Share

CHAPTER FOUR

Chapter 4

"Ehem! Hinahanap mo ba ako?" boses ni Gerald sa kaniyang likod.

Nakasilong na rin pala ito sa waiting shed.

"Ha?" sagot niya. Dinig niya ang sinabing iyon ni Gerald ngunit kasama iyon sa pagkagulat niya na nasa tabi niya uli ito ng di niya napapansin.

Dalawang hakbang pa nga lang siya, mukhang natiklo na. Nakangiti siyang bumalik sa tinayuan niya. Pinagpag ang binder dahil sa nabasa ng malakas ng patak ng ulan.

"Hindi ah. Nag-aabang lang ako ng masasakyan. Sinilip ko lang baka may malapit nang dadaan." Nakakainis! Ang tanga lang ng palusot!

"Hinahanap mo ako e. One way 'yan. Walang tangang jeep ang haharang na manggagaling diyan.

"Sabi ko nga." kibit-balikat niyang sagot. “One way nga pala.”

"Ano, payag ka nang ihatid kita sa inyo?"

"Hindi po kita kilala. Malay ko bang masama ka palang tao."

"Sinabi ko na ang pangalan ko, di ba? Ako si Gerald, ikaw si Diane. Magkakilala na tayo. Saka mukha ba akong masamang tao?"

"Hindi naman. Pero hindi na ngayon basehan ang hitsura kung ano ang pagkatao. Isa pa, nakakahiya..."

"Hindi naman pala e. Paanong nakakahiya e ako nga itong nagpupumilit na ihatid ka." Mabilis na sabad ni Gerald. Halos maglapat na ang kanilang psingi dahil pabulong iyong sinasabi ni Gerald sa kaniya.

Napakamot siya.

"Mahihirapan kang sumakay dahil sa sobrang lakas ng ulan. Mamamaya lang niyan baha na naman. Paniguradong hindi ka makakauwi." Hinubad ni Gerald ang kaniyang suit. Puting longsleeve at itim na necktie na lang ang suot nito. Bumakat ang magandang hubog ng katawan ni Gerald sa suot niya.

"Tara na. Huwag ka na kasing mahiya." Kinindatan siya ni Gerald.

Huminga nang malalim si Diane. Mukha naman talagang hindi ito masamang tao. Papayag ba siyang magpahatid na lang sa estrangherong malakas yata ang tama sa kanya at sige, ayaw na niyang magpaka-plastic, siya man ay may naramdaman agad na kakaiba.

            "Sige na nga." Ngumiti siya. Nakita niyang biglang napatitig si Gerald sa mukha niya. Alam niyang napansin nito ang kaniyang malalim na dimples.

“Okey. Don’t worry hindi ako masamang tao.”

Tumango lang si Diane kahit medyo kinakahan siya.

Patakbo nilang pinuntahan ang nakaparadang kotse ni Gerald. Unang sumakay si Gerald saka niya itinulak ang front door para makasakay si Diane.

Hindi gentleman pero okey lang. Wala naman sa hitsura niya ng pinagbubuksan.

Nilingon siya ni Gerald habang pinapaandar niya ang kotse nito.

"Saan pala kita ihahatid?" tanong nito sa kaniya.

Sinabi niya lang kung saan ang malapit sa kanila ngunit hindi ang mismong kinaroroonan ng kanilang bahay. Alam niyang kung magtuluy-tuloy ang ulan ay paniguradong di na kakayanin ng kotse nito ang pumasok pa sa binabahang lugar nila. Ayaw niyang ipahamak ang bagong kakilala.

"Di ba bahain do'n?" tanong ni Gerald.

"Oo nga eh. Kaya nga ayaw ko sanang pahatid sa'yo." Nakayuko niyang sagot.

"Bakit di ka makatingin ng diretso sa mata ng kausap mo kapag kinakausap ka?"

"Bakit kailangan bang tignan kita sa tuwing sasagot ako sa mga tanong mo?"

"Unusual lang na ganyan ang mga reactions mo."

"Unusual?" napangiti siya. "Gerald, tama ba?”

“Yes.”

“I just met you. I do not even know your intentions kung bakit mo ako gustong ihatid. At heto akong si gaga na basta na rin lang sumama sa hindi ko kakilala. Those, I think are unusual."

"Brainy.” Kumindat si Gerald sa kaniya sabay ang nakaka-adik na pagmasdan nitong ngiti.

Hindi siya sumagot. Ayaw niyang lumabas na mayabang siya. Kahit gustuhin niyang bawiin ang sinabi niya ay huli na. Nasagot na niya si Gerald. Ngumiti na lang din siya.

Binuksan ni Gerald ang stereo ng kaniyang kotse para kahit papaano ay hindi sila mainip sa mabagal na usad ng takbo ng mga sasakyan dahil sa matinding pag-ulan. Closer You and I ni Gino Padilla ang tumambad na pinapatugtog sa FM Radio.

Hey, there's a look in your eyes

Must be love at first sight

Bigla silang muling nagkatinginan. Matipid na ngiti ang pinakawalan ni Diane. Naisip niyang totoo nga talagang nangyayari ang Love at first sight. Hindi lang sa pelikula o sa lyrics ng kanta iyon nangyayari o napapakinggan. Napatitig siya sa noon ay biglang napakunot na si Gerald ngunit nakatingin na sa dinadaanan nila. Naiwan siyang nakatitig dito. Naikintal sa isip niya ang makapal na kilay na binagayan ng nangungusap na mga mata, matangos na ilong at makipot ngunit malulusog na labi ni Gerald. Isang pangarap na akala niya hindi niya makikita sa lalaking katabi niya ngayon.

You were just part of a dream

Nothing more so it seemed

But my love couldn't wait much longer

Just can't forget the picture of your smile

"Fucking love songs!" Mahinang tinuran ni Gerald kasunod ng malalim na paghinga nito.

Inilipat niya ang istasyon ng FM.

Tahimik lang si Diane. Wala siya sa lugar na magreklamo. Nakikisakay lang siya. Kung ano ang trip ng may-ari ng kotse, doon siya kahit sa totoo lang, nadala siya sa lyrics ng kanta. Isang lumang kanta na parang nagbigay ng kakaibang kahulugan sa kaniya.

"Hindi ka mahilig sa love songs?" tanong ni Diane.

"Hell, no! I am not a melodramatic person. And what about you?"

"Am okey with it." Maikli niyang sagot.

Hindi pa sila nakakalayo ay naipit na sila ng traffic. Sobrang lakas kasi ng bagsak ng ulan kaya paniguradong stranded na sila. Lumingon si Gerald sa gawing kanan niya. Puwedeng-puwede siyang pumasok doon habang wala pang nakaharang sa kanilang dadaanan. Iyon lang ang naiisip niyang option para di sila mabagot sa kahihintay hanggang sa muling bumaba ang baha at pwede na silang makadaan.

"What about dinner?"

Tumingin si Diane sa noon ay tinitignan ni Gerald. Isang mamahaling hotel na may restaurant ang nasa tapat nila. Kanina pa siya gutom ngunit kalabisan naman yatang papalibre siya sa isang ito na makulit lang na ihatid siya.

Sasagot palang sana siya nang mabilis na iniliko ni Gerald ang kotse. Ipinasok niya ang sasakyan sa harap ng mamahaling hotel.

“Anong ginagawa mo?”

“Mababagot lang tayo. Kain na lang muna tayo.”

“Pumayag na ba ako?”

“My treat. Aabutin tayo ng ilang oras diyan na maghintay na bumaba ang baha. Mahirap ma-stranded.”

Huminga na lang nang malalim si Diane.

Sinalubong sila ng isang hotel valet park attendant. Halatang sanay si Gerald at kilala siya dahil tinawag siya sa ibang pangalang katunog ng sinabi sa kaniyang pangalang Gerald. Mahina lang ang pagkakasabi niyon kaya hindi na niya nadinig ng husto.

"Come on, Diane. Baba na?" silip ni Gerald sa kaniya at napalingon pa sa kaniya ang nakangiting attendant.

"Baba na raw kayo, Ma’am." Nakangiting hirit pa ng attendant.

Inayos niya ang binder niya saka niya isinukbit muli sa balikat niya ang kaniyang backpack. Naisip niya habang pababa siya sa kotse na hindi na niya kailangang sumama kay Gerald hanggang sa loob. Pagkababa niya ay mabilis na pinaandar ng attendant ang kotse at naiwan siya sa kabilang bahagi ng daan habang nakangiti lumapit sa kanya si Gerald.

"Let's just have a dinner. Restaurant ang pupuntahan natin diyan at hindi ang kuwarto ng hotel.

"Wala naman akong sinasabi ah."

"Pero alam kong iyon ang iniisip mo."

“Okey, let’s go?”

“Hindi ba ako alangan sa loob?” Tinignan niya ang sarili nya at ng mga babaeng pumapasok sa restaurant. Naka-uniform pa siya. Nakakahiya yata kasi mukhang formal at semi-formal ang mga suot ng mga noon ay papasok sa nasabing restaurant.

"Huwag na lang kaya?" Nanginginig niyang pagtanggi.

"You don't have a choice. Umuulan pa at baha sa daan. Hindi ka rin naman makakauwi dahil tignan mo, di pa umuusad ang mga sasakyan. Halika na. Just follow me, okey?"

Tumingin siya sa daan at ang malakas na buhos ng ulan. Naisip niya ang pamilya niyang paniguradong mababasa na naman sa tubig ulan ngayon dahil paniguradong tagos na naman ang ulan sa loob ng kanilang bahay. Gusto niyang umuwi ngunit paano siya makakauwi kung wala siyang masasakyan. Nilingon niya si Gerald. Hindi niya maintindihan kung anong meron ang taong ito na napapasunod siya sa lahat ng kaniyang mga sinasabi. Para itong magnet na napapasunod siya sa lahat ng gusto nito.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status