LOGINKinabukasan ay puyat at pagod akong nagising. Napagod kasi ako sa kakaimpake. Halos mag-uumaga na nga nang nakatulog ako kaya heto, lutang.
Tapos alas-sais pa lang ay naririnig ko na ang ingay sa labas. Pagtingin ko sa bintana, nandoon na ang itim na sasakyan ni Gab. Kainis! Ang aga naman niya masyado! Talagang seryoso siya sa pa-seven sharp niya, ha! Naligo na muna ako at nag-ayos bago bumaba dala ang maleta ko. Nandoon na siya sa sala, kausap si Papa. He looked regal in a navy blue suit, a stark contrast to my messy bun and oversized hoodie. “Ready?” he asked, his eyes scanning my tired face. “Do I have a choice?” I retorted. Nginisian niya lang ako. Nagpaalam na ako kina Mama at Chloe, pati na rin kay Papa kahit sobrang sama ng loob ko sa kaniya. I cried a little when I hugged my sister. I felt like I was being exiled. Habang naglalakad kami ni Gab palabas, kinuha ng mga tauhan niya ang mga maleta ko. The drive to his estate was long. It was located in an exclusive village where the houses looked like palaces. Nang pumasok kami sa isang matayog na gate, bumungad sa akin ang isang modernong mansyon na gawa sa salamin at bato. It was cold, elegant, and intimidating. Just like him. “Welcome to your new home,” he said as we stepped inside the foyer. Ang sahig ay yari sa puting marble, at ang ceiling ay sobrang taas na may chandelier na gawa sa crystals. It was beautiful, pero wala rin kung magiging kulungan ko lang din ’to. “Manang Celia will show you to your room. Ayusin mo ang mga gamit mo. We’re having lunch with my legal team at noon,” utos niya bago dinaluhan ang isang tawag sa phone niya at naglakad patungo sa isang kuwarto dito. Sinundan ko ang matandang babae na tinawag niyang Manang Celia. Umakyat kami second floor. Pagbukas niya ng pinto ng magiging kwarto ko, laglag-panga akong napatingin sa loob. It was huge. May sarili itong walk-in closet na mas malaki pa sa kwarto ko sa bahay, at ang banyo ay may jacuzzi. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang pinto sa gilid. “Ano po ’tong pinto na ’to?” tanong ko kay Manang. “Ah, iyan po ba? Connecting door po iyan patungo sa kwarto ni Sir Gabriel,” sagot ng matanda bago ako iniwan. Napatitig ako sa pintong ’yun. My heart started to race. Connecting door? Bakit kailangang may ganoon? Buwisit na lalaki! Balak pa ata akong pasukin sa gabi, ah! Mamaya ’to sa'kin! I spent the next hour unpacking. Sinubukan kong mag-focus sa pag-aayos pero hindi ko talaga mapigilan mapaisip sa sitwasyon ko. I am living under the same roof with the man I slept with, the man who is now my fiancé and my benefactor. Pero paano nga ba nagkautang sa kaniya ang mga magulang ko? Ang laki ng fifty million, ha. Eksaktong alas-dose nang may kumatok sa pinto ko. It was one of his staff, telling me lunch was ready. Pagbaba ko sa dining area, nandoon na siya kasama ang dalawang lalaking naka-suit. Sila na siguro ’yung sinasabi niyang legal team niya. “Sit,” he commanded, gesturing to the seat beside him. Naupo ako nang hindi nagsasalita. Hindi simpleng lunch ang nangyari, kundi puro mga terminologies na hindi ko maintindihan. Stocks, mergers, pre-nuptial clauses at kung anu-ano pa ang pinag-usapan nila. I felt out of place. “Claire,” mayamayang tawag ni Gab sa akin sa gitna ng usapan nilang tatlo. “The wedding will be in three weeks. It will be a private ceremony, but the media will be informed after the event.” “Three weeks? Bakit parang minamadali mo yata?” tanong ko, dahilan upang mapatingin sa akin ang dalawang lalaki na kasama niya. “I have a merger in Singapore next month. I want everything settled before I leave,” he answered simply. “And you’re coming with me.” “What? I have classes!” “I’ve already talked to your dean. You’ll be finishing your semester online,” he said, as if it was the most normal thing in the world. Napabitaw ako sa kubyertos ko. “You did what?!” Putangina! Ano ba namang buhay ’to?! Hindi niya ako sinagot. Instead, he looked at the two lawyers, and they immediately took the hint. Tumayo sila at nagpaalam, iniwan kaming dalawa sa hapag-kainan. Nang kaming dalawa na lang, hinarap ko siya nang buong tapang. “You’re overstepping, Gab! May buhay rin ako at gusto ko pa mag-aral ng matino!” Tumayo siya at lumapit sa akin saka prenting ipinatong ang mga kamay sa magkabilang gilid ko, dahilan para makulong ako sa mga bisig niya. “Read the papers you signed last night. You are under my care now. Everything you do, everywhere you go, it goes through me.” “Anong—" hindi ko na naituloy ang sasabihin nang yumuko siya at ilapit pa lalo ang mukha sa akin. “I told you, I’m a businessman. I protect my investments. And you, Claire, are my most expensive investment yet.” His gaze dropped to my lips, and for a second, I thought he was going to kiss me. “Prepare yourself. My interior designer will be here later or tomorrow to take your measurements for the wedding gown. Don’t make a scene, or I’ll make sure your father hears about it.” Iniwan niya akong mag-isa sa dining room, nanginginig sa galit. I looked at the grand chandelier above me, and for the first time, I realized that the fifty million pesos wasn't just a debt. It was the price of my soul. Ngayon pa lang ay parang masisiraan na ako ng bait. Paanong napunta ako sa sitwasyong ito?!Ipinatong ko ang ulo ko sa bintana ng bus habang pinagmamasdan ang mga naglalakihang billboard sa kalsada. "North-east wind flow," bulong ko sa sarili ko. Tama siya. Kung hindi ko isasaalang-alang ang sirkulasyon ng hangin sa ganoong klaseng terrain, magiging mainit ang loob ng bahay at masasayang ang natural ventilation. Napapikit ako nang mariin. Nakakainis isipin na kahit wala siya sa harap ko, alam pa rin niya kung saan ako posibleng magkamali. Pagbaba ko sa kanto namin, sinalubong ako ng pamilyar na amoy ng inihaw sa tabi ng kalsada. Doon lang nag-react ang tiyan ko. Halos hindi ko na pala naramdaman ang gutom dahil sa dami ng impormasyong pumasok sa utak ko ngayong araw. "O, Chloe! Kumusta ang unang araw?" bungad ni Mama nang makita akong pumasok sa gate. Mukhang katatapos lang niyang magdilig ng mga halaman. "Pagod po, Ma, pero masaya," sagot ko at nagmano na sa kaniya. "Mabait naman po 'yung mga tao roon. At saka, binigyan na po agad ako ng actual design project.”
Ang ganda mo… Natigilan ako sa huling sinabi niya. Medyo napaawang ang labi ko dahil hindi ko inaasahan ang ganoong klaseng banat sa unang araw ko pa lang. Sanay naman ako sa mga biro nina Mia, pati na ’yung mga banat sa akin ng mga kaklase naming lalaki at ng iba pang lalaki sa campus, pero iba kapag galing sa isang taong ngayon ko lang nakilala, at sa loob pa ng isang seryosong opisina. Seryoso ba talaga siya? “I mean… ang ganda ng sulat-kamay mo,” mabilis na bawi ni Joaquin sabay kamot agad sa batok niya. Ako nama'y kunwaring natawa na lang. Tinanggap ko ang kamay niya at nakipagkamay na rin ako sa kaniya bilang paggalang. "Chloe. At salamat... pasensya na kung ’di kita agad napansin. Kailangan ko lang kasing matapos itong zoning bago ako umuwi.” "San Jose Project?" silip niya sa drafting board ko habang dahan-dahang binibitawan ang kamay ko. "Whoa! First day mo pa lang pero 'yan na agad ang pinapagawa sa 'yo? Iba ka rin. Ako, tatlong araw muna akong nag-plot ng electri
Lunes. Alas-sais pa lang ng umaga ay gising na ako. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kaba o sa sobrang excitement, pero kahit puyat ako kagabi ay maaga akong bumangon para maghanda. Pinili ko ang pinaka-presentableng outfit na mayroon ako, isang beige na slacks at itim na turtleneck. "O, uminom ka muna ng gatas bago umalis," abot ni Mama ng baso pagbaba ko sa kusina. "Huwag kang magpapagutom doon, ha? Unang araw mo pa naman." "Opo, Ma. Baon ko naman po 'yung ginawa niyong sandwich," sagot ko habang mabilis na nilalagok ang gatas. Si Papa naman ay nakaupo na sa paborito niyang pwesto sa sofa, pinapanood ang bawat kilos ko. "Mag-ingat ka sa pagbiyahe. Huwag kang magpapakapagod agad sa unang araw." Ngumiti ako at lumapit sa kaniya para humalik sa pisngi. "Opo, Pa. Alis na po ako.” Sa loob ng bus, hindi ko mapigilang hawakan ang strap ng bag ko nang mahigpit. Pakiramdam ko ay papasok ako sa isang giyera na matagal ko nang pinaghahandaan. Pagbaba ko sa tapat ng Vanguard buil
Inisip ko pa kung dapat ko bang bawiin ang email. Halos limang minuto akong nakatitig sa screen ng laptop ko, hinihintay kung matagumpay maise-send iyon o magkakaroon ng error. Pero nang lumitaw ang notification na pumasok na ito sa outbox ko, isinara ko na ang laptop. Bahala na. Kung hindi siya mag-reply, edé huwag. Wala na akong magagawa doon. Sinubukan kong itulog ang bigat ng nararamdaman ko, pero hindi ako dinalaw ng antok. Panay ang sulyap ko sa phone ko na nasa side table. Pakiramdam ko ay bawat vibration nito mula sa kung anong app ay notification galing sa kaniya. Pero hanggang sa mag-madaling araw, nanatiling tahimik ang inbox ko. Lumipas ang Martes, Miyerkules, at Huwebes na walang sagot mula sa kaniya. Naging routine ko na ang pagche-check ng email tuwing gigising ako at bago matulog. Minsan ay napapaisip ako, baka naman mali ang email address na nakuha ko kay Mia? O baka naman sobrang busy niya sa Singapore na wala na siyang oras para magbasa ng messages? "Chloe,
Nakasandal lang ako sa bintana ng bus habang pinapanood ang mabilis na pagdaan ng mga sasakyan sa EDSA. Hawak ko ang cellphone ko, binubuksan ang contacts, tinititigan ang pangalan niya, tapos papatayin ko rin ang screen sa huli. Paulit-ulit. Para akong timang.Ano bang dapat kong i-text sa kaniya? 'Salamat sa internship'? O 'Bakit ka umalis nang hindi man lang nagsasabi?'Agad akong napailing sa sarili kong naisip. Bakit naman siya magpapaalam sa akin? Ano ba niya ako? Eh parang estudyante lang naman niya ako tapos ipinagtatabuyan ko pa siya. Napabuntong-hininga ako. Siguro, mas okay na rin ito. Okay nang umalis siya na walang pasabi. Nasabi ko naman na sa kaniya na hindi ako galit. At nakapagpasalamat naman ako sa kaniya kahit papaano n'ung iabot niya sa akin ’yung recommendation letter. Ano pa bang itetext ko?Pagbaba ko sa kanto namin, dumaan muna ako sa isang convenience store. Bumili ako ng ice cream kahit hindi naman mainit ang panahon. Pakiramdam ko kasi, kailangan ng utak ko
Matapos ang gabing iyon sa restaurant ay parang bumalik na sa normal ang lahat. O baka dahiliyon ang gusto kong isipin. Na normal na ang lahat kahit hindi naman sa parte ko. Sa paglipas ng mga araw, inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos ng mga requirements para sa susunod na semester. Hindi na rin namin pinag-uusapan sa bahay si Alistair, na para bang hindi na siya nag-eexist. Isang hapon, habang nag-aayos ako ng mga gamit sa kwarto, nakita ko muli ang itim na envelope sa ibabaw ng study table ko. Hindi ko pa rin ito binubuksan simula nang ibigay niya iyon sa akin. Para kasing may pumipigil sa akin, na baka kapag binasa ko ang laman niyon ay may magbago sa akin. Pero kasi kailangan ko na ring maghanap ng mapapasukan para sa internship ko. Mahalagang requirement iyon para maka-graduate, at sa totoo lang, wala pa akong nasisimulang apply-an dahil sa nangyari kay Papa. Dahan-dahan kong kinuha ang envelope at binuksan iyon. Isang malinis na papel ang bumungad sa akin na may letter







