Share

CHAPTER 5: DISRUPTION

Author: febbyflame
last update Last Updated: 2025-03-19 19:58:36

Nanigas si Carol sa sinabi ni Vincent. Si Tita Margaret? Ang ina ni Damien?

Agad siyang napatingin kay Damien, at sa unang pagkakataon, nakita niyang nawala ang maskara ng pagiging kalmado nito. Matalim ang tingin ng lalaki, ngunit sa ilalim ng galit ay may bahid ng pagtataka.

“Siguraduhin mong alam mo ang sinasabi mo, Vincent.” malamig na sabi ni Damien.

Napailing si Vincent. “Wala akong dahilan para magsinungaling. Sinabi ko na sa inyo, hindi ko ginusto 'to. Pero kung gusto mong malaman ang lahat, makabubuting kausapin mo ang sarili mong ina, Damien.”

Muling nagdilim ang ekspresyon ni Damien. Tumayo ito, halatang hindi makapaniwala.

“Impossible! Walang dahilan si Mommy para gawin ‘to!”

“Tsk. Talaga?” Tumawa si Vincent, pero halatang walang saya. “Dahil sa kaniya kaya ako napilitang dalhin si Carol sa unit mo. Binalaan niya ako. Sinabi niyang may mas delikadong mangyayari kung hindi ko susundin ang gusto niya.”

Napalunok si Carol. “Pero… Bakit? Ano ang gusto niyang mangyari?”

Tumahimik si Vincent, at sa isang iglap, tila may bumigat sa hangin.

Sa huli, mahina niyang sinabi, “Ayaw niyang magkasama kayong dalawa.”

Nanlamig ang pakiramdam ni Carol. Samantala, matagal na nakatitig lang si Damien kay Vincent, bago ito biglang tumalikod at mabilis na lumabas.

“Damien!” Tawag niya, pero hindi siya nito nilingon.

Mabilis na sumunod si Carol palabas, habang patuloy na bumibigat ang kanyang dibdib. Nang abutan niya ito sa labas, nakita niyang mariing nakuyom ang kamao nito.

“Damien, sandali lang—”

“Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang dahilan ng lahat ng 'to.”

Tumingin ito sa kanya, at sa kabila ng galit, nakita niya ang sakit sa mata nito. “Kahit sino pa ang nasa likod nito, Carol… Kahit pa ang sarili kong ina!”

Huminga nang malalim si Carol at dahan-dahang hinawakan ang kamay ni Damien. Ramdam niya ang tensyon sa katawan nito, ang panginginig ng kanyang kamao dahil sa pinaghalong galit at pagtataksil.

“Damien, sandali—” mahinahong sabi niya, pilit na hinahatak pabalik ang atensyon ng asawa. “Alam kong galit ka, pero hindi ka dapat magpadalos-dalos. She still your mom, baka may hindi lang kayo pagkakaintindihan.”

Napatingin si Damien sa kanya, at sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ni Carol ang bahagyang pagkalito sa mga mata nito. Parang isang bahagi ng kanya ay gustong sumabog, ngunit pinipigilan niya ito.

“Paano mo gustong kumalma ako, Carol?” mahina pero puno ng emosyon na sagot ni Damien. “Ina ko ang pinag-uusapan natin. Siya ang posibleng may pakana ng lahat ng ‘to.”

Hinawakan ni Carol ang magkabilang pisngi niya, pinilit siyang tingnan ito sa mata. “At mas lalo mong kailangang mag-isip nang malinaw. Hindi natin alam ang buong kwento. Hindi natin alam ang dahilan niya.”

Huminga nang malalim si Damien. Alam niyang tama si Carol. Kung pupunta siya sa ina niya nang punong-puno ng galit, baka lalo lang itong lumala.

“Damien, hindi kita pinipigilan,” patuloy ni Carol. “Pero harapin natin ito nang may mahinahong isip. Huwag mong hayaang madala ka ng emosyon mo.”

Tahimik na tinitigan siya ni Damien bago ito tuluyang napabuntong-hininga. Dahan-dahan nitong binitiwan ang pagkakakuyom ng kamao at marahang hinawakan ang kamay ni Carol.

“Okay,” bulong niya. “Pero gusto kong malaman ang totoo. At kung totoo ngang nasa likod nito ang Mommy ko... Wala akong pakialam kung sino siya. Mananagot siya.”

Kitang-kita ni Carol kung gaano kagalit si Damien ngayon, ngunit unti-unti din naman itong huminahon.

Biglang tumunog ang cellphone ni Damien. Agad niya itong sinagot, at sa bawat segundong lumilipas, unti-unting nagdilim ang ekspresyon niya.

“Ano?!” mariin niyang tanong, habang mariing nakuyom muli ang kamao.

Napansin ni Carol ang biglang pagbabago ng timpla ng asawa. “Anong nangyari?” tanong niya, pero hindi siya agad sinagot ni Damien.

“Nandiyan na ba ang security? Lock down the entire floor. I don’t care what it takes— huwag ninyong hayaang makalabas ang sino man!” matigas na utos ni Damien sa kausap bago nito tinapos ang tawag.

“Damien, anong nangyari?” nag-aalalang tanong ni Carol.

Huminga nang malalim si Damien bago tumingin sa kanya. “May sumugod sa kumpanya. May isang tauhan akong nawawala, at ang opisina ko… sinira nila.”

Nanlaki ang mata ni Carol. “Ano? Sino'ng may gawa nito?”

Umiling si Damien. “Hindi pa alam. Pero may iniwan silang mensahe sa desk ko.”

Napalunok si Carol. “Anong mensahe?”

Matalim ang tingin ni Damien nang sabihin niya ang sagot—isang pangalang hindi nila inakalang babalik pa.

“A fvcking threat… from Franco. That asshole ngayon pa sumabay!”

Nanlamig ang katawan ni Carol. Si Franco— ang dating karibal ni Damien sa negosyo. Ang lalaking matagal nang nawala matapos matalo ni Damien sa isang deal na muntik nang ikalugi ng kumpanya nito.

“Bakit siya bumalik ngayon?” mahina niyang tanong.

Mariing tumingin si Damien sa kanya. “Hindi ko alam. Pero isa lang ang sigurado ako… I will end it now.”

Napalunok si Carol. Hindi niya pa rin talaga makuha ang ugali ng asawa niya. Ang bilis magbago, pero mas nakakatakot.

“Hatid mo si Carol sa bahay.” utos ni Damien sa driver habang mabilis itong sumakay sa sasakyan.

“Damien, sandali—” pinigilan siya ni Carol, pero mabilis siyang hinalikan nito sa noo, isang bagay na hindi niya inasahang gagawin ni Damien.

“Kailangan kong asikasuhin ‘to, Carol. Huwag kang mag-alala, babalikan kita agad.”

Alam niyang wala nang makakapigil kay Damien kapag ganito na ito kaseryoso. Kaya kahit nag-aalangan, tumango na lang siya at hinayaan itong umalis.

Habang nasa loob ng sasakyan, hindi mapakali si Carol. Ang daming nangyari sa loob ng isang araw—ang tungkol kay Vincent, ang rebelasyong posibleng si Tita Margaret ang nasa likod ng lahat, at ngayon, si Franco. Parang hindi na natatapos ang mga problemang hinaharap nila.

Makalipas ang ilang minuto, huminto ang sasakyan sa harap ng bahay nila ni Damien. Bumaba siya, inaayos pa ang kanyang isip, pero agad siyang natigilan nang makita kung sino ang naghihintay sa kanya sa loob.

Si Tita Margaret.

Nasa sala ito, nakaupo sa isang eleganteng armchair, hawak ang isang tasa ng tsaa. Mukhang kalmado ito—masyadong kalmado para sa isang taong maaaring may kinalaman sa gulong kinakaharap nila.

“Carol…” malumanay na bati nito, may bahagyang ngiti sa labi. “Sa wakas, nagkita rin tayo nang maayos.”

Napalunok si Carol. Ramdam niya ang kaba sa dibdib niya, pero hindi siya umatras.

“Ano pong ginagawa niyo rito, Tita?” tanong niya, pilit pinapakalma ang sarili.

Dalawang taon na rin ang nakalipas simula nang makita niya ‘to.

Ibinaba ni Tita Margaret ang tasa ng tsaa at marahang tumingin sa kanya, ang mga mata nito ay tila nagmamasid, sinusuri ang bawat galaw niya.

“Para kausapin ka, siyempre.” sagot nito. “Marami tayong dapat pag-usapan, hindi ba?”

Napalunok si Carol. Alam niyang hindi ito magiging isang simpleng usapan lang. Nanatili lang siyang nakatayo, at pinipilit itago ang kaba na unti-unting gumagapang sa kanya.

“Ano’ng gusto ninyong pag-usapan, Tita Margaret?” tanong niya, pilit pinapakalma ang kanyang boses.

Tumayo si Tita Margaret, dahan-dahang lumapit sa kanya. Kahit hindi ito nagsasalita, ramdam ni Carol ang bigat ng presensya nito—ang isang uri ng awtoridad na hindi basta-bastang nilalabanan.

“Halika, maupo ka muna.” wika nito, itinuro ang sofa sa harap ng kinauupuan niya kanina.

Alam ni Carol na may ibang rason ang pagpunta nito rito, pero sa halip na tumanggi, tahimik siyang umupo.

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa,” panimula ni Tita Margaret. “Gusto kong malaman kung ano na ang nalaman mo.”

Napasikip ang hawak ni Carol sa kanyang palda. “Ano pong ibig ninyong sabihin?”

Bahagyang ngumiti ang ginang. “Huwag kang magkunwari, Carol. Alam kong nagkausap na kayo ni Vincent. At sigurado akong sinabi niya na ako ang nasa likod ng lahat.”

Halos hindi makahinga si Carol. Diretso ang mga salita ni Tita Margaret, parang hindi man lang ito nag-aalalang itanggi ang paratang.

“Bakit?” mahina pero matigas na tanong ni Carol. “Bakit ninyo ginawa ito?”

Napangiti si Tita Margaret, pero sa likod ng ngiting iyon, may bahid ng pagmamataas. “Dahil hindi ka bagay kay Damien.”

Nanlamig ang katawan ni Carol. “A–Ano po?”

“Simula pa lang, alam kong ikaw ang magiging kahinaan niya,” patuloy nito. “At hindi ko hahayaang sirain mo ang lahat ng pinaghirapan ng anak ko.”

Napatayo si Carol, hindi makapaniwala sa narinig. “Sana noon pa lang ay pinigil niyo na ang kasal namin. Kung kailan ko siya nakita at nakilala saka niyo kami paghihiwalayin?!”

Muling umupo si Tita Margaret, hindi natinag sa galit ni Carol. “Sana nga noon pa, pero hindi ko nagawa because I need you that time para makuha ang pamana mula sa Lolo ni Damien.”

Nanginginig ang mga kamay ni Carol. “Kaya ninyo ginawa ang lahat ng ito para sa mana? Tapos ngayon pineke niyo ang annulment, pinagamit si Vincent para ilagay ako sa unit ni Damien, at ngayon, ano pa?”

“Hindi ko inasahang hindi ka bibitaw, at hindi ko rin inaasahan na malalaman ni Damien na ikaw ang asawa niya.” sagot ni Tita Margaret. “Akala ko, kapag nakita mong nagkakagulo ang lahat, ikaw mismo ang aalis. Pero nagkamali ako. Kaya ngayon, bibigyan kita ng huling pagkakataon.”

Dahan-dahang tumayo ito at lumapit sa kanya. “Umalis ka kay Damien, Carol. At titigil na ang lahat ng ito.”

Napalunok si Carol, pero hindi siya umatras. “At kung tumanggi ako?”

Sa unang pagkakataon, nawala ang ngiti ni Tita Margaret. “Huwag mo akong subukan, hija. Hindi mo pa alam kung ano ang kaya kong gawin.”

Nagtagpo ang mga mata nila—isang tahimik na sagupaan ng dalawang babaeng parehong may mahalagang dahilan para ipaglaban ang kanilang panig.

“At hindi mo rin alam kung ano ang kaya kong gawin,” matapang na sagot ni Carol. “Hindi ko susundin ang gusto niyo, hindi niyo ako tauhan.”

Tahimik na tumitig sa kanya si Tita Margaret bago muling ngumiti, pero sa pagkakataong ito, may bahid ng panlilinlang.

“Kung gano’n,” anito, “Handa ka na pa lang malaman ang susunod kong gagawin.”

Nanlamig si Carol. Ano pa ang binabalak nito?

Hindi kumurap si Carol habang nakatitig kay Tita Margaret.

“Ano'ng susunod ninyong gagawin?” tanong niya, pilit pinapanatili ang matatag na tinig.

Ngumiti nang bahagya ang ginang, pero sa likod ng ngiting iyon ay isang malamig na babala. “Hindi ko kailangang marumihan ang kamay ko, Carol. Ang kailangan ko lang ay tiyaking mawawalan ka ng dahilan para manatili sa tabi ni Damien.”

“At paano ninyo naman gagawin 'yon?”

Humakbang palapit si Tita Margaret, halos magkalapit na ang kanilang mukha. “Sabihin na lang natin na hindi mo nagugustuhan ang sagot kapag nalaman mo ang buong katotohanan tungkol kay Damien—at sa relasyon ninyo.”

Nanigas si Carol. “Ano'ng ibig ninyong sabihin?”

Muling bumalik sa upuan si Tita Margaret, tila sinasadyang paikutin ang sitwasyon.

“Wala ka bang naisip na dahilan kung bakit wala sa sarili si Damien nang gabi na ‘yon?”

Napalunok si Carol. Alam niyang hindi aksidente ang lahat, pero hindi niya pa rin lubos maisip kung bakit.

“Bakit hindi mo tanungin si Damien?” sabay ngiti ni Tita Margaret. “Dahil maaaring hindi lang ako ang may tinatagong lihim sa ‘yo.”

Napaatras si Carol. Hindi... imposible.

“Hindi mo ako maloloko.” mariing sabi niya. “Alam kong mabuti si Damien, kahit ngayon pa lang kaming nagkita ramdam—”

“Oh, really?” Bahagyang natawa si Tita Margaret. “Oh, Don’t tell me you fall for him that fast? Hindi mo ba naisip kung bakit bigla siyang nakaisip na magpakita sa ‘yo?”

“A–Ano pong ibig niyong sabihin?” kinakabahang tanong ni Carol.

“Carol, you are smart. But Damien wants you just because he needs an heir. A legitimate son from you dahil sa ‘yo siya kasal.”

Halos sumikip ang dibdib ni Carol. Hindi na niya kaya.

“A heir? Bakit? Anong mayroon bakit kailangan niyang magkaroon na ng tagapagmana?” naguguluhang tanong ni Carol.

“Oh, it’s a long story, but to make it short. ’Yung kompanya ni Damien ay magiging sa kaniya lang kapag nagkaanak na siya.”

“N–No, that’s not true…”

“It’s true, Carol. Kaya huwag kang maniwala sa ginawa niyang kuwento. Gagamitin ka lang din niya, at kung hindi ako nagkakamali ay may nangyari na sa inyo. Now, hihintayin na lang niyang magbunga ang gabi na ‘yon. At kapag naipanganak mo na ang anak niyo… Phew! Wala ka ng silbi.”

Napahawak si Carol sa kaniyang tiyan, na para bang pinakikiramdaman niya ‘yon kung sakaling may nabuo na nga ba.

“Now choose. Aalis ka, tatakas ka mula kay Damien at tutulungan kita, o pipiliin mong manatili kay Damien para gamitin ka lang niya? Choose wisely, Carol.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 15: A THREAT

    Tahimik pa ring nakaupo si Damien, naghihintay ng kasagutan habang tila binibilang ang bawat tibok ng kanyang puso. Ngunit sa halip na kumpirmasyon, isang malamig at matatag na tinig ang bumasag sa tensyon.“Hindi mo siya anak, Damien.”Napakunot ang noo ni Damien. “Anong—”“Hindi mo siya anak,” ulit ni Carol, this time, mas mariin. “Anak ko siya… sa ibang lalaki.”Napatigil si Damien. Hindi agad siya nakapagsalita. Para siyang tinanggalan ng hininga, pero pilit pa ring sinikap na intindihin ang narinig.“Carol…” mahinang sabi niya, “Kung gano’n, bakit hindi mo agad sinabi noon pa? Bakit mo ako pinaiikot? Seriously? Are you fvcking kidding me? Pinaglalaruan mo ba ako?” tila galit na sambit ni Damien.Lumunok si Carol. Pilit niyang itinatagong nangingilid na luha. “Akala ko kaya ko. Akala ko madali lang ang magsinungaling para protektahan siya… para protektahan ka. Pero ngayong nandito ka na, hindi ko alam kung alin ang mas makakasakit—ang totoo, o ‘tong kasinungalingang pinilit kong p

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 14: BLIND DATE

    Sa isang mataas na gusali sa Makati, sa loob ng isang moderno ngunit simpleng opisina, nakaupo si Damien sa harap ng kanyang desk. Ang monitor ay nakabukas, naglalaman ng spreadsheet na matagal na niyang tinitigan pero hindi man lang niya nai-scroll. Ilang ulit na siyang nag-type ng mga numero at binura rin.Ilang saglit pa, bumukas ang pintuan ng opisina. Pumasok si Jayron, matagal na kaibigan at business partner ni Damien, suot ang pamilyar nitong semi-formal na polo at may hawak na dalawang tasa ng kape.“Bro, mukhang kailangan mo ‘to,” aniya habang inilalapag ang isa sa mesa.Napatingin si Damien, bahagyang nagulat sa presensya ng kaibigan.“Thanks,” maikling tugon niya.Umupo si Jayron sa visitor’s chair at tiningnan siya nang maigi. “Okay ka lang ba? Kanina ka pa parang lutang. Hindi ka sumasagot sa chat, tapos puro spreadsheet na walang laman ‘yung screen mo.”Tahimik si Damien. Ilang sandali bago siya nagsalita.“Jay… do you believe in forgotten memories?”Napakunot ang noo ni

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 13: GHOST OF YOU

    Pagdating ni Damien sa café, agad siyang luminga-linga, umaasang makikita roon si Carol. Suot niya ang dark blue blazer na bahagyang nabasa ng ulan, at dala-dala ang kaba’t pananabik na buong gabi niyang pinasan. Pero ang inabutan niya lamang ay isang bakanteng mesa, isang tasa ng kape na kalahati na lang ang laman, at isang katahimikang nagsasabing huli na siya.Napakagat siya sa labi. Umupo pa rin siya sa upuang tapat ng iniwang tasa ni Carol, saka dumukot ng cellphone at nagbakasakaling may mensahe. Wala. Walang kahit anong paliwanag. Tumitig siya sa tasa, at parang unti-unti niyang naramdaman ang bigat sa dibdib—hindi dahil sa hindi sila nagkita, kundi dahil ramdam niyang may piniling iwasan si Carol.Samantala, sa isang apartment sa Quezon City…Pabagsak na isinara ni Carol ang pinto ng kanyang unit. Umupo siya sa sofa at hinubad ang heels habang bumubuntong-hininga. Halos sabay ang pagbagsak ng luha at ng katawan niya sa sandalan, tila gusto niyang mabura ang eksenang naganap ka

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 12: DAMIEN’S WIFE

    "Ah, yes. M–Meron nga."Tahimik."Where’s his father?" tanong ni Damien.Hindi agad nakasagot si Carol. Sandaling katahimikan. "Nasa barko. Seaman kasi ang asawa ko," sagot niya, pilit ang ngiti—isang kasinungalingang sinubukang ikubli ang katotohanan.Kaagad naman na napatingin si Damien sa daliri ni Carol, at nakita niyang may suot nga itong singsing. Nagkatitigan silang muli. Ang daming salita ang tila hindi nila masabi sa isa’t-isa.Mabuti na lang din at naisipan ni Carol na magsuot ng singsing pang taboy sa mga lalaking gustong umaligid sa kaniya.Tahimik pa ring nakatayo si Carol sa harap ni Damien, tila ba ang oras ay pansamantalang tumigil. Ngunit bago pa man siya muling makapagsalita, isang pamilyar na tinig ang bumasag sa katahimikan.“Carol? Ikaw nga ba ‘yan?” tawag ng isang lalaki mula sa likuran.Paglingon ni Carol, nakita niya si Loey, ang matalik niyang kaibigan mula pa noong nagsisimula pa lang siya sa industriya. Suot nito ang isang classic black suit, at may hawak na

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 11: HE MET OUR SON

    Dumating ang gabi ng event sa Pilipinas—isang engrandeng fashion gala na ginanap sa isang kilalang hotel sa Makati. Habang nasa loob ng kanyang suite, abala si Carol sa paghahanda. Suot niya ang isang eleganteng gown na siya mismo ang nagdisenyo—isang simpleng puting damit na may makabagong twist at malinis na linya. Isang simbolo ng kanyang pagbabalik at bagong simula."Mommy, you look like a queen," sabi ni Dustin habang nakatingala sa kanya, suot ang maliit na tuxedo na bagay na bagay sa kanya.Napatawa si Carol at hinalikan ang noo ng anak. "Thank you, anak. I think I needed that confidence boost."Pagdating nila sa venue, sinalubong agad sila ng mga organizer. Ramdam ni Carol ang excitement at tensyon habang papasok sa main hall na puno ng mga kilalang personalidad, press, at fashion enthusiasts. Ang mga ilaw, camera, at musika ay nagbigay ng kakaibang enerhiya."Miss Caroline Dela Vega, we’ve been waiting for you," bati ng host na si Liza Montes, isang kilalang fashion editor. "

  • ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND   CHAPTER 10: WELCOME BACK TO THE PHILIPPINES!

    Habang nakaupo si Carol sa kanyang opisina, tinitigan niya ang invitation na nasa kanyang lamesa. Hindi niya akalaing may pagkakataon pang bumalik siya sa Pilipinas, lalo na matapos ang lahat ng nangyari. Malalim siyang huminga bago tumayo at tinungo ang kwarto ng kanyang anak.Sa loob ng kwarto, nadatnan niya si Dustin na nakaupo sa sahig, abala sa pagpipinta ng isang larawan gamit ang kanyang watercolor set. Isang bagay na minana nito sa kanya—ang hilig sa sining."Hey, bud," bati ni Carol habang umupo sa tabi ng anak. "Ano 'yang ginagawa mo?"Ngumiti si Dustin habang ipinakita ang kanyang likha. "It’s a sunset, Mommy. Kasi sabi mo, sunsets in the Philippines are really beautiful. Totoo ba ‘yun?"Napangiti si Carol, kahit may kirot sa kanyang puso. "Oo, anak. Totoo ‘yun. Mas maganda pa nga sa personal."Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila bago inilagay ni Carol ang imbitasyon sa harap ni Dustin. "Anak, may gusto akong itanong sa'yo. May natanggap akong imbitasyon mula sa P

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status