Share

6.Over time..

Author: Middle Child
last update Last Updated: 2025-06-17 05:21:08

Pagkalipas ng ilang minuto, tapos na si Drake sa kanyang interview.

Lumabas na siya mula sa pintuang iyon.

Agad na nagtanong si Roselynn,"kumusta?"

"Medyo tricky ang mga tanong, pero kayang kaya mo naman," nakangiting sagot ng lalaki.

Napabuntung hininga siya ng malalim.. "Lord, keri ko sana to," usal niya.

"Roselynn Palomar!" tawag iyon buhat sa loob.

Nagmamadali siyang tumayo, at inayos ang damit na bahagyang nagusot.

Kinakabahan siya. Pagpasok niya sa loob, agad siyang tiningnan ni Asher Andrade ng isang plantsadong tingin.

Umupo siya ng maayos sa harapan, iniangat ang ulo, nagpakita ng confidence at tiningnan sa mga mata ang mga taga interview.

Pero bago iyon, nagpakilala muna siya, "Good morning everyone. Thank you for giving me this opportunity to attend this interview, my name is Roselynn Palomar."

Simula ng dumating siya sa Pilipinas, marami na siyang nais pasukannna trabaho, kaya marami ng pumapasok na introduction sa kanyang isipan.

Hindi man ito tulad ng ibang introduce yourself with pasayaw pa, at least, hindi siya nagkamali.

Nagpatuloy ang kanyang interview.

Si Asher ay nakatingin sa kanya with his cold eyes. Kaya pakiramdam ni Roselynn, may bulate siya sa puwet na hindi makalabas. Pero kahit ganoon man, nakasagot naman siya ng maayos sa mga katanungan nito.

Pero hindi niya mawari, kung pakiramdam lang ba niya yun o ano, pero sa bawat banat nito ng sasabihin sa kanya, parang may gigil, parang kinokonsensiya siya, at parang meron itong inis sa kanya.

Sa totoo lang, talagang pagpasok niya sa room, agad niyang napansin ang lalaki. Nais sana niya itong tanungin ng ilang personal na bagay subalit hindi na lang niya ginawa. Hindi niya hinayaang madistract siya ng kanyang mga personal na katanungan sa isipan.

"Miss Palomar, are you married?" tanong ni Asher sa kanya, na nagpanganga sa mga kasamahan nitong nagiinterview.

Agad ang mga iyong natigilan saka napatingin kay Roselynn, na nakatingin naman kay Asher dahil miyembro din iyon ng panel na nagiinterview

Biglang kinabahan si Roselynn, pero nakasagot pa rin siya ng maayos, "hindi pa po, sir."

"Pero.. ngayon, may plano ka na bang pakasalan? o may boyfriend ka na ba?" muling tanong ni Asher.

Tumigil saglit si Roselynn, bago sumagot, "Yes sir."

Biglang natahimik ang ibang panel at nagtataka, kung bakit ang boss nila ay parang out of the line ang mga tanong.

Sa kanilang maiksing pag uusap, nagkaroon si Roselynn ng chance na matitigan ang lalaki ng mas matagal pa. Tama.. kamukha nga nito si Andy.. ang boylet crush niya noon.

Pero parang malayo naman ang ugali nito doon.

Sa appearance pa lang, ang Asher na ito ay parang cold hearted man.

**********

Sa wakas, tapos na ang interview.

Tumayo na siya upang lumabas. Nanghihina siya at nanginginig ang tuhod.

"Kumusta?" masayang salubong sa kanya ni Becky, "guwapo ba si Asher Andrade?"

"Tinanong ako sa loob kung may asawa na ko, at kung wala pa, kung may papakasalan na daw ba ako.." mahinang sagot ni Roselynn.

Nangunot ang noo ni Drake, "ano namang kalokohang tanong yun?"

Parang masyadong nag iinvade ng privacy.

"Naku, okay lang yan. Normal na yan dito. Buti nga, mabait pa sila. Minsan nga, tatanungin ka pa nila kung may anak ka na.." natatawang sabi ni Becky.

"Bakit naman sila magtatanong ng ganun?" naguguluhan siya.

"Kasi nga, minsan, ang mga anak.. nakakaabala sa trabaho yan, lalo na kapag nagkasakit, or may gagawin sa school, di ba?" paliwanag pa nito.

***********

Nung hapon ding iyon, nakatanggap ng tawag sina Roselynn at Drake. Nakapasa daw sila sa interview. At kinabukasan na agad agad ang kanilang pasok. Mayroon silang two months probationary, at kung makapasa sila sa test, ireretain sila ng kumpanya bilang mga regular staff.

KINABUKASAN..

Sinundo nina Drake at Becky si Roselynn.

"Plano kong bumili ng sasakyan sa sunod, para hindi na natin kasama ang kapatid ko palagi. Kawawa naman siya, gagawin nating service," natatawang sabi ni Drake habang naglalakad sila papunta sa kanilang department.

"Ano? ayaw mo na ba kong maging third wheel mo, o nagsasawa ka ng ibili ako ng milktea?" tanong ni Becky na bahagyang nakanguso.

"Wag niyo na lang akong sunduin bukas, mahirap kasi para sa inyo iyon. Kaya ko namang sumakay sa bus.. wag niyo na kong masyadong alalahanin.." sabi niya sa dalawa..

***********

Unang araw pa lang ng trabaho, at heto na agad si Drake—na parang napagtripan ng universe. Wala pa siyang isang oras sa opisina, bigla na lang siyang kinidnap—este, isinama—ng kanilang mga seniors para bumisita sa mga site nila.

"Bakit ako agad?" usal niya sa sarili habang nagmamadaling kinukuha ang kanyang laptop, halatang may crisis of confidence. Tila siya’y contestant sa isang game show na hindi alam kung anong premyo ang nilalabanan niya.

Bago tuluyang bumaba ng hagdan, sinilip niya si Roselynn. "Roselynn, alis muna ako, may site visit daw. Parang… biglaan yata?"

"Okay. Ingat." Sagot ni Roselynn habang nakatutok pa rin sa monitor. Ni hindi siya nag-angat ng ulo.

"Hindi ba siya nag-aalala man lang? Wala man lang ‘good luck’? O kaya ‘wag kang magpa-initan ng araw’?” Napakamot na lang si Drake at napabuntong-hininga.

Sa totoo lang, nalilito siya. Design department siya, hindi ba dapat puro AutoCAD lang ang kalaban niya dito? Bakit parang "Amazing Race" agad ang peg?

Pagdating ng hapon, kalmado na ang lahat. Tila tapos na ang sabak ni Drake sa field trip with feelings. Si Roselynn, ay tuloy lang sa trabaho, parang hindi naapektuhan ng kahit ano.

Biglang dumating si Becky, dala ang energy ng isang chismosa sa reunion.

“Tapos ka na ba, sis? Halika na, dinner tayo sa bahay. Inaaya ka ng magiging biyenan mo—charot!”

"Ay, gusto ko sana… kaso…" sabay hawak ni Roselynn sa noo, kunwari may migraine. “May ipinapagawa pa kasi si boss. Overtime daw. Project of the century yata 'to.”

“Hay nako!” Mabilis na bumalik si Becky sa station niya at nag-check sa system.

"O. M. G."

Naka-assign nga ang overtime. At ang masaklap, nadamay pa ang kuya niya—na si Drake—at si Roselynn. Kumbaga, “Buy 1, take 1” ang peg ng OT assignment nila.

Pero kahit stressful, may pa-free dinner naman galing kay boss—chicken joy with matching softdrinks. Not bad!

Alas-diyes na ng gabi, pagod pero busog. Si Becky, pinayagan nang umuwi. Naglakad pa ito na may pa-twirl, parang beauty queen na kaka-uwi sa gala night.

Si Roselynn naman, naiwan sa station, mukhang hostage ng overtime.

Medyo napapagod na siya, dahil ang oras na ito, dapat ay tulog na siya.

Tumayo siya saglit, at kinuha ang tasa para kumuha ng kape.

Nang bumalik si Roselynn sa kanyang pwesto, naroon na ang kanyang supervisor, nakatayo sa tabi ng desk niya na parang bodyguard ng principal.

"Roselynn, kailangan na ni sir ang blueprint na ginagawa mo. Iakyat mo na ‘yan sa kanya."

Napalunok siya. Wala pa siyang isang minuto sa break, tapos may “summon” na agad si boss.

"Yes po!" mabilis niyang sagot, sabay patong ng kape sa mesa — na hindi pa niya nalalagyan ng asukal. Sayang.

Bitbit ang folder, nagmadali siyang lumabas. Habang papasok sa elevator, napatingala siya sa kisame, saka napabulong:

“Dalahin kay boss? Eh di parang 'The Chosen One' ako today?”

At doon, sa maikling biyahe sa elevator, sumagi agad sa isip niya ang mala-modelo sa billboard na mukha ni Asher Andrade. Aminin mo Roselynn, kung ganyan ang boss mo, kahit may thesis kang overdue, aakyat ka pa rin, ‘no?

Pagkababa, ilang beses siyang lumiko-liko sa hallway. Hindi siya familiar sa lugar kaya feeling niya ay nagpa-practice siya ng obstacle course.

"Grabe, ang laki ng opisina, parang mall! Walang signage, walang secretary, wala ring mapagtanungan… anong floor na nga ba ako?"

Sa wakas, nakita rin niya ang pinto ng president’s office. Kumatok siya — mahina lang, baka kasi may natutulog.

"‘Di ba dapat may secretary dito o security man lang? ‘Wag niyo pong sabihing open door policy ang peg niyo, sir…”

"Bukas 'yan."

Napalingon siya sa malalim na boses — parang DJ ng midnight radio show. Ayun na si boss. May boses pang nakakakiliti sa batok.

Dahan-dahan siyang pumasok, hawak ang folder na para bang diploma.

“Sir, eto na po yung blueprint na kailangan niyo,” maayos niyang abot.

Ni hindi siya tiningnan ni Asher. Kinuha lang ng isang kamay ang folder, habang abala sa pagbabasa ng dokumento na para bang life-and-death decision ang nakasalalay.

“Ah… okay…” mahina niyang bulong, at unti-unti nang umatras si Roselynn paalis — nang biglang mag-angat ng tingin si Asher.

Natigilan siya. Yun bang moment na akala mo wala na, tapos bigla siyang sumulyap na parang slow motion sa pelikula.

Nag-freeze si Roselynn. Ayaw naman niyang mukhang stalker na hindi umaalis. Kaya tinakpan na lang niya ang kaba sa dibdib ng best acting skills niya — steady stance, slight smile, parang poster ng toothpaste ad.

Napagmasdan siya ni Asher — at sa loob-loob niya,  gumuguhit ang alaala niya noon tungkol kay Roselynn. Mas naging graceful ito, mas confident, at mas… maganda.

“Pwede ka nang umuwi. Maghanda ka para bukas.”

Napakislot si Roselynn. “Po?”

“You’ll be going on a business trip with me tomorrow,” diretsong wika ni Asher, na parang nag-utos lang ng extra rice.

Gusto sanang tumanggi ni Roselynn. 'Business trip? Ako? With him? Hindi pa nga ako fully emotionally prepared!'

Pero halata sa tono ng boss niya — wala na ‘tong follow-up discussion. Parang ‘period’ na lang, hindi ‘question mark’.

Kaya tahimik na lang siyang lumabas ng opisina.

At habang naglalakad siya palayo, napasunod ng tingin si Asher. Tahimik, pero may ngiting hindi niya mapigilang kumawala.

Makitid ang baywang, maayos ang postura, confident ang lakad. Yup. Definitely not the same girl five years ago…

Hindi na niya napansin, namamanhid na pala ang mga daliri niya sa pagkakakapit sa ballpen.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Elizabeth S. Gutierrez
nice story kindly open next chapter please.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   111. Pasaring

    "Maldita talaga ang Mildred na yan.." bulong ni Susana kay Helen. "Kahit kailan, hindi na ibinagay sa event ang kanyang outfit.. Feeling ko, ang nais niya palagi ay maging center of attraction.""Baka center of distraction. Mayaman siya, kaya kailangan natin siyang pakisamahan.." ganting bulong ni Helen, "Wag kang mag-alala.. sisiguraduhin nating mauubos niya ang salapi niya dito..""Ang talas kasi ng dila, nakakinis!" gigil subalit puno ng composure na wika ni Susana. "Parang palaging bagong hasa..""Sinabi mo pa.. alam mo naman yan, yumaman lang dahil kay Andong.. sa kasamaang palad, itinuring na lucky charm ng pamilya, lumaki tuloy ang ulo.""True.. hindi kagaya natin na likas ng mayayaman kaya pino kumilos. Ewan ko ba, talagang money can't buy class..""Class picture lang," nagakatawanan silang dalawa dahil sa sinabi ni Helen.Habang nag-uusap sila, lumingon si Susana sa auction stage. Nakita niya si Mildred na abala sa pagbibigay ng mga bid, tila walang pakialam sa ibang tao. Sa

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   110. Event

    SA isang gala nights!Naghanda ng isang auction si Susana. Para na rin maligtas siya sa gulong kinasasangkutan niya. Hinihintay na lang niya ang tawag ng kanyang mga tauhan upang mag update sa kalagayan ng kambal.Kasalukuyan silang nagsasaya ng kanyang mayayamang amiga.Wala sa kanyang hinala, na may aberyang naganap. Hindi siya nagbubukas ng telepono kapag nasa gala, dahil mas priority niya ang makaattract ng mga negosyanteng maaaring makasama sa negosyo.Kapag namatay ang mga anak ni Asher, sigurado siyang masisiraan ng ulo ang lalaki, at ang kanyang biyenan, ay ilalagay niya sa home for the aged hanggang bawian ng buhay.Dahil doon, tanging ang anak niyang si Simon ang may karapatan sa lahat ng kayamanang mayroon ang pamilyang Andrade!Masaya ang buong event hall.. bumabaha ng pagkain, naghahalo ang mamahaling amoy ng perfume at ang amoy ng mamahaling alak.Ang mga bisita ay kanya kanyang umpukan, at yabangan ng mga alahas na nakasabit sa kanilang mga braso at leeg.Maraming nagdo

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   109. Siya ang mommy mo

    “DADDY…” halos sumigaw si Roselle nang makita ang ama. Ang boses niya’y nanginginig, halo ng takot at pananabik. “Bakit po umiiyak si Miss Rosie?” tanong niya sa maliit na boses, habang nakatingin sa sekretarya ng kanyang ama.Lumapit si Asher, tahimik ngunit mabigat ang bawat hakbang, at hinawakan ang maliit na kamay ng anak. “Anak…” ang tinig niya’y puno ng lungkot at pagsisisi. “Anak… siya ang— siya ang mommy mo…”Tumigil si Roselle sa paghinga. Nakatitig siya, parang hindi makatanggap ng katotohanan. Totoo ba? Ang sekretarya ng kanyang daddy… ang babaeng palaging nakangiti, laging mahinahon… siya pala ang mommy niya? Paano nangyari iyon? Bakit hindi niya ito nalaman noon?Hinawakan ni Asher ang kanyang mukha, pinatingkad ang bawat salita. “Walang kasalanan si mommy sa paghihiwalay niyo. Hindi niya alam na nag-eexist kayo… Ako, ako ang nagkamali. Matagal ko na pinagsisisihan, pero hindi ko na nahabol ang lahat. Nakaalis na siya ng bansa noong mga oras na iyon…”Napahinto si Roselle

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   108. Paglayo ni Drake

    HABANG nakahiga sa kama si Roselle, si Roselynn ay nakahawak sa maliliit na kamay ng bata. Nais niya ipadama dito ang init ng kanyang pagmamahal. Ayaw niyang bigyan ang sarili ng pagkakataong bitawan ang bata.Patuloy ang kanyang pag iyak.Dumating sina Simon, Becky at Drake. Nakita nila ang kaawa awang lagay ng bata."Kumusta daw si Eli?" tanong ni Simon."Tinatahi na ang kanyang sugat." si Asher iyon. "Nabaril siya habang papatakas.""Oh my God!" natutop ni Becky ang kanyang bibig matapos marinig ang sinabing kalagayan ng bata."Matapang talaga si Eli.." huminga ng malalim si Simon, "wag kang mag alala kuya, sisiguraduhin kong mapaparusahan si mommy. Hindi ko kayang tanggapin na maaatim ng kanyang konsensiya na manakit ng mga inosenteng bata.""Salamat naman, Simon, at hindi mo pinapanigan ang mommy mo.." sabi ni Asher."Kuya, ikaw ang nagturo sa akin, na kapag mali, wag nating piliting tuwidin ang naging baluktot. Tama lang na malaman niya, na walang kama kamag anak kapag nagkasala

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   107. Nabaril si Elijah

    Dahan dahan ang takbo ni Eli, na tila may iniinda. Bigla niyang napansin na basa ang kanyang damit. Ng hawakan niya ang kanyang bandang tiyan, at nahawakan ang mainit init na likidong tumutulo mula doon. Hanggang sa tuluyan na siyang mapaluhod.Natakot si Roselle at akmang babalikan ang kapatid, subalit marahas na sumigaw si Eli."Wag kang babalik! tumakas ka na!""Pe- pero--" nagdadalawang isip ang bata kung susundin ang iniuutos ng kapatid."Takbo!!!" may bahid ng galit sa tinig ni Eli, "kahit anong mangyari, wag kang lilingon!"Sinunod ni Roselle ang utos ng kapatid. Pinahid niya ang kanyang mga luha, saka nagmamadaling tumakbo. Ang determinasyong makatakas at makahanap ng tulong ay nag uumapaw sa kanyang puso.Sa pagtawid niya sa mga barb wire na bakod, nasabit ang kanyang binti, at tuluyan na iyong nasugatan. Hindi niya ininda ang sakit. Sa kanyang murang edad, malinaw na ang nasa isip niya, kailangan niyang humingi ng tulong!Isang putok ng baril, at daplis ng hangin ang naramda

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   106.Ang pagtakas

    "Eli.. natatakot ako.." ang tinig ni Roselle ay talagang tinig ng isang batang nawawalan na ng pag asa, "gutom na gutom na ko.. ayaw tayong pakainin ni Lola..""Wag kang kakain ng ibibigay niya.. baka mamaya, lasunin niya lang tayo.." bulong ni Eli, "isa pa, wag kang matakot, hindi kita pababayaan.." niyakap niya ang umiiyak na kapatid.Para sa isang limang taong gulang na bata, si Eli ay mas matured mag isip. Kuhang kuha niya ang ugali ng ama, na parang isang matanda.Ayaw niyang kakaawaan siya ng iba, at ayaw niyang magmukmok lang sa isang tabi at hintayin na lang ang kanyang kamatayan.Para sa kanya, kung hindi ka lalaban at magpapatalo ka na lang, wala kang silbi sa mundo!Iniikot niya ang kanyang mga mata sa paligid, at nakakita ng isang ref.Binuksan niya iyon. Kahit paano, buhay naman pala ang ref, at maraming tubig na selyado pa. Subalit hindi siya nagtangkang kumuha ng isang inumin. Para sa kanya, sa lugar ng isang kaaway, walang safe kainin, o kahit tubig na inumin."Wow! ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status