LOGINPinagbuksan kami ng driver niya ng pintuan. Nauna siyang lumabas para maglahad ng palad sa akin pero nagkunwari akong wala akong nakita.
The afternoon went by in a blur of lace, silk, and measurements. Ayaw ko sanang mamili kasi baka magkautang na loob pa ako sa kaniya pero alam ko naman na hindi siya papayag sa gusto ko. Isa pa, nandito na lang din kami kaya namili na ako. He was sitting on a velvet couch, watching me with an intensity that made the staff whisper among themselves. Hindi ko man naririnig ang bulungan ng staff pero siguro akala nila ay sobrang in love kami sa isa’t isa. Kung puwede lang ipagsigawan dito na hindi kami ganoon! Binilisan ko na lang ang pamimili para makaalis na kami agad. Nang akala ko ay iuuwi na niya ako sa bahay pagkatapos, nagulat na lang ako nang pagkatapos namin sa boutique ay dinala niya ako sa isang restaurant na tago at exclusive. “Ano namang ginagawa natin—" "Sign this," he said, pushing a folder across the table. Kunot ang noo kong binuksan iyon at binasa ang mga nakasulat. Pero wala pang ilang segundo ay padabog ko itong isinarado. "Ano ba ’to? Pre-nuptial agreement?” inis kong sabi habang nakalahad sa kaniya pabalik ang folder. "It's a list of my terms," he said calmly. "Rule number one: You stay in my house. Rule number two: You don't see your ex-boyfriend ever again. Rule number three: You belong to me, in and out of the bedroom.” “Hindi ko pipirmahan 'to! This is slavery!" tugon ko bago siya pinaningkitan ng mata. "And wait... did you just say my ex-boyfriend? Paano mo nalaman na may ex-boyfriend ako?" "Ask your dad," he answered with a bored expression, taking a sip of his wine. Natahimik na naman ako, pero iginiit ko pa rin ang gusto ko pero hindi na sa pagalit na boses. "Ayaw ko talagang makasal sa 'yo, Gab. Humanap na lang tayo ng ibang paraan." "Fifty million, Claire," paalala niya, ni hindi man lang ako tiningnan. "Ang kalayaan ng mga magulang mo at ang reputasyon niyo ang nakataya sa folder na 'yan. Sign it, or I'll call the bank tonight and start the foreclosure on your house." Napasinghap ako sa sinabi niya. "Why are you doing this? Akala ko ba magkaibigan ang Papa ko at ang tatay mo?” "They were, but not me. I’m a businessman, Claire. I don't trade in friendships; I trade in assets and liabilities. And right now, you are the only asset your family has left that I actually want." Napapikit na lang ako at napailing sa sobrang kabiguan. Pakiramdam ko'y ako na ang pinakamalas na tao sa mundo. Tinitigan ko siya, umaasang makikitaan ko siya ng kaunting awa para sa akin, pero wala talaga. He's a devil! Wala siyang kasing demonyo! Argh! Gamit ang nanginginig kong kamay, napilitan akong pirmahan ang mga papel. "Good girl," aniya nang iabot ko sa kaniya ulit ang folder na may perma ko na. "Now, eat. You'll need your strength for the upcoming weeks." Nagtagis ang bagang ko. "You're disgusting. I hope you know that." Blangko lang niya akong tiningnan bago gumuhit sa labi niya ang nakakainis na naman niyang ngisi. "I know, and I can't wait to hear you say that while you're screaming my name again." Argh! B*wisit, gag*, demonyo, m*nyak! Hindi ko na halos nalasahan ang mga pagkaing inorder niya para sa akin dahil sa sobrang asar. Bawat subo ko ng mamahaling steak na nasa harap ko ay parang lason na bumabara sa lalamunan ko. Habang siya, relax na relax na para bang wala siyang sinabing nakakapanindig-balahibo kanina lang. Pagkatapos ng hapunan na ’yun, tahimik lang kaming bumalik sa sasakyan. I stared out the window, watching the city lights blur into streaks of gold and white. I felt like a prisoner being escorted back to her cell before the final execution. “I’ll pick you up tomorrow morning. Seven sharp,” basag niya sa katahimikan nang malapit na kami sa bahay. Nilingon ko siya nang may kunot sa noo. “Bukas agad? Para saan naman?” He didn't even look at me. He was busy fixing his cufflinks. “Rule number one, Claire. You stay in my house. You’re moving in tomorrow.” “Ano?! Agad-agad? Wala pa ang kasal, Gab! Isa pa, I need time to explain this to my sister!” Halos mapatayo ako sa loob ng sasakyan kung hindi lang dahil sa seatbelt. “The papers are signed. Your parents already agreed. Huwag mo nang pahabain pa ang usapan,” tipid niyang sagot bago huminto ang sasakyan sa tapat ng gate namin. Hindi na ako nakasagot dahil pinagbuksan na ako ng pinto ng driver niya. Padabog akong lumabas na hindi na siya nilingon. Pagpasok ko sa loob ng bahay, sinalubong agad ako ni Mama na may malapad na ngiti. “O, anak? Kumusta ang date niyo ni Gabriel? Ang dami mong dalang paper bags, ah!” aniya habang tinutulungan akong dalhin sa kuwarto ko ang mga pinamili ko. “Hindi kami nag-date, Ma,” malamig kong sagot. “At sabi niya, lilipat na raw ako sa bahay niya bukas. Bakit pumayag kayo?” Nagkatinginan sila ni Papa na nasa sala rin. “Anak, mas mabuti na ’yun para maging pamilyar kayo sa isa’t isa bago ang kasal. At isa pa, si Gabriel na ang bahala sa lahat ng kailangan mo roon. Hindi mo na kailangang mag-alala sa kahit ano.” I scoffed. “Ang inaalala ko po ay ang sarili ko! Para kasing ’di niyo ako anak kung ipamigay niyo ’ko!” “Claire! Gabriel is a good man. Sige na, magpahinga ka na,” saway ni Papa. Bigo akong umakyat sa kwarto ko. Wala talagang silbi ang makipag-talo sa kanila. Natigil ako sa paghihimutok nang makita ko si Chloe na nakaupo sa kama ko. At base sa ayos niya, mukhang kanina pa niya ako naghihintay. “Ate… aalis ka na talaga?” malungkot niyang tanong. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. Narinig ata niya kami. “Kailangan, e. Para sa inyo ni Mama at Papa.” “But he looks scary, Ate. He looks like those villains in the movies,” aniya na marahan kong ikinatawa. I mean, where's the lie? In fact, he’s worse than a movie villain. Ginulo ko na lang ang buhok niya saka ipinaintindi sa kaniya ang sitwasyon ko na hindi nagmumukhang masama ang magulang namin.Ipinatong ko ang ulo ko sa bintana ng bus habang pinagmamasdan ang mga naglalakihang billboard sa kalsada. "North-east wind flow," bulong ko sa sarili ko. Tama siya. Kung hindi ko isasaalang-alang ang sirkulasyon ng hangin sa ganoong klaseng terrain, magiging mainit ang loob ng bahay at masasayang ang natural ventilation. Napapikit ako nang mariin. Nakakainis isipin na kahit wala siya sa harap ko, alam pa rin niya kung saan ako posibleng magkamali. Pagbaba ko sa kanto namin, sinalubong ako ng pamilyar na amoy ng inihaw sa tabi ng kalsada. Doon lang nag-react ang tiyan ko. Halos hindi ko na pala naramdaman ang gutom dahil sa dami ng impormasyong pumasok sa utak ko ngayong araw. "O, Chloe! Kumusta ang unang araw?" bungad ni Mama nang makita akong pumasok sa gate. Mukhang katatapos lang niyang magdilig ng mga halaman. "Pagod po, Ma, pero masaya," sagot ko at nagmano na sa kaniya. "Mabait naman po 'yung mga tao roon. At saka, binigyan na po agad ako ng actual design project.”
Ang ganda mo… Natigilan ako sa huling sinabi niya. Medyo napaawang ang labi ko dahil hindi ko inaasahan ang ganoong klaseng banat sa unang araw ko pa lang. Sanay naman ako sa mga biro nina Mia, pati na ’yung mga banat sa akin ng mga kaklase naming lalaki at ng iba pang lalaki sa campus, pero iba kapag galing sa isang taong ngayon ko lang nakilala, at sa loob pa ng isang seryosong opisina. Seryoso ba talaga siya? “I mean… ang ganda ng sulat-kamay mo,” mabilis na bawi ni Joaquin sabay kamot agad sa batok niya. Ako nama'y kunwaring natawa na lang. Tinanggap ko ang kamay niya at nakipagkamay na rin ako sa kaniya bilang paggalang. "Chloe. At salamat... pasensya na kung ’di kita agad napansin. Kailangan ko lang kasing matapos itong zoning bago ako umuwi.” "San Jose Project?" silip niya sa drafting board ko habang dahan-dahang binibitawan ang kamay ko. "Whoa! First day mo pa lang pero 'yan na agad ang pinapagawa sa 'yo? Iba ka rin. Ako, tatlong araw muna akong nag-plot ng electri
Lunes. Alas-sais pa lang ng umaga ay gising na ako. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kaba o sa sobrang excitement, pero kahit puyat ako kagabi ay maaga akong bumangon para maghanda. Pinili ko ang pinaka-presentableng outfit na mayroon ako, isang beige na slacks at itim na turtleneck. "O, uminom ka muna ng gatas bago umalis," abot ni Mama ng baso pagbaba ko sa kusina. "Huwag kang magpapagutom doon, ha? Unang araw mo pa naman." "Opo, Ma. Baon ko naman po 'yung ginawa niyong sandwich," sagot ko habang mabilis na nilalagok ang gatas. Si Papa naman ay nakaupo na sa paborito niyang pwesto sa sofa, pinapanood ang bawat kilos ko. "Mag-ingat ka sa pagbiyahe. Huwag kang magpapakapagod agad sa unang araw." Ngumiti ako at lumapit sa kaniya para humalik sa pisngi. "Opo, Pa. Alis na po ako.” Sa loob ng bus, hindi ko mapigilang hawakan ang strap ng bag ko nang mahigpit. Pakiramdam ko ay papasok ako sa isang giyera na matagal ko nang pinaghahandaan. Pagbaba ko sa tapat ng Vanguard buil
Inisip ko pa kung dapat ko bang bawiin ang email. Halos limang minuto akong nakatitig sa screen ng laptop ko, hinihintay kung matagumpay maise-send iyon o magkakaroon ng error. Pero nang lumitaw ang notification na pumasok na ito sa outbox ko, isinara ko na ang laptop. Bahala na. Kung hindi siya mag-reply, edé huwag. Wala na akong magagawa doon. Sinubukan kong itulog ang bigat ng nararamdaman ko, pero hindi ako dinalaw ng antok. Panay ang sulyap ko sa phone ko na nasa side table. Pakiramdam ko ay bawat vibration nito mula sa kung anong app ay notification galing sa kaniya. Pero hanggang sa mag-madaling araw, nanatiling tahimik ang inbox ko. Lumipas ang Martes, Miyerkules, at Huwebes na walang sagot mula sa kaniya. Naging routine ko na ang pagche-check ng email tuwing gigising ako at bago matulog. Minsan ay napapaisip ako, baka naman mali ang email address na nakuha ko kay Mia? O baka naman sobrang busy niya sa Singapore na wala na siyang oras para magbasa ng messages? "Chloe,
Nakasandal lang ako sa bintana ng bus habang pinapanood ang mabilis na pagdaan ng mga sasakyan sa EDSA. Hawak ko ang cellphone ko, binubuksan ang contacts, tinititigan ang pangalan niya, tapos papatayin ko rin ang screen sa huli. Paulit-ulit. Para akong timang.Ano bang dapat kong i-text sa kaniya? 'Salamat sa internship'? O 'Bakit ka umalis nang hindi man lang nagsasabi?'Agad akong napailing sa sarili kong naisip. Bakit naman siya magpapaalam sa akin? Ano ba niya ako? Eh parang estudyante lang naman niya ako tapos ipinagtatabuyan ko pa siya. Napabuntong-hininga ako. Siguro, mas okay na rin ito. Okay nang umalis siya na walang pasabi. Nasabi ko naman na sa kaniya na hindi ako galit. At nakapagpasalamat naman ako sa kaniya kahit papaano n'ung iabot niya sa akin ’yung recommendation letter. Ano pa bang itetext ko?Pagbaba ko sa kanto namin, dumaan muna ako sa isang convenience store. Bumili ako ng ice cream kahit hindi naman mainit ang panahon. Pakiramdam ko kasi, kailangan ng utak ko
Matapos ang gabing iyon sa restaurant ay parang bumalik na sa normal ang lahat. O baka dahiliyon ang gusto kong isipin. Na normal na ang lahat kahit hindi naman sa parte ko. Sa paglipas ng mga araw, inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos ng mga requirements para sa susunod na semester. Hindi na rin namin pinag-uusapan sa bahay si Alistair, na para bang hindi na siya nag-eexist. Isang hapon, habang nag-aayos ako ng mga gamit sa kwarto, nakita ko muli ang itim na envelope sa ibabaw ng study table ko. Hindi ko pa rin ito binubuksan simula nang ibigay niya iyon sa akin. Para kasing may pumipigil sa akin, na baka kapag binasa ko ang laman niyon ay may magbago sa akin. Pero kasi kailangan ko na ring maghanap ng mapapasukan para sa internship ko. Mahalagang requirement iyon para maka-graduate, at sa totoo lang, wala pa akong nasisimulang apply-an dahil sa nangyari kay Papa. Dahan-dahan kong kinuha ang envelope at binuksan iyon. Isang malinis na papel ang bumungad sa akin na may letter







