Share

Kabanata 048

Author: Roxxy Nakpil
last update Last Updated: 2024-07-15 18:35:41

KATE AND JAY CONVERSATION

Makalipas ang ilang araw ng makabalik ako sa Kuwait ay siya namang pagbisita ni Jay sa akin sa Showroom. Nagulat pa ako sa pagdating nito ay may dala siyang bouquet of roses. Ang lalaki naman ng ngiti ng aking mga staff na Pinoy. Kilalang kilala na kasi nila itong si Jay dahil palagi itong bumibisita sa akin sa trabaho. Mahilig din itong magdala ng kung ano -anong items galing sa base para ipanuhol sa aking mga staff lalo na kapag hinahanap ako nito. Nakakaramdam man ako ng panghihinayang dahil alam kong makalipas ng dalawang taon ay magwawakas na ang pagpapanggap naming ito. Alam kong pagkatapos noon ay kailangan ko na ding layuan ang mga magulang ni James na nagpakita sakin ng kahalagahan ko bilang anak at bilang isang tao.

Gayunpaman napapangiti naman ako dahil mula nuong nasa Dubai pa ako hanggang dito sa Kuwait ay naging consistent itong si Jay sa panunuyo sa akin.

“Hi Bratt welcome back!” Sabi niya sa akin

“Thank you Jay, you dont have to do that!” n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 464

    "Hon, patawarin mo ako. Matinding galit ang naramdaman ko noon kaya nagpadala ako sa mga taong gusto lang sirain tayo, imbes na magtiwala sa’yo bilang asawa ko. Mali ako. Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Habang nasa mansion pa ako, ang dami nang nangyari. Ang mommy mo at si Annie, laging kinakampihan si Pearl. Nang masampal ko siya, hindi ko iyon sinadya. Nabigla lang ako. Sinabi nilang umamin ka raw kay Pearl na mas mahal mo siya kaya nananatili siya sa mansion kahit hiwalay na sila ni Jeff.“Dahil sobrang nasasaktan na ako, napagdesisyunan kong pumunta sa US para sundan ka. Miss na miss na kasi kita, kaya binalewala ko ang pride ko. Pero pagdating ko, nakita kita sa kama na may ibang babae. Napakasakit nun, Hon! Pero imbes na kausapin ka, umalis ako at dumiretso kina Mommy. Hindi ko inaasahan na sa pagbisita ko, mas malaking kawalang-hiyaan pa pala ang gagawin nila Jasmin sa akin."Malungkot ang naging reaksyon ni Haime. "Hon, sorry. Hindi ko rin alam kung paano napunta ang babaeng

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 463

    “Okay. Tungkol ito kay Pearl at Jessie, ‘yung babaeng kasama niya sa restaurant na nakuhaan mo ng picture. Si Jessie ay nakababatang kapatid ni Pearl na lumaki sa Amerika. Isang kaibigan niya ang nagkumpirma na lahat ng nangyari kay Haime at Jessie ay pinagplanuhan. Sinundan ni Jessie ang bawat galaw ni Haime, mula sa disco bar hanggang sa makuha niya ang tiwala nito. Sinadya niya itong akitin dahil sa utos ni Pearl. Pati ang pagkuha ng litrato sa kwarto kasama si Haime ay plano nila para tuluyan mo siyang hiwalayan,” paliwanag ni Detective.“Sabi ko na nga ba, Natalie. Kilala ko si Haime. Hindi niya kayang gumawa ng ganitong kasamang bagay,” sabi ni Nicholai.“Kaya pala may pagkakahawig ang dalawang bruha! Sarap sabunutan,” inis na sabi ni Ryan.Ramdam ko ang galit na unti-unting lumalabas. Puno na ako ng inis at pagkadismaya sa nalaman ko. Ngunit iyon pa lang ang magandang balita. Kailangang maghanda ako sa masamang balita.“Ano naman ang masamang balita, Detective?” tanong ko, kina

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 462

    Napasulyap ako kay Annie, na tila naintindihan ang tingin ko.“Kuya, wala kaming pinalayas. Kusa siyang umalis! Sinampal pa niya si Pearl bago siya umalis. Narinig ko rin sa mga kaibigan ko na nakatira na raw siya sa condo ni Mark,” sabi ni Annie habang si Pearl ay tahimik na nakatayo sa likod niya.“Annie, tigilan niyo na ang kakagawa ng kwento tungkol kay Natalie,” mariin kong sabi, napapadiin ang mga bagang ko.“Hindi kami gumagawa ng kwento. Tawagan mo si Mark para malaman mo,” sagot niya nang matapang. Hindi siya natatakot kahit galit na galit na ako.“Sige, tawagan mo, Haime. I-loud speaker mo para marinig ng lahat ang katotohanan,” dagdag pa ni Mommy, tila naghahamon.Kahit galit na galit ako, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mark. Sinunod ko ang gusto nila at niloud speaker ito.“Hello, Haime? Napatawag ka?” tanong ni Mark sa kabilang linya.“Mark, may gusto akong malaman. Sabihin mo sa akin ang totoo. Nakatira ba sa condo mo ang asawa ko?” tanong ko, puno ng tensyon

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 461

    HAIME POVSa wakas, natapos din ang back-to-back meetings at branch visits namin dito sa US. Finally, makakauwi na rin ako. Makikita ko na si Natalie. Magkakausap na rin kami tungkol sa mga isyung nagdulot ng gulo sa amin, pati na rin kung bakit halos isang buwan na niyang hindi sinasagot ang mga tawag at mensahe ko.Habang naglalakad ako papunta sa lobby para isauli ang keycard ng hotel, naramdaman ko ang mga tingin at bulungan ng mga receptionist na kapwa Pilipino. Parang may gustong sabihin, pero hindi ko na sila pinansin. Gusto ko na lang talaga makauwi. Nang papaalis na ako, isa sa kanila ang mahina akong tinawag.“Sir, may gusto lang po sana kaming sabihin,” alanganing sabi ng receptionist. Nagtinginan pa sila at nagtuturuan kung sino ang magsasalita.Dahil sa pagkamausisa ko, napahinto ako. Lagi ko silang nakikitang nagbubulungan tuwing dumadaan ako, kaya hindi ko napigilang bumalik sa harapan nila.“Yes? Ano ’yun, Miss?” tanong ko sa babaeng receptionist.“Sir, kasi po, last m

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 460

    malakas na tumawa si Jeff. "Kapatid ko si Haime, I'm his older brother," sagot niya, sabay tawa. "So you mean yung boss na sinasabi mong naiinis ka ay si Natalie?" tanong pa niya."MY GAWD! I think I'm in trouble!" sabi ko, napayuko sa gulat.Itinaas ni Jeff ang mukha ko para mawala ang pagkahiya ko. "It's ok. Hindi naman ako close sa hipag ko, at yung kapatid ko, dating live-in partner yun ng asawa ko. Ngayon finally na annuled na ako dahil kay Haime. Ayun, nagpapakasaya na naman ang malanding babaeng yun sa mansion." Mahabang paliwanag niya, hindi ko alam kung lasing ba siya o nagsasabi ng totoo.Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung anong mangyayari. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Natalie, hindi niya naikwento sa akin ang mga bagay na ito. Kaya siguro siya umalis sa bahay ng mga Rodriguez."Wohhhh! Cheers natin yan! Parehas pala tayong bwisit sa buhay!" nag-toast kami. Tapos may inilabas si Jeff na parang sigarilyo."Ok lang bang mag-smoke ako dito sa loob ng cubicle?" ta

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 459

    JASMIN POVNakakainis talaga si Natalie, ang yabang, akala mo kung sino na. Akala niya kasi dahil nakapang-asawa ng mayaman, may karapatan na siyang magmataas. Kung hindi lang dahil kay Haime, hindi siya makikilala ng mga malalaking tao. Hindi siya dapat nandiyan, lumalago lang ang negosyo dahil sa tulong ng asawa niya. Tapos ngayon, ganyan ang mga ugali. “Bakit, nagagalit siya kasi hindi ko siya pinatira sa bahay nung tumawag siya? Aba, kasalanan ko ba na ang buong pamilya ko nakatira sa amin? Akala ko hindi na siya magche-check ng mga finances, kaya nga nila ako kinuha. Naiirita na talaga ako. Isa pa tong si Brett, puro abala na lang sa buhay ko. Bwisit na buhay!” naiinis kong bulong habang papasok sa office.Pinatawag ko ang isa sa mga tauhan ko at nagpaalam na uuwi muna ako, sila na lang ang bahala sa office. Ayokong dagdagan pa ang stress ko. Pero naiisip ko lang, bakit sila Natalie naging maayos ang buhay? Tapos ako, eto, ang daming problema. Naisipan kong dumiretso sa paborit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status