Share

Chapter 119

Author: CESSYPRINCE
last update publish date: 2026-10-30 11:24:31

Amira's POV

Pagpasok ko sa malawak na boardroom, ang liwanag mula sa sunod-sunod na camera flashes ay parang mga kidlat na sumalubong sa akin. Ang silid ay siksikan sa mga mamamahayag, mga reporter mula sa iba't ibang business networks, at ilang miyembro ng board of directors na nanatili matapos ang pagpapatalsik kay tito Greg at kay Arthur Sandoval. Ang mga bulung-bulungan sa paligid ay biglang tumahimik nang maupo ako sa gitna ng long table habang si Vaughn ay tahimik na naupo sa isang tabi,
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ninong Vaughn's Secret Lesson (SPG)   Chapter 160

    Amira's POV Nang itinanong niya ang dalawang salitang iyon habang nakabitin sa ere ang kanyang kamay, naramdaman ko ang kakaibang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa kaba o takot, kundi dahil sa lalim ng respeto na ipinapakita niya sa akin. Noon, ang isang Vaughn Rosen ay mabilis manghuli ng kamay, mabilis magdesisyon para sa aming dalawa, at madalas ay pinipilit ang gusto nang hindi muna nag-iisip kung handa ba ako. Ngunit ang lalaking nakatayo sa harap ko ngayon ay naghihintay ng pahintulot ko bago humakbang palapit. "Yes, Vaughn," mahinang sagot ko habang nakatitig sa kanyang mga mata. "You may." Nang marinig niya ang pagpayag ko, dahan-dahang binuhat ni Vaughn ang kanyang kamay at sinalubong ang palad ko. Walang mabilis na paghila, walang puwersa. Isang banayad at maingat na paghawak na para bang natatakot siyang mabasag ang sandaling iyon. Nang magtagpo ang aming mga balat, naramdaman ko ang pamilyar na init ngunit may kasamang bagong kapayapaan na hindi ko naramdaman noon. Umup

  • Ninong Vaughn's Secret Lesson (SPG)   Chapter 159

    Amira's POV Tahimik ang buong opisina ko habang nakatayo ako sa harap ng malaking bintana, tinitingnan ang mga ilaw ng siyudad sa labas. Ang tanong ko ay nanatiling nakabitin sa pagitan namin, isang hamon na sumusukat sa lalim ng kanyang mga pangako. Humarap ako kay Vaughn na nanatiling nakaupo sa sofa, ang kanyang mga mata ay seryoso at handang sumalo sa bawat bigat ng sasabihin ko. "Can you prove that, Vaughn?" tanong ko ulit sa isang mababa ngunit klarong boses. "Madaling sabihin ngayon na hinding-hindi mo na ako itatago sa dilim. Pero paano ko mapapanatili ang pananalig ko na sa susunod na may dumating na krisis, hindi ka na babalik sa lumang gawi mo?" Tumayo si Vaughn mula sa pagkaka-upo. Dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ko sa tabi ng bintana, ngunit nanatili siya sa tamang distansya, iginagalang ang aking personal space. "Hindi ko maibibigay sa iyo ang kasiguruhan ngayon na walang mangyayaring pagsubok sa hinaharap, Amira," tapat na sagot ni Vaughn habang nakatitig

  • Ninong Vaughn's Secret Lesson (SPG)   Chapter 158

    Amira's POV Natahimik ako nang ilang segundo matapos marinig ang alok niya. Isang proper date. Sa gitna ng lahat ng pinagdaanan namin, sa gitna ng mga gusot sa kumpanya, ng mga luha, at ng mahahabang buwan ng pag-iisa, ang simpleng paanyayang iyon ay parang isang sariwang simoy ng hangin. "Isang proper date?" tanong ko habang nakatitig sa kanya nang may bahagyang pagtataka ngunit may ngiti sa aking mga labi. "Parang ang bilis namanata, Attorney Rosen. Kakasabi ko lang na hindi pa tayo, tapos nag-aaya ka na agad sa labas." "Hindi naman ito date para sabihin nating opisyal na tayo agad, Amira," depensa ni Vaughn habang bahagyang ngumiti at itinaas ang kanyang mga kamay na parang sumusuko. "Gusto ko lang sanang lumabas tayo nang walang iniisip na trabaho, walang kumpanya, at walang mga kaso. Gusto ko lang maranasan ulit na makasama ka sa labas nang maayos, bilang dalawang taong nag-uusap at nag-uumpisang muli." Tinitigan ko siya nang mabuti. Kitang-kita ko ang sinseridad sa kanyang m

  • Ninong Vaughn's Secret Lesson (SPG)   Chapter 157

    Amira's POV Tahimik ang buong paligid ng opisina ko habang nakatitig ako kay Vaughn. Ang tanong na binitawan ko ay parang isang mabigat na bato na ibinagsak sa tahimik na tubig, at hinihintay ko ang bawat alon na magmumula sa kanyang sagot. Hindi agad sumagot si Vaughn. Yumuko siya nang bahagya, tinitigan ang kanyang mga kamay na nakapatong sa kanyang tuhod, at huminga nang malalim. Kitang-kita ko ang bigat ng tanong sa kanyang mga balikat, ngunit walang bakas ng pag-aalinlangan sa kanyang mukha. "Amira," panimula ni Vaughn habang dahan-dahan niyang inangat ang kanyang paningin para salubungin ang mga mata ko. "To be completely honest with you, noong mga panahong magkaalay tayo, ang dami kong narealize. Pero may isang bagay na hinding-hindi nagbago kahit kailan." "Ano iyon, Vaughn?" tanong ko habang ang boses ko ay bahagyang nanginginig. "I never stopped loving you," seryosong sagot niya, ang boses ay mababa ngunit puno ng buong katapatan. "Kahit noong panahong galit ka sa akin,

  • Ninong Vaughn's Secret Lesson (SPG)   Chapter 156

    Amira's POVMagkasama kaming naglakad pabalik sa sasakyan ko matapos ang pag-uusap namin sa park. Walang pilit na yakap o mabilis na pangako ng pagbabalik. Pareho naming alam na ang pagbangon ng isang nasirang tiwala ay hindi natatapos sa isang simpleng pag-amin o isang gabi ng pagpapatawad. Dahan-dahan kaming naglalakad, pinapansin ang bawat hakbang habang ang hangin sa gabi ay banayad na dumadampi sa aming mga pisngi.Nang makarating kami sa tapat ng kotse ko, lumingon si Vaughn sa akin at ngumiti nang may pag-iingat. "Amira, alam ko na sinabi ko na hihintayin kita, pero gusto ko sanang magmungkahi ng isang bagay para sa susunod nating pag-uusap bukas ng gabi."Kumunot ang noo ko nang bahagya habang binubuksan ang pinto ng driver seat. "Anong mungkahi naman iyan, Vaughn? Huwag mong sabihin na gusto mo na namang gumawa ng legal contract para sa relasyon natin."Natawa nang mahina si Vaughn at umiling. "Hindi na tayo gagawa ng kontrata, Amira. Ang gusto ko sanang gawin natin ay ilagay

  • Ninong Vaughn's Secret Lesson (SPG)   Chapter 155

    Amira's POV Isang linggo ang lumipas mula nang huli kaming mag-usap sa café. Sa mga panahong iyon, pinagtuunan ko ng pansin ang pagpapatakbo ng Del Fierro Group at ang pagpapalawak ng aming mga proyekto sa rehiyon. Walang araw na lumipas na hindi ko naramdaman ang pagbabago sa paligid ko. Ang dating bigat na dinadala ko sa aking dibdib ay tuluyan nang napalitan ng tahimik na kapayapaan at kalayaan. Isang hapon, pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na board meeting, nagpasya akong dumaan muna sa isang tahimik na park malapit sa BGC kung saan madalas kaming maglakad noon ni Vaughn. Maganda ang simoy ng hangin, at ang mga ilaw sa paligid ay nagsisimula nang sumindi habang lumulubog ang araw. Habang naglalakad ako sa ilalim ng mga puno, nakita ko si Vaughn na nakatayo malapit sa isang bench. Suot niya ang simpleng kinuwartong polo at slacks, at sa kanyang mga kamay ay hawak niya ang pamilyar na leather notebook. Nang makita niya akong lumalapit, dahan-dahan siyang ngumiti, ngunit may ba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status