Share

CHAPTER 2

Edrick Kurt Lim

Nag mamadali akong nagpahatid sa driver namin dahil 8:30am na. Kanina pang 8:00am ang class namin kasi naman nagpuyat pa ako kagabi kakabasa sa mga bagong librong nabili ko kaya mala-late na talaga ako ngayon. Kung su-swertihin nga naman ako, traffic na nga empty batt pa ang phone ko at ang malala pa ay si Ma’am Garcia pa ang prof namin! Naisip ko na nga na wag na lang pumasok sa first class kaso may long quiz kami at pag hindi ko ‘yon na take mag special quiz pa ako and I’m sure na doble ang hirap non.

9:00am na ako nakarating sa Campus namin, good thing may sasakyan kami kaya kahit sobrang laki ng University na ‘to mabilis akong nakarating sa building namin. One-hour late na ako, meron pa kaya akong maabutan sa long quiz? Ganoon pa man ay nag mamadali akong tumakbo papalapit sa elevator, pag pasok ko biglang tumunog at sa sobrang swerte ko ngayong araw overload na ito, wala akong nagawa at bumaba na lang. Nasa fifth floor pa ang room ko. GO TRISH GO GO GO!! Bulong ko sa sarili ko. Nagmamadali akong nagtungo sa hagdanan. Kaya ko 'to!

Hingal na hingal ako habang binubuksan ang pinto kung saan kumukuha ng long quiz ang mga classmates ko. Sana ay payagan pa ako ni Ma’am na mag take ng quiz.

“Ha Ha Ha Ha”

“I know, I know.”

“Shut up.”

“I’ll tell you later.”

Halos mapaupo na ako sa harap ng pintuan nang makita kong nagkakagulo pa ang mga classmates ko, isa lang ang ibig sabihin nito wala pa si Ma’am Garcia. Yes! Yes! Yes!! Ito na talaga. Totoong swerte na ako ngayon, sa lahat ng hirap na pinagdaanan ko ngayong umaga.

“Hey girl! You’re late and you look so… haggard.” Bati sakin ni Gab na tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. Masyadong maarte tong baklang 'to. Nakita na ngang hingal na hingal ako dahil nag mamadali ako sa pag aakalang nag start na ang quiz namin.

“Kung alam mo lang ang hirap na pinagdaanan ko tapos gantong kagulong classroom lang ang aabutan ko sana hindi na lang ako nag stairs at nag tatakbo dito. Nakakapagod kaya, nasaan na ba si Sab?” Lumingon lingon pa ako para hanapin ang kaibigan ko. Nang hindi ko sya makita ay nagsimula na akong maglakad papunta sa upuan namin dahil pagod na pagod na ako sa pagtakbo ko.

“Girl, nagpunta lang sa restroom si Sab. Mag ayos ka nga dyan. Mag suklay ka rin, tingnan mo nga ang sarili mo pawis na pawis ka na hindi pa nagsisimula ang araw natin.” Tapos hinagisan nya ako ng tissue. Ganun na ba talaga ako ka haggard? Nakakahiya naman pala ang itsura ko kaya agad akong nag punas ng pawis sa may noo ko.

“GUYS!” Sigaw ni Sab. Hingal na hingal syang pumasok sa room. Ano na naman kaya ang eksena nitong babaeng ‘to. Napatingin kaming lahat sakanya, aba tuwang tuwa pa sya. Lagi kasi syang ganyan, kay gandang babae kung umasta naman kasi sya ay hindi bagay sa maganda nyang muka. Mukang mahinhin pero baliw naman.

“Listen!” Sabi nya na humihingal pa. Habang ako dito sa may bandang likuran ay nagsusuklay na sa napaka gandang buhok ko, nagpunas ng muka at naglagay ng konting foundation, red lipstick, konting spray ng favorite perfume kong Victoria’s Secret and tadaah!!! Okay na ulit ang beauty ko!

“Anong chika mo?” Tanong ng isang classmate namin. Mga chismosa talaga 'to! Pero na intriga na rin naman ako. Hindi ko kilala ang lahat ng classmates ko kasi hindi naman ako friendly at ayokong makipagkaibigan sakanila. At dahil nga irregular student kami ay wala na rin akong balak kilalanin ang lahat ng naging kaklase ko. Maarte na kung maarte pero may trust issue kasi ako.

“Good news! On leave si Ma’am Garcia!” Sigaw ni Sab sa buong klase. Tuwang tuwa naman sila syempre nabawasan ang mga terror na prof namin. Isa kasi talaga sa nakakatakot itong si Ma'am. Pinaglihi yata sya sa sama ng loob eh. Good news ito para samin at isa lang ang ibig sabihin nito, wala kaming long quiz today!

“Saan mo nakalap ang balitang yan Sab?” May nagtanong kay Sab, si Marie yata or Marry Anne. I don’t remember her name pero ayon nga saan naman kaya nakuha ni Sab ang balita nya. Sana nga lang hindi fake news.

“Narinig ko lang kay Dean, kaso may substitute na prof na daw tayo. Narinig kong sabi ni Dean ay ‘Sir’ so lalaki ang substitute Prof natin.” Nagliwanag ang mga mata ng babae kong kaklase isama nyo na rin ang binabaeng katabi ko. Nakarinig lang ng SIR. Sus baka mamaya matanda na ‘yong Prof na ‘yon. Don’t expect too much, baka mamaya ikaw din ang ma-disappoint.

Bigla kaming natahimik nang pumasok si Dean at may kasunod na lalaki, tingin ko nasa 40’s na 'to. Natawa na lang ako sa mga expression nila halos mapanganga sila. I’m 100% sure na nag expect silang gwapo ang prof na mag sa-sub kay Ma’am Garcia.

“Good morning everyone!” Bati ni Dean, nagsalita pa sya sa unahan ng kung anu-ano pero hindi na rin ako nakinig kasi ipapakilala lang naman nya ‘yong Prof and I’m not interested naman, ang mahalaga sakin magturo sya para may matutunan kami. Busy pa kasi ako sa pagbabasa sa dala kong libro. Kahit naman bitter ako mahilig pa rin ako magbasa ng mga romance book.

“WHHATT THE!!” napatingin ako sa kanan ko, si Sabrina ang katabi ko! Impit na sumigaw sya. Sinundan ko naman ang tinitingnan ni Sab pero bago pa ako makatingin sa harap napalingon naman ako sa kaliwa ko nang marinig ko si Gabriel.

“HOOOLY MOOOLLY POLLY!” Anong nangyayari sa mga tao ngayon? Bakit ang ingay. Pagtingin ko sa unahan ay ganon na lang din ang gulat ko.

“SH*T” Iyong iba na impit na napapasigaw na mukang dahil sa kilig nila, ako naman ay napamura sa sobrang gulat at naisigaw ko pa talaga! Anong ginagawa ng lalaking 'yan sa room na 'to? Bakit sya nandito? Bakit ba ang dami kong tanong? Hindi kasi ako nakikinig kanina eh. Ayan tuloy.

“You.” Turo nya sakin, kaya naman lahat ng kaklase ko ay nakatingin na sakin. “Miss?” tanong nya sakin. Tinaasan ko sya ng kilay. What? Hindi nya ako kilala? Sira na ba ang ulo ng lalaking ‘to.

“Miss Zoey Trisha Ramos po ang pangalan nya, sir.” Sabi ng mahaderang kaklase ko. At buong buo pa talaga ang pagkakasabi sa pangalan ko. Humanda sakin 'yan mamaya. Nakakainis! At ito naming lalaking ‘to ay muling tumingin sakin.

“So, Ms. Zoey Trisha Ramos, is that a proper way to greet your new Professor?” Tila mayabang na pagtatanong nya sakin. Ano bang gusto nyang palabasin. Medyo naaasar na ako sakanya. Sya pala ‘yong substitute prof namin, eh sino ‘yong matandang lalaking pumasok kanina?

“Trish, kalma lang!” Bulong ni Sab, nakita nya siguro kung paano ko ikuyom ang mga daliri ko sa palad ko. Inis na inis ako sa taong ‘to lalo na nung nag smirk sya. Dahil hindi ko alam ang word na patience, tumayo na ako sa pagkakaupo ko at sabay sabing.

“Professor? Let me correct it Sir, you’re a substitute professor here and one more thing I’ll drop this subject.” Katahimikan lang ang nanaig sa napakalaking room na ‘to, tanging ang tunog lang ng aircon ang maririnig. Kinuha ko na ang bag ko at naglakad na palapit sa pintuan ng magsalita ulit sya.

“Why Zoey? Are you still affected?” Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Halos magkabuhol na ang kilay ko at ang sama na rin ng tingin ko sakanya. Lumapit sakin si Sab at sinabing Don’t make a scene here.” samantalang si Gab ay nakatingin lang samin dahil hindi nya naman kilala kung sino ang lalaking nasa unahan. Bakit nga ba ako aalis at mag da-drop, di’ba graduating na ako kaya wala dapat akong maiwan na mga subjects pero kasi naman ‘yong substitute prof hindi ko alam kung matatagalan ko sya.

“No sir, why would I be affected. I’m not just sure if you can teach us very well, unless if you’ll teach the class how to be a good player like you, SIR Pinagdiinan ko ang salitang Sir. Bigla akong hinila ni Sab pabalik sa upuan namin halos mapanganga ang mga kaklase namin sa room. Ikaw ba naman sagut-sagutin mo ang professor mo. Kilala nila ako bilang tahimik lang pero this time hindi ko talaga napigilan ang sarili ko. Kaya naman siguradong ako ang magiging topic nila ngayong araw o baka abutin pa hanggang sa susunod na linggo.

“Watch your big mouth Zoey! I’ll let it pass for now.” Sabi nito at titig na titig pa sakin. Akala naman nya masisindak nya ako sa mga tingin nya pwes nagkakamali sya. Mainit ang ulo ko pero bigla ring parang may humaplos sa puso ko. Ewan ko ba galit lang siguro ako kaya pati ang puso ko apektado na rin.

“Whatever” Sagot ko, hindi ko alam kung narinig nya pa ‘yon. Tahimik lang akong nakaupo sa dulo pero bumibilis ang tibok ng puso ko. Magkakasakit yata ako sa puso dahil naging abnormal na ang tibok nito.

“Okay class, sorry for the interruption and let me continue. Again, I’m Edrick Kurt Lim but you can call me Sir Edrick. If you have questions don’t hesitate to ask me. Alright?” Seriously? Yan ang magiging prof namin? Until when? Yang playboy na yan! Baka masayang lang ang napakamahal na tuition na binabayaran ng mga magulang namin kung sya ang magtuturo.

“Sir I have a question.” Sabi nung babae sa unahan, sorry hindi ko kasi talaga sila kilala. Basta pumapasok lang ako at nag-aaral. Hindi ko hobby ang makipagkaibigan sa buong college namin.

“Yes. Ms?” Sagot naman nitong substitute prof namin. Feel na feel naman nyang tawagin syang sir.

“Ms. Alcantara po Sir.” Nagpapacute na sagot naman nitong si Alcantara. Akala mo naman cute eh ang sakit naman kaya sa mata na makita silang nakikipaglandian dyan sa substitute prof na ‘yan.

“And your question Ms. Alcantara?” Pwede ko syang isumbong kay Dean, nakikipag flirt sya sa mga students. Tama tama! Lagot ka sakin. Mapapaalis ka rin sa University na to.

“Sir, I just want to know how young are you?” Hay nako! Akala ko about sa topic ang tanong nya. Kung sabagay parang ngayon lang nakakita ng gwapo itong mga kaklase ko. Hindi yata nila nakikilala ang lalaking ito. Sya lang naman ang dating playboy ng College namin. Sabagay freshman pa ako noon at itong mga ka batch ko ngayon ay malamang mga highschool palang sila noon. Masama pa rin ang loob ko kasi dahil sa nangyari dati tumigil ako ng isang taon sa pag-aaral kaya naman ibang ka batch na itong mga kaklase ko. I feel guilty sometimes kasi dahil sakin pati si Sab ay tumigil din ng isang taon dahil ayaw nya daw pumasok kung hindi ako ang kasama nya.

“I’m twenty-seven years old and I’m single.” Hindi nya na natapos ang sasabihin nya nang nagsimulang magsigawan ang buong klase. Bakit ba sila kinikilig? Sino bang may sabing pwede nilang landiin ang lalaking yan.

“What a flirt.” Nakangusong saad Sab. Napatingin ako sakanya, alam kong galit din sya sa ex ko. Nakita nya kung paano ako nasaktan at nagdusa nang mga panahong iniwan nya ako. Napangiti ako ng mapait ng maalala ko na naman ‘yon. Bakit ba naman kasi bumalik pa sya dito, kung nanatili na lamang sana sya sa US.

“But my heart is taken” Bigla namang tumahimik ang klase ng madugtungan ni Kurt ang kaninang sinasabi nya! The hell! I’m single but my heart is taken. What a flirt. Isusumbong ko talaga sya kay Dean mamaya. Bawal nyang landiin ang mga students dito. Isa syang professor dapat maging professional sya.

“Awwww” Sabay sabay namang nag react ‘tong mga babae. Ano naging aso na sila. Bitter na talaga ako kung bitter. Kulang nalang ay maging hugis puso ang mga mata nila.

“Atteehh!! Bakit ba ang bitter mo? Gumawa ka pa talaga ng eksena here.” Wika naman ni Gab! Malamang hindi nya pa kasi nakikita si Kurt dahil puro kwento lang ang nagagawa namin dati ni Sab sakanya pero masaya ako kasi he respect my decision nang sinabi kong ayaw ko na makita ang pagmumuka nung lalaki na yun, kaya hindi namin napakita ang itsura ni Kurt sakanya.

“People at the back, do you want to share something in the class?” Bwisit ako na naman ang nakita. I mean kaming tatlo nina Sab and Gab ang napagsabihan. Todo chismisan pa kasi ‘tong dalawang katabi ko. Ayan tuloy baka kami lagi ang pag diskitahan nitong lalaking ‘to.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status