LOGINANDREA POINT OF VIEW “Damien… ikaw ang gumawa ng mga ito?” “I wanted our first moment back together to be perfect. No stress, no worries – just us.” Sinurpresa niya ako ng isang romantikong dinner sa rest house niya. Doon niya ako dinala, malayo sa lahat, at sa tingin ko ay para lang sa amin ang sandaling iyon. We sat down on the cushioned bench, and he poured us both drinks. I noticed how relaxed he was now – his movements were calm, not rushed or tense like they used to be when he was anxious. Masaya kaming kumakain at nagkwentuhan. Ramdam ko ang lambing at pagmamahal niya. Apat na buwan siyang nagpagamot at sumailalim sa therapy, at ngayon, ngayon ang araw para ituloy namin ang magandang buhay na pinapangarap namin. “You know… during those four months, especially the last one without any technology, I had a lot of time to think. About who I was, who I wanted to be… about what you really mean to me.” “Ano naman ang realize mo?” He reached across the table and took my hand
ANDREA POINT OF VIEW Naging payapa at puno ng pag-asa ang mga sumunod na araw. Sa bawat gabi, hinihintay ko ang tawag ni Damien. Iyon ang nagiging lakas ko. Alam kong apat na buwan ang hihintayin namin—tatlong buwan na therapy at isang buwan na "detox" o pahinga mula sa teknolohiya para tuluyan siyang makapag-isip at maghilom. "Mahal, bukas... bukas na ang huling araw na pwede tayong mag-usap," malungkot na sabi niya sa kabilang linya. "Pagkatapos nito, kukunin na nila ang phone ko. Isang buwan akong hindi makakausap kayo ni baby." Ang lungkot niya pero mas malungkot ako. Kung mag-iisip siya tungkol sa amin ni baby mas lalo naman ako. Nag-aalala ako sa kaniya at sa mararamdaman niya habang nandoon. Si Damien ay isang propesyonal na Doktor. Bilyonaryo at nagmamay-ari ng maraming ospital. Hindi siya sanay sa ganoong lugar. Alam kong nahihirapan siya pero dahil mahal niya kami ng magiging anak niya, kinakaya niya. Napaluha ako habang nakahawak sa tiyan ko. "Kakayanin natin 'to, Dam
ANDREA POINT OF VIEW Mahigpit ang yakap ni Daddy sa akin, parang ayaw na niyang bitawan pa. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya at ang pagbagsak ng mga luha niya sa balikat ko. Ilang buwan din akong nawala, ilang buwan din akong parang bula na naglaho sa paningin niya. Naiintindihan ko kung bakit ganito siya kalungkot at katakot takot ang emosyon na nararamdaman niya ngayon. "Daddy..." bulong ko habang hinahagod ko ang likod niya para pakalmahin siya. "Nandito na po ako. Umuwi na po ako." Dahan-dahan siyang humiwalay sa yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, parang sinisiguradong buo ako at walang sugat. "Anak, akala ko... akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo!" nanginginig ang boses niya. "Ilang buwan kang nawala! Hinanap kita kahit saan! Sinugod ko na yung bahay na 'yon dati pero sinasabi nilang wala ka doon! Sinaktan ka ba niya? Sinaktan ka ba ng hayop na 'yon, Andrea?!" Napayuko ako sandali. Hindi ko kayang magsinu
Nitong mga nakaraang araw, tila bumabait nga si Damien sa akin. Buhat nang malaman niya na magkakaanak kami ay hindi na niya ako sinasaktan. pinapayagan niya rin akong lumabas hanggang garden ng walang bantay. Bumangon ako ng maaga ngayong umaga, ramdam ko ang kirot sa ibabang bahagi ng aking tiyan – alam kong normal lang ito para sa mga buntis, pero hindi ko maiwasang mapanghawakan ito nang mahigpit. Naramdaman kong may humahaplos sa likod ko, mainit at mahinahon ang kamay ni Damien. "Huwag mong hawakan nang mahigpit, mahal. Baka masaktan ang baby," sabi niya, boses niyang mahinahon at puno ng pag-aalala. Inabot niya ang isang basong tubig at inalayan ako. "Uminom ka muna ng tubig bago ka bumangon." Tumango ako at ininom ang tubig. Habang kinakain namin ang almusal na inihanda niya – sinigang na bangus at kanin – hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Mga kamay niya'y maingat na naglalagay ng ulam sa plato ko, mga mata naman ay nakatuon sa akin nang may pagmamahal na hindi ko
ANDREA POINT OF VIEW Lumipas ang ilang linggo at unti-unti kong naramdaman ang pagbabago sa katawan ko. Hindi lang ito dahil sa paggaling ko mula sa lagnat, kundi dahil sa kakaibang nararamdaman ko araw-araw. Madaling mapagod, laging nasusuka, at maselan ang pang-amoy ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam ko na ang ibig sabihin nito. Napatunayan ko ang hinala ko nang makita ko ang resulta ng pregnancy test na palihim kong nakuha kay Yaya Minda. Positive. Buntis ako. Buntis ako sa anak ni Damien. Napaupo ako sa sulok ng kwarto habang yakap-yakap ang sarili ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko—takot, galit, at may kaunting kaba para sa buhay na nasa loob ng tiyan ko. Hindi pwede. Hindi pwedeng mangyari 'to. Alam ko ang nangyari kay Claire at Samantha. Kapag nalaman niya ito, lalo lang siyang maniniwala na hindi na ako makakaalis. Pero mas delikado na ngayon. Delikado para sa akin at sa bata. Nang gabing iyon, dumating si Damien. Ramdam ko ang excitement at saya
ANDREA POINT OF VIEW Ilang araw na akong nakakulong dito sa kwarto. Pakiramdam ko ay unti-unti nang nauubos ang hininga ko. Wala akong communication sa labas. Kinuha ni Damien ang cellphone ko at lahat ng paraan para makontak ko si Daddy o kahit sino man. Bawat gabi, pumapasok siya dito. Kumakain kami nang tahimik, tapos matutulog siya sa tabi ko pero parang magkaibang mundo kami. Hinahawakan niya ako, yakap-yakap nang mahigpit, pero sa bawat haplos niya, nanginginig ako sa takot. Hindi ko na alam kung takot ba ako o nasasaktan lang nang sobra. Isang gabi, nagising ako dahil sa init ng katawan niya. Naramdaman ko ang mga halik niya sa leeg ko at ang mga kamay niyang gumagala sa katawan ko. "Damien, huwag... pagod ako," bulong ko, pilit na tinutulak ang dibdib niya. Hinigpitan niya ang hawak sa bewang ko. "tumatanggi ka na ngayon?" ngumisi siya sa akin. "Wala ako sa mood, Damien. Nasasaktan pa ako... sa puso at sa katawan," sagot ko habang tumutulo ang luha ko sa unan. h







