로그인Kasalukuyang nasa meeting si Caleb ng mag-vibrate ang telepono niya.
Raven calling…
Napaismid si Caleb ng nakita ang pangalan ni Raven sa screen ng telepono niya. Hindi siya nagkamali ng hula.
Kinansela niya ang tawag ni Raven. Sa totoo lang, pangatlong beses na pagtawag na ni Raven iyon at sa tuwing tatawag ito ay kinakansela niya ang tawag. Alam na alam naman ni Raven ang patakaran niya. Hindi siya pwedeng tawagan kapag oras ng trabaho niya.
Pero nakalipas lang ang ilang minuto ay muling tumawag si Raven. Sa halip na mainis sa asawa dahil sa pagsira sa patakaran niya, nakangising dinampot ni Caleb ang telepono niya para sagutin ang tawag nito.
“Kumain na ako ng lunch, huwag ka ng mag-abalang magdala ng lunch ko,” may pagyayabang sa boses na sabi ni Caleb sa kausap.
Napahinto sa pagsasalita ang manager na kasalukuyang nagbibigay ng report niya. Ang ibang naroroon sa meeting ay hindi napigilang mapalingon sa gawi ni Caleb ng bigla itong nagsalita ng pagalit. Ang iba ay hinulaan pa sa isip nila kung sino ang kausap ng boss ng Go Prime Holdings.
[“Caleb, wala akong pakialam sa lunch mo. Kanina pa ako nandito sa opisina ni Atty. Salcedo. Nasaan ka na? Alas-tres ang appointment natin dito.”]
Saglit na natigilan si Caleb, pilit na iniisip kung ano ang sinasabi ngayon ni Raven. Nang bigla niyang naalala na may sinabi nga pala ito kagabi sa party na magkita sila ngayon ng alas tres sa opisina ng family attorney nila. Seryoso ba siya nung sinabi niya iyon?
“Raven! Ano’ng kalokohan ba ‘yan? Tigilan mo na ‘yang hiwalay-hiwalay na ‘yan! Sinasayang mo ang oras ko sa trabaho!”
[“Caleb, hanggang five ang opisina ni Atty. Salcedo. Hihintayin kita bago mag-alas-singko.”]
“Raven, nag-iisip ka ba? Kapag hiniwalayan mo ako, ano na ang mangyayari sa ‘yo? Naka-depende ka lang sa akin, huwag kang mayabang! Sa tingin mo, papayagan ka ng mga magulang mo na makipaghiwalay sa akin? Mag-isip ka nga!”
Lalong natahimik ang lahat ng mga taong nasa loob ng conference room. Ni ang huminga yata ay hindi nila magawa dahil baka makalikha sila ng mahinang tunog at maging dahilan ng lalong pagkagalit ng amo nila.
[“Alam kong kapag hiniwalayan kita ay hindi na ako magiging Mrs. Go. Pero buo na ang desisyon ko. At kung hindi ako tatanggapin ng mga magulang ko ng dahil doon, hindi ko naman ikamamatay iyon. Kaya huwag mo akong alalahanin. Nakakapagod ng maging asawa mo, Caleb. Sa buong taon ng pagsasama natin, ako lang ang nage-effort na mahalin ka at si Mason. Kaya, tama na.”]
Magsasalita pa sana si Raven pero pinatayan siya bigla ng telepono ni Caleb. Napabuga na lang ng hangin si Raven. Sigurado siyang hindi na pupunta si Caleb ngayon base sa takbo ng usapan nila.
Naiinis na nag-martsa si Raven papunta sa sasakyang gamit niya, sumakay, at saka pinaharurot paaalis doon sa parking lot ng tanggapan ng abogado.
Hindi pa nakakalayo si Raven nang may sumunod sa kanya na isang itim na sports car. Dahil sa nararamdamang inis, hindi napansin iyon ni Raven at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Pero nang muli niyang naisip ang hindi pagsulpot ni Caleb ngayon sa opisina ng abogado ay tila umakyat ang dugo niya sa ulo at napagbuntunan ang accelerator ng dala niyang sasakyan.
Diniinan niya ang tapak ng gas hanggang sa bumilis ng bumilis ang patakbo ni Raven. Meron siyang nilampasan na tatlong sports car na tila nagkakarera. Nagulat pa ang mga driver ng mga sasakyang iyon ng nakita nilang nilampasan sila ng sasakyang minamaneho ni Raven.
Dahil sa pagkabigla, bigla tuloy nag-menor ang tatlong sasakyan na nilampasan ni Raven. May halong inis na mabilis na dinampot ng driver ng unang sasakyan ang walkie talkie na nasa tabi niya.
“Sino ‘yung lumampas sa atin? Nakita n’yo ba? Ang yabang nun, ah?”
“Hindi. Hindi ko nakita. Nagulat na lang din ako,” sabi ng pangalawa.
“Wait. Tsine-tsek ko na ang plaka niya sa website ng LTO.”
Palibhasa ay magaling sa computer ang huling driver kaya kayang-kaya niyang i-hack ang sistema ng kung alin mang tanggapan.
Pagkarating sa isang pakurbadang daan, hindi man lang nag-menor si Raven sa pagpapatakbo kaya mas lalong humanga sa kanya ang tatlong sakay ng tatlong sports car.
“Got it! Nakita ko na. Nakarehistro sa pangalan ng mga Santana ang sasakyan na ‘yan!”
“Santana?” Ang pangalawang driver ang nagsalita. “Baka si Ingrid ‘yan!”
“Si Ingrid? Parang hindi yata kapani-paniwala ‘yan. Eh, nilalansi lang niya tayo lagi kapag nakikipag-karera siya sa atin,” sabi ng unang driver.
“May point ka diyan, bro. Ang tanong, sino ‘yan?” tanong ng ikatlong driver.
Samantala, nakasunod pa rin si Eris sa sasakyan ni Raven. Napapangiti na lang siya sa nakikita niyang pagda-drive nito. Hindi niya akalaing kaya pa ring magpatakbo ni Raven ng ganun kabilis katulad dati.
Nasubaybayan niya si Raven. Sa edad na katorse ay sumasali na ito sa mga kompetisyon sa eskwelahang pinasukan, kung saan din nag-aaral noon si Eris. Nang tumuntong ito sa edad na disinuwebe ay nakakuha agad siya ng lisensya para sa pang-karera niya. Doon na ito nagsimulang sumali sa mga pambansang paligsahan ng pagkakarera.
Hindi natapos doon ang karera ni Raven sa racing world. Ang sumunod na sinalihan nito ay pang buong mundong kumpetisyon na. At sa murang edad din na iyon ay napabilang na siya sa Top 10 sa World Rally Championship. Isang babae at bata pa. Mula pa noon ay hinangaan na siya ni Eris.
Pero nung nasa ikatlong taon na si Raven sa kolehyo, nagtaka si Eris ng bigla itong huminto sa pag-aaral. Nabalitaan na lang ni Eris na nagpakasal si Raven kay Caleb Go.
Mula noon ay naging plain housewife na lang ang dating magaling na karerista. Nanghinayang si Eris sa talento ng babae.
Habang si Raven naman ay ibinuhos na lang ang oras at panahon sa asawa at sa naging mga anak. At mula rin noon, hindi na lumalampas sa sitenta ang pagpapatakbo ng sasakyan ni Raven. Hanggang ganun na lang kabilis ang pagpapatakbo niya sa kalsada.
Napilitan si Raven na biglang ihinto ang minamanehong sports car ng nakita niya sa screen ng radyo niya ang pangalan ng guro ng mga anak. Dinig na dinig ang malakas na pag-ingit ng mga gulong ng sasakyan niya dahil sa biglang pag-preno niya.
Nakita ni Eris ang paghinto ni Raven sa gilild ng kalasada. Pero sa halip na hintuan ang sasakyan ni Raven ay nilampasan niya lang ito. Sinilip niya na lang sa rear mirror niya ang sasakyan ng babae habang palayo siya roon sa lugar kung saan ito huminto.
Sinagot ni Raven ang tawag na nakakonekta sa speaker ng kanyang sasakyan.
“Teacher Mye?”
[“Mrs. Go, kailangan mong pumunta rito ngayon sa school. May concern ka ngayon rito sa anak mong si Mason. May dala-dala siyang mga candy kaninang pagpasok niya at binigyan lahat ng mga kaklase niya. Ngayon, lahat ng kaklase niyang kumain nung candy, masakit ang mga tiyan!”]
~CJKinabukasan, sa pang-umagang meeting ng Quantum Technology:“Mabagal ang progreso ng proyekto natin kasama ang GPH. Iniiwasan tayo ng presidente nila. Sa tingin ko, may kinalaman ito kay President Raven,” boluntaryong sabi ni Angie. “Plano kong bumuo ng negotiation team para makipag-usap nang buong sinseridad sa president ng GPH at itulak ang proyekto.”Lumabas ang mukha ni Annabel sa malaking screen; nasa video conference siya. Inaasahan na talaga ni Annabel ang kilos ni Angie, at ngumiti siya nang may kasiyahan.Sabik si Angie na gumawa ng pangalan sa kumpanya; gusto niyang patunayan kay Annabel na hindi siya mas mababa kay Raven.Sobrang nasisiyahan si Annabel sa ganitong pakiramdam. Lahat ay sabik na makakuha ng kanyang pabor, halos ibinubuyangyang ang kanilang taos-pusong damdamin sa harap niya.“Director Angie, tayo ang kliyente ng mga Go. Hindi natin kailangang maging ganoon ka-atat na bisitahin sila,” paalala ni Raven.Nagningning ang malamig na ngiti sa mga mata ni Angie. “P
Gusto ni Angie na pakalmahin ang tensyon.“President Raven, kararating mo pa lang sa kumpanya, hayaan mong ipakita ko sa iyo ang paligid.”Ngumiti si Raven. “Mayroon kang dalawampung minuto para baguhin ang pananaw ko sa iyo.”Huminga nang malalim si Angie. Hindi pa siya nakaharap sa isang taong tulad ni Raven. Banayad at tila walang bahid ng panganib, pero parang palakol na kayang tamaan nang eksakto ang mahahalagang punto ng bawat isa.Alam ni Angie na kung hindi niya makuha ang loob ni Raven, magiging mahirap ang kanyang mga araw sa Quantum Technology.Inihatid niya si Raven sa resting area ng kumpanya. Ang resting area ay sumasakop sa isang buong palapag. May basketball court, bumper car area, go-kart track, at climbing wall.“President Raven, gusto mo bang maglaro ng bumper cars?” tanong ni Angie na may ngiti.“Pasensya na, hindi ako magaling diyan.”“Paano naman ang go-karts? Nasubukan mo na ba iyon, President Raven?”Umiling si Raven, halatang walang interes. “Hindi talaga ako
Nag-iisip si Raven nang nakatanggap siya ng tawag mula kay Ashton.[“Kumusta ang unang araw mo sa trabaho?”]“Ayos lang naman, pero may na-meet akong kaibigan mo, medyo nakakatuwa.”[“Kaibigan ko?”]“Iyong kaibigan na binigyan mo ng alahas na ikaw mismo ang nag-disenyo.”[“Bukod sa iyo, may iba pa ba akong kaibigang ganoon?”]Ngayon, si Raven naman ang naguluhan.“Ang tinutukoy ko ay si Angie Ong.”[“Sino siya? Sino si Angie Ong? Pero marami akong kilalang Angie sa US, pero wala ni isa sa kanila ang maituturing kong kaibigan.”]Napakamot si Raven sa ulo niya, naguguluhan. Minabuti niyang ibahin na lang ang topic ng usapan nila ni Ashton, hanggang sa nagpaalam na ito mayamaya.LUMABAS si Raven ng kuwarto niya. Ang balak niya ay mag-ikot sa Quantum Technology para maging pamilyar sa mga empleyado nito nang nakita niya ang kumpulan nila Angie at ng ibang mga empleyado. Bigla tuloy sumagi sa isip niya ang naging usapan nila ni Ashton, dahilan para mapatitig siya sa misteryosong babae.
Banayad ang tinig ni Raven nang muli siyang nagsalita.“President Annabel, ngayon ang unang araw ko sa Quantum Technology, pwede bang gabayan mo ako?”“Raven, inaasahan ko ang iyong magiging performance!”Pero nang banggitin niya ang huling bahagi ng kanyang pangungusap, kumagat siya sa kanyang mga ngipin bago ibinaba ang tawag. Malinaw na hindi maganda ang kanyang mood.Pagharap ni Raven, sinimulan niyang ipaliwanag ang Prism system sa mga opisyal ng munisipyo.Nakinig si Angie kay Raven, pinipigilan ang pagkuyom ng kanyang mga kamao. Habang nakatitig nang tulala sina Edward at Rance kay Raven, at maging ang ibang empleyado ay tila hindi pa rin makapaniwala.Masayang bulalas niEdward. “Laging may pa-sorpresa si Raven!”Mahinang bumulong si Rance. “Talaga bang ganoon siya kagaling? Siya ba talaga ang nag-develop ng Prism system mag-isa?”Kung tunay ngang may kakayahan si Raven, bakit siya hiniwalayan ni Caleb?Sa pitong taon ng kanilang kasal, ni minsan ay hindi narinig ni Rance na may
“Pasensya na, President Annabel, masyadong malakas ang alarma sa big data center. Mag-video call na lang tayo.” Habang nagsasalita si Raven, kinuha niya ang kanyang telepono, ikinabit ang connection cable, at pinindot ni Annabel ang screen para lumipat sa video call. Sa susunod na sandali, lumitaw ang mukha ni Annabel sa malaking screen. Napatingala ang lahat sa screen. Nagulat si Angie. “President Annabel?”Sa paningin ni Annabel, si Raven lamang ang nakikita niya mula sa camera ng telepono.“President Annabel, nasa data center na ako. Pwede mo akong bigyan ng mga instructions.”Hindi mapagpakumbaba o mapang-uyam ang tinig ni Raven. Sumagot si Annabel.[“Ikaw ang pinuno ng head ng Quantum Technology. Anong instruction pa ang ibibigay ko sa iyo sa propesyonal na usapin?”]Pinindot ni Raven ang speaker phone na buton, at lumakas ang tinig ni Annabel mula sa kanyang telepono. Sa gitna ng malakas na alarma, tila hindi totoo ang tinig ni Annabel. Sandaling natigilan ang lahat.[“Raven
Bigla namang nanlisik ang mga mata ni Angie sa babae.. Walang karapatan si Raven na magsalita rito!Napasinghal si Angie. “Siguro hindi mo alam, pero personal akong kinuha ni President Annabel mula sa Sili Cone Valley sa pamamagitan ng malaking halaga. Dumating ako rito sa Quantum Technology para mamuno! Kung hindi, sino pa ba ang dapat kong pagtrabahuhan?”“Raven,” tawag ni Edward, “Si Angie ang top leader ng Quantum Technology. Ang pagbuo ng malakihang digital model ay buong responsibilidad niya.”Ngayon ay naunawaan ni Raven. Maging si Edward ay nagkamali ng akala na si Angie ang namumuno sa Quantum Technology, na nangangahulugang hindi pa opisyal na inanunsyo ni Annabel ang posisyon ni Raven. Ang pag-recruit kay Angie ay nagbigay sa babae marahil ng maling impresyon.Pero ang bagong malakihang digital model ay hindi naman talaga gawa ni Angie; paano niya nagawang tanggapin ang kredito sa harap ng napakaraming tao?Posible bang natutunan na ni Angie ang data model niya sa napakaikl







