Share

chapter 15

Hating gabi na, pero di parin ako maka tulog. Nandito ako ngayon sa veranda habang umiinom ng gatas at nakatanaw sa mga gusali. Para nang mga bituin ang ilaw ng mga building. Iba nga lang dahil nasa ibaba ang bituin, wala sa himpapawid. Hindi ko na masyadong matanaw ang mga taong naglalakad, dahil nasa mataas na parte ang kwarto ko. Kong tutuusin para na silang maliliit na langgam.

Humigop ako ng gatas bago mag-angat ng tingin sa kalangitan. Wala akong nakikita kahit isang bituin man lang. Maambon at para bang kahit anong oras ay babagsak ang ulan.

Lumingon ako sa kinaroroonan ng cellphone ko. Nang marinig kong may tumatawag. Nilapag ko ang baso ng gatas sa lamesa, bago napag- disesyonan na kunin ang cellphone.

'Ark' Ang naka rehistro na pangalan sa screen. Pinalitan ni batas ang caller name niya. Ayaw niya raw maging "unknown number". Sinagot ko ang tawag bago tinapat sa tainga.

"Hello. Good evening, sir. Zhanielle speaking." pinatunog receptionist ko ang boses ko. "What can I do
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status