Home / Romance / Not Your Wife Anymore / 7 - ERIS MERCADER

Share

7 - ERIS MERCADER

Author: Cristine Jade
last update Huling Na-update: 2025-09-12 12:25:31

Nahalata ni Raven ang pagpa-panic sa boses ng guro. Pero kalmado niya itong sinagot. 

“Teacher Mye, sorry. Pero hindi na ako ang tumatayong nanay ni Mason. Kung ano man ang concern mo ngayon diyan, ang tatay niya ang tawagan mo.”

“Hindi na ako makikialam sa kung ano mang problema ni Mason. Si Maddison na lang ang responsibilidad ko,” pahabol pa ni Raven.

[“Ha?”] 

Hindi malinaw kung nabigla o naguguluhan ang guro sa mga sinabi ni Raven sa kanya. 

[“Pero, Mrs. Go. Ikaw daw ang nagbigay nung mga candy na iyon kay Mason, kaya nararapat lang na pumunta ka rito ngayon. Mabuti na lang at naagapan namin ang mga bata, kung hindi, baka kung ano pa ang nangyari sa kanilang lahat!”]

Narinig ni Raven ang tila sabay-sabay na mga boses na nagsasalita sa background ng kausap. May ilan pa ngang tila galit at pasigaw ang pagsasalita. 

[“Naririto lahat ang mga magulang ng mga bata. Ini-insist nila na pumunta ka ngayon din dito, Mrs. Go. Please po, pakiayos n’yo po ito. Ngayon din.”]

“Teacher Mye, si Mrs. Go na ba ‘yan?”

“Teacher, kausap mo na ba? Ano’ng sabi niya? Ano’ng plano niya ngayon?” 

Mga iritableng boses ang narinig ni Raven sa kabilang linya. Malalim siyang huminga at saka muling nagsalita.

“Teacher  Mye, pwede ko bang makausap ang anak kong si Maddison?”

[“Sige po. Tatawagin ko lang siya.”]

Hindi nagtagal ay narinig ni Raven ang boses ng anak. 

[“Mama!”]

“Maddison! Kumain ka rin ba nung candy daw na pinamigay ng kapatid mo diyan sa room n’yo?”

[“Hindi, Mama. Mataba na raw ako sabi ni Mason kaya hindi niya ako binigyan. Pero lahat ng kaklase namin, binigyan niya.”]

Saka lang lumuwag ang dibdib ni Raven. 

“Alam mo ba kung saan galing ‘yung mga candy na pinamigay ng kapatid mo?”

[“Kay Auntie Ingrid!”] mabilis at siguradong sagot ni Maddison.

Inaasahan na ni Raven ang sagot na iyon, pero gusto pa rin  niyang makumpirma. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa kapatid? Lagi naman kasi itong kinukunsinti at pinapaboran ng asawa niya. Ay! Ex-husband na pala.

Nang biglang narinig ni Raven ang galit na boses ni Mason .

[“Si Mama ang nagbigay sa akin ng mga candy, Maddison! Hindi si Auntie Ingrid! Huwag kang sinungaling!”]

Dahil sa narinig, pakiramdam ni Raven ay umakyat ang dugo sa ulo niya. Agad niyang pinatay ang tawag at saka may idinayal na numero. 

[“Raven? Ano’ng milagro ang meron at napatawag ka sa akin?”] tila tinatamad na salita ni Ingrid, na para bang wala siya sa mood na kausapin ang kapatid. 

“Ah, itatanong ko lang sana kung saan mo nabili ‘yung mga candy na ipinabaon mo kanina kay Mason? Nagustuhan daw ng mga kaklase niya sabi ng teacher nila.”

Pagkasabi niya nun ay tila biglang nagbago ang mood ng kausap.

[“Talaga ba? Nasarapan siguro sila. Mahal kasi ‘yun! Ay! Baka pala hindi mo alam. Wala ka kasing alam sa mga mamahaling mga pagkain.”]

Kinagat ni Raven ang ibabang labi para pigilan ang inis na nararamdaman sa kapatid. 

“Bibili sana ako para dalhin sa school nila. Nire-request kasi ni teacher, hinahanap daw ng mga bata.”

[“Ako na ang bibili!”] 

Naisip ni Ingrid na isang pagkakataon uli iyon para bumango pang lalo ang pangalan niya sa pamangkin, para mas lalo nitong hilingin sa ama na siya na lang ang maging nanay nito. 

[“For sure, hindi mo alam ang bililhan ng mga ganung klase ng pagkain, Raven.”] Dagdag pa ni Ingrid.

Isa pa, naisip din ni Ingrid na pwede niyang kaibiganin ang mga magulang ng mga kaklase ni Mason, para makita ni Caleb na kayang-kaya niyang mag-adjust bilang isang nanay para kay Mason. Nang sa ganun, hindi na hahanap-hanapin ng mag-ama si Raven, kung hindi siya na lang.

“Okay, ikaw ang bahala.” Kunwari ay napipilitang sagot ni Raven sa kapatid.

Agad na nawala na sa kabilang linya si Ingrid, habang si Raven ay hindi napigilan ang mapangiti. Naii-imagine pa niya ang posibleng itsura ni Ingrid ngayon. Malamang ay nagsasaya at nagdidiwang na ngayon ang kapatid kung saan man ito naroroon ngayon.

Nang bigla na lang may kumatok sa bintana ng sasakyan niya kaya naputol ang iniisip niya at mabilis na napalingon doon. 

Bahagyang ibinaba ni Raven ang salamin ng bintana. Sumulpot naman mula sa labas ang isang calling card. Napansin niyang tila kamay ng isang lalaki ang may hawak doon. Binasa ni Raven ang nakasulat sa calling card:

Eris Mercader

Partner  

Santiago-Mercader Law Office  

Ibinaba pa nang konti ni Raven ang salamin. Mula sa pagkakatingin niya sa hawak nitong calling card, umangat ang tingin niya sa taong may hawak nito. Tumambad sa kanya ang isang may itsurang lalaki.

Tumikwas ang isang kilay ni Raven na para bang kinukuwestiyon ang hangarin ng lalaki. Para namang naintindihan nung lalaki ang ginawang iyon ni Raven kaya ngumiti ito sa kanya at saka nagpaliwanag.

“Calling card ko. Baka kailangan mo ng serbisyo ng abogado. Legal separation, annulment… name it. Eris Mercader, at your service.”

Napilitan si Raven na kunin ang inaabot na card ni Eris. Pamilyar sa kanya ang pangalan na iyon. Alam niyang de-kalibre ang mga kaso na hinahawakan ng Santiago-Mercader Law Office.

“Baka hindi ko makaya ang professional f*e mo, attorney. Alam kong big shot ang law office n’yo rito sa San Clemente.”

Tumuwid ng tayo si Eris. Lalo tuloy lumitaw ang magandang tindig nito at ang magandang pagdadala nito ng suot. Pansin din ni Raven ang biloy sa magkabilang pisngi nito. At hindi nakatakas sa mga mata niya ang tila seksing pagtaas-baba ng adam’s apple nito. 

“Miss, hindi naman sa pagyayabang, pero hindi ko kailangan ng pera.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Raven. May bahagyang kaba na bumundol sa dibdib niya. Kinutuban siya na hindi niya magugustuhan ang motibo ng lalaki sa kanya. 

“At ano naman ang ibabayad ko sa iyo kung hindi mo kailangan ng pera?”

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Eris, at saka muling nagsalita. 

“Five years ago, huminto ka bigla sa kalahatian ng taon mo sa masteral mo at nagpaalam ka sa Lolo ko na mag-aasawa ka na. Ilang taon ng nag-retire si Lolo pero lagi ka pa rin niyang naiisip. So, bibigyan kita ng chance, sa halip na pera ang ibayad mo sa akin, dalawin mo na lang si Lolo. Tapos, quits na tayo.” 

Natigilan si Raven. Biglang pumasok sa isip niya ang imahe ng isang tao. Si Dean Jose Mercader. 

~CJ

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Sharmina Wadja Sahiyal
pa send po ng not your anymore wife
goodnovel comment avatar
palapuzrea
Same cia s kwento ng isa lol
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Not Your Wife Anymore   92 - AKO AY AKO

    Habang matamang nakatingin si Caleb sa mukha ni Raven, nagkaroon siya ng realisasyon na ang pagkakakuha ni Raven sa unang puwesto noong preliminary ay hindi lang suwerte o tsamba. Katunayan nun ang pagkakakuha niya uli ng unang ranking ngayong finals.Nagsimula na ang challenge competition. Ang nasa top 20 ay pwedeng pumili ng isang kalahok na nasa top 20 rin para hamunin. Pwedeng magbigay ng tanong o problema ang kalahok na iyon para sa kalahok na pinili niya. Kailangang sagutin ng hinamon ang tanong o problema. At kapag hindi niya nasagot ang naturang tanong o problema ay awtomatikong tanggal na siya sa kompetisyon. Kasabay nun, kapag nasagot naman ng hinamon ang tanong o problema, ang humamon naman ang awtomatikong maaalis sa kompetisyon.Ang top 20 hanggang 18 ay pinili si Raven para hamunin. Matagumpay na nasagutan ni Raven ang mga ibinigay sa kanyang tanong at problema ng tatlong kalahok. Kaya naman, naalis silang tatlo sa kompetisyon. Sumunod namang namili ang top 17 hang

  • Not Your Wife Anymore   91 -CHALLENGE COMPETITION

    Namilog ang mga mata ni Ingrid ng nakita niyang iyong kaibigan niyang reporter na nag-interview kay Mason ang tumatawag. Napahawak si Ingrid sa dibdib niya. Bakit naman ngayon pa siya tinatawagan ng lalaki? Para kasing hindi maganda ang kutob niya sa tawag na iyon. Ang balak ni Ingrid ay hayaan lang itong mag-ring nang mag-ring hanggan sa magsawa ang kaibigan sa kakatawag. Pero parang wala itong balak na tigilan ang pagtawag sa kanya. Kaya naman napilitan na si Ingrid na sagutin ang tawag.“Hello.”[“Ingrid, inalis ako sa field. Hindi na ako reporter. Inilipat ako sa research group. Na-demote ako, Ingrid!”]“So? Ano naman ang kinalaman ko sa pagkakalipat sa ‘yo?”[“Ano’ng kinalaman mo? Marami lang namang puwersa ang nanggigipit sa itaas. Kung hindi ako aalisin bilang reporter, ipapasara nila ang kumpanyang pinapasukan ko!”]Napaawang ang mga labi ni Ingrid sa narinig. “Si Attorney Eris ba ang puwersan iyon?” [“Hindi lang si Mercader!”] Halata ni Ingrid sa boses ng kausap ang tako

  • Not Your Wife Anymore   90 - VIRAL VIDEO

    Maagang umuwi si Caleb ng araw na iyon. Kanina pa siya hindi mapalagay. Alam niyang mabuti ang intensyon ni Ingrid para gawin ang pagpapa-interview kay Mason, pero wala siyang karapatan para kontrolin ang direksyon ng opinyon ng publiko tungkol sa kanya, kay Mason at kay Raven.“Boss!” tawag ng sekretarya niya sa labas ng bintana na may kasama pang pagkatok.Ibinaba ni Caleb ang salamin ng bintana. Saka naman inilusot ng sekretarya ang telepono niya para may ipakita o ipabasa sa amo.“May mga negatibong video ni Miss Ingrid ang kumakalat sa internet!”Kinuha ni Caleb ang telepono at saka pinanood ang video.Ipinakita doon si Ingrid habang nakaupo sa kandungan ng isang lalaki. Na

  • Not Your Wife Anymore   89 - HACKED

    Sinubukan ni Raven na muling itipa ang username at password niya. Pero “wrong password” ang mensaheng lumitaw sa screen.Napaisip si Raven. Matagal na niyang hindi binubuksan ang account na iyon. Paano’ng bigla na lang itong nag-notipika na napalitan ang password niya?SAMANTALA, sa bahay ng mga Santana, patamad na nakaupo si Ingrid sa sofa sa sala ng bahay. Ang isang kamay niya ay hawak ang telepono niya sa tapat ng tenga niya, at ang isang kamay niya ay humahagod sa buhok niya.[“Dude, na-hack ko na ang facegram account ng kapatid mo. Marami siyang mga post doon na mga video at mga pictures ng dalawa niyang anak. Walang ibang nakakakita nun dahil naka-

  • Not Your Wife Anymore   88 - SINO ANG TUMUTULONG KAY RAVEN?

    Hindi na kaya ni Rainier na magbasa pa ng mga nakakainsultong komento patungkol kay Raven. Itinigil na niya ang pagbabasa ng mga komento sa social media at saka pumasok muli sa loob ng pribadong kuwarto niya.Hindi siya naupo sa upuan sa likod ng mesa niya. Sa halip ay tumayo siya sa tabi ng bintana, kung saan tanaw niya ang kalsada sa ibaba. Dinukot niya ang telepono niya at saka mau tinawagan.“Alisin mo ang lahat ng negatibong search sa social media na may kinalaman kay Raven. At kung sino man ang mahuli na may kinalaman sa pagpapakalat nun ay kailangan nating mabigyan agad ng aksyon!”Masama ang loob ni Rainier. Kung siya nga ay nasasaktan sa mga negatibo at maduduming mga komento, mas lalo ng hindi niya kayang hayaan na masaktan si Raven.Pag

  • Not Your Wife Anymore   87 - QUANTUM SPHERE

    Tumikwas ang isang kilay ni Elcid.“Bakit? Hindi ka ba sure na makukuha mo ang unang puwesto katulad nung preliminary?” tila nanunukso na tanong nito.Mabilis na ngumiti si Raven. “Uncle, mukhang sinusundan mo ang ako Math Olympiad, ah?”Umirap si Elcid. “Hindi ko sinadya. Aksidente ko lang na nakita. Huwag kang asyumera.”Nang huminto na ang sasakyan ni Elcid sa tapat ng tinutuluyan ni Raven, muling hinarap ni Raven ang lalaki.“Uncle, sana hindi mo ako biguin. Iyun talaga ang pangarap ko, ang magtrabaho sa Quantum Sphere.”“Let’s see…” sagot ni Elcid habang mahinang tumango-tango.Pero hindi pinanghinaan

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status