Nanlamig ang katawan ni Carol sa rebelasyong iyon. Kung hindi si Damien ang nagpadala ng annulment papers… sino?
Napatingin siya rito, pilit hinahanap sa mukha ng lalaki ang kahit anong senyales ng pagsisinungaling. Pero seryoso ang ekspresyon ni Damien—matigas, walang bahid ng biro. “Ano’ng ibig mong sabihin?” mahina niyang tanong, pero dama ang tensyon sa kanyang boses. Nagtagal ng ilang segundo bago sumagot si Damien, pero nang nagsalita ito, diretso ang tono. “Ibig sabihin, may taong gustong putulin ang kasal natin nang hindi natin alam.” Napalunok si Carol. Gusto niyang maniwala na wala siyang dapat ikatakot, pero may bumabalot na pangamba sa kanya. Dalawang taon siyang hindi ginulo ng kahit sino, pero bakit ngayon biglang may ganitong nangyayari? At sino ang may lakas ng loob para gumawa nito nang hindi man lang nila alam? Nakita niyang may kinuha si Damien mula sa loob ng kanyang coat—isang papel na tiniklop nito at iniabot sa kanya. “Tingnan mo ito.” Dahan-dahan niyang kinuha ang papel at binuksan. Nanlaki ang mga mata niya. Liham ito mula sa isang law firm. Isang sulat na nagpapatunay na ang nag-request ng annulment ay si Carol mismo. “H-Hindi ako ang gumawa nito,” nauutal niyang sabi. “Wala akong alam dito.” Tinitigan siya ni Damien, tila inaaral ang reaksyon niya. “Sigurado ka?” “Sa tingin mo, kung gusto kong makawala sa’yo, bakit pa ako tatakas kagabi? Bakit pa ako tatanggi sa'yo kung ako mismo ang may gusto ng annulment?” Hindi na niya napigilan ang poot sa kanyang boses. “Mali ang lahat ng ito! May ibang gumagawa ng paraan para paghiwalayin tayo!” Mas lalong dumilim ang ekspresyon ni Damien. “Kung ganun, may taong nagmamanipula sa atin. At gusto kong malaman kung sino.” Dahan-dahan siyang lumapit kay Carol, ang presensya nito ay parang bumabalot sa kanya. “At kung may taong nagtatangka sa kasal natin… ibig sabihin, may dahilan kung bakit gusto nilang magkahiwalay tayo.” Napatingin si Carol sa mga mata ni Damien. Seryoso ito, matigas, ngunit may kung anong bahid ng determinasyon roon. “Kung gusto nilang maputol ang kasal natin…” mahina ngunit madiin ang boses ni Damien. “Mas lalo kong hindi hahayaang mangyari ‘yon.” Napasinghap si Carol. Ano ang binabalak ng lalaking ito? Matalim ang titig ni Carol kay Damien, pero hindi niya maitanggi ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Ano’ng ibig sabihin nito? Dalawang taon niyang hinintay ang lalaking ito, at sa loob ng panahong iyon, hindi ito nagpakita. Pero ngayon, matapos ang isang gabing puno ng pagkakamali at isang annulment na hindi niya naman hiniling—bigla na lang nitong sasabihing hindi siya hahayaan nitong mawala? Pinilit niyang gawing matatag ang kanyang boses. “At ano’ng gagawin mo, Damien? Pilitin akong manatili sa isang kasal na hindi mo naman ginusto mula sa simula?” Ngumiti si Damien, isang ngiting puno ng tiwala sa sarili. “Kung may taong pilit tayong pinaglalayo, ibig sabihin may dahilan sila para gawin ‘yon. At gusto kong malaman kung bakit.” Napakuyom ng kamao si Carol. “Gusto mong malaman kung bakit… o gusto mo lang akong kontrolin?” Hindi sumagot si Damien agad. Sa halip, marahan siyang lumapit, at sa bawat hakbang nito, lalo niyang naramdaman ang presensya nito—nakakabahala, pero hindi niya maitanggi ang epekto nito sa kanya. “Natatakot ka ba, Carol?” bulong nito, nakatitig nang diretso sa kanya. “Hindi ako natatakot sa’yo,” matigas niyang sagot, kahit na bumibilis ang tibok ng puso niya. Tumango si Damien, tila naaaliw sa sagot niya. “Mabuti.” Mabilis itong bumaling sa kanyang tauhan. “Ipakuha ang CCTV footage ng building noong gabing iyon. Gusto kong malaman kung paano siya nakapasok sa unit ko.” Napalunok si Carol. Iimbestigahan niya ang nangyari? At sa isang iglap, naunawaan niya—hindi lang annulment ang iniimbestigahan ni Damien. Pati ang gabing iyon. “May gusto kang patunayan?” matapang niyang tanong. Tinitigan siya ni Damien, matagal. “Gusto kong malaman kung sinong nagdala sa’yo sa kwarto ko, kung paano ka nakapasok, at kung ano talaga ang nangyari bago ako mawalan ng ulirat.” Nanlaki ang mata ni Carol. Ano? “Ibig mong sabihin…” Napahinto siya, naguguluhan. “Hindi mo maalala?” Napuno ng katahimikan ang pagitan nila. Mabagal na tumango si Damien. “Hindi ko maalala ang lahat ng nangyari.” Nanginginig ang mga kamay ni Carol. Akala niya, malinaw ang lahat kay Damien—na sinadya nitong gawin sa kanya ang nangyari. Pero paano kung… Paano kung pareho lang silang biktima? Nanlamig ang katawan ni Carol sa rebelasyong iyon. Hindi niya maalala? Ibig sabihin, maaaring hindi ito sinadya ni Damien? Na posibleng may ibang taong nasa likod ng nangyari sa kanila? Pero paano? At bakit? “A-Ano’ng ibig mong sabihin?” nauutal niyang tanong. “Hindi mo maalala… kahit ano?” Napatingin si Damien sa kanya, at sa unang pagkakataon, nakita niya ang bahagyang pagkalito sa mukha nito. “Ang huling naaalala ko, nasa isang party ako—business event. May ininom akong alak, pero hindi ako lasing nang umalis ako ro’n. Pagdating ko sa unit, hindi ko na maalala ang sumunod na nangyari.” Kumunot ang noo ni Carol. “Kung hindi mo maalala, bakit sigurado kang may ibang taong nagdala sa’kin sa kwarto mo?” Nagtaas ito ng kilay. “Dahil hindi kita nakikilala nag gabi na 'yon. At imposible namang basta ka na lang napunta sa condo ko nang walang may may pakana, hindi ba?” Nanikip ang dibdib ni Carol. Totoo ang sinasabi ni Damien. Kahit anong isipin niya, hindi siya dapat nandoon. Hindi rin niya matandaan kung paano siya napunta sa unit nito—ang huling alaala niya ay nasa ibang floor siya, papunta dapat sa condo ng asawa niyang hindi niya pa nakikita. At ngayon, nalaman niyang si Damien pala ang lalaking iyon… Masyadong maraming hindi tugmang piraso sa puzzle. Napahawak siya sa sentido. “Bakit may gagawa nito sa atin?” “Yun ang gusto kong malaman.” Lumapit si Damien, at kahit gusto niyang umatras, hindi siya makagalaw. “Pero bago natin malaman kung sino ang may pakana nito… isang tanong lang, Carol.” Napatingin siya rito. “Sigurado ka bang wala kang kinalaman dito?” Nagpantig ang tenga ni Carol. “Anong ibig mong sabihin?” Masuyo siyang pinagmasdan ni Damien, pero matigas ang tono ng boses nito. “May nagpadala ng annulment papers na nakapangalan sa’yo. Napunta ka sa unit ko kahit hindi mo alam kung paano. Tapos biglang may gusto nang maghiwalay tayo.” Nanigas ang katawan ni Carol. “May posibilidad bang may kinalaman ka rito?” Napasinghap siya. “Ano?! Hindi! Bakit ko naman gagawin ‘yon?” Mas lumamig ang tingin ni Damien. “Hindi ko alam. Pero may mga tao akong gustong tanungin.” Bago pa siya makasagot, nagsalita ito muli, ang boses nito ay may bahid ng pruweba at paninindigan. “At magsisimula tayo sa pamilyang matagal nang gusto tayong paghiwalayin.” Ang pamilya niya.Tahimik pa ring nakaupo si Damien, naghihintay ng kasagutan habang tila binibilang ang bawat tibok ng kanyang puso. Ngunit sa halip na kumpirmasyon, isang malamig at matatag na tinig ang bumasag sa tensyon.“Hindi mo siya anak, Damien.”Napakunot ang noo ni Damien. “Anong—”“Hindi mo siya anak,” ulit ni Carol, this time, mas mariin. “Anak ko siya… sa ibang lalaki.”Napatigil si Damien. Hindi agad siya nakapagsalita. Para siyang tinanggalan ng hininga, pero pilit pa ring sinikap na intindihin ang narinig.“Carol…” mahinang sabi niya, “Kung gano’n, bakit hindi mo agad sinabi noon pa? Bakit mo ako pinaiikot? Seriously? Are you fvcking kidding me? Pinaglalaruan mo ba ako?” tila galit na sambit ni Damien.Lumunok si Carol. Pilit niyang itinatagong nangingilid na luha. “Akala ko kaya ko. Akala ko madali lang ang magsinungaling para protektahan siya… para protektahan ka. Pero ngayong nandito ka na, hindi ko alam kung alin ang mas makakasakit—ang totoo, o ‘tong kasinungalingang pinilit kong p
Sa isang mataas na gusali sa Makati, sa loob ng isang moderno ngunit simpleng opisina, nakaupo si Damien sa harap ng kanyang desk. Ang monitor ay nakabukas, naglalaman ng spreadsheet na matagal na niyang tinitigan pero hindi man lang niya nai-scroll. Ilang ulit na siyang nag-type ng mga numero at binura rin.Ilang saglit pa, bumukas ang pintuan ng opisina. Pumasok si Jayron, matagal na kaibigan at business partner ni Damien, suot ang pamilyar nitong semi-formal na polo at may hawak na dalawang tasa ng kape.“Bro, mukhang kailangan mo ‘to,” aniya habang inilalapag ang isa sa mesa.Napatingin si Damien, bahagyang nagulat sa presensya ng kaibigan.“Thanks,” maikling tugon niya.Umupo si Jayron sa visitor’s chair at tiningnan siya nang maigi. “Okay ka lang ba? Kanina ka pa parang lutang. Hindi ka sumasagot sa chat, tapos puro spreadsheet na walang laman ‘yung screen mo.”Tahimik si Damien. Ilang sandali bago siya nagsalita.“Jay… do you believe in forgotten memories?”Napakunot ang noo ni
Pagdating ni Damien sa café, agad siyang luminga-linga, umaasang makikita roon si Carol. Suot niya ang dark blue blazer na bahagyang nabasa ng ulan, at dala-dala ang kaba’t pananabik na buong gabi niyang pinasan. Pero ang inabutan niya lamang ay isang bakanteng mesa, isang tasa ng kape na kalahati na lang ang laman, at isang katahimikang nagsasabing huli na siya.Napakagat siya sa labi. Umupo pa rin siya sa upuang tapat ng iniwang tasa ni Carol, saka dumukot ng cellphone at nagbakasakaling may mensahe. Wala. Walang kahit anong paliwanag. Tumitig siya sa tasa, at parang unti-unti niyang naramdaman ang bigat sa dibdib—hindi dahil sa hindi sila nagkita, kundi dahil ramdam niyang may piniling iwasan si Carol.Samantala, sa isang apartment sa Quezon City…Pabagsak na isinara ni Carol ang pinto ng kanyang unit. Umupo siya sa sofa at hinubad ang heels habang bumubuntong-hininga. Halos sabay ang pagbagsak ng luha at ng katawan niya sa sandalan, tila gusto niyang mabura ang eksenang naganap ka
"Ah, yes. M–Meron nga."Tahimik."Where’s his father?" tanong ni Damien.Hindi agad nakasagot si Carol. Sandaling katahimikan. "Nasa barko. Seaman kasi ang asawa ko," sagot niya, pilit ang ngiti—isang kasinungalingang sinubukang ikubli ang katotohanan.Kaagad naman na napatingin si Damien sa daliri ni Carol, at nakita niyang may suot nga itong singsing. Nagkatitigan silang muli. Ang daming salita ang tila hindi nila masabi sa isa’t-isa.Mabuti na lang din at naisipan ni Carol na magsuot ng singsing pang taboy sa mga lalaking gustong umaligid sa kaniya.Tahimik pa ring nakatayo si Carol sa harap ni Damien, tila ba ang oras ay pansamantalang tumigil. Ngunit bago pa man siya muling makapagsalita, isang pamilyar na tinig ang bumasag sa katahimikan.“Carol? Ikaw nga ba ‘yan?” tawag ng isang lalaki mula sa likuran.Paglingon ni Carol, nakita niya si Loey, ang matalik niyang kaibigan mula pa noong nagsisimula pa lang siya sa industriya. Suot nito ang isang classic black suit, at may hawak na
Dumating ang gabi ng event sa Pilipinas—isang engrandeng fashion gala na ginanap sa isang kilalang hotel sa Makati. Habang nasa loob ng kanyang suite, abala si Carol sa paghahanda. Suot niya ang isang eleganteng gown na siya mismo ang nagdisenyo—isang simpleng puting damit na may makabagong twist at malinis na linya. Isang simbolo ng kanyang pagbabalik at bagong simula."Mommy, you look like a queen," sabi ni Dustin habang nakatingala sa kanya, suot ang maliit na tuxedo na bagay na bagay sa kanya.Napatawa si Carol at hinalikan ang noo ng anak. "Thank you, anak. I think I needed that confidence boost."Pagdating nila sa venue, sinalubong agad sila ng mga organizer. Ramdam ni Carol ang excitement at tensyon habang papasok sa main hall na puno ng mga kilalang personalidad, press, at fashion enthusiasts. Ang mga ilaw, camera, at musika ay nagbigay ng kakaibang enerhiya."Miss Caroline Dela Vega, we’ve been waiting for you," bati ng host na si Liza Montes, isang kilalang fashion editor. "
Habang nakaupo si Carol sa kanyang opisina, tinitigan niya ang invitation na nasa kanyang lamesa. Hindi niya akalaing may pagkakataon pang bumalik siya sa Pilipinas, lalo na matapos ang lahat ng nangyari. Malalim siyang huminga bago tumayo at tinungo ang kwarto ng kanyang anak.Sa loob ng kwarto, nadatnan niya si Dustin na nakaupo sa sahig, abala sa pagpipinta ng isang larawan gamit ang kanyang watercolor set. Isang bagay na minana nito sa kanya—ang hilig sa sining."Hey, bud," bati ni Carol habang umupo sa tabi ng anak. "Ano 'yang ginagawa mo?"Ngumiti si Dustin habang ipinakita ang kanyang likha. "It’s a sunset, Mommy. Kasi sabi mo, sunsets in the Philippines are really beautiful. Totoo ba ‘yun?"Napangiti si Carol, kahit may kirot sa kanyang puso. "Oo, anak. Totoo ‘yun. Mas maganda pa nga sa personal."Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila bago inilagay ni Carol ang imbitasyon sa harap ni Dustin. "Anak, may gusto akong itanong sa'yo. May natanggap akong imbitasyon mula sa P