FAZER LOGIN“Mason, ano’ng ginagawa mo rito?”Dumating si Caleb sa lugar at nakita ang anak na umiiyak. Agad niya itong binuhat. Nilingon niya si Celia at halos magliyab ang mga mata niya habang nakatingin sa kasambahay.Agad na nanginig sa takot si Celia at mabilis na nagpaliwanag sa amo.“Si Sir Mason po ang nakiusap sa akin na dalhin ko siya rito, wala po akong magawa…”“Binibigyan niya po ako ng pera, pero hindi ko tinanggap,” dagdag pa niya. Wala talagang balak na kunin ni Celia ang pera. Alam niyang kung gagawin niya iyon ay mawawalan na siya ng trabaho sa pamilya Go.Pero alam din niya ang ugali ni Mason; kapag nagsimula itong magwala, hindi ito titigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto.Hindi rin niya mapa-payapa si Mason, kaya wala siyang nagawa kundi dalhin ito sa apartment na tinitirhan ni Raven. Alam niyang magpapadala si Caleb ng tao para sunduin si Mason kapag nalaman nito ang balita; pero hindi niya inasahan na si Caleb mismo ang darating.Sumigaw si Mason kay Caleb. “Gusto ko si
Nahulog si Mason mula sa kanyang wheelchair, bumagsak sa sahig na parang sako ng patatas.Ginamit niya ang dalawang kamay upang pilit gumapang papalapit kay Raven.“Mama, pakiusap, tingnan mo ako!!”Dumadaloy ang mga luha sa mukha ni Mason. Hindi niya pinansin ang sakit sa katawan, buong lakas siyang gumapang pasulong.Samantala, naghihintay sina Raven at Maddison sa elevator. Habang karga si Mason, mabilis na tumakbo si Celia papalapit sa mag-ina. Sakto namang bumukas ang pintuan ng elevator, at pumasok sina Raven at Maddison.“Mama!!” sigaw ni Mason na puno ng dalamhati. Iniunat niya ang kanyang mga braso, pero wala siyang nagawa nang magsara na ang pinto ng elevator.Pinaghahampas niya ang pinto, ang kanyang malungkot na iyak ay umalingawngaw sa buong pasilyo.“Mama! Hindi na kita muling pagagalitan! Bumalik ka na! Nakikiusap ako! Bumalik ka na!!”Umakyat ang elevator, at tumingala si Raven. Tumama ang liwanag sa kanyang mga mata, at kapansin-pansin ang namumuo roong mga luha.Ang
Napuno ng luha ang mga mata ni Raven. Huminga siya nang malalim, at saka hinawakan ang kamay ni Maddison. Inakay niya ito para maglakad palayo roon.Nang nakita ni Mason na aalis na si Raven, napuno ng kaba ang dibdib niya, at saka siya mabilis na sumigaw.“Mama! Kahit hiwalay na kayo ni Papa, pwede pa rin akong manatili sa tabi mo! Mama, ayaw mo na ba talaga sa akin?!”Biglang huminto si Raven, para bang may mga di-nakikitang kawad na pumulupot sa kanyang mga paa. Huminga siya nang paulit-ulit, ngunit bawat paghinga ay tila pumupunit sa kanyang puso; ang hangin ay tila hirap maglabas-pasok sa kanyang dibdib, na para bang napakakitid ng daanan. Pakiramdam nga niya ay hindi na normal ang kanyang paghinga ngayon.“Mason Go, nakalimutan mo na ba? Ikaw ang unang tumalikod sa akin.”Nanginig ang maliit na katawan ni Mason. Bumalik sa kanyang alaala ang lahat ng masasakit na bagay na ginawa niya sa ina. Biglang nanlabo ang kanyang paningin.“Ang pagkain na niluluto mo ay parang kaning baboy
“Anak, Maddison…”“Grandma? Bakit ka nandito?” tanong ni Maddison, naguguluhan.Namumula ang pisngi ni Ana, gusot ang buhok, at puno ng luha ang kanyang mga mata.Pinupunasan ni Ana ang mga luha sa kanyang mukha, bago nagsalita. "Tinatawagan ko si Noel pero hindi siya sumasagot. Kaya hinanap ko siya gamit ang tracker na inilagay ko sa telepono niya. Nasa airport siya, kaya nagpunta ako roon. At nandoon siya kasama si… Waaaah… Ang sakit ng puso ko!”Nahihiwatigan na ni Raven kung ano ang nangyayari.“So, ano’ng balak mo? Hihiwalayan mo na ba si Papa?”Biglang napahinto sa pag-iyak si Ana. “Anak, bakit ka ganyan kalupit!? Dahil ba hindi ka masaya sa sarili mong buhay may-asawa, kaya gusto mo na lahat ay maging katulad mo, makipaghiwalay sa asawa, at maging babaeng hindi na gusto ng mga lalaki?”Napairap si Raven sa ina. Imposible silang magkaintindihan nito. Hindi naman kasi sila nagsama nang matagal sa iisang bubong. Ni hindi nga niya ramdam ang pagiging ina nito sa kanya. Nang bumal
Nakatuon si Raven sa pagtulong kay Eris na tanggalin ang mga butones ng kanyang polo. Dahil nababalutan ng liquid soap, mahirap itong alisin. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Caleb, nagpatuloy lang siya sa ginagawa.Bahagyang tumagilid ang ulo ni Eris, puno ng pang-iinis ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Caleb.“Ano bang masama kung tinutulungan ako ng girlfriend ko na hubarin ang polo ko?”Binigyang-diin pa ni Eris ang salitang girlfriend.Biglang naningkit ang mga mata ni Caleb, daig pa niya ang sinampal sa narinig.“Alam mo ba ang sinasabi mo?” tanong ni Caleb sabay pagak na tumawa. “Raven, gaano lang ba katagal mula nang maghiwalay tayo?”Sumagot si Raven pero ni hindi man lang tumingin kay Caleb.“Kailangan ko bang magluksa muna para sa iyo?”Matapos tuluyang mabuksan ang polo, ayaw niyang madumihan pa si Eris, kaya si Raven na rin mismo ang naghubad nito sa lalaki.Maganda ang pangangatawan ni Eris, hindi sobrang maskulado, ngunit may manipis at malinaw na hubog ng kal
Para bang tinamaan ng kidlat si Caleb. Hindi siya dapat nahulog sa bitag ni Eris. Pero nang ipinagtanggol ni Raven ang lalaki, para bang may matalim na tumusok sa kanyang dibdib.Tumingin si Eris kay Raven habang may tahimik na ngiti sa kanyang mga labi.Alam naman ni Raven na sinadyang galitin ni Eris si Caleb. Pero gusto niyang ipakita kay Caleb na wala na siyang pakialam pa sa damdamin at sa mararamdaman pa ni Caleb.Samantalang para kay Eris, ang pakiramdam naman ng pinapaboran ay napakasarap. Muli siyang tumingin kay Caleb, puno ng lantad na pang-iinsulto ang kanyang mga mata.Masuyong hinatak ni Eris si Raven at saka inilagay sa likuran niya ang babae para protektahan ito. “Baka ihagis niya rin sa iyo ang liquid soap.”Uminit lalo ang ulo ni Caleb; hindi pa siya kailanman natrato nang ganito sa mundo ng negosyo. Bukod pa rito, nasa men's restroom sila. Walang security camera, at hindi niya mapapatunayan ang kanyang sarili kay Raven.“Caleb Go, alam ko ang sa ugali mo, kahit pat







