Share

CHAPTER 1

Zoey Trisha Ramos

“Zoey Trisha Ramos!!!” Sigaw nitong katabi ko. Biglang naman akong napatingin sakanya. Ano na naman ba kasi ang problema nitong kaibigan ko. May iniisip lang kasi ako kaya parang lumilipad na naman ang utak ko sa ibang mga bagay. Paano ba naman kasi may binasa akong libro pero hindi naging happy ever after ang kwento nila pati tuloy ako affected sa naging ending ng mga bida kahit pala sa libro walang happy ending gusto ko pa naman kahit sila nalang ang maging masaya.

“Trish, ano ba? Kanina pa ako nagtatanong kung tama ba ‘yong mga sinasagot ko, alam mo namang hirap na hirap ako dito sa mga numbers na ‘to eh. Mamaya pag ako ang tinawag ni Ma’am dito tapos hindi na naman ako makasagot yari na talaga ang recitation ko nito. I-explain mo naman sakin paano ito solve at kung paano ito ang naging final answer mo? Bakit magkakaiba tayo ng sagot nina Gab.” Pinipigilan kong matawa dahil sa itsura ng kaibigan kong si Sab. Halatang hirap na hirap talaga sa sinasagutan nya. Wala pa kasi ako sa mood ngayon para mag explain sakanya kasi nga masyado pa akong affected sa binasa kong libro.

“Hellooooo Trisha? Nakakainis ka naman eh, ako ang kasama mo pero sya ang iniisip mo. Sabi ko naman sayo mag move on ka na.” Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Sab. Hindi naman kasi sya ang iniisip ko pero biglang may pumasok agad sa isip ko na lalaki pero sa lahat ng pwede kong maisip sya pa talaga. At ito namang si Sab ay kung anu-ano talaga ang sinasabi ng babaeng ‘to kaya pati tuloy itong utak ko biglang nag-isip ng kung sino.

“Pwede ba Sab, hindi sya ang iniisip ko. Wala na akong pakialam sakanya.” Pero unti-unti may sakit na gumuguhit sa aking dibdib. Bigla ko na namang naalala ang araw na naghiwalay kami. Masakit pero anong gagawin ko? Kailangan ko na mag move on, life goes on nga di’ba? Hindi naman pwede na tumigil ang mundo ko dahil lang doon sa mga nangyari sa nakaraan at matagal na panahon ‘yon. Baka nga ay nakalimutan nya na ako at sino ba naman ako para sakanya para isipin nya pa baka nga masayang masaya na sya sa buhay nya ngayon.

“Si ate girl bitter pa rin. Akala ko ba nakapag move on ka na? At tsaka ‘yong mga ganong klaseng lalaki hindi sila worth it pag aksayahan ng panahon, kung ako sayo maghanap ka na ng bagong magiging boyfriend dahil sa ganda mong yan for sure and daming pipila sa’yo kung hahayaan mo lang sila.” Singit naman nitong si Gab, she’s, I mean he, he’s my friend too. Tiningnan ko silang dalawa. Sila lang ang tanging mga kaibigan ko dito sa University. Bitter na kung bitter pero syempre hindi ko naman aaminin sakanila ‘yon. Kailangan kong maging matatag, ayoko ng distraction lalo na ngayong graduating na ako. Madami akong pinagdaanan at hindi biro ang mga ‘yon, sobrang nalugmok ako ng mga panahong iyon. Masakit talaga pag nabigo sa unang pag-ibig.

“Hindi ko kailangan ng boyfriend sobrang busy ako sa studies ko dahil graduating na tayo kaya please lang tumigil na kayo sa mga ganyang bagay. Ang dapat nyong gawin ay mag-aral na rin kayong mabuti lalo na ikaw Sab.” Nahinto naman ang dalawa sa kulitan nila. Kung mahilig sila mang asar tungkol sa mga love life na ganyan madali ko naman sila napapatiklop lalo na kung ang usapan ay tungkol na sa class lesson or sa pag fofocus na sa pag-aaral. Pinaningkitan ko sila ng tingin at parang mga biglang naging maamong tupa ang dalawa.

“Halika na nga Sab, baka mamaya kainin pa tayo ng buhay nyang si Trisha eh.” Nag mamadali namang umalis ang dalawa kong kaibigan at saan na naman kaya sila pupunta. Lagi nalang nila akong iniiwan pag nakikita nilang seryoso na ako dahil alam nilang pangangaralan ko silang dalawa. Natatakot pa rin sila pag tiningnan ko na sila ng masama, effective pa rin sakanila ang kasabihang ‘makuha ka sa tingin.’

By the way I’m Zoey Trisha Ramos isa akong graduating student, BS in Civil Engineering. Ito talaga ang gusto kong kurso, si Sabrina or Sab ang aking best friend since fetus era kaya pareho kami ng kurso kahit hirap na hirap sya, okay lang daw basta kasama ako. Both mother namin kasi ni Sab ay mag best friend din at parang coincidence na sabay din silang nagbuntis dati kaya sabi nila habang nasa sinapupunan palang kami ni Sab ay mag best friend na rin kami at ‘yong parents namin ang nag decide non. I am happy and thankful na naging best friend ko si Sab kahit minsan baliw ang babaeng ‘yon. Si Gab naman, he’s gay and last year lang namin sya naging close dahil irregular student din sya but he knows everything about kay Kurt! Ayy nako Kurt na naman ang bukam-bibig ko. Masyado kasing madaldal si Sab kaya nalaman ni Gab ang kwento ng buhay ko at dahil kinulit din ako ni Gab na magkwento kaya nasabi ko na rin sakanya. May tiwala naman ako sakanya at higit sa lahat palagay ang loob ko sakanya.

I was seventeen years old when I met Edrick Kurt Lim, while he was twenty-two years old that time. Sinong hindi makakakilala sakanya dati, sya lang naman ang sikat na sikat na playboy dito sa Unibersidad namin. Samantalang ako ay isang freshman pa lang that time, sya naman ay graduating na, same college rin kami. Bakit ko nga ba kinukwento ang mga bagay na 'to? Sabi nga nila past is past.

Pero kahit anong limot ko sa nakaraan ay kusang bumabalik ang alaala ni Kurt sa akin. Bakit ba kasi ayaw pa ako patahimikin ng lalaking ‘yon. Dapat ay ipakita ko sa mga tao na hindi na ako apektado kay Kurt kahit naman deep inside ay sumasagi pa rin sya sa aking isipan paminsan-minsan. Limang taon na ang nakalipas pero nandito pa rin sya sa puso ko. First love never dies nga naman.

“It’s not the people who changed it is the mask that falls of.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status