CHAPTER 3
"Sige. Sasabihin ko kay Mommy na magsisimula ka na sa isang araw ha? Ito nga pala yung hinihiram mong limang daan." iyon ang sinabi ni Zeke pagkatapos ng kanilang klase.
"Ang haba na ng listahan ng utang ko sa’yo. Salamat Zeke.”
“Huwag kang mag-alala, hindi pa ako naglilista.”
“Bawi na lang ako sa'yo sa assignments mo. Bayaran ko 'tong hiniram ko sa'yo sa susunod na buwan ha?”
"Ilista mo na lang sa tubig tol. Bulong mo sa hangin baka maniwala siya sa'yo." Sabay tawa ni Zeke. Ilang beses na kasi siyang nakautang dito at hindi tinatanggap ang bayad kaya iyon ang dahilan kung bakit nahihiya na sana siyang umulit. Pero wala e. Kailangan dahil magugutom talaga sila kung hindi niya iyon gagawin.
Matalino rin naman si Zeke ngunit tamad lang mag-aral. Siguro dahil may inaasahan siya sa mga mayamang magulang niya. Marami sa mga kaklase niya, may sinasabi sa buhay. Pinalad lang siyang magkaroon ng matalinong utak kaya siya napasama lang sa kanila.
Nag-desisyon siyang pumasok na muna sa library para tapusin ang ilang mga assignments niya at research paper. Kailangan niyang matapos lahat ang mga requirements niya sa school bago siya magsimula sa trabaho nang wala na siyang poproblemahin pa. Gabi na nang matapos niya lahat ng iyon kaya dumiretso na siya sa hintayan niya ng jeep.
Nagsimulang pumatak ang ulan ngunit wala pa ring dumadaang jeep. Punuan na ang mga dumadaan at marami ring katulad niyang naghihintay. Nang mapalingon siya sa kanina pa nakahintong magarang kotse ay agad niyang namataan ang napakaguwapo at mukhang mayamang lalaki.
Napalunok siya.
Hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Hindi siya sanay makipagtitigan lalo na sa mga taong alam niyang malayong nakakaangat sa kaniya sa buhay.
Yumuko siya.
Sinikap niyang ibaling sa iba ang kaniyang mga tingin ngunit may kung anong magnetong humihila sa kaniya para muling pasadahan ng tingin ang nakatitig sa kaniyang guwapong lalaki. Dahil nakita niyang nakatitig at nakangiti pa rin ito sa kaniya ay nangatog ang tuhod niya. Mabilis niyang binawi ang tingin saka siya tumalikod.
Napalunok siya.
Bago sa kanya ang ganoon. Marami ang madalas tumititig sa kaniya dahil sa ayon sa kanila, maamo at napakaganda raw niya lalo na kung nakangiti siya at lumalabas ang kaniyang malalalim na dimples. Ngunit iba ang dating ng tingin ng estrangherong iyon sa kaniya. Para talaga siyang kinukuryente.
Dumating ang isang jeep. Inilagay niya sa ulo ang binder panangga sa ambon. Nag-uunahan ang mga pasaherong sumakay at di rin siya nagpahuli ngunit bago siya nakipagsiksikan sa mga sumasakay na pasahero ay nagdesisyon siyang muling mabilisang lingunin ang gwapong estranghero at gantihan din niya ng nakakahumaling niyang ngiti. Lalakasan na lang niya ang loob niyang gawin iyon dahil sasakay naman na siya sa jeep at maaring iyon na ang una at huli nilang pagkikita.
Natigilan siya.
Wala na sa kotse ang pogi.
Kumunot ang noo niya.
Nasaan na siya?
Dahil di na niya mahanap pa ay minabuti niyang ibaling ang atensiyon sa pakikipagsiksikan niya para makasakay. Ngunit biglang tumigil ang inog ng mundo niya. Nasa mismong harap na niya ang kanina lang ay hinahanap niyag lalaki. Nakangiti. Titig na titig sa kaniyang mga mata. Malayong mas guwapo pa ito sa malapitan. Gusto niyang mag-excuse dahil hinaharangan siya sa dadaanan niya ngunit walang kahit anong kataga na namumutawi ng nakabuka na niyang labi.
"Ihatid na kita sa inyo, Miss?" buo ang boses. Lalaking-lalaki.
Gusto niyang tumanggi ngunit wala pa ring lumalabas sa bibig niya.
Lalo lang siyang namula.
Napapitlag siya nang hinawakan siya sa kaniyang braso.
"Huwag ka nang mahiya. Gerald nga pala. Just call me Gerald." inilahad nito ang kaniyang kamay.
Huminga siya ng malalim. Nababastusan siya sa ginawa ng lalaking iyon na hawakan siya at pasakayin sa kotse nito ng gano’n gano’n na lang. Oo kaya niyang makipagbarubalan sa mga tambay niyang mga kapitbahay ngunit hindi sa mga di niya kakilala.
“Sorry.” binitiwan siya ng nagpakilalang Gerald. Ipinaramdam kasi niya na hindi siya komportable sa paghawak-hawak sa kanyang braso.
Kahit mahirap pa siya sa daga, napapansin siya dahil sa angkin niyang kagandahan. Kilala siyang suplada at mataray ngunit bakit sa harap ng estrangherong ito, para siyang basang sisiw? Ni hindi siya nakapagsalita nang hawakan siya nito sa braso.
“I’m Gerald and you are?” muling pagpapakilala ng kaharap niya.
"Wala akong…-" kinagat niya ang kaniyang labi. Wala akong pakialam sana ang sasabihin niya ngunit bakit hindi niya kayang isatinig.
Humugot siya muli nang malalim na hininga.
“Pwede bang makilala? Anong pangalan mo, Miss?”
"Diane. Diane po." tinanggap niya ang kamay ni Gerald.
Ramdam niya ang marahang pagpisil ni Gerald sa kaniyang kamay kaya mabilis din niyang hinila ang kaniyang palad. Para siyang tanga na hindi magawang tignan ng diretso ang kaniyang kausap. Bakit gano'n siya? Bakit hindi mapakali ang kaniyang mga mata? Bakit lumalakas ang tibok ng kaniyang puso? Bakit siya natatameme?
Natauhan siya nang nakita niyang paalis na ang jeep. Humakbang siya palayo kay Gerald para subukang habulin ang jeep ngunit huli na. Isa pa, nakita niyang puno na din ang jeep nang umalis na ito.
Napailing siya.
Lumingon sa bigla niyang iniwan na kausap. Nakangiti pa rin ito. Hindi alintana ang paglakas ng patak ng ulan. Kabastusan man siguro ang ginawa niyang pag-iwan dito ngunit napakatagal niyang naghintay pero dahil sa pangungulit ng isang ito ay kailangan niyang maghintay pang muli ng susunod na pagdaan ng isang jeep na walang laman. Naglakad siya pabalik sa tinatayuan niya kanina kung saan siya puwedeng sumilong muna. Hindi na niya kayang balikan pa si Gerald. Bukod sa ayaw niyang magkasakit dahil sa ulan, nahihiya rin siya rito na hindi niya mawari kung bakit.
Nakita niyang ibinulsa ni Gerald ang kaniyang mga kamay sa suot nitong itim na suit. Titig na titig pa rin ito sa kaniya kahit umaagos na ang patak ng ulan sa makinis nitong mukha. Siya naman itong kung saan-saan lumilingon para kunyari ay hindi niya napapansin ang malagkit na tingin ni Gerald.
"Ano bang ginagawa ng bastos na’to? Mukha pa namang kagalang-galang. Bakit di na lang lumayo? Wala kang mapapala sa akin. ‘Kala mo kung sinong guwapo," bulong niya sa sarili.
Muli siyang tumalikod at nagkunyariang naiinip sa paghihintay ng masasakyan kaya panay ang tingin niya sa kalsadang puno rin ng dumadaang jeep na iba ang ruta.
"Umalis ka na ba? Bumalik ka na ba sa kotse mo? Nakakainis naman, bakit ka ganyang makatitig? Gusto mo ba ako? Huwag kang umasa, hindi kita papatulan. Mas marami akong dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa katulad mo. " Huminga siya nang malalim. Para na siyang tanga. Kinakausap na naman niya ang sarili niya.
"Sige, lilingon ako pero last na 'to. Lingon lang 'to. Walang malisya." Humugot siya muli nang malalim na hininga. "Kung nakatingin ka pa sa akin, ibig sabihin may gusto ka talaga sa akin. Sign na 'yun para sige, pagbigyan kitang kausapin ako."
Ngunit wala na roon ang lalaki.
Nanghinayang siya.
Tumingkayad siya dahil maaring natabunan lang ito ng ibang pasaherong naroon ngunit wala na talaga si Gerald. Kumilos ang paa niya. Kailangan niyang silipin ang kotse nito at baka bumalik na ito doon. Kailangan niyang isangga sa ulo ang binder para hindi siya mabasa sa lakas ng patak ng ulan. Kailangan niyang masilip ang kotse nito.
"Ehem! Hinahanap mo ba ako?" boses ni Gerald sa kaniyang likod.
Pagpasok ni Sofia sa bakuran Psychiatrict Hospital ay nakita niya ang isang matipuno, guwapo at masayahing lalaki na noon ay tumutulong sa pagsasaayos ng mga namumulaklak na halaman. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nakita niya agad ang kislap sa mga mata ng paghahandugan niya sa kanyang dala. Tumakbo ito at sinalubong siya. Binuhat at pinaikot-ikot siya at ramdam na ramdam niya ang kanyang pagiging babae."I'm so happy. Sobrang saya ko lang honey." maluha-luha at natatawang wika ni Ringgo kasunod ng paghalik-halik niya sa braso ni Sofia."Dahil dinalaw ulikita?""Sort of." sagot ni Ringgo."Sort of? E anong bulls eye na dahilan?""I am hundred percent okey! Puwede ko nang pagbayaran sa kulungan ang mga kasalanan ko kay Gerald at Diane! Then after that, aalis tayo dito. Titira tayo sa ibang bansa, magsasama na tayo hanggang sa pagtanda.""Wait, may nagsampa ba ng kaso? Wala naman hindi ba?""Wala ba?""Sa pagkakaalam ko, wala."Bumuntong hininga si Ringgo. Inakbayan niya s Sofia
Hi Baby!At first, I don't know what to write. Napakarami ko kasing gustong sabihin at sa dami ay di ko alam kung ano ang aking uunahin. Ngunit naisip kong gawing simple lang ang paglalahad at sana maintindihan mo ako. Baby, I am sorry. Here I am again, asking for a favor. I need to sarcrifice for a friend, for us and for everybody. Lalayo muna ako para pagbigyan ang isang kahilingan ng Mommy ni Ringgo.Tumulo ang luha ni Diane. Hindi niya alam kung kaya pa niyang tapusing basahin ang sulat na iyon. Muli na naman siyang iniwan ni Gerald. Matagal niyang itinapat sa dibdib niya ang sulat kasabay ng pagbunot niya ng sunud-sunod na malalalim na hininga. Kailangan niyang lawakan ang pang-unawa.Gusto kong gumaling muna si Ringgo. Gusto ko ring matahimik na muna ang lahat. Nais kong ligtas ang lahat habang naghihilom ang sugat ng kahapon. Hanapin mo muna ang sarili mo at gawin ang mga bagay na hindi mo nagawa nang sinimulan mong mahalin ako. Ganoon din ako. Tatapusin ko sa ibang bansa ang a
Ang Mommy ni Ringgo ang umiikot sa kanilang tatlo naging biktima ng kanyang anak para masiguro ang kanilang kaligtasan. Niyakap siya nang mahigpit ng Mommy ni Ringgo nang pumayag siya sa hinihiling nito. Kung hindi lang niya naisip na sa huling sandali ay pinili pa rin ni Ringgo ang maging isang mabuting tao, kung hindi lang nakiusap ang Mommy ni Ringgo ay paniguradong hindi niya kakayanin ang muling magsakripisyo. Dadalawin niya si Ringgo bago siya aalis.Pagkaalis na pagkaalis ng Mommy ni Ringgo ay humiling siya sa doktor kung puwedeng isakay siya sa wheelchair para silipin niya si Diane. Walang bantay si Diane noon. Maayos na ang kalagayan nito ngunit nakapikit pa rin siya. Ginagap niya ang kamay ni Diane. Pinagmasdan niya ang mapayapa nitong pagkakaidlip. Pinilit niyang tumayo at hinalikan niya sa labi ang kanyang pinakamamahal. Muli niyang pinalaya ang kanyang mga luha. Luha ng kasiyahan. Luha ng pasasalamat sa pagdating nito at iniligtas ang kanyang buhay. Alam niya, siguradong-
“Adammm! Bumalik ka na roon. Kailangan ka ng mga kapatid ko! Gumisinggg kaaa! Adammm please!!!” sigaw iyon ni Diane. Napasinghap si Gerald. Mabilis niyang hinanap si Diane na kanina lang ay ginigising siya. Akala niya totoo ang lahat. Akala niya malakas pa si Diane. Nang makita niya ang babaeng halos wala nang buhay na kayakap niya ay alam niyang panaginip lang ang lahat. Lumuha siyang muli. Alam niyang sandali siyang nawalan ng malay ngunit nakita niya sa balintataw niya si Diane. Ginigising siya. Pinababalik. “Sorry, baby. Sorry na wala akong magawa.” Bulong lang iyon. Pilit niyang nilalakasan ang kanyang katawan para mayakap lang niya ito sa huling sandali ng kanilang buhay. Hangang sa nakita niya na may hawak na baril si Ringgo. Palapit na ito sa kanila. Puno ng luha ang mga mata ni Ringgo. Naroon ang galit sa kanyang mukha. Bigo siyang makahingi ng konting awa. Bigo siyang mapabago ang kanyang kaibigan. Ito na nga marahil ang katapusan ngunit hindi siya papayag na si Diane ang
Alam ni Gerald na sinusundan siya ni Ringgo. Mabuti't mabilis niyang nahubad ang suot niyang long-sleeves at iyon ang kanyang ipinulupot sa kanyang sugat ngunit ngayon muling umagos ang kanyang dugo at di niya mapigilan ang pagpatak nito sa damuhan na maaring masundan ng naka-flashlight na si Ringgo."Sinabi ko na sa'yo, hindi mo ako matatakasan Gerald! Magsama tayong dalawa sa impyerno!" kasunod iyon ng malakas na tawa ni Ringgo.Hinigpitan ni Gerald ang hawak niya sa nakita niyang kahoy kanina. Hinihintay niyang matapat si Ringgo sa tinataguan niya at buong lakas niyang papaluin ito sa ulo. Ramdam na niya ang pagkahilo dahil sa pagod, gutom, pagkauhaw at dami ng dugong nawala sa kanya ngunit hindi ito yung tamang panahon para manghina siya. Lalabanan niya ang lahat ng iyon. Mahal niya ang kanyang buhay. Gusto pa niyang makasama ng mahabang panahon si Diane."Sige pa, lumapit ka pang hayop ka," bulong ni Gerald. Itinaas niya ang hawak niyang pamalo. Sandali siyang pumikit at huminga
Alam ni Gerald na hindi nagbibiro si Ringgo sa sinabi niyang iyon nang tinanggal nito ang pagkakatali sa isa niyang kamay at nang matanggal iyon ay nakatutok na ang baril sa kanya."Bibigyan kita ng isang minuto na tanggalin ang pagkakatali ng isa mo pang kamay at paa. Kung natapos na ang isang minuto at nadiyan ka pa rin sa kama, pasensiyahan na tayo pero hindi na tayo makakalabas pa sa bahay ng buhay. Dito na tayo magkasunod na malalagutan ng hininga. Kaya nga kung ako sa'yo, simulan mo nang tanggalin ang nakatali sa'yo dahil magsisimula na ang oras mo." Salubong ang kilay at nanlilisik ang mga mata ni Ringgo habang sinasabi niya iyon. Pawis at luha ang naghalo sa kanyang namumulang mukha. Ikinasa na ni Ringgo ang hawak niyang baril.Hudyat iyon na kailangan ni Gerald na bilisan ang kilos."60, 59, 58, 57..." pagsisimula ni Ringgo sa pagbibilang.Sobrang kaba at nerbiyos ni Gerald habang tinatanggal niya nakatali sa kanyang kamay. Isang kamay lang ang gamit niya kaya siya nahirapan