Home / Romance / Not Your Ordinary Cinderella Story / Chapter 6 Epic Encounter (Lyah’s POV)

Share

Chapter 6 Epic Encounter (Lyah’s POV)

Author: Miss Elle
last update Huling Na-update: 2022-11-11 15:18:23

THREE MONTHS AGO…

“Bring it on, keychain! I’ll take you on.”

Ilang weeks kong inabala ang sarili ko sa keychain na ito. I wrote my full name on a small piece of paper at lagyan ng design sa gilid. And the result did not fail my efforts. It fit perfectly sa keychain! Ang ganda niya tingnan dahil ang mga kulay, tila lalong nabigyan ng buhay nang ilagay ko na sa loob ng keychain ang papel.

“This is my masterpiece!”

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Nagbabasa ako ng manga dito sa kwarto ko, pampalipas ng oras habang naghihintay ng alas dose. May inaabangan akong anime sa TV, nang hindi sinasadyang lumipad ang isip ko sa nakaraan. Remembering the past in this unexpected situation is kind of a bad omen. 

Mamamatay na ba ako?

Wala sa sariling kinuha ko ang wallet kung saan nakakabit ang keychain. Naroon pa naman.

Naalala ko pa ang sinabi noon ni Mama. Nagandahan siya sa ginawa ko pero pinagalitan pa rin ako. 

“Bakit full name ang nilagay mo? Baka may mangulam sa iyo niyan, o kaya gayumahin ka, bahala ka!”

Honestly, hindi ko iyon inaasahan mula kay Mama. O baka naman inaasar niya lang ako? Either way, iningatan ko na lang ang keychain. Ngayon nga ay isa’t kalahating dekada na siya sa akin. I considered it as a lucky charm na rin dahil puro magagandang bagay ang naranasan ko for the past years.

“AJ, lumabas ka!”

Or not.

Ang bunganga ng demonyitang kaibigan ko na si Elsa ang balakid sa buhay ko. Sa sobrang lakas, dumadagundong sa loob ng bahay kapag narito siya. Kakatok lang naman.

Lumabas na lang ako ng kwarto ko para tingnan kung anong dahilan ng panggugulo niya sa mainit na panahon.

“Hoy, Mare, ano na?! Ikakasal na’t lahat-lahat ang ex mo, ikaw broken pa rin! Move on na,” bungad nito nang pagbuksan ko siya ng pinto.

Pasalamat siya at nasa likod-bahay sina Mama’t Papa at nagsisiesta, kung hindi supalpal siya sa akin. Walang alam ang mga magulang ko sa pagbo-boyfriend ko noon.

“Eh ano ngayon?!” asik ko sa kanya which is a wrong move.

This girl’s imagination is too narrow for human thinking. Kahit wala namang pakahulugan sa akin, o kaya naman talagang naiinis lang ako, isisisi niya ang mga violent reaction ko sa paghihiwalay namin ng ex ko. She just don’t understand!

Naupo siya sa upuan na gawa sa kawayan. 

“Eh ano ba kasing gusto mo sa lalaki? Huwag mong idahilan na pihikan ka, tadyakan kita.”

She had been pestering me about getting a guy and setting me up for blind dates for almost five years now kahit na noong kami pa ni Arjay.

“Anong gusto mong marinig?!” I rolled my eyes at her. Humalukipkip din ako sa harap niya.

Kung sasabihin ko sa kanya na hindi ako interesado sa lalaki, hahaba lang ang usapan at mga ideals niya lang din ang igigiit niya sa akin. Tulad noong mga nakaraan, panay ang turo niya sa mga lalaki na kesyo magugusuhan ko rin, mga tambay pa sa kanto ang tinuturo.

Like what the fuvk?! Anong tingin niya sa akin, kahit sino pwede? Eh piling-pili ko nga ang nag-iisang ex ko na si Arjay, tapos hindi pa nadagdagan. And one more thing, the kilig factor lost its purpose in me when I turned to the age where I should be enjoying the romantic fantasies.

“AJ naman eh. Halos lahat ng batchmates natin, naka-graduate na, may asawa’t anak na. O tapos iyang ex mo, ikakasal na. Ang walang hiya, hindi na nahiya, in-invite ka pa. Wala ka bang ipapakitang boylet man lang? Sumagi man lang sa isip naming lahat na naka-move on ka na doon sa lalaking iyon?”

“Hindi ba pwedeng maging masaya na lang tayo para sa kanya? Big deal?!” 

“Hoy, babae, talagang big deal iyon! Hindi ka na nagka-boyfriend after ng almost four-year relationship niyo ng ex mo. Ang akin lang naman girl, concern lang ako sa ’yo. Mahirap mag-move on, alam ko. But it’s been two years na since your break-up. Malay ko bang deep inside, nagbe-break down ka riyan, hindi ka pa nagsasabi.”

That’s it! Nakuha niya ang punto, but she looked it in another way.

“You’ve said it yourself, Elsa. It’s been two years na. Bakit hanggang ngayon, iniisip mo pa rin na I’m still into him? I am so busy to even think of him for a second!”

I rolled my eyes at her. Ilang beses ko ba paiikutin ang mata ko? Sumasakit na!

“Allyah Jane Fernandez, linawin mo naman kasi sa akin. Iyong maayos, na naka-move on ka na sa gagong iyon.”

I give up. Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Ang hirap magpaliwanag sa mga taong in a relationship. Animo’y tingin nila sa mga single, kailangan ng partner o kaya naman, bitter. 

Huwag naman lahatin!

“Elsa Ocampo, anong klaseng maayos na paglilinaw ang kailangan mo?”

“Boyfriend. Dapat sa wedding ng ex mo, may kasama kang boyfriend,” she said smiling. Anticipation is visible in her eyes.

Natapik ko ang noo ko But since I know this girl, explaining further will only make her think na hindi pa ako nakaka-move on, o kaya naman, may sikreto ako na hindi sinasabi.

Kung nakikinig lang kasi siya sa gusto kong iparating. At kung hindi lang sa cute niyang anak na inaanak ko sa binyag, matagal ko nang pinutol ang friendship ko sa kanya. 

“Hindi na lang ako a-attend,” mahinahon kong sabi. Sinusubukan kong itago ang pagkairita ko.

“See?”

My eye brow reached its peak. Huminga na rin ako nang malalim para kalmahin ang sarili. Kaunti na lang, bubulyawan ko na siya.

“Next two months na ang wedding niya. At hindi ako makakahanap ng guy na papasa sa panlasa mo bilang boyfriend ko!” 

Ang hirap bang intindihin ang simpleng “naka-move on na ako?” And honestly, ang tagal na noon!

“It is your problem.” Tumayo na rin siya at nakipagtaasan ng kilay. “At isa pa, tigilan mo na nga iyang kaka-anime mo. Hindi ka na bata! Ano? A sa AJ mo, stands for anime?”

With this, I snapped.

“Lalayas ka. O gusto mong basagin ko iyang pagmumukha mo bago ka makalabas ng bahay?”

“Iyan, napapala mo sa mga pinapanood mo. Anyways, aalis na rin naman ako. But mind you, I am expecting this boyfriend of yours. Hindi ko na ipahihiram sa iyo si Jayme. Gusto mo ba iyon, AJ?”

I sighed. “You’re impossible.”

Hinding-hindi ko na siya mahihindian ngayon. 

“That’s settled then. I am looking forward to this boyfriend of yours. Papahiramin ko muna sa’yo ang baby Jayme ko ng ilang araw. Uuwi ang asawa ko. Alam mo na.”

Tumango na lang ako para matapos na ang pag-uusap na ito.

“Pakiusap, lumayas ka na.”

At ang bruha, she took a quick shot of me and left with her evil laugh echoing in the house. Tsk, this witch!

Hindi ko na kailangan ng lalaki—ngayon lang, para iharap kay Elsa sa araw ng kasal ng ex ko. Hindi pwedeng hindi ko makita ang inaanak ko, over my dead body.

Ang galing niya nga mag-isip eh. On-the-spot. At dahil ayaw kong humaba pa ang usapan na in the end, mga kagustuhan niya lang ang mapag-uusapan, pumayag na lang din ako. At isa pa, weakness ko ang anak niya. 

Kidnapin ko iyon, eh. Hindi ko na ibalik kahit magbigay pa siya ng ransom na limang daang piso.

I picked up my phone to look for someone available, iyong tamang escort lang at hindi magyayaya ng friendly date. I am scrolling down on the screen nang may tumawag. I accidentally answered it. Nilapit ko na lang iyon sa tainga ko para pakinggan kung anong mayroon at kailangan pang tumawag.

[Kumusta? Katamad. Four months na bakasyon. Ano pinagkakaabalahan mo ngayon?]

And calling me at the worst time in my worst mood is my friend from college—Neil De Jesus. We are in the same course and block. And here I thought, may update siya about sa school.

Bago pa ako makasagot sa mga nauna niyang tanong, may pahabol pa siya.

[Kumusta ang lovelife?]

Tinatamad na ako sa ganitong topic, sana siya din. Hindi ko na lang siya sinagot, bagkus pinakita ko sa kanya na wala ako sa mood.

“Bakit tumatawag ka? Kung wala namang kwenta ang sasabihin mo, ibaba mo na.”

He chuckled. [Na-miss kita. Bawal ba? Maghanap ka na kasi ng boyfriend at nang may katawagan ka na. Kaya ako ang tumatawag sa iyo, para naman kahit papaano, may lalaki sa call history mo.]

“Ay ipagpapasalamat ko pa pala iyon?”

Ibababa ko na sana ang tawag nang maalala ko ang deal ni Elsa. What if I seek help from Neil?

Tsk, forget. Binaba ko na lang ang tawag.

Napabuntong hininga ako. Pakiramdam ko, pagod na pagod ako.

Maglalakad-lakad na lang ako.

Kinuha ko ang wallet ko saka lumabas. Pagbukas na pagbukas ng gate, sinalubong ako ng malakas at malamig na hangin. Kahit summer, masarap sa pakiramdam ang dala ng hangin. May mga tinatangay pa na pink na dahon ng bouganvilla.

I tucked my hair behind my ear and started to head out. 

Walang katao-tao sa daan which is good to me. Mamaya, salubungin na naman nila ako ng tanong na bakit hindi ako naglalalabas. Tapos mauwi pa sa pagbo-boyfriend ang topic.

Speaking of, tiningnan ko ulit ang phone ko para maghanap ng escort. At kung may ikaiinis pa ang araw ko, hanggang gabi na ito. 

Sakto na kaka-expire lang ng load ko. Buti at nasa tapat lang ako ng tindahan na ilang bahay din ang layo mula sa amin, hindi ako magwawala sa daan sa sobrang inis.

Nang makapagpa-load na ako ay napagpasyahan ko na tumambay na lang. Mauupo na sana ako sa resthouse na nasa tabi lang ng tindahan nang mapatingin ako sa gawi ng lalaki. Nakatayo siya malapit sa poste. 

He’s like one of the men in Otome game. He has this aura that will make any women look his way. Wala sa sariling humakbang ako palapit sa kanya upang mapagmasdan siya.

Ang gwapo niya sa malapitan. Nakakasilaw ang kaguwapuhan niya. May hikaw din siyang kulay itim na bagay na bagay sa badboy niyang pustura. Ang height niya ay lagpas five feet, ang braso niya na maugat, ang abs niya—yummy! Tapos ang umbok—

I gasped!

Bakit n*******d siya?!

“Master, leave her alone. Baka budol-budol na iyan.”

Budol-budol? Wala namang gano’n dito sa amin ha?

Tumingin ako sa paligid para alamin kung ano iyong pinag-uusapan nila.

“Master, run!”

What the heck?! Makasigaw naman itong matandang ito, parang nakakita ng multo. At iyong isa naman, tumakbo rin. Parang mga baliw ito. Wala naman ibang tao sa paligid bukod sa akin.

When that thing hit my head again, I snapped.

“Mga walang hiya! Ako ata tinutukoy ng mga iyon. Huwag na huwag lang silang magpapakita sa akin. Pipilipitin ko mga leeg nila.” 

Bwisit! 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Epilogue

    “Bakit narito kayong lahat?” tanong ni George Jr. sa kanyang mga pamangkin na lalaki na prenteng nakaupo sa salas.Kasalukuyang naglalaro sa garden ang mga apo niya sa mga ito, kasama ang mga nanay.Wala rin siyang alam na may pagtitipon-tipon na magaganap sa pamilya nila kaya nagtataka siya kung bakit narito ang buong pamilya ng Ate Livia niya.“Pinauwi ko po sila kasi sabi ni Lola Mira, ok na si Yuri,” sagot ni Ritz.“The first time I saw Yuri really did intrigued me. Alam naman nating mabait si AJ, pero ang weird niya talaga. Iyong pinulot na maduming keychain, nilinis at nilagyan lang ng pangalan niya, naging self-proclaimed lucky charm na,” ani Romar.“And don&r

  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Chapter 100 Right Place (Lyah’s POV)

    NAG-REQUEST si Yuri na mag-picnic sa kalapit na burol. Napagpasyahan namin na magbakasyon ngayong malapit na ang fiesta sa amin. At alam na alam niya na once may hawak na akong libro, hindi ako magyayaya na gumala, kaya matinding pamimilit ang ginawa niya ngayon.“Lyah, please? Sina Kuya Louie at Kuya Romar, may kanya-kanyang family bonding. Ayaw mo ba? Mamaya, yayain nila ang mga anak mo, tapos sumama kasi hindi mo nilalabas.”“Yuri naman, eh. Ngayon na lang ulit ako nakapagbasa.”“Susunugin ko iyan.”“Subukan mo!”Kahit anong inis namin sa isa’t isa, hindi namin magawang magsigawan tulad ng dati. Tulog na ang mga anak namin, at katabi namin sila sa kama

  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Chapter 99 Snow and Cherry Blossoms (Lyah’s POV)

    Alagang-alaga ako ng doctor ko, dahil kambal ang dinadala ko at may high risk sila na maapektuhan ng sakit ko. Kailangang i-monitor ang factors.Yuri was very attentive, too. Lumabas ang pagiging gitarista at singer niya dahil palagi akong nagre-request na kantahan niya ako bago matulog. Gusto niya pa nga sana na iyong mga downloaded musics ang pakinggan ko, but I insist! Gusto rin naman ng mga anak namin.And what can I say? With his deep voice, he nailed the song “Pleasure” by WarpsUp.Kung kumanta pa si Yuri noong mga panahon na sinto-sinto pa ang relasyon namin, baka kapag nagkaalaman, ako ang lugi.My gosh, I really love him!“Lyah, wala ka bang planong magreklamo?”

  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Chapter 98 The Vows (Lyah’s POV)

    Kasal na kami ni Yuri, pero ngayon na nasa harap ako ng saradong pinto ng simbahan at nakalingkis ang mga braso ko sa mga braso ng magulang ko, may belo na tumatakip sa mukha ko, at naririnig ko na ang pagtugtog ng wedding songs mula sa loob, hindi ko maiwasang panlambutan ng tuhod.“Ma, Pa, h-hindi ko alam na ganito sa feeling ito. Parang hinahalukay ang tiyan ko, ang lakas na rin ng tibok ng puso ko, like hello? Kasal na kami! Bakit naiiyak ako?”“Halos lahat naman, bago sa iyo. At saka, sayang ang make-up mo, pigilan mo ang pag-iyak,” ani Papa at sinundan ng pagsinghot.Nagtatakang tumingin ako sa kanya. Pinupunasan niya ang mata niya.Bumaling ako kay Mama na namumula ang mata, na tila pinipigilang maluha.

  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Chapter 97 August 18 (Lyah’s POV)

    Isang buwan lang kami sa Japan, and I called it “bitin na honeymoon.” Snow at cherry blossom lang ang naabutan ko. I want to experience summer and fall too. Nag-promise naman si Yuri na babalik kami, mas matagal pa, at marami rin kaming pupuntahan. And he was hoping na may kasama na kaming mga anak.Nang makabalik naman kami sa Pilipinas, dito kami sa bahay niya dumiretso. Kasama pa rin namin sa bahay sina Sir Fred at Paul, pati na si Kristina who was busy with their son—Nijel. Binida rin ni Kristina na si Yuri ang nagpangalan sa anak nila, at ninong din siya.Naging playroom na rin ang dating kwarto ko.Kapag hindi ako busy sa trabaho, at wala naman akong maitutulong kay Yuri, nakikipaglaro ako sa mag-in. Nijel was such a sweet three-year-old child, calling me Ninang Ganda, asking me to tell him a fairytale story, at minsan pa na kaming tatlo lang nina Yuri ang nasa bahay at nakikipaghabulan sa kanya.Naging abala si Yuri habang sa baha

  • Not Your Ordinary Cinderella Story   Chapter 96 It Is (Lyah’s POV)

    Nakaupo ako paharap sa glass window habang sumasabog ang iba’t ibang kulay ng ilaw sa langit. I maybe enjoying the view if it wasn’t for Yuri, who is making me tremble to the tip of my hair.Iniyakan ko siya kanina na manonood na lang kami ng fireworks kaysa gawin ito. And he simply shrugged that we can do both at the same time!Pinasuot niya pa ako ng bunny costume. At ang buntot noon ay kailangan pang ipasok sa butthole ko.I threw my head back and arched my body from the pleasure. My legs were resting on the armrest, making my core exposed right at his mouth. Ang init ng dila niya! Dumagdag pa sa nakakakiliting sensasyon na dala ng pagdila na iyon ay ang malambot, slimy at slippy.Mukhang hindi siya kuntento sa pagpilig at pagpapakawala ko ng mga impit na ungol, dahil ngayon, his fingers are pressing and rubbing my G-spot as his tongue do its magic on my clȋt. Dinidiin niya rin sa loob ko ang matigas na bagay na nakakabit sa buntot.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status