MasukPagkagaling mula sa paligsahan, sinundo na ni Raven si Maddison sa eskwelahan. Nadatnan niya si Edward na sinusundo rin ang anak na si Odette. “Raven!” pagbati ni Edward, “ano na ngayon ang plano mo pagkatapos mong mag-rank one sa National Math Olympiad?”Nahimigan ni Raven na gustong malaman ng lalaki ang mga plano niya at hindi iyon simpleng pagtatanong lang. Naisipan niyang ibalik ang tanong ni Edward sa kanya.“Professor, ano ba sa tingin mo ang una kong dapat gawin?”Tumawa si Edward, “wala ako sa lugar para magbigay ng advice sa iyo. Pero naalala ko, nung nanalo ka ng first place nung preliminary, maraming kumwestiyon sa iyo sa online. Nung mga panahon na iyon, nag-alala ako sa iyo na baka hindi mo kayanin ang mga pangba-bash at bullying.”Matiim na tiningnan ni Raven ang lalaki, pilit na pinag-aaralan ang mukha nito at kung ano ang maaaring binabalak nito.“Raven, sasabihin ko ito sa iyo dahil pinapahalagahan ko ang talento mo. Pero kung gusto mong malinya sa mga scientific re
Halos lahat ng shareholder at senior executive ay sabay-sabay na nagsasalita kay Caleb. Nakita nila sa live broadcast na pinagkakaguluhan ng iba’t ibang mga kumpanya at eskwelahan si Raven. Natatakot sila na maunahan sila sa pag-recruit sa babae. “Caleb! Tawagan mo na si Raven ngayon! Bilis! Siguraduhin mo na o-oo siya sa iyo sa pagsali sa Go Prime Holdings.”Madilim ang mukha ni Caleb. Pero wala siyang magawa sa mga sinasabi ng mga kasama. Pasimple niyang tiningnan ang sekretarya niya. Naintindihan naman iyon ng sekretarya, kaya inilabas niya ang isa pa niyang telepono na hindi naka-block ang numero sa telepono ni Raven. Hinanap niya ang numero ni Raven sa CONTACTS, at saka inabot kay Caleb ang telepono. Agad namang tinawagan ni Caleb si Raven. Hindi niya gustong makausap si Raven, pero alam niyang siya lang ang pwedeng gumawa nun. Mabilis namang nasagot ang tawag. [“Hello.”]Isang pamilyar na boses ang narinig ni Caleb mula sa kabilang linya, kaya agad na napangiti siya. “Ako
Nang bumaba si Raven mula sa stage, agad siyang sinalubong ng committee ng NMO at ng mga propesor na naroroon sa venue. Lahat sila ay masayang bumati sa pagkapanalo ng babae. Habang nagaganap iyon ay nakita ni Raven si Eris sa di-kalayuan, masayang nakatingin sa kanya. Nakuntento na lang si Eris na panoorin sa malayo si Raven. Natutuwa siya para sa babae sa mga natatanggap nitong mga pagbati at mga papuri.Gusto sana ni Raven na lapitan ang lalaki, pero kada hakbang niya papunta sa kinatatayuan ni Eris ay lagi namang may lumalapit at humaharang sa kanya para batiin siya sa pagkapanalo niya. Pinilit ni Raven na tumugon sa mga bumabati sa kanya at magbigay-galang sa mga guro. Hanggang sa unti-unti ay nakarating din siya sa tapat ni Eris. Guwapong-guwapo ito sa suot niya ngayon, idagdag pa ang masayang awra nito ngayon. Kanina pa ito nakangiti kay Raven na tila masaya sa naging tagumpay niya. Pero biglang sumulpot mula sa kung saan si Dean Jose. “Dean! I’m back! Masaya ka ba para sa
Habang matamang nakatingin si Caleb sa mukha ni Raven, nagkaroon siya ng realisasyon na ang pagkakakuha ni Raven sa unang puwesto noong preliminary ay hindi lang suwerte o tsamba. Katunayan nun ang pagkakakuha niya uli ng unang ranking ngayong finals.Nagsimula na ang challenge competition. Ang nasa top 20 ay pwedeng pumili ng isang kalahok na nasa top 20 rin para hamunin. Pwedeng magbigay ng tanong o problema ang kalahok na iyon para sa kalahok na pinili niya. Kailangang sagutin ng hinamon ang tanong o problema. At kapag hindi niya nasagot ang naturang tanong o problema ay awtomatikong tanggal na siya sa kompetisyon. Kasabay nun, kapag nasagot naman ng hinamon ang tanong o problema, ang humamon naman ang awtomatikong maaalis sa kompetisyon.Ang top 20 hanggang 18 ay pinili si Raven para hamunin. Matagumpay na nasagutan ni Raven ang mga ibinigay sa kanyang tanong at problema ng tatlong kalahok. Kaya naman, naalis silang tatlo sa kompetisyon. Sumunod namang namili ang top 17 hang
Namilog ang mga mata ni Ingrid ng nakita niyang iyong kaibigan niyang reporter na nag-interview kay Mason ang tumatawag. Napahawak si Ingrid sa dibdib niya. Bakit naman ngayon pa siya tinatawagan ng lalaki? Para kasing hindi maganda ang kutob niya sa tawag na iyon. Ang balak ni Ingrid ay hayaan lang itong mag-ring nang mag-ring hanggan sa magsawa ang kaibigan sa kakatawag. Pero parang wala itong balak na tigilan ang pagtawag sa kanya. Kaya naman napilitan na si Ingrid na sagutin ang tawag.“Hello.”[“Ingrid, inalis ako sa field. Hindi na ako reporter. Inilipat ako sa research group. Na-demote ako, Ingrid!”]“So? Ano naman ang kinalaman ko sa pagkakalipat sa ‘yo?”[“Ano’ng kinalaman mo? Marami lang namang puwersa ang nanggigipit sa itaas. Kung hindi ako aalisin bilang reporter, ipapasara nila ang kumpanyang pinapasukan ko!”]Napaawang ang mga labi ni Ingrid sa narinig. “Si Attorney Eris ba ang puwersan iyon?” [“Hindi lang si Mercader!”] Halata ni Ingrid sa boses ng kausap ang tako
Maagang umuwi si Caleb ng araw na iyon. Kanina pa siya hindi mapalagay. Alam niyang mabuti ang intensyon ni Ingrid para gawin ang pagpapa-interview kay Mason, pero wala siyang karapatan para kontrolin ang direksyon ng opinyon ng publiko tungkol sa kanya, kay Mason at kay Raven.“Boss!” tawag ng sekretarya niya sa labas ng bintana na may kasama pang pagkatok.Ibinaba ni Caleb ang salamin ng bintana. Saka naman inilusot ng sekretarya ang telepono niya para may ipakita o ipabasa sa amo.“May mga negatibong video ni Miss Ingrid ang kumakalat sa internet!”Kinuha ni Caleb ang telepono at saka pinanood ang video.Ipinakita doon si Ingrid habang nakaupo sa kandungan ng isang lalaki. Na







