PAULIT-ULIT na umaalingaw-ngaw sa kaniyang isip ang pagtangging iyon ng dalaga. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit pa niya pinag-aaksayahan ng oras upang isipin ang babaeng iyon.
'Ha! Akala mo napakaganda! Kung makapagsalita. Tsk!'
Para siyang tangang kinakausap ang sarili. Hindi niya kayang aminin na may babaeng tumanggi sa kaniya. Dahil iyon ang unang beses! Samantalang… ha!
'Hindi ba niya alam na babae ang humahabol sa akin?! Ni hindi ko na nga kinakailangang bayaran ng ganoon kalaking halaga! Sila mismo gusto akong makasama! Pero siya?! Sampung milyon! Tinanggihan niya?!'
'Teka nga! Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Hayssss! Grabe kang babae ka!'
Sa sobrang inis ni Norman ay naihagis niya ang unan. Simula kasi nang makausap niya kanina si Sunshine ay para na siyang siraulo. Pilit na umuukilkil sa kaniyang balintataw ang malungkot nitong mga mata. Hanggang sa makarating na nga lang siya sa suite na inookupahan niya ay ito pa rin ang laman ng isip niya.
Naupo siya buhat sa pagkakahiga sa kama at sinabunutan ang sarili pagkakita sa orasan na nasa dingding. Alas tres na ng madaling araw at hindi pa rin siya makatulog.
Bahagya siyang napatigil at…
"I swear! Ikaw mismo ang lalapit at magmamakaawa sa akin!" aniya na itinaas pa ang hintuturo.
Napangisi siya sa kaniyang naisip. Kapagdaka'y muli siyang nahiga hanggang sa siya'y makatulog.
IMPIT NA UNGOL ang pinakawalan ni Norman nang maalimpungatan kinaumagahan dahil sa naririnig niyang sunod-sunod na pagtunog ng kaniyang cellphone, ngunit tinatamad siyang sagutin iyon.
Nakadapa habang yapos ang isang unan, inis na iminulat niya ang isang mata nang hindi pa rin tumitigil sa pagtunog ang kaniyang tawagan. Sinilip ang oras, ala una. Tiningnan niya ang bintana at kita sa bahagyang pagkakahawi ng kurtina ang tirik na araw sa labas na bahagyang nababanaag dahil sa siwang, ibig sabihin tanghali na, pero inaantok pa rin siya.
Kinapa niya sa side table ang telepono upang sagutin iyon.
"Hoy, 'insan! Wala ka bang balak mag-lunch? Tara na rito! Sabayan mo ako!" nakasinghal na bungad ni Lowelle.
"Mag-lunch kang mag-isa, inaantok pa ako," patamad niyang sagot dito.
"Puyat ka?! Bakit? Siguro may dinala kang chicks d'yan, ano?!"
"Get lost, Lowelle."
"Oh, bakit? Eh, maaga pa no'ng umalis ka sa resto kagabi, ah? Kung wala kang nabingwit na babae, bakit ka puyat?"
"Gg! Bakit? Hindi ba pwedeng hindi lang agad nakatulog kaya napuyat, ha? Ha? Ha? Ha?"
Malakas na halakhak ang isinagot sa kaniya nito na mas ikinairita niya. "Sige na sige na at mukhang puyat ka nga."
Ibinato ni Norman ang telepono nang mawala na sa kabilang linya ang kaniyang pinsan, saka muling isinubsob ang mukha sa unan at muling natulog.
Nang magising siya ay madilim nang muli sa labas. Nag-inat siya ng mga braso at bumangon sa pagkakahiga. Nagtatatalon muna nang ilang beses upang gisingin ang kaniyang dugo at diwa, bago hinagilap ang cellphone. Pagtingin niya ay may ilang messages siyang natanggap at missed calls? May limang tawag buhat sa kapatid niyang si Martin, dalawa galing rin kay Jasson, ang kanilang panganay at sa pinsang si Lowelle.
Binasa muna niya ang ilang mensahe roon.
Text message from:
'Hoy! You already skipped your brunch! Gumising ka na and have dinner!'
Recieved time: 6:22 pmText message from:
'Call me back…'
Received time: 5:30 pmText message from:
'Hey Norm, hindi mo sinasagot ang tawag namin ni Kuya, busy ba? Tumawag ka as soon as possible. Emergency.'
Received time: 5:25 pmIlan lamang iyan sa mga mensahe, hindi na niya binasa ang iba pa. Sinilip niya ang oras at napagtantong alas siyete na ng gabi.
Iiling-iling na naghagilap siya ng damit sa closet at nagtungo na sa washroom. Nang matapos ay saka siya lumabas ng suite at tinungo ang restobar.
"Tsk… tsk… tsk… grabeng tulog, ha? Sobrang pagod? Nakailang rounds ba?" salubong ni Lowelle sa kaniya pagkapasok niya sa opisina nito. Doon na kasi siya dumiretso at nagpahatid na lamang ng dinner.
"Anong rounds ang pinagsasabi mo r'yan? Itulad mo pa ako sa 'yo," kunot ang noong tugon ni Norman at naupo sa single sofa na malapit sa glass door ng beranda.
"Hahahaha! Hindi talaga tayo magkatulad! Masiyado kang mahina sa chicks!"
"Look who's talking?" aniya na tinaasan pa niya ito ng isang kilay. Dinampot niya ang isang malinis na wine glass na nasa center table at sinalinan iyon ng alak na nasa bucket.
Nakita niyang binitiwan ni Lowelle ang folder na binabasa at tinanaw siya buhat sa kinauupuan nito saka inihalukipkip ang mga braso sa dibdib at isinandal ang likod sa kinauupuan.
"Seriously, bakit nga pala isang buwan kang mag-i-stay rito? May tinataguan ka ba?" seryosong tanong ng pinsan niya.
Nilagok ni Norman ang alak saka inismiran ito. "Sino naman ang tataguan ko?" he asked.
"Then, what are you doing here?"
Tinapunan niya ito ng matalim na titig. Sa klase kasi ng tanong nito ay para bang hindi ito natutuwang nandito siya sa harapan nito.
"Hey, don't take it too serious. Wala akong masamang pakahulugan sa tanong ko, okay?" ani Lowelle.
"Tss… masama bang magliwaliw muna pagkatapos ng pagsusunog ng kilay? Nakakapagod din ang mag-aral nang mag-aral," he smirked.
"Ikaw naman kasi, kung nakapag-decide ka kaagad sa course na talagang gusto mo, eh, di sana ilang taon ka nang tapos."
"Aeronautics naman talaga ang gusto ko. Hindi lang iyon ang kinuha ko noong una dahil–" Hindi niya natapos ang sasabihin sana dahil nakita niya buhat sa glass door ang waiter na may dala ng pagkain niya. Tumayo siya at pinagbuksan ito.
Inayos ng waiter ang mga pagkain sa center table, habang nakamasid lamang siya. Maghapon siyang walang kain, pero para bang hindi siya natatakam sa masasarap na pagkaing nakahain sa harapan niya. Nakakasawa! Iyon ang pakiramdam niya sa hindi niya malamang dahilan.
Bumuntong-hininga muna siya bago umupo upang umpisahang tikman ang mga pagkain. Halos tinikman lang niya ang bawat putahe at ipinaligpit na iyon. All of a sudden he just lost his appetite.
"Pumasok ba siya?" wala sa loob na naitanong niya.
"Sino?"
"T-that girl!"
"Si Sunshine?"
"Who else?" iritado niyang sagot.
"Ha! Are you expecting her after I fired him?"
"Hindi na talaga siya pumasok, huh."
"Ikaw lang, ewan ko ba sa 'yo at iyon ang nakursunadahan mo. Umamin ka nga! May gusto ka sa kaniya, ano?" nanunukso ang mga tingin na tanong ng pinsan niya.
Pigil ang sariling napakamot siya sa kaniyang noo at pailalim na tiningnan ang pinsan.
"You know my type…" nakangiwi niyang tugon dito. Alam naman kasi ng pinsan niyang hindi siya attracted sa mga morena.
"Yah, but she's pretty and damn sexy! Kaya nga siya ang paborito ng mga parokyano rito. Kung iba nga lang ang ugali no'n, I mean kung mabilis lang masilaw sa pera 'yon, sa dami ng nag-aalok sa kaniya, mayaman na dapat 'yon."
"Iyong totoo, ikaw yata ang may gusto sa kaniya, eh?" nakangisi niyang tanong.
"Hindi ko itatanggi sa 'yo, noong una kong makita si Sunshine talagang natipuhan ko siya. Pero dahil nga sa ugali niya, mas nanaig ang respeto ko sa kaniya. Bukod doon mabait at magaling siyang makisama."
Tss… napapalatak na lang siya sa mga naririnig niya sa kaniyang pinsan. Dumaan pa ang ilang oras nang hindi nila namamalayan dahil sa kwentuhan ng kung anu-ano.
"Tara! Labas tayo, gusto kong magpahangin. I felt exhausted here," biglang aya sa kaniya ni Lowelle. Nakita pa niyang niluluwagan nito ang kurbata nang lingunin niya.
Sumunod siya rito nang lumabas ito. Nagtungo sila sa stage kung saan ginaganap ang fire dancing at mini concert bilang entertainment. Katatapos lang kumanta ng singer nang pum'westo sila sa harapan. Ina-announce na ng emcee ang susunod na magaganap at iyon ang fire dancing.
Natigilan siya nang tawagin na ng host ang grupo. Hindi niya maintindihan, pero umaasam siyang makikita niya sa mga ito ang babaeng iyon.
Pero nadismaya siya— dahil hindi na nila kasama ang babaeng gusto niyang makita.
Mag-isa lang ang dalagang nagpe-perform na kasama ng dalawang binata.
Maganda rin naman ito, magaling din…
Pero hindi niya maintindihan ang sarili. Wala siyang ganang manood, hindi tulad noong mga naunang araw na kasama pa ng mga ito ang Sunshine na iyon.
"SUNNYYYYY!!!""Daddy, daddy, wake up! Daddy!"Biglang naimulat ni Norman ang mga mata nang marinig ang matinis na boses na iyon, at maramdaman ang maliliit na mga kamay na gumigising sa kaniya. Gulat siyang napatitig sa napakagandang batang nasa kaniyang harapan. At ang napakaamo nitong mukha ang nagpakalma sa kaniyang kamalayan.Bumangon siya at mahigpit itong niyakap. "Thank you for waking me up, baby.""I hear you shouting. I was about to wake you up because breakfast was ready. Having a nightmare again, daddy?" matatas na tanong ng munting bata."Yes, a nightmare.""You didn't pray before you sleep, did you?""I did, baby.""Hmmm…" Ipinagsalikop ng paslit ang mga kamay sa dibdib na tila isang matandang pinag-aaralan ang kaharap."Okay, let's go downstairs. Mommy is waiting for us.""Your mom?""Yes, my mom, dad! My mom! What is wrong with you?" Nakataas ang isang kilay at bakas ang pagkairita sa mukha nito.Tila naman nabuhayan ng dugo si Norman, agad itong tumayo, hindi na alint
Naitungkod ng binata ang mga kamay sa mahabang mesa, kuyom ang mga kamaong nanginginig sa galit. Atsaka nito inihagis ang upuang nasa kaniyang gilid na lumikha ng pagkabasag sa maliit na glass table na tinamaan niyon.Madilim ang mukhang lumabas siya ng opisina. At kababakasan ng takot ang mga mukha ng bawat makasalubong niya."Master…" salubong sa kaniya ng tauhang si Clarence."Hanapin ninyo si Sunshine! I don't want to see your face until you found her!" dumadagundong ang boses na utos niya rito dahilan upang maagaw ang atensiyon ng mga naroon."Copy, master," ani Clarence bago pa man makasakay ang amo sa sasakyan. Mabilis ang kilos na nagbigay siya ng utos sa lahat ng tauhan.Nakarating si Norman sa opisina ni Jasson at naroon na rin ang iba pa niyang mga kapatid. Bakas ang pag-aalala ng mga babae, samantalang nananatiling kalmado lamang ang mga lalaki."Anong nangyari, kuya?" ani Emmanuelle pagkapasok na pagkapasok ng binata."They abducted Sunshine!""Nino?""Si Claire!""What?
“We're having a family dinner tonight,” bungad ni Norman. Nasa pinto ito ng kusina habang inaayos ang sleeve ng polo.Napalingon si Sunshine na abala sa paghahanda ng pagkain sa hapag. Nang matapos ay ipinunas nito sa suot na apron ang mga kamay saka iyon hinubad at lumapit sa binata.“Family d-dinner?” bakas ang kaba sa boses ng dalaga. Inayos nito ang kuwelyo at kurbata ng kasintahan.“Hmmm, gusto kang makita ni mama't papa.”“B-bakit daw?”“Ano bang klaseng tanong `yan? Of course, they wanted to meet you.” Inakbayan ni Norman si Sunshine at iginiya paupo sa magkatabing upuan. Siya na rin ang nagsalin ng pagkain sa plato nito bago inasikaso ang sarili.“K-kinakabahan kasi ako,” pag-amin ng dalaga. Totoong kinakabahan siya. Dahil sa unang pagkakataon ay makikita niya ang mga ito. May ilang impormasyon naman siyang naririnig tungkol sa mga magulang ng binata. At ayon sa mga naririnig niya ay talagang nagmula ang mga ito sa hindi basta-bastang pamilya.Ang alam niya ay kilalang makapan
“YOU can't do this to me, Norman!”“I'm sorry, Katie. I just wanted to be fair with you. Matagal na tayong wala at sa ating dalawa ikaw ang nakakaalala. I don't want to blame you. So please, just accept it. Si Sunshine ang mahal ko.”“No! You're just confused, honey. Please, don't do this. You love me, I know it. Kaya nga ako ang hinanap mo nang magkamalay ka, hindi ba?”“Siguro nga ikaw ang hinanap ko. Dahil ikaw lang ang naaalala ko. Siguro naman hindi ka manhid noong mga panahong pinaniwala mo akong nagkabalikan tayo. I never felt that I'm inlove with you.”“No, Norman. You loved me, and you still in love with me. Naguguluhan ka lang alam ko! Nang dahil sa babaeng 'yon kaya ka nagkakagan'yan! Gano'n ba siya kahusay sa kama, ha!? Sabihin mo! Baka mas magaling pa ako sa kaniya! Why don't you try me?!”“Watch your word, Katie. Sa ayaw at sa gusto mo hindi na matutuloy pa ang kasal natin. And that is final.” Tinalikuran ni Norman ang dalaga, ngunit mabilis siya nitong naharang at walan
Tinatamad na hinila ni Sunshine ang maleta habang papalabas ng SumSun Airline. Kalalapag lamang ng eroplanong kinalululanan nila sa airport ng Los Angeles, California. Kung gaano ka-excited ang mga kasama niya dahil sa oras na mayroon ang mga ito upang maglibot, ay siya namang daig pa ang nagluluksa. Na siya namang hindi nakaligtas sa kaibigang si Stan na kanina pa siya pinagmamasdan."Akin na nga `yan." Kinuha ni Stan ang maleta ng dalaga, binitbit iyon at hawak ang palad ng kaibigang iginiya ito sa paglalakad."Kung gusto mong umiyak, umiyak ka. Hindi gagaang iyang bigat na nararamdaman mo kung magpapanggap kang malakas."Nilingon lang ito ni Sunshine at matipid ang ngiting namutawi sa mga labi."Hays, ang swerte naman ng lalaking `yon. Sana ako na lang siya," aniya pa."Mas swerte naman ang babaeng nakalaan para sa `yo."Nagkibit-balikat lamang ang binata. Para kasi sa kaniya, ang dalaga ang gusto niyang makasama sa buhay."Nakita ko na ang babaeng nakalaan sa akin. Iyon nga lang
MABILIS na nagdamit si Norman at para itong hangin sa liksi ng paglabas nito sa suite. Bumaba siya sa 3rd floor kung nasaan ang kwartong inookupahan ni Sunshine, ngunit nakailang katok na siya ay wala pa ring nagbubukas niyon.Iritado na ang binata dahil sa mga bagay na gumugulo sa kaniyang isip. Ano ang ibig sabihin ng mahigit limang milyon na iyon? Iyong mga katagang bigla na lamang lumitaw sa kaniyang isip. Sino ba talaga si Sunshine sa buhay niya? Anong ibig sabihin nito kagabi?"Master." Nakayukod na bati ng isa niyang tauhan nang makasalubong niya ito sa lobby ng hotel."Nasaan ang iba pa? Nevermind, just tell them to find Sunshine, now!""Yes, master!""Nasaan ka na ba, Sunny?" usal niya habang iginagala ang paningin sa paligid.Lumabas ng hotel ang binata at nagtungo sa dalampasigan. Nagbabaka-sakaling makita roon ang dalaga. Naligo na siya sa sariling pawis at nalibot na niya ang resort pero ni anino ni Sunshine ay hindi niya matagpuan. Nakaramdam siya ng labis na kalungkutan