Share

CHAPTER 98

Author: Author Lemon
last update Huling Na-update: 2025-12-07 15:40:21

"BAKIT ganiyan ka makatingin?" Hindi na napigilang usisa pa ni Kola nang mapansin ang mga panaka-nakang pagtitig ni Arzus sa kaniya habang nanonood sila sa maliit na TV sa sala. Halos katatapos pa lang nilang kumain nang mga sandaling 'yon, si Lalaine naman nagtungo sa kwarto nito at may kinuha kaya naiwan silang dalawa ng binata doon.

Nagkibit balikat si Arzus habang hindi pa rin tinatanggal ang pagkakatitig kay Kola. Bagay na ikinailang lalo ng huli.

"Tigilan mo nga ang kakatitig sa akin," asik ni Kola sa binata.

Ngumisi si Arzus at nagsalita, "Napansin ko lang na parang biglang nagbago ang mood mo."

Natigilan si Kola, napaka orservant talaga ng lalaki. Napuna agad nito ang pananahimik niya, matapos kasi na mabasa niya ang mensahe mula kay Rain parang nagbago agad ang mood niya. Hindi maalis sa isip niya ang maikling mensahe na 'yon na ginulo ang buong sistema niya.

"Inaantok lang ako," pagdadahilan niya at mabilis na nag-iwas ng tingin.

"Obviously you're not."

Hindi na l
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
connie baguipo
finalllllyyyyy!
goodnovel comment avatar
Gurang Gampol
salamat po sa update lagi qoh po toh hinhintay eh ang ganda po kc
goodnovel comment avatar
Jennelyn Casiguran
more updates please ......
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 104

    NANGUNOT ang noo ni Kola nang kinabukasan pagpasok niya ay nakita niyang inililipat ang table niya at mga gamit sa room sa tabi ng executive office. Madali siyang naglakad at lumapit sa isang staff na kasama sa mga naghahakot ng gamit niya at nagtanong sa malumanay na tinig, "May po problema ba? Bakit inililipat ang table at mga gamit ko rito?" Turo niya sa katabing room. "Iniutos lang po kasi ni Mrs. Moretti na ilipat namin dito sa kabilang kwarto," magalang na sagot naman ng lalaki. Napatango na lamang si Kola at hindi na nagtanong pang muli dahil alam naman niyang sumusunod lang naman ang mga ito sa inuutos ng ina ni Demus. Pero bakit nga ba pinapalipat ng ina ni Demus ang mga gamit niya? Teka, anong ginagawa ni Demus? Bakit hindi man lang nito pinigilan 'yon? Alam ba nito ang nagaganap? Huminga muna siya ng malalim upang pigilin ang paghulagpos ng inis sa binata at sa ina nito. Mabilis siyang naglakad patungo sa executive office upang puntahan mismo si Demus at sa binata na

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 103

    ARZUS' POV "SO, when did you find out that Kola knew where Lalaine was?" Napatingin si Arzus kay Rain na sumunod pala sa kaniya nang lumabas siya ng bahay para manigarilyo. "Does that even matter?" Usisa niya bago muling ibinaling sa iba ang paningin. "Likely. Bakit hindi mo sinabi kay tita or kay Demus ang tungkol dito? You know how badly they want to find Lalaine, Arzus." Arzus laughed mockingly, then spoke, "For what? To push her into a marriage she never wanted? Don't be ridiculous, Rain. I'm not letting them lay out her future like that," matigas na wika ng binata. Natahimik si Rain dahil ramdam niya ang pagpipigil ng galit sa tinig ng lalaki. "Can't you convince them not to force Lalaine into marriage?" Arzus took a puff of his cigarette before looking at Rain with that smug smile. "You know how those two think. You know how selfish they can be, right?" Muling natigilan si Rain at nag-iwas ng tingin. Humalukipkip ito na tila biglang nilamig sa klase ng mga tit

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 102

    NAPAWI ang ngiting nakapagkit sa mga labi ni Lalaine nang dumako ang mga mata nito sa taong kasama ni Kola na nasa harap ng pintuan. "A-Ate Rain?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Lalaine. Mainit na ngumiti si Rain at walang babalang niyapos ang dalaga upang salubungin ito ng isang yakap na ikinabigla ng huli ngunit ginantihan rin naman ng yakap pabalik. "Gosh! Namiss kita Lalaine!" Iyon ang mga salitang namutawi sa bibig ni Rain bago kumalas sa pagkakayakap sa dalaga at pinagmasdan ito. "Dalagang-dalaga ka na talaga. Parang kailan lang gustong-gusto mo lang sumama sa amin ng Kuya Demus mo kapag may date kami noon," masayang dugtong pa nito ngunit natutop ang bibig nang maalalang parang mali na sabihin pa nito 'yon. Hindi makauma si Lalaine at napatingin kay Kola na tahimik lang nakatitig sa kanilang dalawa habang may simpleng ngiting nakapagkit sa mga labi nito. "Isinama mo siya rito, ate?" Tanong ni Lalaine kay Kola. Mahahalata sa boses nito ang pinaghalong gulat at pa

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 101

    EKSAKTONG ala-singko ng hapon nang mag-out na si Kola. Naging okay naman sila ni Demus kahit medyo may inis pa siyang nararamdaman dito. Nauna itong umalis ng opisina dahil may mahalaga pa itong aasikasuhin kasama si Levin at Jax na dumaan sa opisina kanina. Nang makalabas siya sa Moretti building ay biglang tumunog ang cellphone niya, agad niya 'yong kinuha sa shoulder bag at nakitang si Lalaine ang tumatawag kaya agad niya 'yong sinagot. "Ate Kola, baka gusto mo rito mag-dinner mamaya?" Masayang bungad ni Lalaine sa kaniya sa kabilang linya. Nag-isip muna si Kola kung papayag ba dahil sa totoo lang ay gusto niyang makauwi ng maaga dahil nga napagod siya ngayong maghapon. Marami kasing paper works na na-pending. "Please? It's my birthday," ungot ni Lalaine nang hindi siya agad makasagot. Ikinabigla ni Kola ang sinabi nito dahil hindi niya alam na kaarawan pala ng dalaga ngayong araw. Parang bigla tuloy siyang na-guilty. "Talaga? Sorry hindi ko alam na birthday mo pala nga

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 100

    MATAPOS nilang mamasyal nina Jessy at Paula sa mall ay napagdesisyonan ni Kola na umuwi na sa condo na dapat ay hindi muna sana at kina Jessy pa siya ulit matutulog. Kaso ay ayaw niyang makita ng mga ito na masyado siyang naging apektado sa nakita sa mall kanina. Nais niyang mapag-isa muna at mag-isip ng ilang mga bagay na dapat niyang gawin. Isa pa, ayaw rin niyang idamay pa ang mga kaibigan sa stress na sarili mismo niya ang nagpasok. Mabigat ang katawan na humiga siya sa sofa at tumitig sa kisame na para bang nakikipagtitigan doon, na para bang naroon lahat ng mga kasagutan sa mga tanong sa kaniyang isipan. Nagulat pa siya nang biglang tumunog ang cellphone niya hudyat na may nagpadala ng mensahe, agad niyang kinuha 'yon at tinignan kung sino ang nag-text. Si Demus. Biglang binundol siya ng kaba pagkakita pa lamang sa pangalan ng binata na nakarehistro sa screen ng cellphone niya. Ayon sa mensahe nito ay pinapasok na siya bukas dahil maagang natapos ang business trip nito. "

  • ONE NIGHT WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG)   CHAPTER 99

    KINABUKASAN... "MORE on white muna ang bilhin nating gamit ng baby niya since hindi pa natin alam ang gender." "P'wede. May mga unisex color naman din naman dito, ito maganda oh." Nakangiti at tahimik lang na pinagmamasdan ni Kola ang dalawang kaibigan na sina Paula at Jessy habang namimili ng gamit na regalo raw ng mga ito sa anak niya. Kung titignan ay mukhang mas excited pa ang mga ito sa pamimili kesa sa kaniya. "Ano, Kola? Okay ba 'to?" Tanong ni Paula na kinuha mula kay Jessy ang terno na kulay white at ipinakita sa kaniya. "Maganda. Teka mukhang mahal naman yata," aniya at lumapit pa sa kaibigan upang mas makita ang damit at ang presyo. "Ano ka ba? Ayos lang 'yan. Kaming bahala ni Jessy, sulitin mo na at madalang lang 'to," natatawang sabi pa ni Paula na isa rin kuripot. "Truth! Kaya huwag ka ng mag-inarte diyan, pili ka na. Gusto mo bilhan din kita ng dress pangbuntis?" Alok pa ni Jessy. Umiling si Kola. "Huwag na, tama na kay baby lang ang bibilhin niyo." "Baha

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status