Share

Chapter 9

Bad Rumor

Mariin ang titig ko sa kanya habang nakatulala lang siya sakin. Her face was painted with pure disbelief.

Akala ko ay may ipapahayag na naman siyang tugon niya o kaya ay palalabasin na naman niya ako.

I know I already castigated myself to control the follow of my words yet it's still escaped. That's why I'm waiting right now for the worse to come.

But it doesn't came.

Instead, silence engulfed us and it continued to lingered if I didn't took the courage to spoke first.

"Sino ang lalaking 'yon kanina?" Basag ko ng katahimikan.

Tila mukhang nagising siya sa kanyang panaginip at para doon lang natauhan.

"H-Huh?"

"'Yong lalaki kanina, sino 'yon? Ang makilala ka ng lubusan ang hihingin ko na lang nakapalit sa'yo."

Nakita ko ang pagpikit niya at paghugot ng hininga. Saka tumango ng ilang beses.

"Okay, okay. Hintayin mo na lang ako sa may sala sandali."

Sumangayon agad ako dahil tingin ko ay kailangan niya yata ng space para makapag-isip muna.

I can still see on her face how shocked she was when she heard what I said. And I'm a liar if I'll said that I'm not amused right now.

Tahimik ko na tinungo ang sala dala ang tools box. Tinabi ko 'yon sa may gilid ng sofa niya bago umupo doon.

I don't know how long I waited there because I was too focus on my thoughts and the scenes that happened while ago.

Napansin ko na lang ang pagbukas ng pintuan ng kwarto niya at iniluwa n'on si Maria na bagong ligo at nakabihis na.

Kumunot na naman ang noo ko sa tipikal niyang damit. Skimpy blouse and denim short. Wala ba siyang ibang damit?

Tahimik siyang umupo sa tapat na upuan ng sofa. Wala naman kasing TV doon kaya imbes ang katapat ng sofa pagkatapos ng maliit na coffe table ay isang single seater na upuan.

"Ano 'nga ulit ang tanong mo kanina?" I saw her swallowed and her shoulders are stiff enough to sense that she tensed.

"'Yong lalaki kanina, sino 'yon? Well, kung hindi ka talaga komportable then I can't force you though." Pasimple akong nagkibit-balikat.

I'm eager to know all the things that I haven't learn from her but I will respect her privacy. Her, above my curiousity.

Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya at pag-iling.

"He's my step-brother." Maikli niyang saad.

Kahit sarili naman niyang kagustuhan ay nakikita ko parin ang pagkailang niya.

I waited for her further explanation but she remain silence and just stares at me.

"Hmm." Tanging nasabi ko at tumango.

Well, itutuloy ko pa ba 'to? Am I to heartless to disregard her comfortability just to feed off my greediness?

Of course not!

Tumikhim ako at tumayo na. Agad bumakas sa mukha niya ang pagkalito.

"I thought gusto mo akong makilala ng lubusan?" She said.

Napatitig ako sa kanya. Oo, pero hindi ko siya pipilitin. I'll find ways to know her more like how I find those things about her years ago.

"Gusto pero ayoko na pinipilit ka sa isang bagay na hindi mo gusto."

Nakita ko ang pag-awang ng labi niya dahil sa sinabi ko. Tila hindi makapaniwala sa narinig. I can't help but to mentally smirked.

"His name is Cedric. He's my brother on my mother side. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng kolehiyo." Diretsahan niyang saad.

Tumango ulit ako. Naalala ko ang pagsakay ng kapatid niya sa isang sasakyan. At kung pagbabasehan ang porma at kasuotan nito ay halatang may sinabi sa buhay.

Nang tinitigan ko ng maigi si Maria ay hindi ko mapigilan na madarang sa kanya lalo na sa mata niya.

She had a fair complexion. Every curves are in the right places. She had a beathtaking beauty and lovely hair. Isang tingin palang ay hindi siya nababagay sa lugar na 'to.

Now I wonder, is she rich?

Kung gan'on ay bakit ganito ang klase ng trabaho niya? And thinking it thoroughly, I did already concluded that she didn't had this kind of job just because of the popular phrase 'kapit sa patalim'.

Kaya bakit niya pinipili ang ganitong buhay?

Hindi ko din nakikita ang magiging gahaman niya ng pera at magiging materialistic dahil narerepleksyon n'on ang kakulangan niya sa gamit ng bahay.

Halos lahat din ng gamit niya ay luma. Kahit ang damit na suot ay palagi ko ng nakikita na suot niya. Halata na ding luma dahil sa pagiiba ng kulay nito sa pagdaan ng panahon.

So why?

Sa huli ay pinili ko na lang na isantabi lahat ng iniisip ko.

Wala na siyang iba pang sinambit na kasunod kaya napatango ulit ako.

"Mauna na muna ako." Maikli kong saad.

Napatitig siya sakin at tila sinusuri ang ekspersyon ko bago bumuntong-hininga.

"Okay. Salamat ulit sa tulong mo." Mahinang aniya.

Hinatid niya ako papalabas ng pintuan. Dala-dala ang tool box ay bumalik ako ng bahay.

Gusto kong manatili doon sa kanya at gusto pa siyang maka-usap ng matagal ngunit sa dami ng tanong sa isip ko ay pinigilan ko ang sarili ko.

This is my way to castigate myself to have better self-control over my curiousity and anger.

Kaya pag-uwi ay agad kong inabala ang sarili ko sa paggawa ng takdang aralin.

I even skipped lunch to finished it all. Kaya ng umabot ng pasado alas tres y medya ay pinili ko ng tumayo mula sa study table ko at lumabas ng kwarto.

Nilinisan ko na ang sala at kusina kaya sa madaling pamamaraan ay nilinisan ko ang kay Mama saka ang C.R.

I always cleaned my room because I hated unorganized things so I skipped it. Maaga akong naghanda para magluto ng pagkain para sa hapunan.

Out of mannerism, hinawi ko ang kurtina sa may lababo at tinanaw ang bintana sa katabing bahay.

Tahimik doon at wala kahit anong ingay. Maybe she's asleep. Knowing her work...

Binuksan ko ang lumang kaset ni Mama at hinanap ang station na nagpapatugtog ng mga classic na kanta.

Agad na umalingawngaw ang pamilyar na kantang 'I don't want to talk about it' ni Rod Stewart.

"I don't want to talk about it,

How you broke my heart,

If I said it won't you stay a bit longer,

If I said it won't you listen,

To my heart... 'Ohh my heart..."

Madamdamin kong sinabayan ang kanta habang hinahanda ang kanin para isaing.

Hindi ko mapigilan na napatawa at mapailing sa sarili ko. Mukha siguro akong siraulo.

Habang nakasaing ang kanin sa dirty kitchen namin ay pinili ko munang pumunta sa likod bahay at kunin ang iilang piraso ng panggatong na pinili kong ibilad ng araw para tuluyang matuyo.

May iba kasing medyo basa pa kanina habang nagsisibak ako.

Hinakot ko ang mga binilad na panggatong ng tatlong beses at sa iksaktong pangalawa ay luto na ang kanin.

Nang babalikan ko na ang pangika-tatlo ay agad kong natanaw si Maria na nakatayo sa may pintuan ng likod bahay niya at may hawak na namang sigarilyo.

Mukhang may malalim siyang iniisip at nang napansin yata ako ay agad akong tinapunan ng tingin.

Agad na nagtama ang mata namin. I smiled to her and I was completely caught off guard when she also smile brightly.

"M-Magandang hapon." Kailan talaga mautal ako?

"Hindi ko alam na hindi ka lang pala matalino, may hidden talent ka din pala." Bakas sa tono ng pananalita niya ang pang-aasar.

Gumilid ang ulo ko at naguguluhan siyang tinignan. Mas lalong lumaki ang ngiti sa labi niya at napatawa pa ng mahina.

"Wannabe singer ka pala?" She teased.

Umangaw ako labi ko sa sinabi niya at agad na rumagasa ang init na nagmumula sa leeg ko patungong mukha.

Damn! Narinig niya ba akong kumanta kanina? Malamang, mangmang! Hindi niya ako aasarin ngayon kung hindi diba? Fuck! Nakakahiya. Hindi pa man kagandahan pakinggan ang boses ko.

I almost groaned in front of her but I'm still lucky because I keep myself in check.

At para makabawi sa kahihiyan ay kinapalan ko ang mukha ko at umaktong may mataas na kumpyansa. Ngumisi ako sa kanya.

"Ano? Pasado na ba para masali sa 'The Voice'?" Mayabang kong tanong.

Malakas siyang tumawa at napailing.

"Baka kamo 'The Noise', hindi 'The Voice'." Aniya sabay tawa ulit.

Ngumuso ako at napakamot ng batok. She continued to laughed while I also contented to watched. She's really beautiful.

'Yong tipong ganda na hindi nakakasawang tignan. 'Yong tipong ganda na kahit nagbago na ang itsura niya sa pagtanda ay maganda parin.

And I wanted to see it 'til we reached that stage.

The way her eyes squinted when she smiled wholeheartedly. It lightened up her face and make her glow. Damn! How I wished I could keep her...

Napailing siya matapos ang tawang ginawa. Sumimsim siya sa hawak niyang sigarilyo bago 'yon binuga saka ulit ngumisi.

"Sa susunod na lang kasi, sa C.R. ka lang kumanta. Tutal lahat naman yata ng boses gumaganda kapag andoon." She cruelly said.

Napailing na lang ako.

"'Wag kang mag-alala. Magpapractice talaga ako ng maigi para kapag hinarana na kita, hindi ka naman mapahiya."

Ako naman ngayon ang napangisi at natawa ng makita ko ang pagkabura ng ngisi niya.

"Ewan ko sa'yo." Naiiling niyang saad sabay simsim muli sa hawak na sigarilyo at tinapon na ito.

Tumalikod siya at walang pasumbaling na umalis. Napailing na lang ako at tinuloy ang kanina na dapat kong ginawa.

Pasado alas seis ay dumating si Mama. Masama ang timpla niya sa mukha kaya matapos nagmano ay hindi ko na siya pinakialaman habang nagluluto siya sa dinalang ulam.

Inabala ko na lang ang sarili ko na manood ng balita sa TV. At pasado alas siete y medya ay tahimik na kaming naghahapunan.

"May problema ba sa trabaho, Ma?" Pasimple kong tanong.

Nakasanayan ko na tinatanong niya ako tungkol sa naging araw ko palagi at ako naman sa kanya.

At dahil bakas sa mukha niya ang inis ay alam kong may bumabagabag sa isip niya.

"Kinausap na naman ako ni Aling Rita d'yan sa may kanto." Simula niya.

Napatigil ako sa pagnguya at napatitig sa kanya. Tinitigan din ako ni Mama diretso sa mata.

"Nakita ka niyang pumasok kaninang umaga sa bahay ni Maria minuto lang nang umalis ako." Aniya sa kalmadong boses ngunit ang mata ay sobrang talim na.

Pinili ko na lang na uminom ng tubig at umiling.

"Iba talaga kapag latest update palagi ang CCTV na'tin, diba?" Puno ng sarkastiko kong saad, "Nakakapagtaka talaga kung bakit hindi naging paparazzi 'yan si Aling Rita, siguro sikat na sikat na siya ngayon."

Kumunot ang noo ni Mama.

"That's not the point here, Jacinto." Matigas niyang saad.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

"Ano ba kasi ang bersyon na narinig mo sa kanya, Ma?"

"Nakita ka daw niyang pumasok sa loob ng bahay ni Maria at dapit tanghali na lumabas. She even insisted that you're having an affair with her to the point she's saying that you'll be a waste because of that." Bakas sa mukha ni Mama ang inis at galit.

Napatiimbagang ako. Damn those good for nothing neighbors!

"Hindi ako nagpakahirap na palakihin ka para lang idegrade ng ganoon lang sa isang baseless rumor, Jacinto. At sabihin mo ngayon sakin kung totoo ba ang nakita ng babaeng 'yon." Matatalim na saad ni Mama.

"Tumulong lang po ako na ayusin ang pintuan niya, Ma." Maiksi kong saad.

Mas kumunot ang noo niya.

"Sigurado ka ba na 'yon lang?" Diskumpyadong tanong ni Mama.

"Ma, better trust me than them okay? Mas kilala mo ako kaysa sa kanila. You already know that they spread bad rumors. Kung magpaliwanag ka man ay may nakatatak na sa isipan nila kaya pabayaan na lang na'tin okay? It's really true na tinutulungan ko lang siya dahil wala siyang proper tools. At hindi ko yata kayang maatim na hindi tulungan ang isang kapitbahay, regardless of who is she or her lifestyle." Mahabang litanya ko.

Nakita ko ang pagbuntong-hininga ni Mama at pagmasahe niya sa kanyang sentido.

"You're right. I'm just annoyed because of her thoughts. Pero kung maari ay iwasan mo ang babaeng 'yon okay? Wala siyang maidudulot na mabuti." Matigas na saad ni Mama.

Wala akong magawa kundi ang tumango, "Hmm. I'll keep that in mind."

~SpadeLucker

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status