로그인David POV Hindi na pala niya ako naantay. She didn’t wait for me at all. I thought, our promises will lasts... Ang tatlong salitang 'yan ang paulit-ulit na umiikot sa isipan ko habang naglalakad ako palayo, habang dahan-dahang lumalayo ako sa bahay na 'yun—sa lugar kung saan akala ko ay matatagpuan ko ulit ang mundo ko. Akala ko habang ako ay naghihintay at lumalaban, siya naman ay nananatiling tapat sa pangako namin. Pero mali ako. Sobrang laki ng pagkakamali ko. Halos ikamatay ko na makita na may bago na siya. It broke me completely. Seeing her with someone else felt like my heart was being ripped out of my chest. Halos gumuho ang buong pagkatao ko sa sandaling makita ko kung paano niya tignan ang lalaking 'yun—kung paano siya ngumiti dito, kung paano niya ito pinagbuksan ng puso, at kung paano sya pumayag na halikan na parang ito lang ang tanging lalaki sa buhay niya. Ang mga bagay na akala ko ay sa akin lang, akala ko ay nakalaan lang para sa akin... ibinigay na pala niya
Bianca POV Dalawang taon na... dalawang mahahabang taon na ang lumipas mula noong araw na inoperahan ako. Dalawang taon na rin mula noong mawala ang liwanag sa mundo ko. Two years. Two years of nothing but darkness. Grabe ang naging epekto ng aksidenteng 'yun. Isang iglap lang, nagbago ang lahat. Ang dating maliwanag, masaya, at makulay kong mundo... biglang naging itim at walang laman. Simula noong araw na 'yun, hindi na ako nakakita. Dalawang taon na akong bulag. Wala akong makita, wala akong matanaw, wala akong maaninag kahit kaunti. Wala akong ibang kasama kundi ang dilim at ang mga alaalang dala-dala ko pa rin hanggang ngayon. At sa loob ng kadilimang ito, iisa lang ang laman ng isip at puso ko. Si David. " Miss na miss na kita, David. Sobrang-sobra." Halos araw-araw, bawat oras, bawat segundong lumilipas, siya ang hinahanap-hanap ko. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong malaman kung ano na ang kalagayan niya. Kung kumusta na ba siya ngayon. Kung ligtas ba siya. Kung nai
DAVID POINT OF VIEW kung nandito si Damien, sigurado akong nandito rin ang anak niya. Walang dahilan para umalis ito at iwan ang ama niya. Alam kong naroon lang siya sa loob, marahil ay nakikinig o kaya naman ay pinagbawalan lang na lumabas. Pero sa tindi ng katigasan ng ulo ni Damien, sa pagmamatigas niya at sa pagtanggi niyang papasukin ako o sabihin ang totoo, parang gumuho ang pasensya ko. Halos dalawang taon akong nagdusa, halos dalawang taon akong naghintay at nagtiis ng hirap at sakit para lang makarating dito, at ngayong nasa harapan na ako, itataboy lang niya ako nang ganun-ganun na lang? Sasabihin niyang wala rito ang taong dahilan ng buhay ko? I could feel my blood rushing hot through my veins. Galit, pangungulila, at matinding kagustuhang makita siya ang naghalo-halo sa sistema ko. Kahit ayaw ko, kahit alam kong mali, napilitan akong itulak siya nang malakas palayo sa pinto. Napilitan akong gamitan ng puwersa dahil alam kong kung maghihintay pa ako sa kanya, hinding-
DAVID POINT OF VIEW Tinulungan ako ni Daddy sa lahat ng paraan na pwede niyang maitulong sa akin . After a week, sa tulong ng malawak niyang mga koneksyon at mga taong gumagawa ng paraan para sa kanya, sa wakas ay lumabas na rin ang katotohanan—nalaman ko na nasa Australia sila Bianca at ang kaniyang pamilya. Doon sila tumira, doon sila nagtago, at doon nila sinikap na burahin ang anumang bakas sa nakaraan. Tila ba kabilang dulo na ng mundo, sapat na siguro para isipin nilang ligtas na sila at hinding-hindi ko sila matatagpuan. Agad akong lumapit kay Daddy at nagpaalam na pupunta doon. Nakita ko sa mga mata niya ang matinding pangamba at takot para sa akin. Alam kong ayaw niya. Alam kong alam niyang muling isinusugal ko ang buhay ko, ang kaligtasan ko, at ang puso ko. Alam kong natatakot siyang baka sa oras na ito ay hindi na ako makabalik pa, o baka naman ay masaktan lang ako nang paulit-ulit. Pero sa pagkakataong ito, alam niyang hindi na ako mapipigilan. Alam niyang kah
DAVID POINT OF VIEW Ilang taon na ang lumipas, pero parang kahapon pa lang ang lahat sa alaala ko. Ang huling sandaling nakita ko siya, ang huling ngiti, ang huling halik—lahat 'yun ay nakaukit nang malalim sa isipan ko, at tila ba ayaw nang maglaho kahit anong gawin ko. It feels like time has stopped since she lleft. Pero ang pinaka masakit na katotohanan ay noong mula noong araw na isinakay siya sa eroplano at dinala palayo patungo sa ibang bansa, wala na... wala na akong natanggap ni isang mensahe, ni isang tawag, not even a single word na nagsasabing buhay pa siya o ano. Nakaugalian ko nang hawakan ang telepono ko sa lahat ng oras, nakatitig sa pangalan niya sa listahan ng mga kontak ko, naghihintay na sana anumang oras ay tumunog ito, o lilitaw ang pangalan niya sa aking screen. Araw-araw, gabi-gabi, ginagawa ko 'yun. Nagbabasa ako ng mga lumang mensahe namin, binabalikan ang mga panahong puno pa ng kulay at saya ang buhay namin. Those memories are the only things keeping m
Lalong lang lumala at naging kumplikado ang sitwasyon nang matuklasan ng mga doktor na hindi na sapat ang kakayahan at kagamitan ng kasalukuyang ospital para maagapan at gamutan nang maayos ang malubhang kalagayan ni Bianca. Napakalalim ng tama sa ulo nito, maraming Internal hemmorage na kailangan ng espesyal na atensyon, at kritikal pa rin ang bawat tibok ng puso na tila anumang oras ay maaaring huminto. Wala nang ibang naging pagpipilian ang mga doktor kundi ang tapatin si Damien na kailangang-kailangang ilipat ang dalaga sa mas malaki at mas may kakayahang pasilidad, at sa lala ng pinsala, iminungkahi nilang sa ibang bansa na lamang ito dalhin kung nais talaga niyang mabuhay ang anak.Hindi naman nalalayo ang kalagayan ni Damien. Matapos ang malagim na pambubugbog sa kanya ni Mijo, puno na rin ng pasa at galos ang kanyang buong katawan. May mga butong sumakit at nabali, may mga ugat na namaga at napisa, at hirap na hirap siyang gumalaw at huminga. Kailangan din niyang isalang sa ga







