LOGIN“I need you. Babayaran kita, just name your price, after.” Umiling si Carol, “N–No, don’t– huwag kang lalapit.” mariin na tugon ni Carol, habang unti-unti siyang nakakaramdam ng pagkahilo at pinipilit na lumalayo siya sa estrangherong lalaki. “Wala pang babaeng tumanggi sa akin ng ganito. Sorry, Miss, but I won’t let you go that fast– not now that I need you, bago pa ako magkalat ng eskandalo sa labas.” — Carol is secretly married with someone na hindi niya pa kahit kailan nakikita. Dalawang taon na silang kasal, pero sa picture lang, tapos bata pa roon ang asawa niya sa picture. Nang araw na kikitain na niya ang kaniyang asawa sa condo unit nito ay aksidente siyang napagkamalang bayarang babae ng isang lalaki, at ipinasok siya sa isang unit na may tila isang lasing at naka-drogang lalaki. After that night, tumakas siya at takot na takot na mahanap pang muli ng lalaki. Not knowing that is her husband! Laking gulat niya ng pag-uwi niya sa bahay ay annulment papers ang naghihintay sa kaniya. She thought she would be free now, ngunit ang hindi niya alam ay nakatakas man siya sa kaniyang asawa, pero nabaliw naman ito sa kaniya dahil sa gabing may nangyari sa kanila at pilit na ipapahanap siya sa mga tauhan nito! Kapwa nila hindi alam na mag-asawa pala sila!
View MoreDumadagundong ang kaba sa dibdib ni Carol habang nakatayo siya sa harap ng pintuan ng isang mamahaling condo unit. Dalawang taon. Dalawang taong kasal siya sa isang lalaking hindi pa niya nakikita nang personal. Mga litrato lang mula sa kanilang arranged marriage ang nagbigay sa kanya ng ideya kung ano ang itsura nito—bata pa sa larawan, inosente ang ngiti, at tila walang bahid ng kasamaan. Ngunit ngayon, sa unang pagkakataon, makikilala na niya ito.
Sa kanyang pagkakataranta, hindi niya napansin ang lalaking nakamasid sa kanya. Matangkad ito, nakasuot ng mamahaling coat, at may malamig na titig. “Magkano ang usapang ibabayad sa ‘yo?” malamig na tanong nito. Napalingon siya, “Ha?” naguguluhan niyang tugon. Bago pa siya makasagot, marahas siyang hinawakan ng lalaki sa braso at hinila papasok sa isang unit. “Wag ka nang magkunwari. Alam kong ikaw ang pina-book para sa plano ko.” “Sandali! Ano ba—” Naputol ang kanyang salita nang marahas siyang itulak papasok sa loob. Amoy alak at usok ang kwarto. Sa isang gilid, may isang lalaking nakahandusay sa sofa, walang suot na pang-itaas, pawisan, at tila wala sa sarili. Nanginginig ang kamay nitong may hawak na baso ng whiskey, at sa tabi nito, may maliit na tray na may bahid ng puting pulbos. Napatigil si Carol. Ang panlalamig sa kanyang katawan ay unti-unting napalitan ng matinding takot. “S–Sino ka? Anong plano mong gawin?” garalgal ang boses ng lasing na lalaki. “Huwag kang magsayang ng oras,” malamig na sabi ng lalaking nagdala sa kanya. “’Yan ang gusto mo, ‘di ba? Don't worry, hindi makakalabas ‘tong gagawin mo.” sabay tawa ng lalaki. Parang binuhusan ng yelo ang katawan ni Carol. Hindi niya alam kung paano siya napunta sa ganitong sitwasyon. Ang alam lang niya, dapat ay nasa kabilang unit siya— ang unit ng kanyang mister. Bigla ay napahawak si Carol sa sentido niya. Ang init sa loob ng unit ay tila dumoble, at ang paninikip ng kanyang dibdib ay hindi dahil lang sa takot— parang may bumabalot na kakaibang hilo sa kanyang katawan. Parang na gamot sa hangin na naamoy nila. Napaatras siya, pilit lumalayo sa lalaking nakatayo na ngayon, padaplis-daplis ang hakbang na parang hirap manatiling matino. Sa madilim na kwarto, naaaninag niya ang matalim ngunit tila naghihirap na mga mata nito—mga matang punong-puno ng lungkot at desperasyon. “I need you,” muling bulong nito, tinig na may halong pakiusap at pangungusap. “Babayaran kita, just name your price after.” Umiling si Carol, halos napapikit sa panlalabo ng paningin. “N–No, don’t– huwag kang lalapit.” Naramdaman niya ang malamig na pader sa likuran niya—wala na siyang matatakbuhan. Mas lalong bumigat ang kanyang katawan, at dahan-dahang bumalot ang isang nakapanghihinang pakiramdam sa kanya. Para bang ang bawat paghinga niya ay nakakalason. Napansin ito ng lalaki. Ngumiti ito, mapait at bahagyang nag-aalangan. “Wala pang babaeng tumanggi sa akin ng ganito,” aniya, may bahid ng pagtataka. “Sorry, Miss, but I won’t let you go that fast—not now that I need you, bago pa ako magkalat ng eskandalo sa labas.” Ngunit walang takas. Mas lalong lumapit ang lalaki, at bago pa siya makatakbo ay sinunggaban siya nito sa isang marahas na halik. Kinabukasan, masakit ang buong katawan ni Carol. Nang imulat niya ang kanyang mga mata, nakatulala lang siya sa kisame. Mabigat ang pakiramdam niya, parang nabugbog ang katawan niya, at nawasak siya. Pero hindi ito panaginip. Walang saplot ang kanyang katawan sa ilalim ng kumot. At kahit hindi pa niya maalala nang buo ang nangyari kagabi, alam niyang may nagbago na sa kanya. Hindi na siya birhen. Napakapit siya sa kumot, at pilit na isinisiksik sa kanyang katawan habang pinipigil ang panginginig ng kanyang mga kamay. Hindi niya maalala kung paano ito nangyari. Ang huling natatandaan niya ay ang pagbigat ng kanyang talukap, ang sakit ng kanyang ulo, at unti-unting pag-init ng kaniyang katawan, kasabay ng paghaplos ng estrangherong lalaki sa kaniyang katawan. Bigla ay napalingon siya sa tabi. Walang ibang tao sa kama. Wala ang lalaking kumuha sa kanya. Napaatras siya, dumulas pababa sa kama, halos madapa sa pagmamadali. Kinuha niya ang kanyang bag na nasa sahig, pilit na sinuot ang kanyang gusot na damit habang nanghihina pa rin. Hindi niya puwedeng hintayin ang lalaki. Hindi niya puwedeng harapin ang katotohanan kung andito pa siya. Bumuntong-hininga siya, sinubukang pigilan ang patak ng luha sa kanyang mga mata. Hindi pa oras para umiyak. Kailangan ko munang makaalis. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto at sumilip sa sala. Tahimik. Walang ibang tao. Ang mga bote ng alak, ang upos ng sigarilyo, at ang baso ng whiskey ay nakakalat pa rin. Hindi na siya nag-atubili. Lumakad siya nang mabilis, halos hindi na humihinga. Hinawakan niya ang seradura ng pinto, pinihit ito, at tuluyang lumabas. Habang naglalakad siya sa pasilyo, pilit niyang inaalala kung paano siya napunta sa kwartong iyon, paano siya naloko, paano siya pinagsamantalahan ng lalaking iyon. Pero may isang bagay na mas higit pang bumabagabag sa kanya… Sino ba ang lalaking ‘yon? Bagsak ang balikat ni Carol habang naglalakad papasok ng kanilang mansion. Ang sakit ng katawan niya ay hindi pa rin nawawala, pero mas matindi ang hapding bumabagabag sa kanyang isipan. Para siyang basang sisiw, litong-lito at walang matatakbuhan. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi. Hindi niya na rin maalala kung paano niya nagawang sumakay ng taxi habang nanginginig pa rin sa takot at hiya. Ang tanging nasa isip niya ay makabalik sa bahay, sa lugar kung saan siya ligtas. Pero hindi siya handa sa bumungad sa kanya. Sa ibabaw ng kanyang lamesa sa study room, isang envelope ang nakapatong. Napakunot ang noo niya, nanginginig ang kamay nang kunin ito. Nang mabasa niya ang laman, nanlabo ang kanyang paningin. Annulment papers. Napalunok siya, pinipilit intindihin ang mga nakasulat. Mabilis ang tibok ng puso niya, at sa bawat linya ng dokumento, parang may kutsilyong tumatarak sa kanyang dibdib. Nakikipaghiwalay sa kanya ang asawa niya. Nanlalata siya. Para bang sa isang iglap, nawala ang dalawang taon niyang paghihintay, ang bawat pangarap niyang makita at makasama ang lalaking pinakasalan niya kahit hindi niya pa ito nakikita. Pero ngayon, gusto na nitong putulin ang lahat. Napakuyom siya ng kamao. Bakit? Napaatras siya, halos matumba sa kinatatayuan. Ramdam niya ang sakit sa kanyang ego. Kung siya lang ang unang nakaisip nito, baka hindi ganito kasakit. Pero hindi. Siya ang itinapon. Siya ang tinanggihan. At ang mas masakit—hindi niya man lang alam kung bakit.Sa kalaliman ng gabi, huminto ang kotse sa isang liblib na lugar. Tahimik ang paligid, tanging ugong ng makina at lagaslas ng ulan ang maririnig. Nasa harap nila ang isang lumang bahay na yari sa kahoy at semento, bahagyang natatabingan ng mga punong kahoy. Wala itong halatang palatandaan na may nakatira, ngunit sa mismong katahimikan at simpleng anyo nito, makikita ang esensya ng pagiging isang safe house.Dahan-dahang bumaba si Damien mula sa kotse at agad na tinakpan ng payong ang gilid kung saan naroon si Carol at Dustin. “Halika na,” maikli at mariing utos niya, walang bakas ng pag-aalinlangan sa boses, ngunit mabigat ang bawat salita.Si Carol, yakap pa rin ang anak na nakasubsob sa leeg niya, ay tumango lamang. Mabigat ang bawat hakbang niya papunta sa pintuan ng bahay, ramdam niya ang lamig ng ulan na bumabagsak sa kanilang balat, parang mga daliring patuloy na nagpapaalala ng takot na kanina lang ay halos lamunin sila.Pagbukas ng pinto, bumungad ang amoy ng lumang kahoy at a
Kinabukasan, maaga pa lamang ay naroon na si Carol sa opisina. Mabigat ang bawat hakbang niya, at sa bawat galaw ay ramdam ang pagod na hindi lang pisikal, kundi mas malalim pa,isang pagod na galing sa isip at sa puso. Namumugto ang kaniyang mga mata, halatang halos walang tulog kagabi. Paulit-ulit kasi na bumabalik sa kaniyang alaala ang sulat na natagpuan niya kagabi sa pinto ng kanilang unit,isang malamig, nakakatakot, at puno ng banta.Habang umuupo siya sa mesa, parang ang bigat ng mundo ay nakapatong sa kaniyang balikat. Dahan-dahan niyang binuksan ang kaniyang laptop, pinilit na kumalma, at nagsimulang mag-type ng email.FILLING FOR LEAVE> Good morning, Ma’am.Nais ko pong mag-file ng indefinite leave simula ngayong linggo dahil sa personal na kadahilanang nangangailangan ng aking buong atensyon. Sisikapin kong maayos ang lahat bago ako bumalik sa trabaho.Maraming salamat po sa pag-unawa.– CarolPagkatapos pindutin ang send, napalunok siya nang malalim. Para bang may isang m
Tahimik pa ring nakaupo si Damien, naghihintay ng kasagutan habang tila binibilang ang bawat tibok ng kanyang puso. Ngunit sa halip na kumpirmasyon, isang malamig at matatag na tinig ang bumasag sa tensyon.“Hindi mo siya anak, Damien.”Napakunot ang noo ni Damien. “Anong—”“Hindi mo siya anak,” ulit ni Carol, this time, mas mariin. “Anak ko siya… sa ibang lalaki.”Napatigil si Damien. Hindi agad siya nakapagsalita. Para siyang tinanggalan ng hininga, pero pilit pa ring sinikap na intindihin ang narinig.“Carol…” mahinang sabi niya, “Kung gano’n, bakit hindi mo agad sinabi noon pa? Bakit mo ako pinaiikot? Seriously? Are you fvcking kidding me? Pinaglalaruan mo ba ako?” tila galit na sambit ni Damien.Lumunok si Carol. Pilit niyang itinatagong nangingilid na luha. “Akala ko kaya ko. Akala ko madali lang ang magsinungaling para protektahan siya… para protektahan ka. Pero ngayong nandito ka na, hindi ko alam kung alin ang mas makakasakit—ang totoo, o ‘tong kasinungalingang pinilit kong p
Sa isang mataas na gusali sa Makati, sa loob ng isang moderno ngunit simpleng opisina, nakaupo si Damien sa harap ng kanyang desk. Ang monitor ay nakabukas, naglalaman ng spreadsheet na matagal na niyang tinitigan pero hindi man lang niya nai-scroll. Ilang ulit na siyang nag-type ng mga numero at binura rin.Ilang saglit pa, bumukas ang pintuan ng opisina. Pumasok si Jayron, matagal na kaibigan at business partner ni Damien, suot ang pamilyar nitong semi-formal na polo at may hawak na dalawang tasa ng kape.“Bro, mukhang kailangan mo ‘to,” aniya habang inilalapag ang isa sa mesa.Napatingin si Damien, bahagyang nagulat sa presensya ng kaibigan.“Thanks,” maikling tugon niya.Umupo si Jayron sa visitor’s chair at tiningnan siya nang maigi. “Okay ka lang ba? Kanina ka pa parang lutang. Hindi ka sumasagot sa chat, tapos puro spreadsheet na walang laman ‘yung screen mo.”Tahimik si Damien. Ilang sandali bago siya nagsalita.“Jay… do you believe in forgotten memories?”Napakunot ang noo ni






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews