Chapter 20Pagkalipas ng ilang linggo, naging mas madalas na ang pagdalaw ni Elmer. Tuwing umaga, siya ang unang tao kong nakikita—may dalang prutas, tinapay, o minsan simpleng ngiti lang at mainit na “Magandang umaga, Irene!”“Baka mapagod ka sa kakabisita rito, Elmer,” biro ko isang araw habang nagtutulungan kaming magbunot ng damo sa paligid ng kubo.“Hindi ako mapapagod, basta may rason ako para bumisita,” sagot niya, sabay sulyap sa tiyan ko. “Ikaw at ang baby mo—kayong dalawa ang rason.”Napayuko ako, bahagyang kinilig sa kanyang sinabi. Hindi ko man sabihin, pero ramdam kong unti-unti siyang nagiging bahagi ng katahimikan at kaligayahan na matagal ko nang hinanap.Isang gabi habang umuulan at mahina ang kulog, kumatok si Elmer.“Irene! Okay ka lang ba?” tanong niya mula sa labas.Binuksan ko ang pinto, nakapayong siya at may dalang sabaw na mainit. “Gawa ni Tiya Miding. Pinapahatid niya, baka daw giniginaw ka.”“Salamat,” sabi ko, tinanggap ang sabaw at pinapasok siya sandali p
Chapter 19“Mag-iingat ka rin, Angel. Salamat, talaga,” sagot ko, medyo mahina na ang boses ko.Bago siya lumabas ng kwarto, huling tingin niyang matalim ang nagsabi sa akin na kahit wala siya, mag-isa ko na lang itutuloy ang laban. Ipinagdasal ko na sana makabalik siya ng buo at ligtas. Kasi sa oras na mag-isa ako, kailangan kong matutunan na magtago at lumaban.Lima buwan na ang lumipas.Tahimik ang paligid ng kumbento. Ang dating takot sa puso ko ay unti-unting napalitan ng kapanatagan. Dito ko unang naramdaman na parang may kakampi ako—sina Sister Agnes at ang mga madre na walang sawang nag-alaga at nagdasal para sa akin.Pero ngayon, apat na buwan na ang dinadala ko sa aking sinapupunan.Hinaplos ko ang tiyan ko habang nakaupo sa ilalim ng puno ng kalachuchi sa likod ng kumbento. Ramdam ko ang maliliit na paggalaw sa loob. Para bang may paalala sa akin na hindi na ako nag-iisa. May buhay na umaasa sa akin. At dahil doon, naglakas-loob akong lumapit kay Sister Agnes.“Mother,” mah
Chapter 18Habang naglalakad kami papasok sa kumbento, hindi ko pa rin maiwasang mag-isip ng mga posibleng paraan kung paano makakatakas. Parang gusto ko na lang magtago sa ilalim ng kama at hindi na lumabas. Pero, hindi ganun ang mangyayari. Malinaw sa utak ko na wala akong ibang choice kundi mag-adjust sa bagong buhay ko dito.Pagpasok namin sa kwarto, agad akong napansin ang kab simplicity nito. Wala talagang kalaban-laban ang modernong teknolohiya. Hindi ko alam kung matututo ba akong maging kontento sa ganitong buhay o maghahanap pa rin ako ng paraan para makalabas at makabalik sa real world."Good luck sa bagong buhay mo dito, Sister Irene," pabirong sabi ni Angel habang naglakad kami patungo sa kwarto. Hindi ko siya matigilan sa mga tawanan niyang walang katapusan.Pagkatapos niyang magbiro, huminto siya saglit at nagseryoso. "Pero, Leona, seryoso… kailangan mong magplano. Hindi pwede laging tumakbo ka lang.""Oo, alam ko," sagot ko. "Pero sa ngayon, ang tanging plano ko lang a
Chapter 17Habang naglalakad kami papasok sa kumbento, hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Tahimik. Mapayapa. Hindi tulad ng mundo sa labas na puno ng ingay at panganib.Napansin kong may ilang madre na naglilinis ng hardin, at may ilan namang tahimik na nagdarasal sa maliit na kapilya. Napalunok ako. Ganito pala sa loob ng kumbento… parang ibang mundo."Sister Irene," tawag ng madre na naghatid sa amin. "Dito kayo titira habang kayo ay nasa ilalim ng aming pangangalaga."Pagpasok ko sa silid, nakita ko ang simpleng kama, isang maliit na mesa, at isang krus na nakasabit sa dingding. Walang TV. Walang cellphone. Wala kahit anong makabago.Napakagat-labi ako. "Uh… Sister, may… Wi-Fi po ba dito?" inosenteng tanong ko.Napatingin sa akin ang madre, kita sa mata ang pagtataka. "Wi-Fi?"Napahawak ako sa batok ko, biglang nahiya. "Ah… wala po… wala po akong sinabi."Natawa nang mahina si Angel sa likuran ko. "Sister Irene, mukhang hindi ka sanay sa buhay dito.""Sister Angel," sabi ng
Chapter 16Napaangat ang kilay ko. "Volunteer worker?"Tumango siya. "Oo. Hindi ka nila basta tatanggapin bilang madre, pero pwede kang magpanggap bilang isang taong gustong maglingkod muna. Sa ganitong paraan, hindi ka maghihinalaang nagtatago."Napaisip ako. Magandang ideya iyon. Hindi biglaan, hindi rin halata."Okay," sagot ko. "Paano tayo makakarating doon?"Ngumiti si Angel. "Ako na ang bahala. Pero sigurado ka na ba rito, Leona? Kapag pumasok ka roon, iba ang mundo sa loob ng kumbento. Hindi mo pwedeng gamitin ang dating buhay mo."Huminga ako nang malalim bago tumango. "Oo. Kung ito lang ang paraan para makalayo kay Salvatore… handa akong subukan."At sa unang pagkakataon, isang assassin ang magtatago sa loob ng isang banal na lugar—isang pekeng madre na may tunay na kasalanan."So, ano pa ang hinihintay mo? Tayo na Sister Irene," ngising sabi niya sa akin.Napairap ako. "Sister Irene? Talaga ba, Angel?""Oo naman!" aniya, sabay kindat. "Bagay sa’yo. Mukha kang inosente pero m
Chapter 15KinabukasanMaaga kaming nagising upang pumunta sa mall dito sa Bicol. Tahimik ang paligid habang binabagtas namin ang kalsada sakay ng lumang kotse ni Angel. Ang init ng umaga ay unti-unting sumisikat, pero hindi nito maalis ang bigat sa dibdib ko.Gusto kong isipin na ligtas ako, pero alam kong hindi pa tapos ang laban."Anong iniisip mo?" tanong ni Angel nang mapansin ang pananahimik ko."Si Salvatore," maikli kong sagot.Natahimik siya. Alam naming pareho kung anong klaseng tao si Salvatore. Kung may isang assassin na hindi dapat kinalaban, siya ‘yon. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagpatay, kundi dahil wala siyang prinsipyo.Si Angel at ako, kahit paano, may sinusunod na golden rule—hindi pumapatay ng inosente. Pero si Salvatore?Wala siyang pakialam.Para sa kanya, ang bawat buhay ay isang bayaring cheque.Kaya alam kong hindi siya titigil hangga’t hindi niya ako nahahanap."Leona…" malalim ang buntong-hininga ni Angel. "Bakit mo nga ba siya inaway?"Napangiti ako
Chapter 14Leona POVTahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana habang binabagtas namin ang mahabang daan papasok sa isang hindi mataong probinsya sa Bicol. Madilim na ang paligid, at tanging ang ilaw ng sasakyan ni Angel ang nagsisilbing gabay namin sa kalsada.Matagal na biyahe ito, pero hindi ko ininda ang pagod. Mas importante ngayon na makalayo ako hangga’t kaya ko.Naramdaman kong sumulyap sa akin si Angel. "Sigurado ka bang dito mo gustong magtago?" tanong niya.Tumango ako. "Oo. Walang makakakilala sa akin dito. At mas lalong hindi niya maiisip na nandito ako."Hindi na siya nagtanong pa. Kilala niya ako. Alam niyang kapag sinabi kong hindi ako mahuhuli, gagawin ko ang lahat para matupad ‘yon.Pagdating namin sa isang maliit na bahay na parang matagal nang walang nakatira, agad akong bumaba at sinipat ang paligid. Tahimik, walang tao, at malayo sa kahit anong pwedeng pagmulan ng gulo."Sino may-ari nito?" tanong ko."Kaibigan ko. Dating sundalo. Wala na siya rito, nasa
Chapter 13Angel POVTahimik lang ako habang pinapadalas ang pagpiga sa manibela. Kilala ko si Leona—hindi siya madaling matinag. Pero ngayon, para siyang ibong pilit lumalayo sa isang aninong hindi niya matakasan."Leona," muling basag ko sa katahimikan. "Alam mong hindi kita pipilitin. Pero hindi ako tanga. Kung hindi ex mong silahis, edi ‘yung lalaking ‘yon talaga ang dahilan."Hindi siya sumagot. Imbis, lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa backpack niya, para bang handa siyang tumakbo anumang oras."Anong meron sa kanya?" diretsahan kong tanong.Dahan-dahan siyang tumingin sa akin, at doon ko nakita ang bahagyang pagdadalawang-isip niya. Hindi lang takot ang nasa mata niya—may kung anong emosyon na mas malalim pa roon.At tangina, hindi ko gusto ‘yon."Angel," aniya, malalim ang buntong-hininga. "Hindi ko alam.""Gago ka ba? Paano mong hindi alam?" inis kong sagot, pilit kinakalma ang sarili. "Leona, hindi ka duwag. Hindi ka umaatras nang ganito, lalo na sa isang lalaki
Chapter 12Leona POVHindi ko alam kung paano ako nakalayo nang hindi niya ako nahuli. Pero ang isang bagay na sigurado ako—hindi ako dapat magpakita sa kanya muli.Nasa loob ako ng isang maliit na kwarto sa inuupahan kong apartment, nakaupo sa kama at mahigpit na hawak ang cellphone ko. Nanginginig pa rin ang kamay ko habang tinitingnan ang call logs ko. Wala akong natanggap na tawag mula sa hindi kilalang numero, pero alam kong hindi pa siya titigil.Dapat ay mas naging maingat ako.Nang marinig ko mula sa manager ko na may lalaking naghahanap sa akin, hindi na ako nag-aksaya ng oras. Sinabi kong hindi muna ako papasok at agad akong nag-empake. Hindi ko puwedeng ipagsapalaran ang lahat.Mabilis akong tumayo at naglakad papunta sa bintana. Luminga-linga ako sa labas, sinisiguradong walang itim na sasakyan na nakaparada malapit.Wala.Huminga ako nang malalim. Pero hindi ibig sabihin noon na ligtas na ako.Alam kong matalino siya. Hindi siya basta-basta susuko.Ang lalaking iyon… may