Home / Romance / ONE PERFECT WEDDING DAY / Chapter 5: ONE UNFORTUNATE GROOM

Share

Chapter 5: ONE UNFORTUNATE GROOM

Author: Bb.Taklesa
last update Last Updated: 2022-06-01 00:25:07

Samantala, naging abala si Anton sa stag party na inihanda ng kanyang mga kaibigan. Dalawang araw na lang ay ikakasal na siya. Masayang masaya siya sa desisyon na iyon. Sa dinami-rami ng kanyang naging girlfriend, he found the one atlast.

Ngunit para sa malapit niyang kaibigan na si Aldwin ay nakahanap daw siya ng katapat sa kapipili ng kapipili ng babae na papasa sa kanyang standard.

Sa sobrang ganda ng kanyang girlfriend ay nagmumukha siyang alalay nito. Nagiging sunud-sunuran siya sa mga kagustuhan nito ngunit nilunok ni Anton ang kanyang pride.

“Mahal na mahal ko kasi siya, Pare.”

“Siguradong-sigurado ka na ba talaga sa kanya?” Tumango si Anton.

He fell in- love at first sight with Pauline. Sa kanya niya nakita ang kanyang forever. Matagal kasing na-confine si Anton ng maaksidente siya sa drag racing. Malapit na sana siya sa finish line ng magloko ang kanyang makina at hindi na niya makontrol ang kanyang minamanehong sports car.

Si Pauline ang nagtiyagang nag-alaga sa kanya hanggang sa tuluyan siyang gumaling at makalakad.  Lalo niyang minahal ang babae.

“Love, are you happy?” tanong ni Anton kay Pauline. Iyon ang palagi niyang tanong sa babae. Tahimik lang kasi ito simula ng magplano silang magpakasal. Hindi nito inaasahan ang marriage proposal na iyon sa ospital.

“Will you marry me, Pauline?” Hindi na rin nakatanggi ang babae. Maraming nakasaksi sa proposal na iyon. Matatanggihan ba niya ang anak ng may-ari ng hospital kung saan siya nagtatrabaho.

Siya na nga daw ang pinakamasuwerteng babae sa lahat. Hindi nila alam kung gaano kalaking problema ang kanyang kinakaharap.

“Sabihin mo lang sa akin kung mahal mo ako at hindi ka magsisisi.”

“Anong mababago kapag sinabi kong mahal pa rin kita? Ikakasal na ako.”

Naging banta ang marriage proposal na iyon upang kumilos rin si Archon. Matagal niyang tinikis ang babae. Iniwan niya ito dahil ipinagkasundo siya ng kanyang pamilya sa ibang babae. May anak na babae raw ang amiga ng kanyang ina. Matagal na nilang kasunduan iyon.

“Who is this woman?” tanong kanyang ina ngunit nawalan ng lakas ng loob si Archon. Hindi niya naipaglaban ang kanyang pagmamahal kay Pauline. Hindi pa nga niya maipakilala ang babae sa kanyang mga magulang sa tagal ng kanilang relasyon.

“Bigyan mo ako ng sapat na panahon, Pauline. Huwag mong gawin ito sa akin.”

“Anong gagawin ko, Archon? Ikaw ang nang-iwan sa akin. Kung magulo pa ang isipan mo hanggang ngayon, wala akong magagawa. Life your life and I can be on my own.”

Ngunit hindi rin tinantanan ni Archon si Pauline. Gumagawa ito ng paraan upang magkasarilinan sila ng babae. Siniguro niyang mahuhulog ito sa kanyang bitag upang hindi na rin niya ito mapakawalan.

“What are we going to do now?” Mahigpit na niyakap ni Archon si Pauline habang magkayakap sila sa dilim. Muling nangusap ang kanilang mga labi at sapat na para hindi matuloy ang kasal niya kay Anton.

Iyon ang naging huling pag-uusap nina Pauline at Archon. Naging abala silang pareho sa ospital. Sa Rehabilitation Department si Pauline at sa Pediatric Section naman si Archon.

Habang abala naman si Anton ay buong sigla pa rin nitong ginampanan ang kanyang tungkulin sa Advertising Company na kanyang pinamamahalaan. May oras pa rin siyang tawagan ang kanyang fiancée.

“Hello, Sweetheart.” May energy pa siyang sunduin ito sa hospital.

“Marami ka bang ginawa sa ospital ngayon? Pagod ka ba?” tanong pa ni Anton. Umiling lang si Pauline.

“Huwag mo na lang akong pansinin?”

“Are you nervous? Don’t worry, I’ll be the gentlest man in bed with you,” bulong nito sa babae,

“Don’t be naughty, Anton.” Saka siya tinitigan nito. Tumulo ang luha ni Pauline.

“What’s wrong, Pauline?” Umiling lang siya at niyakap ng mahigpit ang lalaki. Hindi niya masabi ang totoo.

Pag-alis ni Anton ay tinanggap niya ang tawag mula kay Archon.

“Buntis ako, Archon. Anong gagawin ko?”

Pagkatapos ng dalawin ni Archon ang huling bata niyang pasyente ay dumiretso siya sa apartment ni Pauline. Hindi niya napigilan ang labis na pananabik sa babae. Niyakap niya ang babae at ginawaaran ng kiss sa labi. Sabay silang umakyat at pumasok sa loob ng kuwarto.

“Please take care of yourself. Huwag kang nagpupuyat. Don’t cry. Dapat palagi kang masaya. Malulungkot ang baby natin kapag malungkot ang mommy.”

“Anong gagawin natin? Paano ko sasabihin kay Anton?”

“Let me handle, Anton.”

Walang inalala si Pauline sa buong preparasyon ng kanilang kasal ni Anton. Si Anton ang bahala sa lahat. Uuwi daw ang kanyang mga magulang upang makilala nila ang groom.

Tatlong araw na lang bago ang kasal lalong naramdaman ni Anton ang sobrang excitement. Biniro siya ng mga kaibigan na siguraduhin na malakas ang kanyang resistensiya upang makayanan ang pagod sa kanilang honeymoon.

Tinitigan ni Anton ang dalawang plane ticket na bigay ng kanyang ina. A ticket for two patungong Mexico.

“Where did you find this place River of Maya Island?”

“Bakit mo pa ba itinatanong? Puntahan na lang ninyo for your honeymoon.”

“Thanks, Ma.”

“Anton…”

“Ma, I don’t wanna talk about it. Ang mahalaga ay sigurado kong dadalo sa kasal namin si Pauline. Her parents will be here tomorrow.”

“Anton…” seryosong tawag ng ina.

“I love Pauline. I love her. Hindi ko ikinahihiya ang trabaho ni Pauline kahit isa siyang physical therapist.”

“Anton…”

“Mahal ko si Pauline. I am proud of her. Sinamahan niya ako sa panahong gusto ko nang sumuko. Kung hindi dahil sa kanya, for sure, I’ll be in my wheelchair for the rest of my life.”

“Ang sa akin lang naman…”

Tinalikuran na ni Anton ang ina. Hindi na niya pinatapos ang sinasabi ni Danes. Malaki naman talaga ang ipinagbago ni Anton simula ng maging sila ni Pauline. Nagkaroon ng direksyon ang buhay niya at natuto siyang mangarap na bumuo ng kanyang pamilya. He started to become responsible.

Ngunit ang inasahan ni Anton ang masayang kasal nila ni Pauline ng araw na iyon ay ang araw na hindi niya makaklimutan. Hindi sumipot ang bride at the very last minute.

“Sorry, Anton.”

“WHY?”

Umalingawngaw ang boses ng hinagpis ni Anton sa loob ng simbahan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ONE PERFECT WEDDING DAY   CHAPTER 33: CRAZY THINGS IN LIFE

    Isa pang hindi inaasahang bisita ang pumasok sa loob kasama ang ilang mga alalay nito. Nahintakutan ang lahat dahil pakiramdam nila ay may giyerang magaganap.“SINO DITO SA MR. ANTHONY ENRIQUEZ?” tanong ng matanda. May tungkod na ito ngunit buo ang boses at hindi halata ang katandaan sa kanyang boses. Maginoo ngunit astig ang dating.“Tatawagin ko lang po.” Mabilis itong pumasok at sinundan ang lalaki sa loob ng opisina ni Anton.Tumayo kaagad si Anton at sinalubong ang matanda. Iniabot nito ang kanyang kamay ngunit hinawi ito gamit ang tungkod. Inilapit ang kanyang mukha nang malapitan.“Hmmm, ikaw si Anton.” Sinipat-sipat niya ang lalaki. Inikutan niya ito at tiningnan mula ulo hanggang paa kahit paika-ika na itong maglakad habang nakatungkod.“Kilala mo ba ako?”“Yes, Sir. Kayo po ang may – ari ng buong building na ito.” Tumango-tango ang matandang don.“Good! But there is one thing I want to warn you about.” Nakinig mabuti ang binata.Si Mr. Esteban ang may-ari ng Skycraper Tower.

  • ONE PERFECT WEDDING DAY   CHAPTER 32: DILEMMA EVERY WHERE

    Tahimik na ang sitwasyon ng dumating si Clementine. Naka-lock ang pinto ng opisina ni Anton at walang nakapasok sa loob kahit anong katok nito.“May nangyari ba kanina?” Nakatalikod ang boss’ chair ni Anton at makalat sa loob. Nagkibit-balikat lang ang staff.Busy ito sa kanyang ginagawa. Hindi rin sila naglalakas ng loob na sabihin nito ang nangyari kanina dahil alam sa buong department na may gusto siya sa boss nila. Wala siyang narinig na alingasngas. Kahit si Margaux ay busy sa kanyang ginagawa ng silipin niya ito.Maagang umalis si Anton at hindi man lang niya ito nakausap. Nadatnan niyang konti pa lang ang tao sa club ng oras na iyon. Kenny G ang musikang pumailanlang sa buong lugar.Pag-upo niya ay inabutan siya kaagad ng bartender ng martini. Tinungga niya kaagad ang laman ng shotglass. Nakailang inom ay niluwagan na niya ang kanyang necktie. Napailing siya sa tuwing maaalala ang pagsugod ni Gretchen.“Anglakas ng loob! Ako pa ang susugurin na parang ako ang may kasalanan!” Na

  • ONE PERFECT WEDDING DAY   CHAPTER 31: CONFRONTING ANTON

    “Kumusta ka na, Gretel? Angtagal na nating hindi nagkita. Hindi mo ba ako na-miss?” Maraming beses ng nakakatanggap ng mga anonymous message ang babae ngunit hindi niya ito pinapansin.“May sorpresa ako sa iyo! SURPRISE!” Ilang minuto lang ay nagkaroon na ng alarma ng sunog.Nagsagawa ng arson investigation sa GK-Clinic. Lahat ay nasimula sa bodega ng mga basura. Imposibleng magkaroon ng short circuit or any faulty wiring dahil kagagawa lang nito. Besides, mahigpit si Don Ador at mga kalidad na inhenyero ang kanyang inupahan upang masigurong maiiwasan ang ganitong mga klase ng problema sa hinaharap.Walang makita sa CCTV ng mismong building na iyon kaya humingi ng tulong ang mga pulis sa mga katabing building na mayroong CCTV para sa mga footages sa pagitan ng oras na naganap ang sunog. Mabilis na pinakilos ang mga imbestigador upang malutas kaagad ang kaso.Wala namang taong kahina-hinala ng araw na iyon. Tiningnan isa-isa ang attendance nila ngunit may absent pala. Iyon ang kanilang

  • ONE PERFECT WEDDING DAY   CHAPTER 30: COVER UP

    Tiningnan ng doktor ang chart ng lalaki. Nakaupo na si Anton sa kanyang kama at bahagyang hinilot ang kanyang braso. Nanibago siya sa pagbuhat sa bata. Pina-x-ray pa kasi siya para makasiguradong walang malalang injury sa kanya.“Sir, okay na po ba ang pakiramdam ninyo?” tanong ng doktor.“Nothing serious.” tugon nito.“Puwede na rin po kayong ma-discharge ngayon. Leave the bill to us. It will be taken care of by GK Clinic.” paliwanag ng doktor.Hustong paalis na si Anton ngunit nagdadalawang – isip pa itong umalis. Nilingon niya ang kurtinang iyon. Nakatayo lang siya sa labas habang tila magulo sa katabing kama. Gusto rin sana niyang makita ang bata bago siya umalis ngunit nawalan siya ng lakas ng loob.Halos liparin ni Gretchen ang Ward Section kung saan dinala ang bata.“Bakit hindi ninyo siya dinala sa isang pribadong kuwarto?”“Hindi naman delikado ang nangyari sa kanya.” ani Gretel. “Kumusta po kayo, Mama? Hindi po ba kayo nasaktan?” Labis-labis ang pag-aalala nito sa ina lalo n

  • ONE PERFECT WEDDING DAY   CHAPTER 29: IT'S GRETCHEN

    Hindi napuntahan ni Oakley si Tonia dahil marami itong ginawa. Nalaman na lang niyang hindi dumalaw si Gretchen sa ina ng ang bata mismo ang tumawag sa kanya.“Tito Oakley, is mommy there? When are you going to get me here?” Tinawagan niya si Gretchen ngunit nakapatay ang cellphone nito. Wala siyang nagawa kundi dalawin si Tonia.Gulat na gulat naman si Gretel ng makita ang lalaki sa bakuran ng mansion. Dinig ni Oakley ang pagsaway nito sa bata habang nakalublob ito sa tubig. Nasa likod-bahay sila dahil nagsu-swimming si Tonia kasama si George.“Ma’am, may bisita po kayo.” Iniwan na sila ng kasambahay.“Wala yata si Gretchen,” tanong ni Gretel.“Nasa clinic po siya.”“Oakley…” Seryosong tumingin si Gretel sa binata. “Alam kong matagal na kayo ni Gretchen. But you see, she had a daughter. Sa haba ng panahon na magkasama kayo, bakit hindi muna kayo magpakasal bago kayo magsama?”Hindi nakaimik si Oakley. Tiyak na iniisip ng kausap na hindi siya seryoso sa anak nito at baka ginagamit lan

  • ONE PERFECT WEDDING DAY   CHAPTER 28: MIGHTY DECISION

    Iniwasan ni Clem si Phoenix. Matagal nang gusto ng binata ang babae ngunit hindi rin siya nabibigyan ng pansin ng dalaga dahil si Anton lang talaga ang apple of the eye nito.“Alam mo Phoenix, huwag kang masyadong magpakahangal kay Clementine. Kay Anton lang umiikot ang kanyang mundo kaya hindi ka niya mapapansin.” Tinapat ni Margaux ang binata.Ipinagmamalaki kasi nito na crush niya si Clementine ngunit hindi naman ito siniseryoso ng babae. Sa kabila noon, hindi pa rin titigil ang binata upang makahanap ng tamang pagkakataon.Uminom ng alak ang babae kasama ni Phoenix. Nagpakalasing ito sa sobrang sama ng loob. Hindi sapat na nakaiyak na siya.“Ano bang kulang sa akin?” Nakayuko na si Clem at wala na sa sarili. Hawak niya ang bote ng alak.“Ipinagpipilitan mo kasi ang sarili mo sa kanya. Let go na kasi.”“Hindi naman ako si Elsa. Si Clementine ako.”“Oh! my darling, Clementine.” Muntik nang kantahin ni Phoenix ang sinabi niya. “Tama na kasi ang inom, halika na. Ihahatid na kita!”“Ay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status