Kinabukasan ay namumugto ang mata ni Gretchen at kinatkatan siya ng sermon dahil sa pagtakas nito. Hiyang hiya daw ang kanyang tito dahil sa nangyari.
“Bakit po kasi ninyo ako pinipilit na makipag-date sa kung kani-kanino? Hindi ko po planong mag-asawa ng mayaman.”Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Gretchen na halos ikayanig ng kanyang buong katawan. Galit na galit si Angelo.“Angelo, ano ba?”“Alam mo bang ipinahiya ako ng anak mo? Tinakasan niya ako kagabi. Nakakahiya kay Mr. Cheng.”“Gretchen!”“Mama, listen to me. Hindi ko pa naman po balak mag-asawa, Mama. At saka, Mama…” Tinitigan ng masama ni Gretchen ang lalaki. Humagulgol ito. Nanginginig siya sa takot ngunit lakas-loob niyang sinabi ang nangyari ng nagdaang gabi.“What?”“Mama, pinasok ako kagabi ni Tito Angelo sa kuwarto ko. Mama, are you listening to me?” Hindi halos makakilos si Gretel sa kanyang kinatatayuan.“Uy, Gretchen, maghinay-hinay ka sa mga salita mo. Sinungaling ka!” Sinampal muli ni Angelo si Gretchen at walang emosyon na nakatayo lang ang ina. Sinampal rin siya ni Gretel.
“Mama?”
“Kung masama ang loob mo sa tito mo, hindi mo kailangang gumawa ng kuwento upang siraan siya.”“Mama, I am telling you the truth.” Sinampal muli ni Gretel ang anak.
Dinig na dinig ng tatlo niyang kapatid na babae ang mga sinabi niya. Galit nag alit na lumapit si Angelica sa kanya at sinabunutan siya. Hawak naman ni Angel si Angela habang hawak nito ang kanyang tiyan.
“Hindi ganyan si Papa,” pagtatanggol ni Angela. “Bawiin mo ang sinabi mo,” pakiusap naman ni Angel. Galit rin ito kay Gretchen.“Hindi ko pagnanasaan ang katawan mo , Gretchen. Masyado kang ambisyosa. Hindi ikaw ang tipo kong babae at tapat ako sa iyong ina. Mahal ko si Gretel kaya inangkin na rin kitang anak kaya huwag kang baliw,” sabi ng ama.
“Get out of this house, Gretchen.”“Mama…”“Get out of this house NOW!” sigaw ng ina. Itinulak niya ito at tinalikuran niya si Gretchen habang nakalupasay ito sa sahig.“Basahan ka talaga! Dapat sa iyo, ganito ang ginagawa!” Nagpupuyos sa galit na inginudngod ni Angelica ang mukha ni Gretchen sa sahig.Sinikap ni Gretchen na tumayo at nagtungo sa kanyang kuwarto. Iyak siya ng iyak habang inililigpit ang kanyang mga gamit sa isang maleta.“Kahit magsumbong ka, hindi ka paniniwalaan ng kahit sinuman dito, Gretchen. Sige na. Bumigay ka na. I can give you that best experience in bed. Mababaliw ka rin sa akin tulad ng mama mo. Like mother, like daughter.” Kinikilabutan talaga siya kapag naaalala ang mga salitang iyon mula sa kanyang step-dad.Walang pumigil sa kanya ng lumabas siya ng mansion.“Siguraduhin mong hindi ka na muling aapak sa pamamahay na ito kapag umalis ka.” Pagbabanta ni Angelica.“Who wants to be one with the Baker? And you think you can get even with me. NO! Hindi mo ako kaya, Angelica. Malaki ang pagkakaiba natin kaya huwag mo akong igagaya sa iyo. You’re a professional escort. Get it!”Napatunganga lang si Angelica. Hindi niya naintindihan ang sinabi ni Gretchen. Kaagad niyang kinuha ang kanyang cellphone ang nag-search. Doon lang niya napagtanto kung ano ang ibig sabihin nito.“Walanghiyang babae iyon ah! Ginawa pa niya akong prostitute.” Hindi naman napigilan ni Angela ang tawa.Ngunit nagulantang ang magkapatid ng mapansin nila ang isang magarang kotse na pumarada sa mismong harapan ng mansion nila.“And who is this?”Ipinagbukas pa ng pinto ang lalaki kaya nagkatinginan ang magkapatid. Lumabas ang isang makisig na lalaki sa kotse. Matangkad ito at tunay na magandang lalaki. Inayos niya ang kanyang necktie at coat.Tamang tama namang nagbukas din ang pinto si Angelo.“Mr. Cheng?” Gulat na gulat itong lumapit sa lalaki at dali-daling nakipagkamay.“Good morning, Sir Angelo.”“Naku, nabigla naman ako sa pagdating ninyo. What brings you here?” Tiningnan ni Ivan ang mga babae sa kanyang harapan.“Who are they?”“Mga anak ko po, Sir Ivan. Si Angelica at Angela.”“Hello, Sir Ivan. Good morning po.” Kumaway ang mga babae at magalang na bumati sa lalaking hindi halata ang edad nito na halos kuwarenta na. Sabay na iniabot ng dalawa ang kanilang mga kamay ngunit hindi nakipagkamay ang lalaki.“Dito po tayo sa loob.” Sumama naman ang lalaki sa loob ngunit halatang may hinahanap. “What do you like? Whisky or brandy?”“I want to see your eldest daughter.”Pagkarinig nito ay agad na lumapit si Angelica at nagpa-cute sa harapan nito.“Present! I am the eldest.” Sinutsutan siya ni Angela. Nakalimutan nitong bigla kung paano kumilos ang isang dalagang Pilipina.Tinitigan siya ni Ivan mula ulo hanggang paa at hindi siya makapaniwala ng bigla pa itong umikot.“Siya ba?” Hindi maintindihan ni Angelo kung sino ang tinutukoy ni Ivan.“Yes, ako nga po ang eldest daughter ni Papa.”Nilagok ni Ivan ang alak na inilagay sa kanyang baso. Umiling itong bigla.“Poor thing! What do you think of me? Bakit mo ako idi-date sa ganitong klaseng babae?” Natulala si Angelica. Nanlaki ang mga mata ni Angelo.“Sir Ivan…”“Siya ba si Gretchen? Walang sinumang babae ang may karapatang hindi ako siputin sa araw ng aming date. Hindi ba niya ako kilala? I am the wealthiest man, Angelo. And you know why I am here.”“Angelo? Anong ibig sabihin nito?”“I came to get, Gretchen. Malaki ang utang ni Angelo sa akin and he promised to give me the collateral.”“Anong akala mo sa anak ko, pambayad utang mo? Bakit hindi mo ibigay ang isa sa paborito mong anak? Bakit ang anak ko pa? Walanghiya ka talaga!”Doon lang naintindihan ng lahat ang buong sitwasyon. Lahat ay hindi halos makapaniwala sa mga sinabi ni Ivan.Nakasangla na ang mansion at sa loob ng tatlong buwan ay puwede silang mapaalis doon kapag hindi nila naiharap si Gretchen kay ivan.Nakayuko lang si Angelo. Malalagay siya sa alanganin lalo na ang negosyong matagal niyang iningatan. Mula pa ito sa namatay niyang asawa.“Why don’t you tell me kung nasaan si Gretchen?” bulong ni Angelo kay Gretel.“Bakit hindi mo hanaping mag-isa? Tutal ikaw ang may kailangan sa kanya.”Masama ang loob ni Gretel dahil sa nangyari. Hindi na niya nakausap ang anak bago ito umalis. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Sa kabilang banda, magiging ligtas siya sa kawalanghiyaan ni Angelo at hindi siya magiging kasangkapan nito sa kanyang mga kalokohan.Isa pang hindi inaasahang bisita ang pumasok sa loob kasama ang ilang mga alalay nito. Nahintakutan ang lahat dahil pakiramdam nila ay may giyerang magaganap.“SINO DITO SA MR. ANTHONY ENRIQUEZ?” tanong ng matanda. May tungkod na ito ngunit buo ang boses at hindi halata ang katandaan sa kanyang boses. Maginoo ngunit astig ang dating.“Tatawagin ko lang po.” Mabilis itong pumasok at sinundan ang lalaki sa loob ng opisina ni Anton.Tumayo kaagad si Anton at sinalubong ang matanda. Iniabot nito ang kanyang kamay ngunit hinawi ito gamit ang tungkod. Inilapit ang kanyang mukha nang malapitan.“Hmmm, ikaw si Anton.” Sinipat-sipat niya ang lalaki. Inikutan niya ito at tiningnan mula ulo hanggang paa kahit paika-ika na itong maglakad habang nakatungkod.“Kilala mo ba ako?”“Yes, Sir. Kayo po ang may – ari ng buong building na ito.” Tumango-tango ang matandang don.“Good! But there is one thing I want to warn you about.” Nakinig mabuti ang binata.Si Mr. Esteban ang may-ari ng Skycraper Tower.
Tahimik na ang sitwasyon ng dumating si Clementine. Naka-lock ang pinto ng opisina ni Anton at walang nakapasok sa loob kahit anong katok nito.“May nangyari ba kanina?” Nakatalikod ang boss’ chair ni Anton at makalat sa loob. Nagkibit-balikat lang ang staff.Busy ito sa kanyang ginagawa. Hindi rin sila naglalakas ng loob na sabihin nito ang nangyari kanina dahil alam sa buong department na may gusto siya sa boss nila. Wala siyang narinig na alingasngas. Kahit si Margaux ay busy sa kanyang ginagawa ng silipin niya ito.Maagang umalis si Anton at hindi man lang niya ito nakausap. Nadatnan niyang konti pa lang ang tao sa club ng oras na iyon. Kenny G ang musikang pumailanlang sa buong lugar.Pag-upo niya ay inabutan siya kaagad ng bartender ng martini. Tinungga niya kaagad ang laman ng shotglass. Nakailang inom ay niluwagan na niya ang kanyang necktie. Napailing siya sa tuwing maaalala ang pagsugod ni Gretchen.“Anglakas ng loob! Ako pa ang susugurin na parang ako ang may kasalanan!” Na
“Kumusta ka na, Gretel? Angtagal na nating hindi nagkita. Hindi mo ba ako na-miss?” Maraming beses ng nakakatanggap ng mga anonymous message ang babae ngunit hindi niya ito pinapansin.“May sorpresa ako sa iyo! SURPRISE!” Ilang minuto lang ay nagkaroon na ng alarma ng sunog.Nagsagawa ng arson investigation sa GK-Clinic. Lahat ay nasimula sa bodega ng mga basura. Imposibleng magkaroon ng short circuit or any faulty wiring dahil kagagawa lang nito. Besides, mahigpit si Don Ador at mga kalidad na inhenyero ang kanyang inupahan upang masigurong maiiwasan ang ganitong mga klase ng problema sa hinaharap.Walang makita sa CCTV ng mismong building na iyon kaya humingi ng tulong ang mga pulis sa mga katabing building na mayroong CCTV para sa mga footages sa pagitan ng oras na naganap ang sunog. Mabilis na pinakilos ang mga imbestigador upang malutas kaagad ang kaso.Wala namang taong kahina-hinala ng araw na iyon. Tiningnan isa-isa ang attendance nila ngunit may absent pala. Iyon ang kanilang
Tiningnan ng doktor ang chart ng lalaki. Nakaupo na si Anton sa kanyang kama at bahagyang hinilot ang kanyang braso. Nanibago siya sa pagbuhat sa bata. Pina-x-ray pa kasi siya para makasiguradong walang malalang injury sa kanya.“Sir, okay na po ba ang pakiramdam ninyo?” tanong ng doktor.“Nothing serious.” tugon nito.“Puwede na rin po kayong ma-discharge ngayon. Leave the bill to us. It will be taken care of by GK Clinic.” paliwanag ng doktor.Hustong paalis na si Anton ngunit nagdadalawang – isip pa itong umalis. Nilingon niya ang kurtinang iyon. Nakatayo lang siya sa labas habang tila magulo sa katabing kama. Gusto rin sana niyang makita ang bata bago siya umalis ngunit nawalan siya ng lakas ng loob.Halos liparin ni Gretchen ang Ward Section kung saan dinala ang bata.“Bakit hindi ninyo siya dinala sa isang pribadong kuwarto?”“Hindi naman delikado ang nangyari sa kanya.” ani Gretel. “Kumusta po kayo, Mama? Hindi po ba kayo nasaktan?” Labis-labis ang pag-aalala nito sa ina lalo n
Hindi napuntahan ni Oakley si Tonia dahil marami itong ginawa. Nalaman na lang niyang hindi dumalaw si Gretchen sa ina ng ang bata mismo ang tumawag sa kanya.“Tito Oakley, is mommy there? When are you going to get me here?” Tinawagan niya si Gretchen ngunit nakapatay ang cellphone nito. Wala siyang nagawa kundi dalawin si Tonia.Gulat na gulat naman si Gretel ng makita ang lalaki sa bakuran ng mansion. Dinig ni Oakley ang pagsaway nito sa bata habang nakalublob ito sa tubig. Nasa likod-bahay sila dahil nagsu-swimming si Tonia kasama si George.“Ma’am, may bisita po kayo.” Iniwan na sila ng kasambahay.“Wala yata si Gretchen,” tanong ni Gretel.“Nasa clinic po siya.”“Oakley…” Seryosong tumingin si Gretel sa binata. “Alam kong matagal na kayo ni Gretchen. But you see, she had a daughter. Sa haba ng panahon na magkasama kayo, bakit hindi muna kayo magpakasal bago kayo magsama?”Hindi nakaimik si Oakley. Tiyak na iniisip ng kausap na hindi siya seryoso sa anak nito at baka ginagamit lan
Iniwasan ni Clem si Phoenix. Matagal nang gusto ng binata ang babae ngunit hindi rin siya nabibigyan ng pansin ng dalaga dahil si Anton lang talaga ang apple of the eye nito.“Alam mo Phoenix, huwag kang masyadong magpakahangal kay Clementine. Kay Anton lang umiikot ang kanyang mundo kaya hindi ka niya mapapansin.” Tinapat ni Margaux ang binata.Ipinagmamalaki kasi nito na crush niya si Clementine ngunit hindi naman ito siniseryoso ng babae. Sa kabila noon, hindi pa rin titigil ang binata upang makahanap ng tamang pagkakataon.Uminom ng alak ang babae kasama ni Phoenix. Nagpakalasing ito sa sobrang sama ng loob. Hindi sapat na nakaiyak na siya.“Ano bang kulang sa akin?” Nakayuko na si Clem at wala na sa sarili. Hawak niya ang bote ng alak.“Ipinagpipilitan mo kasi ang sarili mo sa kanya. Let go na kasi.”“Hindi naman ako si Elsa. Si Clementine ako.”“Oh! my darling, Clementine.” Muntik nang kantahin ni Phoenix ang sinabi niya. “Tama na kasi ang inom, halika na. Ihahatid na kita!”“Ay