Teilen

CHAPTER 76

last update Veröffentlichungsdatum: 04.11.2025 14:52:34
"DITO na lang po," magalang na wika ni Kola sa taxi driver nang mapatapat ang sasakyan sa bahay ni Rain. Ibinigay niya ang bayad at marahang bumaba sa taxi.

Ilang buntong hininga ang pinakawalan ni Kola habang nakapako ang titig sa tapat ng bahay kung saan naroon si Rain. Martir na kung martir, pero nang tawagan siya ni Rain at marinig ang mga hikbi nito ay hindi siya nagdalawang isip na puntahan ang babae. Kinalimutan niya na ito ang karibal niya sa puso ni Demus. Nagpunta siya roon bilang
Author Lemon

Hello guys, sorry kung wala akong update nitong mga nakaraang araw dahil naging abala sa undas. First undas kasi ng namatay kong brother nitong June lang. May mga days na hindi ako nakaka-update dahil minsan inaatake ng lungkot at nawawala ako sa focus. But anyway sisikapin kong matapos this month ang kwento nina Demus at Kola! Salamat!

| 49
Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Gesperrtes Kapitel
Kommentare (31)
goodnovel comment avatar
Ria Me
nice story,kola umiwas kna sa huli ikaw ang pagbubuntungan ng galit ni rain magiging traidor kang kaibigan pag nalaman nya yan.
goodnovel comment avatar
Thelma Ayson
Sana naipaglaban nuta ang baby niya ganda ang kwento love it.
goodnovel comment avatar
Annita Banana
Kola iwasan mo na Si Rain.huwag na martir.Sa huli ka parin Ang mali Ako Sayo iwasan mo na Si rain
ALLE KOMMENTARE ANZEIGEN

Aktuellstes Kapitel

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 116

    NAPIPILAN si Kola at hindi matanggap ng kaniyang sistema na iteterminate siya ni Demus ng ganoon na lamang kadali, na para bang isa siyang basahan na matapos gamitin ay itatapon at para bang hindi inisip ni Demus kung ano ang mararamdaman niya sa bagay na iyon. Talaga bang sagaran na sa buto ang galit nito sa kaniya at sa ganitong paraan siya ginagantihan? Wala man lang ba itong katiting na espesyal na nararamdaman para sa kaniya? Halos gustong sumabog ng puso ni Kola sa tindi ng sama ng loob na nadarama niya nang mga sandaling iyon. Kung hindi lang niya pinigilan ang mga luha ay sa malamang ay kanina pa pumatak ang mga iyon, ngunit tinatagan ni Kola ang sarili, huminga siya ng malalim at tumayo. Halos malukot na ang termination paper na hawak niya dahil sa tindi ng pagkakakuyom ng kaniyang mga palad nang mga sandaling iyon. Tila ba roon niya ibinabaling ang emosyong nararamdaman. Sa isip ni Kola ay hindi maaring basta na lang siyang itatapon ni Demus at hindi siya naniniwala na mag

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 115

    NAGPAHATID lang siya kina Zhila sa lobby ng condo at sinabi niyang hindi na niya maiimbitahan ang mga ito sa unit dahil nais niyang mapag isa, wala na siyang pakialam kung nalaman na ng mga ito na sa condo unit ni Demus siya nakatira. Para saan pa at itatago pa niya? Aalis na rin siya roon sa susunod na mga araw at wala ng dahilan para mag-stay pa siya roon, pwera na lang kung pigilan siya ng binata. Bakas man sa mukha ng dalawang babae ang pagtataka at pagkabigla pero hindi naman na nagtanong ang mga ito kung bakit doon siya nakatira. Pag akyat niya sa unit ay muli na naman siyang umiyak pagkaupo pa lang sa sofa. Parang nag flash back sa utak niya ang naganap kanina. Hindi niya kayang magalit kay Rain, alam niya ang kumpitensya sa pagitan nila ng dalaga at sabi nga nila, kung sino man ang piliin ni Demus ay dapat nilang tanggapin iyon. Pero hindi niya alam kung paano niya haharapin ito bukas sa opisina, ayaw niyang magkailangan sila ng babae. At si Demus? Hangang kailan siya nito

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 114

    MULING nagpakawala ng ngiti ang ginang bago nagsalita, "And of course, you won't be disappointed in my future daughter-in-law. She's elegant, classy, and definitely not just an ordinary woman." Pinagdiinan pa ng ginang ang huling tinuran at habang sinasabi iyon ay nakatitig ito kay Kola na para bang pinapatamaan siya sa bawat salita. "The woman I am referring to, who will become my son's future wife, is none other than Rain Cavlar." Napasinghap ang maraming bisita dahil halos ang naroon ay alam kung sino si Rain Cavlar, ang matagal ng kaibigan ng mga Moretti ay alam ang love story ng dalawa pero walang nakakaalam kung paano iyon nagtapos. Nabalot ng pag aalala ang mukha ni Lalaine at si Arzus ay tahimik na nagtagis ang mga bagang. Si Demus ay nanatiling tahimik at blanko ang ekspresyon, walang pagsang-ayon sa mukha nito pero wala rin namang pagtutol. Parang go with the flow lamang ito. At si Kola? Nanlambot bigla, tila gumuho ang mundo niya. Tila tumigil iyon sa pag hinog.

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 113

    DUMATING ang araw ng birthday party ng ina ni Demus. Hindi mapakali si Kola habang pinagmamasdan ang hitsura sa harap ng salamin. Wala na sana siyang balak mag-attend pa sa birthday party ngunit pinilit siyang isinasama nina EL at Zhila para daw magkita rin sila ni Demus at pag-usapan ang 'LQ' nila. Hindi niya nabanggit sa mga ito kung ano ang pinag awayan nila ng binata, kung bakit galit na galit sa kaniya ito. Hindi na rin naman nagtanong ang dalawa, bagay na ipinagpasalamat ni Kola. "Kaya mo 'yan, Kola." pagpapalakas niya sa kaniyang loob. Muli niyang pinagmasdan ang gayak. Isang simpleng gown ang kaniyang suot na ang tela nito ay flowy chiffon na nagtataglay ng kulay soft champagne gold na akma sa theme ng party. May pinong lace details din ito at may halong golden thread, may delicate floral patterns na nagbibigay ng dreamy at feminine na dating at ang neckline ay sweetheart cut na binabagayan ng sleeves sheer na bahagyang puffed bagay na mas lalong nakadagdag sa elegant

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 112

    LUMIPAS ang mga araw at ganoon pa rin ang nangyayari, patuloy ang pag-iwas sa kaniya ni Demus. Kahit anong huli at pakiusap niya kay Rain na papasukin siya sa executive office ay hindi siya nito pinahihintulutan dahil takot din ito kay Demus. Ilang araw na rin niya itong tinatawagan at pinadalhan ng maraming mensahe upang humingi ng tawad pero wala itong sagot. Napapagod na siya sa totoo lang pero hindi siya maaring sumuko dahil mahal niya ang binata. Siguro ay sadyang ganoon ang pagmamahal, nakakatanga. "Kola." Nag angat ng tingin si Kola mula sa pagkakayukyok sa mesa at nakita ang nakangiting si Rain. "Rain?" Nagliwanag ang mukha ni Kola sa pag asam na may dalang magandang balita ito. "Ano pumayag na siyang magkausap kami?" umaasa pa niyang tanong sa babae. Nawala ang ngiti ni Rain at malungkot na umiling, parang biglang lumungkot ang awra ni Kola. "Kaya nagpunta ako rito ay dahil may iaabot lang ako." Doon pa lang napansin ni Kola ang dalang kulay gold na sobre

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 111

    "HERE." Napatingin si Kola sa panyong iniabot sa kaniya ni Arzus, ilang saglit na parang nagflash-back sa kaniya ang isang pagkakataon na inabutan din siya ng panyo nito. "Is this always my role to you? Just handing you a handkerchief?" pabirong tanong ng binata na bahagyang ikinatawa ni Kola. Nasa loob sila ng kotse ng binata at walang tigil sa pagpatak ang kaniyang mga luha dahil sa nangyari. Siguro ay naasiwa na ito sa hitsura niya kaya inabutan na siya ng panyo upang punasan na ang luha niya at pati na rin ang mga uhog niya. "Salamat," aniya nang maabot ang panyo. "Just give him a time to think. For now, don't stress yourself, think about your unborn child." Wala sa loob na napahimas si Kola sa tiyan niya na konti na lang ay mahahalata na ang kaumbukan. "Sa palagay mo ba ay mapapatawad pa ako ni Demus?" Hindi agad nakasagot si Arzus na tila nag-isip. "...O baka hindi na?" "Gaya ng sinabi ko, bigyan mo lang siya ng panahon upang mag-isip." Natahimik si K

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 68

    KINABUKASAN ay maagang nagising at gumayak si Kola upang pumasok sa trabaho. Seryoso na siya at ngayong araw na niya sasabihin talaga kay Demus ang tungkol sa pagbubuntis niya. Sana lang ay okay na ang mood nito at nakangiti na ito kapag nakita niya. Habang nakaharap sa salamin ay marahan niy

    last updateZuletzt aktualisiert : 2026-03-27
  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 56

    "WOW! grabe ang laki naman ng bahay mo!" Hindi napigilang bulalas ni Kola habang nililibot ang paningin sa bahay na pinagdalhan nila ng mga gamit ni Rain. Malaki ang bahay at maganda ang interior design nito, tipong pinag isipan ang bawat detalye n'on. Pero napansin ni Kola na hindi pa kumpleto a

    last updateZuletzt aktualisiert : 2026-03-25
  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 48

    TAHIMIK ang buong conference room maliban sa tunog ng mamahaling relo ni Demus na kumakabog sa katahimikan. Sa bandang sulok ng silid na 'yon ay tahimik lang si Kola habang inihahanda ang tablet na gagamitin niya sa pag take down ng mga importanteng notes sa meeting na 'yon. Isa itong external

    last updateZuletzt aktualisiert : 2026-03-23
  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 42

    BIGLANG nagising si Kola dahil parang babaligtad ang sikmura niya sa hindi malamang dahilan. Mabilis siyang napabalikwas ng bangon sa kama at nagtungo sa banyo. Pagdating doon ay wala naman siyang isinuka kung hindi malapot na laway. It must be her acid, umaatake na naman. Nakalabas na siya

    last updateZuletzt aktualisiert : 2026-03-22
Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status