Share

Own

Author: Nelia
last update publish date: 2026-05-06 15:35:17

MIJO’S POINT OF VIEW

Nakaupo ako sa malaking upuan ko at nakangisi habang tinitignan ang mga monitor. Alam ko. Alam kong darating siya. At nandito na siya!

Alam ko na kapag dumating ang oras na kailanganin nila ng tulong, kapag nalaman nilang hindi tugma ang dugo ng doktor na iyon... hahanapin nila ako. At sino pa ba ang pwedeng lumigtas sa bata kundi ako? Dugo ko ang dumadaloy sa katawan non. Ako lang ang makakapagligtas dahil ako nga ang ama.

Kaya simula pa lang, inihanda ko na ang sari
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • OBSESSION His Indecent Proposal   pay

    FIA’S POINT OF VIEW Nakuha na niya ako. At ang kabayaran sa iniligtas niyang buhay ng anak ko... ay ako na mismo. Dinala niya ako sa isang malaking bahay na nakatayo sa gitna ng napakalawak na bukirin. Liblib na lugar. Tahimik. Kasing tahimik ng sementeryo. Na kahit sumigaw ako nang malakas, kahit anong gawin ko... walang makakarinig. Walang makakatulong. Naiwan akong nag-iisa sa pader ng kahirapan at takot. Kahit ayaw ko, kahit galit na galit ako... nandito na ako. Wala ng takas. Walang daan palabas. Takot na takot ako. Ramdam ko sa bawat kilos niya, sa bawat tingin niya... na hindi na niya ako pakakawalan pa. Na hanggang sa araw na ito, hindi pa rin nagbabago ang isip niya. Obssesed pa rin siya sa akin. Para akong pag-aari na hindi na niya ibibigay kahit kanino pa man. Umiiyak ako, nanginginig ang buong katawan ko habang tinitigan siya nang puno ng galit. "Ang dami mo namang babae sa paligid mo! Bakit ako pa? Bakit kailangan mo pang balikan ako at sirain ulit ako??!" sigaw

  • OBSESSION His Indecent Proposal   Accept

    DAMIEN’S POINT OF VIEW Pagkauwi ko galing sa ospital, pagod na pagod ang katawan at isip ko. Pero pagpasok ko pa lang ng pinto, sinalubong agad ako ni Andrea ng isang mahigpit at mainit na yakap. May hawak siya na isang puting sobre at kitang-kita ko ang tuwa sa mga mata niya. "Finally! Dumating na!" masaya niyang sabi sabay lahad ng envelope sa akin. "Divorced na kayo! Legal na! Malaya ka na, Damien!" Oo. Masaya ako. Totoo 'yon. Inaasam ko talaga ang araw na ito. Matagal ko nang hinihintay na maging ganap na tapos ang lahat para makapagsimula na kami nang tahimik at masaya ni Andrea. Pero... kahit masaya ako, hindi ko mapigilan na may bumigat sa dibdib ko. Napalitan ng lungkot ang ngiti ko at napayuko na lang ako. Napansin niya agad ang pagbabago ng mood ko. Hinawakan niya ang mukha ko at tinitigan ako nang may pag-aalala. "Bakit parang hindi ka masaya? Ano bang nangyari?" tanong niya. Napabuntong-hininga ako nang malalim bago sumagot. "Kukunin na kasi... kukunin na ni M

  • OBSESSION His Indecent Proposal   Own

    MIJO’S POINT OF VIEW Nakaupo ako sa malaking upuan ko at nakangisi habang tinitignan ang mga monitor. Alam ko. Alam kong darating siya. At nandito na siya! Alam ko na kapag dumating ang oras na kailanganin nila ng tulong, kapag nalaman nilang hindi tugma ang dugo ng doktor na iyon... hahanapin nila ako. At sino pa ba ang pwedeng lumigtas sa bata kundi ako? Dugo ko ang dumadaloy sa katawan non. Ako lang ang makakapagligtas dahil ako nga ang ama. Kaya simula pa lang, inihanda ko na ang sarili ko. Kahit na sanay ako sa bisyo, kahit na puro alak at babae ang mundo ko... pinigilan ko ang sarili ko. I didn't drink. I didn't stay up late. Siniguro kong malinis at malakas ang sistema ko. Kailangan perfect ang dugo ko. Dahil para sa anak ko... ibibigay ko ang lahat. Handa akong ialay ang buhay ko para mabuhay siya. Pero... may iba akong plano. Hindi pwedeng ganun lang kadali. Hindi pwedeng hingin lang nila ang tulong ko tapos wala na silang ibabayad. Hindi ako ganun ka-bobo. Alam k

  • OBSESSION His Indecent Proposal   Match

    DAMIEN’S POINT OF VIEW Hindi ako mapakali. Para akong mababaliw sa kakahintay. Nakatitig lang ako sa orasan. Time is running so fast. Parang mabagal ang takbo ng oras pero sa isip ko, parang humahabol kami sa kamatayan. Ilang oras na ang lumipas mula nang umalis si Fia. Ilang oras na rin siyang wala at wala man lang paramdam. "Nasaan ka na, Fia? Ano na bang nangyayari sayo?" bulong ko sa sarili ko habang hinihilot ko ang sentido ko. Bumalik ang tingin ko kay David. Nakatulog siya pero halatang nahihirapan huminga. Maraming makina na nakakabit sa kanya at tumutunog iyon nang tuloy-tuloy, tila nagpapaalala sa akin na bawat segundong lumilipas ay delikado ang buhay niya. Bigla na lang tumulo ang luha ko. Hindi ko mapigilan. Kahit hindi ko siya dugo at laman ay anak pa rin ang turing ko sa kaniya at mahal ko siya. "I'm sorry, son... I'm so sorry..." bulong ko habang mahigpit na hawak ang maliit niyang kamay. "Ang sakit-sakit makita kang ganito. Ang sakit makita na nahihirapan ka

  • OBSESSION His Indecent Proposal   bitag

    FIA’S POINT OF VIEW Para kay David. Para sa buhay ng anak ko, gagawin ko ang lahat. Kahit ang ibigay pa ang sarili ko sa impyerno. Kaya kahit nanginginig ang tuhod at nanlalamig ang buong katawan ko, pinuntahan ko ang lugar na ito. Ang hideout ni Mijo. Isang malawak at matandang gusali na sa loob pala ay isa palang malaking pasugalan at kuta ng sindikato. Akala ko sa mga pelikula ko lang napapanood yung ganitong lugar pero totoo palang merong ganito. Pagpasok ko pa lang, iba na ang aura. Madilim, maingay, at puno ng usok at amoy ng alak at pera. Ang bigat sa dibdib. Maraming lalaking mukhang goons na naka krus ang braso ang mga naglalakad-lakad, may mga hawak na baril at matatalim na tingin. Puro sugal, ingay ng mga baraha, at sigawan ang maririnig. Mga babaeng bayaran. Mga naghahalikan ang lalaki sa lalaki. Ramdam mo na bawat sulok dito ay puno ng kasamaan at kapangyarihan. Ito ang mundo ni Mijo. Madilim at mapanganib. Tinuro ako ng mga tauhan niya papunta sa likod. Sa isang

  • OBSESSION His Indecent Proposal   Call him

    DAMIEN’S POINT OF VIEW Parang gumuho ang mundo ko. Parang binagsakan ako ng langit at lupa sa nalaman. Hinang-hina ako. Wala akong lakas. Hawak ko ang resulta ng test at paulit-ulit ko itong tinitignan, umaasang baka nagkamali lang, baka malabo lang ang mata ko. Pero hindi... totoo. Hindi ko anak si David. Sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko."ahhhhh" Paulit-ulit kong sinuntok ang pader hanggang sa dumugo na ang mga kamao ko. Hanggang sa manhid na ang sakit sa katawan ko para lang maibsan yung sakit na nararamdaman ng puso ko. "This is Karma... This is my punishment!" sigaw ko sa sarili habang nakayuko at umiiyak. "I never thought it would hurt this much. Sobrang sakit na malaman na sa loob ng ilang taon... niloko lang pala ako." Ito na ang pinakamasakit na karma para sa akin. Dahil iniwan ko si Fia at pinili ko si Andrea, ngayon... ako naman ang pinaglaruan ng tadhana. Ako naman ang naging tanga. Ang gulo ng isip ko. Sobrang gulo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status