Share

CHAPTER 2: ANNULMENT

Author: febbyflame
last update Last Updated: 2025-02-11 01:05:44

Pagpasok ni Damien sa kanyang kwarto, napahinto siya.

Wala na ang babae.

Napatingin siya sa kama— magulo pa rin ang bedsheet, pero wala na ang init ng katawan ng babaeng kasama niya kagabi. Napamura siya, napahawak sa sentido.

Saan siya nagpunta?

Kinuha niya ang cellphone sa bedside table at mabilis na tinawagan ang isa sa kanyang mga tauhan. Pagkarinig pa lang ng sagot sa kabilang linya, agad siyang nag-utos.

“Hanapin niyo siya. Ngayon din”

May bahagyang pag-aalangan sa sagot ng tauhan niya, pero matigas ang boses niya nang ulitin ang utos. “Alamin niyo kung sino siya at saan siya nakatira. Dapat bago matapos ang araw, may sagot na kayo sa akin.”

Pagkababa ng tawag, napaupo si Damien sa gilid ng kama, napapikit habang hinahaplos ang sentido. Malabo pa sa kanya ang mga nangyari kagabi—naalimpungatan siya, lasing, at wala sa tamang pag-iisip. Pero isang bagay ang malinaw sa kanya:

Ang babaeng iyon… iba siya.

At kung sino man siya, hindi siya makakatakas sa akin nang basta-basta.

Wala pang ilang minuto nang tumawag muli ang tauhan niya.

“Sir Damien, ang babaeng nakasama niyo kagabi ay ang asawa niyo po.” sambit nito sa kabilang linya.

“What?” gulat niyang sambit at napahawak sa kaniyang sentido. “Are you sure?!”

“Sure na sure, Sir. Sa kabilang unit dapat siya papasok pero nakita ko sa CCTV na hinila siya ng lalaking nagdala rin sa iyo sa kabilang unit.”

“Damn it!” mura ni Damien. “Go find her! Bring her to me now!”

“Yes, Sir Damien!”

Samantala si Carol ay walang gana pa ring tinitigan ang annulment papers sa kanyang harapan. Para bang sa isang iglap, nawala ang dalawang taon niyang paghihintay, ang bawat pangarap niyang makita at makasama ang lalaking pinakasalan niya kahit hindi niya pa ito nakikita.

Pero ngayon, gusto na nitong putulin ang lahat.

Napakuyom siya ng kamao. Bakit?

Halos mapatalon siya nang marinig ang malakas na katok sa pinto ng kanyang kwarto. Ilang saglit lang, bumukas iyon, at pumasok ang isa sa kanilang mga kasambahay, halatang nagmamadali.

“Ma’am, may mga lalaking nasa labas. Gusto kayong makausap.”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Carol. “Sino sila?”

“Hindi po nila sinabi, pero mukhang hindi basta-basta ang dating nila. May dala silang sasakyan at mukhang may sinasabi silang importante raw.”

Kinuyom ni Carol ang kumot sa kanyang kandungan. May masamang kutob siyang bumalot sa kanyang dibdib.

Bumangon siya, inayos ang sarili kahit nanginginig pa rin ang kanyang katawan, bago dahan-dahang lumabas ng kwarto. Habang pababa siya ng hagdan, tanaw niya mula sa malaking bintana ang dalawang itim na SUV na nakaparada sa tapat ng kanilang mansion. Ilang lalaki ang nakatayo sa labas—mga nakaitim, matitikas ang tindig, at halatang hindi mga ordinaryong bisita.

Lalo siyang kinabahan.

Sa pagbukas ng kanilang pintuan, isang lalaki ang lumapit sa kanya. Matangkad ito, may matigas na ekspresyon sa mukha, at halatang sanay sa pagsunod ng utos.

“Ma’am Carol?” tanong nito, malamig ang boses.

Tumango siya, kahit pa may bahagyang pag-aalangan. “Sino kayo? Anong kailangan niyo sa akin?”

Nagpalitan ng tingin ang mga tauhan, bago nagsalita muli ang lalaki.

“Ipinapatawag po kayo ni Sir Damien.”

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

Damien.

Ang pangalang iyon ay tumatak sa kanyang ispan —at sa isang iglap, bumalik ang lahat ng alaala ng gabing iyon. Ang takot, ang sakit, at ang katotohanang may isang estrangherong lalaking kumuha ng hindi dapat sa kanya.

Napaatras siya. “H-Hindi ko siya kilala. Wala akong alam tungkol sa kanya.” pagsisinungaling niya.

Nakagawa siya ng mali, at natatakot siyang harapin ang asawa niya.

“Pasensya na po, Ma’am,” matigas na sagot ng lalaki. “Pero nais po niya kayong makita.”

At bago pa siya makatakbo, naramdaman niya ang malamig na bakal na posas na pumalupot sa kanyang pulso.

Madiing nakapikit si Carol sa likod ng sasakyang pwersahang nagdala sa kanya. Pilit niyang kinakalma ang sarili, pero hindi niya mapigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay.

Bakit siya hinahanap ni Damien? Ano’ng gusto niya?

Ramdam niya ang malamig na bakal ng posas sa kanyang pulso. Hindi naman siya tinrato nang marahas ng mga tauhan nito, pero halata sa kilos ng mga ito na wala siyang pagpipilian kundi sumama.

Napalingon siya sa bintana. Mas lalong lumakas ang kaba niya nang mapansin niyang hindi ito ang daan patungo sa city proper.

“San’yo ako dinadala?” matigas ang tanong niya.

Walang sumagot.

Napakuyom siya ng kamao. Hindi siya papayag na manatiling tahimik lang at maghintay sa kung anong gustong gawin sa kanya.

“Sabihin niyo kay Damien na kung may gusto siyang pag-usapan, hindi ito ang tamang paraan.”

Napatingin sa kanya ang lalaking nakaupo sa harapan, ang isa sa mga tauhan ni Damien. “Huwag kang mag-alala, Ma’am. Gusto ka lang niyang makausap.”

“Kung gusto niya akong makausap, puwede naman akong tawagan. Hindi ‘yung dinukot niyo ako sa mismong bahay ko!” galit niyang sagot.

Pero bago pa sila makalabas ng highway, biglang huminto ang sasakyan. Napasandal siya sa upuan sa lakas ng preno.

“Tang’na,” narinig niyang mura ng driver.

Napasulyap siya sa labas—at nanlaki ang mata niya.

Dalawang itim na SUV ang humarang sa kanilang daan. Ilang sandali lang, bumukas ang pinto ng isa sa mga sasakyan, at bumaba mula rito ang isang pamilyar na pigura.

Si Damien.

Napalunok si Carol habang pinagmamasdan ang lalaking papalapit sa sasakyan niya. Matangkad ito, matikas ang tindig, at ang malamig na ekspresyon sa mukha nito ay nagbigay ng kakaibang takot sa kanya.

Bumukas ang pinto ng sasakyan niya, at bago pa siya makapagsalita, narinig niya ang malalim na boses ni Damien.

"Wala ka talagang balak magpakita sa akin, hmm… asawa ko?"

Halos hindi makahinga si Carol sa sinabi ni Damien.

Asawa.

Paulit-ulit na umalingawngaw ang salitang iyon sa kanyang isipan habang nakatitig sa lalaking ngayon lang niya nakita nang harapan—ang lalaking lihim niyang pinakasalan dalawang taon na ang nakalilipas.

Si Damien.

Ang lalaking dapat ay asawa niya… at ang lalaking ninakawan siya ng puri noong gabing iyon ay iisa?

Dumagundong ang dibdib niya sa pinaghalong galit, sakit, at pagkabigla. Hindi siya agad nakapagsalita. Gusto niyang isigaw sa kanya kung ano ang ginawa nito sa kanya, gusto niyang malaman kung bakit sa loob ng dalawang taon, ni hindi ito nagpakita, ni hindi siya kinausap—at ngayon, bigla na lang siyang kakaladkarin pabalik sa buhay nito?

Ngunit hindi siya maaaring magpakita ng kahinaan.

Matapang niyang hinarap si Damien, pilit tinatakpan ang kaba sa kanyang dibdib. “Bakit mo ako dinukot? Anong gusto mong mangyari?”

Isang bahagyang ngiti ang lumitaw sa labi ni Damien, ngunit malamig ito, walang bahid ng kasiyahan. “Hindi kita dinukot. Kinuha lang kita para sa isang usapan. Ikaw ang umalis nang hindi nagpapaalam, hindi ba?”

Napalunok siya. “Dahil wala akong dahilan para manatili doon.”

Nagtaas ito ng kilay, mistulang naaaliw sa sagot niya. “Wala kang dahilan? Hindi mo ba naisip na maaaring may gustong ipaliwanag sa’yo ang lalaking kasama mo kagabi?”

Nagsikip ang dibdib ni Carol. Sinadya ba nitong sabihin iyon? Sinadya ba nitong ipamukha sa kanya ang nangyari? Na it was him all night?

Nanginginig ang mga kamay niya, pero hindi siya umatras. “Wala akong pakialam kung sino ka, Damien. Kung ano man ang kasunduan natin noon, tapos na iyon. Nakatanggap na ako ng annulment papers. Hindi ba iyon ang gusto mo?”

Napuno ng katahimikan ang pagitan nila.

Tinitigan siya ni Damien, ang mga mata nito ay may bahagyang anino ng emosyon na hindi niya mabasa. Hanggang sa isang iglap, lumapit ito sa kanya, masyadong malapit para maramdaman niya ang init ng katawan nito.

“Bakit ka ba nagmamadaling makawala, hmm?” bulong nito, mababa ang boses. “Dahil ba sa nangyari kagabi?”

Muntik nang mawala ang kanyang tapang. Ngunit sa huli, mariin niyang sinagot:

“Dahil ayokong magkaroon ng kahit anong koneksyon sa’yo.”

Isang mapanganib na ngiti ang lumitaw sa labi ni Damien. “Ayaw mo ng koneksyon sa akin?” inulit niya, parang tinutukso siya. “Sigurado ka ba diyan, asawa ko?”

Lalo lang lumakas ang tibok ng puso ni Carol. Gusto niyang umatras, gusto niyang lumayo, pero ayaw niyang ipakita rito na naaapektuhan siya.

Pinanindigan niya ang tapang sa kanyang boses. “Oo. Ikaw ang unang lumayo. Ikaw ang unang nagdesisyong tapusin ito. At ngayon, ano? Bigla mo akong ipapatawag na parang utusan? Parang may karapatan ka pang diktahan ang buhay ko?”

Bahagyang kumunot ang noo ni Damien. “Wait-What? Ako ang lumayo?” may bahagyang inis sa boses nito. “Ako ang nagdesisyong tapusin ito?”

“Huwag mo akong gawing tanga, Damien!” galit niyang sabi. “Dalawang taon akong naghintay na magpakita ka, na makilala ka, kahit man lang sa simpleng usapan! Pero anong ginawa mo? Wala. At ngayong pinadala mo na ang annulment papers, bakit kailangan mo pa akong guluhin?”

Tahimik lang si Damien, pero bakas sa mukha nito ang kakaibang tensyon. Parang may gusto itong sabihin, pero pinipigilan.

“Sabihin mo nga sa akin,” mariing tanong ni Carol, pilit na pinakakalma ang nanginginig na boses. “Bakit mo ako pinapahanap? Dahil lang ba sa nangyari kagabi?”

Hindi sumagot si Damien.

Nagtagis ang kanyang bagang, napuno ng matinding sakit at poot ang kanyang dibdib. Kung iniisip nitong may makukuha pa ito sa kanya pagkatapos ng lahat, nagkakamali ito.

Tumalikod siya, naglakad palayo. Pero bago pa siya makalayo nang tuluyan, narinig niya ang malalim at seryosong tinig ni Damien.

“Hindi ko pinadala ang annulment papers.”

Napahinto si Carol. Napalingon siya rito, gulat at naguguluhan. “Ano?”

Mabagal na lumapit si Damien, at sa bawat hakbang nito, parang lumalakas ang kaba sa kanyang dibdib. “Sinabi kong hindi ako ang nagpadala ng annulment papers.”

Nanlamig siya. “Hindi ikaw?”

Umiling si Damien. “At gusto kong malaman kung sino ang may gustong ipawalang-bisa ang kasal natin.”

Biglang may bumalik na takot sa puso ni Carol.

Kung hindi si Damien ang nagpadala… sino ang gustong maputol ang kasal nila?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Najssuzy
Si Carol na asawa pala nya ang nakasama nya e! fordaaa na shocks sila pareho Eyy! Ganda naman this ng story please more updateee pa
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 15: A THREAT

    Tahimik pa ring nakaupo si Damien, naghihintay ng kasagutan habang tila binibilang ang bawat tibok ng kanyang puso. Ngunit sa halip na kumpirmasyon, isang malamig at matatag na tinig ang bumasag sa tensyon.“Hindi mo siya anak, Damien.”Napakunot ang noo ni Damien. “Anong—”“Hindi mo siya anak,” ulit ni Carol, this time, mas mariin. “Anak ko siya… sa ibang lalaki.”Napatigil si Damien. Hindi agad siya nakapagsalita. Para siyang tinanggalan ng hininga, pero pilit pa ring sinikap na intindihin ang narinig.“Carol…” mahinang sabi niya, “Kung gano’n, bakit hindi mo agad sinabi noon pa? Bakit mo ako pinaiikot? Seriously? Are you fvcking kidding me? Pinaglalaruan mo ba ako?” tila galit na sambit ni Damien.Lumunok si Carol. Pilit niyang itinatagong nangingilid na luha. “Akala ko kaya ko. Akala ko madali lang ang magsinungaling para protektahan siya… para protektahan ka. Pero ngayong nandito ka na, hindi ko alam kung alin ang mas makakasakit—ang totoo, o ‘tong kasinungalingang pinilit kong p

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 14: BLIND DATE

    Sa isang mataas na gusali sa Makati, sa loob ng isang moderno ngunit simpleng opisina, nakaupo si Damien sa harap ng kanyang desk. Ang monitor ay nakabukas, naglalaman ng spreadsheet na matagal na niyang tinitigan pero hindi man lang niya nai-scroll. Ilang ulit na siyang nag-type ng mga numero at binura rin.Ilang saglit pa, bumukas ang pintuan ng opisina. Pumasok si Jayron, matagal na kaibigan at business partner ni Damien, suot ang pamilyar nitong semi-formal na polo at may hawak na dalawang tasa ng kape.“Bro, mukhang kailangan mo ‘to,” aniya habang inilalapag ang isa sa mesa.Napatingin si Damien, bahagyang nagulat sa presensya ng kaibigan.“Thanks,” maikling tugon niya.Umupo si Jayron sa visitor’s chair at tiningnan siya nang maigi. “Okay ka lang ba? Kanina ka pa parang lutang. Hindi ka sumasagot sa chat, tapos puro spreadsheet na walang laman ‘yung screen mo.”Tahimik si Damien. Ilang sandali bago siya nagsalita.“Jay… do you believe in forgotten memories?”Napakunot ang noo ni

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 13: GHOST OF YOU

    Pagdating ni Damien sa café, agad siyang luminga-linga, umaasang makikita roon si Carol. Suot niya ang dark blue blazer na bahagyang nabasa ng ulan, at dala-dala ang kaba’t pananabik na buong gabi niyang pinasan. Pero ang inabutan niya lamang ay isang bakanteng mesa, isang tasa ng kape na kalahati na lang ang laman, at isang katahimikang nagsasabing huli na siya.Napakagat siya sa labi. Umupo pa rin siya sa upuang tapat ng iniwang tasa ni Carol, saka dumukot ng cellphone at nagbakasakaling may mensahe. Wala. Walang kahit anong paliwanag. Tumitig siya sa tasa, at parang unti-unti niyang naramdaman ang bigat sa dibdib—hindi dahil sa hindi sila nagkita, kundi dahil ramdam niyang may piniling iwasan si Carol.Samantala, sa isang apartment sa Quezon City…Pabagsak na isinara ni Carol ang pinto ng kanyang unit. Umupo siya sa sofa at hinubad ang heels habang bumubuntong-hininga. Halos sabay ang pagbagsak ng luha at ng katawan niya sa sandalan, tila gusto niyang mabura ang eksenang naganap ka

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 12: DAMIEN’S WIFE

    "Ah, yes. M–Meron nga."Tahimik."Where’s his father?" tanong ni Damien.Hindi agad nakasagot si Carol. Sandaling katahimikan. "Nasa barko. Seaman kasi ang asawa ko," sagot niya, pilit ang ngiti—isang kasinungalingang sinubukang ikubli ang katotohanan.Kaagad naman na napatingin si Damien sa daliri ni Carol, at nakita niyang may suot nga itong singsing. Nagkatitigan silang muli. Ang daming salita ang tila hindi nila masabi sa isa’t-isa.Mabuti na lang din at naisipan ni Carol na magsuot ng singsing pang taboy sa mga lalaking gustong umaligid sa kaniya.Tahimik pa ring nakatayo si Carol sa harap ni Damien, tila ba ang oras ay pansamantalang tumigil. Ngunit bago pa man siya muling makapagsalita, isang pamilyar na tinig ang bumasag sa katahimikan.“Carol? Ikaw nga ba ‘yan?” tawag ng isang lalaki mula sa likuran.Paglingon ni Carol, nakita niya si Loey, ang matalik niyang kaibigan mula pa noong nagsisimula pa lang siya sa industriya. Suot nito ang isang classic black suit, at may hawak na

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 11: HE MET OUR SON

    Dumating ang gabi ng event sa Pilipinas—isang engrandeng fashion gala na ginanap sa isang kilalang hotel sa Makati. Habang nasa loob ng kanyang suite, abala si Carol sa paghahanda. Suot niya ang isang eleganteng gown na siya mismo ang nagdisenyo—isang simpleng puting damit na may makabagong twist at malinis na linya. Isang simbolo ng kanyang pagbabalik at bagong simula."Mommy, you look like a queen," sabi ni Dustin habang nakatingala sa kanya, suot ang maliit na tuxedo na bagay na bagay sa kanya.Napatawa si Carol at hinalikan ang noo ng anak. "Thank you, anak. I think I needed that confidence boost."Pagdating nila sa venue, sinalubong agad sila ng mga organizer. Ramdam ni Carol ang excitement at tensyon habang papasok sa main hall na puno ng mga kilalang personalidad, press, at fashion enthusiasts. Ang mga ilaw, camera, at musika ay nagbigay ng kakaibang enerhiya."Miss Caroline Dela Vega, we’ve been waiting for you," bati ng host na si Liza Montes, isang kilalang fashion editor. "

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 10: WELCOME BACK TO THE PHILIPPINES!

    Habang nakaupo si Carol sa kanyang opisina, tinitigan niya ang invitation na nasa kanyang lamesa. Hindi niya akalaing may pagkakataon pang bumalik siya sa Pilipinas, lalo na matapos ang lahat ng nangyari. Malalim siyang huminga bago tumayo at tinungo ang kwarto ng kanyang anak.Sa loob ng kwarto, nadatnan niya si Dustin na nakaupo sa sahig, abala sa pagpipinta ng isang larawan gamit ang kanyang watercolor set. Isang bagay na minana nito sa kanya—ang hilig sa sining."Hey, bud," bati ni Carol habang umupo sa tabi ng anak. "Ano 'yang ginagawa mo?"Ngumiti si Dustin habang ipinakita ang kanyang likha. "It’s a sunset, Mommy. Kasi sabi mo, sunsets in the Philippines are really beautiful. Totoo ba ‘yun?"Napangiti si Carol, kahit may kirot sa kanyang puso. "Oo, anak. Totoo ‘yun. Mas maganda pa nga sa personal."Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila bago inilagay ni Carol ang imbitasyon sa harap ni Dustin. "Anak, may gusto akong itanong sa'yo. May natanggap akong imbitasyon mula sa P

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status