserved.’ She smirked nang mapalingon sa gym. Inilapag niya sa katabing upuan ang bag na dala niya at saka naupo sa driver's seat. Binuksan niya ang makina at matulin na pinatakbo ang kotse. Kailangan niyang makabalik agad sa mansion. Sigurado siyang may naghihintay sa kaniya roon. Nasira ang umaga niya dahil sa walang kwentang Selina na iyon. Sa biglaan nitong pagsulpot sa lugar. Sa dinami-rami ba ng gym na pwedeng pasukin nito, doon pa talaga sa suki na niya. Tama lang ang ginawa niya. Pasalamat lang ito dahil iyon lang ang ginawa niya. Natuto na siyang umiwas sa gulo at hindi na gagawa pang muli ng eskandalo. Paano na lang pala kapag nalaman ng ama niya ang tungkol sa paninira ni Selina sa kanilang relasyon ni
Gaya ng nakasanayan, tuwing umaga ay lihim na nagpupunta si Francesca sa gym. Nakaupo siya sa stationary bike at nagpepedal nang marinig ang nagri-ring niyang cellphone. Tumigil siya saka tumayo upang kunin ang cellphone sa loob ng bag. Natigilan siya nang makitang telephone number nila mula sa States ang nag-pop up sa screen. Kaagad niyang kinuha sa loob ng bag ang headset niya at inilagay iyon sa kaniyang tenga.“Yes, hello?” Naglakad siya at muling sumampa sa stationary bicycle.“Francesca, how you doin’?” seryoso ang boses ng kaniyang ama.“Yes, pa, good evening, I'm here at the gym. How are you? How's grandpa?”“Bakit parati kang wala sa mansion?” diretsahang tanong nito. Ang tono ng boses nito ay tila ba may kaaway. Kinabahan siya, ni hindi man lang nito sinagot kahit ni isang tanong niya. Sabi na nga ba't hahanapin siya nito kaagad kapag nalaman nito ang tungkol sa hindi niya pamamalagi sa mansion nila. Ilang araw na rin kasi siyang hindi umuuwi roon. Maaring nalaman iyon n
“Yes, señora.. Nice meeting you po, good evening.” Pinilit niyang gawing kalmado ang boses at nginitian ang may edad na babae sabay nang pagyuko bilang pagbibigay galang. Unti-unting nagbago ang aura ng ginang. Maya-maya'y sumilay ang ngiti nito sa mga labi. Saka niya lang napagtanto ang itinatago nitong kabaitan.“Apo ka raw ng dating presidente na si Mr. Barcelona.” Tumango siya bilang tugon.“Alam mo bang matalik siyang kaibigan ng yumao kong asawa na si Judeo? Malaki ang ipinagmana mo sa iyong lolo,” Turan nito.Napatitig siya rito. “Ahh, marami nga ho ang nagsabi..” humble niyang sagot.“Umupo ka hija,” Iginiya siya nito upang maupo sa couch na naroon. Humarap ito sa kaniya.“Ano nga pala ang pinagkakaabalahan mo sa ngayon, hija?” maya-maya'y tanong nito habang marahang nagsasalin ng tsaa sa maliit na tasa.“Ang totoo, kabubukas lang po namin ng restaurant ng kaibigan ko.”“Talaga? That sounds interesting. Baka bukas pumunta ako at nang matikman ko naman ang especialty ninyo
“Mama..” Hinalikan niya ito sa pisngi.“Magandang hapon, Javier hijo,” wika nito nang hindi man lang ngumingiti. May kaunting kaba sa kaniyang dibdib sa biglaang presensya ng ina. Hindi naman nito ugaling hindi magsabi sa tuwing umuuwi ng bansa. Ngayon lamang nito ginawa ang bagay na iyon.“Hindi ka man lang nagpasabi na ngayon ang uwi mo, nakapag-prepare sana ako ng isang maliit na handaan,” pasimple niyang wika.“I made it a surprise, hijo. I knew it already, dahil kapag sinabi kong darating ako, I'm pretty sure na iyan ang gagawin mo. You know what son, there's an important thing that matters most right now. And, I just missed my place, everything in here..” Pinasadahan nito ng tingin ang loob ng mansion. Ganoon naman ang parati nitong ginagawa sa tuwing umuuwi galing States. Ang i-check ang mansion kung may pagbabago bang naganap. Tumigil ang paningin nito sa guest room. Ipinahihiwatig nito si Francesca. Alam niyang may tagapagsabi rito patungkol sa mga nangyayari sa loob ng m
Mahina niyang tinapik sa braso si Francesca upang ipaalam na nakarating na sila ng mansion ngunit hindi ito agad nagising. Nahikayat siyang lapitan at titigan ito sa mukha. Marahan niyang tinanggal ang mahabang hibla ng buhok na nagtatakip sa pisngi nito. Napangiti siya.‘Pumayat ka nga ng kaunti dahil hindi na ganoon kabilog ang iyong pisngi..’ bulong niya rito. ‘Nagpapapayat ka ba?’ dagdag niyang tanong. Sinigurado niyang tama nga ang kaniyang iniisip. Pinisil niya ng bahagya ang pisngi ni Francesca upang malaman kung gaano kalaki ang ibinawas ng taba nito. Ramdam niya sa kaniyang daliri ang lambot ng makinis nitong balat. Ang mala-porselana nitong kutis na siyang nakakadagdag bighani sa tuwing tinititigan ito. Natatangi talaga ang ganda ni Francesca na hindi mapantayan ng karamihan. Ulit niya, hindi nito deserved ang masaktan ng isang walang kwentang lalaki. May kung anong galit ang muling bumugso sa puso niya nang maalala ang pagmumukha ni Lucas. Kaagad niyang binura sa isipan
“A-Ano bang pinagsasabi mo? Akala ko ba anytime akong makakauwi sa bahay namin hangga't gusto ko? Bakit tila nagbago ang ihip ng hangin?” Seryoso at kunut-noong tanong ni Francesca.“Noon ‘yon, nung hindi ko pa alam na mag-isa ka lang sa inyo.” Pilit nitong kinalma ang sarili saka muling sumagot. “May mga kasama ako sa bahay. Nandoon sina Manang Lena.”“Iba pa rin kung nasa poder kita,” agad naman niyang saad.“‘Di ba nga kasal lang tayo sa papel at hindi–”“Kahit na, asawa mo pa rin ako. Dala-dala mo ang apelyido ko hindi ba? Kaya't may karapatan pa rin ako sa ‘yo, hindi iyon nakabase sa kontrata lang,” putol niya sa sasabihin nito. Natigilan si Francesca.“S-Sige na, kung iyan ang gusto mo. Maiwan na kita at may gagawin pa ako,” usal nito nang magtangka itong tumalikod. Mabilis niya itong hinawakan sa braso dahilan para mapahinto si Francesca. Tumingin ito sa kaniyang kamay. Hanggang sa magtama ang kanilang paningin.“A-Ayoko lang masira ang imahe nating dalawa bilang mag-asawa s
“Salamat at pumayag kang makipag-dinner,” wika ni Francesca nang makapasok sila sa main door. Ngumiti ito nang bahagya. “Siyempre, nakiusap ka at ang kaibigan mo.” Natahimik siyang naglakad. “Francesca..” Muli itong sumulyap sa kaniya. “Ha?” “Congratulations, suportado kita riyan sa pagpapatakbo mo ng negosyo. Bakit hindi mo nga pala kaagad sinabi sa akin na magbubukas kayo ng resto? May naitulong sana ako,” mahinahon nitong saad. “Ah, hindi na, actually sorpresa talaga iyon.” “Yeah, and you did. That was a good surprise, anyway.” Isinuot nito ang pambahay na sapin sa paa. “You know what, Francesca, you did a great job today. As a reward, magmula ngayon hindi ko na kukwestiyunin ang mga ginagawa mo. Now, that I knew kung ano ang pinagkakaabalahan n'yo ng kaibigan mo. I won't bother you anymore.” Niluwagan nito ang suot na necktie. Why he sounds like her parents? Nalungkot siyang bigla nang maalala ang kaniyang ina at kapatid. Kung nabubuhay lang ang mga ito sigurado si
Wala sa isip na idinikit ni Francesca ang kaniyang tainga sa pintuan ng opisina ni Sen. Javier. Nilinaw niya ang kaniyang pandinig. Napasimangot siya nang wala man lang ni isang salita ang kaniyang narinig. Napabuntong hininga siya. Napangiti siya nang mapatingin sa katulong na nakatayo at nakatingin sa kaniya. Bitbit nito ang tray na may lamang dalawang juice at toasted sandwich. She cleared her throat sabay ng pagtayo nang maayos. “Huwag kang maingay,” bulong niya rito bago ito makapasok. Hinawakan niya ang doorknob nang lumabas muli ang katulong upang hindi nito tuluyang maisara ang pinto. May kaunting siwang na sakto lang para masilip ng isang mata ang looban nang hindi nahahalata sa loob. Saka lamang niya narinig nang malinaw ang boses ng mga ito. “Senator, alam mo naman ang masa ngayon ‘di ba? Mainit sa kanila ang mga pangalan ng tatakbong kandidato sa susunod na halalan.” Naalarma siya sa boses ng babae sa loob. ‘Kaanu-ano niya ba ang babaeng ito? In fairness ha, may