Share

ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)
ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)
Author: Iza Wan

Chapter 1: The Fire Dancer

“MAMANG, kumusta na ang pakiramdam mo?" Bumungad sa maliit na silid ang banayad na boses ng beinte dos anyos na si Sunshine pagpasok nito sa kwarto ng ina.

Agad na nilapitan ang ginang na nakaupo sa higaang yari sa papag at nakasandal sa dingding sa likod nito. Inayos niya sa pagkakasandal ang ina, nilagyan ng unan ang likod para maginhawahan ito.

"Ayos na, anak. Sige na, umalis ka na at huling-huli ka na sa trabaho mo. Nandiyan na rin naman si Espie, siya na ang bahala sa akin," pagtataboy Aling Aurora sa anak, pagkaraa'y bumunghalit ito ng ubo.

Napapabuntonghininga si Sunshine habang hinihimas ang likod ng ina. "Sige po. Pasensiya ka na, Mang. Gusto ko man na ako ang mag-alaga sa inyo, hindi naman ako pwedeng mag-absent. Nag-uumpisa na po kasing dumami ang mga turista, kulang na kulang pa sa tauhan ang restobar." Halata sa tinig ng dalaga ang pag-aalala. Kung pwede lang na mag-absent muna siya sa trabaho para lang maalagaan niya ang ina, ginawa na niya. Ang kaso, sayang ang isang araw na kikitain niya, malaking bagay din iyon para sa tulad niyang solong kumakayod para sa kanilang mag-ina.

Hinalikan ni Sunshine sa noo at sandaling umupo sa gilid ng higaan nito at niyakap ang ina.

"Ano ka ba? Maayos na nga ako. Sige na, lumakad ka na at siguradong masesermunan ka na ng boss mo."

"Oo nga, Ate. Umalis ka na. Ako na ang bahala kay Auntie Aura," bungad ni Espie nang pumasok ito sa silid, may bitbit itong gamot at tubig. Nakababata niya itong pinsan na anak ng Tito Roman niya na kapatid ng kaniyang ina. Ito ang napapakiusapan niyang magbantay sa ina kapag nasa trabaho siya.

"Salamat, Espie. Kapag may problema tawagan mo lang ako, ha? Ma, alis na po ako." Hinalikan niya itong muli at kinuha ang gamit bago lumabas ng silid nito.

"Mag-iingat ka, anak!" paos na habol ng ginang.

"Opo, ma!"

Nagmamadali siyang lumabas ng bahay at agad na pumara ng tricycle upang magpahatid sa Palacio Grande Hotel and Resort, kung saan siya nagtatrabaho bilang serbidora mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Tatlong oras siyang magpapahinga sa staff room kapag walang overtime. Pagsapit naman ng alas otso, ang pagiging firedancer naman ang inaatupag niya na tumatagal hanggang alas dose ng gabi.

Patakbo siyang pumasok sa resort nang huminto ang tricycle sa tapat ng gate niyon at nagmamadaling tinungo ang bar na nasa likod ng limang palapag na gusali.

"Shine! Bilisan mo!" Hinila siya ng kasamahang waitress nang makasabay siya nito sa pasilyo.

"You are almost one hour late, Ms. Valdez," salubong ang kilay na bungad sa kaniya ng kanilang manager na saktong kalalabas lang ng opisina nito.

"Ma'am, pasensiya na po talaga. Hindi ko lang po talaga maiwan agad si mamang kanina," paliwanag niya, dahil ang paalam lang niya ay kalahating oras lang siyang mahuhuli sa pag-aakalang huhupa agad ang hika nito.

0

"Naiintindihan kita, pero sana hindi na maulit. Lalo na ngayong papasok na ang peak season. Sige na, magtrabaho ka na." Tumalikod na ito at nagtungo sa kitchen upang silipin ang mga tauhan doon.

Agad siyang tumalima upang magtungo sa locker room. Itinabi ang gamit nang maisuot ang apron pagkakuha niyon, `saka mabilis na lumabas.

Inilinga niya ang paningin sa paligid ng resto bar. Mag-aalas diyes palang ng umaga pero marami na ang mga taong naroon. Kung tutuusin, may free breakfast naman ang hotel, pero mukhang mas trip ng mga ito na sa restobar na ito mag-agahan.

Nilapitan niya ang isang customer nang kawayan siya nito.

"Hi, Ma'am, Sir! Nice meeting you again," nakangiting bati niya sa apat na foreigner nang makalapit siya sa mga ito.

"That's great! You still remember us. That is why I always choose to stay here. Nice seeing you here again, Summer." Tumayo ang babaeng Briton at nakipagbeso sa kaniya.

"Ma'am, it's Sunshine not Summer," nakangiting pagtatama niya rito.

"I know, but I used to call you Summer. Would you mind calling you Summer?"

"Ahm, okay, Ma'am, if that is what you want. So, can I take your order now?"

Inilista niya ang mga order ng mga ito sa hawak na libreta at magalang na nagpaalam upang ipasa iyon sa counter.

Nang makalapit sa counter ay inilagay niya ang order slip sa maliit na bintana. Akma na siyang tatalikod nang tawagin siya ng isa sa kitchen staff.

"Shine, table 5 please." Inabot nito ang isang tray ng pagkain sa dalaga.

Pagkakuha niya sa tray ay masigla siyang lumapit sa table 5.

"Hi, Summer!" bati ng isa sa mga iyon.

"Hi, Mr. Greg! Welcome back, Sir!" bati ni Sunshine sa Canadian na naging regular customer na ng resort.

"And I'm glad that you're still here." Nakipagkamay ito sa kaniya at ipinakilala siya sa mga kasama pa nito.

Naging abala si Sunshine ng mga sumunod pang oras. Summer dito, Summer doon at nasanay na siyang tawaging Summer. Kung bakit? Wala siyang ideya kung bakit nga ba Summer ang bansag sa kaniya ng mga turistang nagpupunta roon.

Natapos ang oras niya sa pagiging serbidora. Pero kinailangan ng back up staff dahil talagang ang dami ng turista, kaya naman sa halip na itulog ni Sunshine sa staff room ang tatlong oras na bakante, kinuha na lang niya ang tiyansa ng overtime.

Nakaalpas lang siya sa trabaho nang dumating na ang pang-alas otsong waitress. May natitira pa siyang thirty minutes para makapagpahinga.

Nang makapagpahinga at makitang ilang minuto na lang ang nalalabi sa oras ay kinuha na niya ang bag sa locker, inilabas niya ang itim na string two piece na susuotin at nagtungo sa comfort room para magbihis.

Nakabalot siya ng roba nang lumabas sa banyo. Nadatnan niya ang mga kasamang fire dancer na nag-aayos na rin.

"Hi, Summer!" bati ng kaibigan at ka-partner na si Juny.

"Bakit ba Summer ang tawag n'yo sa 'kin?" nakaingos na tanong niya sa binata.

"Because you are hot as summer," anito na sinabayan pa ng pagkindat.

"Ewan ko sa 'yo, bilisan n'yo na nga."

Sabay-sabay na lumabas ang apat at tinungo ang lugar na pagsasayawan nila. Nasa pagitan iyon ng restobar at dagat, may katamtamang lawak ng entablado na nakalatag sa buhanginan. Sa gilid ng stage ay may mini bar para himdi na pumasok pa sa loob ng resto ang mga nais uminom.

Hinubad ni Sunshine ang suot na roba at dinampot ang tali ng fire ball nang tawagin na sila ng dj upang mag-perform matapos ang huling kanta ng guest singer.

Nang makaakyat ang kanilang grupo at mag-umpisa sa pagsayaw, nag-umpisa ring magpalakpakan at maghiyawan ang mga turistang nanatili upang panoorin sila.

Hindi magkamayaw ang mga manonood tuwing gagawa ng fire ball exhibition ang dalaga.

Matapos ang dalawang set ng tugtog ay nagpahinga ang grupo niya. Nasa kasarapan sila ng kwentuhan nang makarinig ng ingay buhat sa himpapawid. Tumingala ang mga ito at nakita ang chopper na pababa sa roof top ng hotel.

"Mukhang si Mr. Luther na iyan!" bulalas ni Eloisa na isang chambermaid sa hotel at suma-sideline rin bilang fire dancer.

"Sino 'yon?" tanong niya rito.

"Pamangkin iyon ng may-ari nitong resort. My God! Sana masilayan ko siya bukas!" bulalas nito na kinikilig pa ang katawan sa pagka-excite.

"Bakit ka kinikilig d'yan?" nagtatakang tanong niya.

"Paanong hindi kikiligin 'yan, basta pagdating sa mga Luther, parang sinisilihan ang pwet ng babaeng 'yan," pang-aasar ni Steven.

"Inggit ka lang dahil hindi ikaw ang kinakikiligan ko," nakalabing wika ni Eloisa. Muli itong bumaling sa kaniya. "My oh! My! Shine, kapag nakita mo lang ang kagwapuhan ng magkapatid na Luther, makalaglag panty!" tumitili at hindi ito magkamayaw sa pagyugyog sa kaniya na muntik na niyang ikahilo.

"Magtigil ka sa kahibangan mo, Eloisa. Kahit maghubad ka sa harap ng mga 'yon, hinding-hindi ka mapapansin ng mga Luther. Gumising ka na bago ka pa masaktan," ani Steven na kababakasan ng pagkairita ang boses.

"Shut up ka na lang kaya, 'no? Panira ka ng gabi."

"Bakit, Steven? Maganda si Eloisa para maging imposibleng magustuhan ng kahit na sino." Inakbayan niya ang kaibigan.

"Oo, maganda nga. Pero hindi ganiyang ganda ang tipo ng magkakapatid na 'yon. Lalo na si Norman."

"Tse!" Tumayo ang dalagang pinag-uusapan na tila napikon at iniwan sila.

Iiling-iling na sumunod na lamang ang tatlo para sa susunod na performance na gagawin nila.

SAKTONG lumabas ng banyo si Norman nang biglang may mag-doorbell. Hindi na siya nag-abalang magdamit, binalot lang niya ng tuwalya ang baywang nang lumabas ng silid at tunguhin ang pintuan upang pagbuksan ang nasa labas.

Tila naman natuka ng ahas ang dalawang chambermaid pagkakita sa binata. Napapalunok pa ang mga ito ng laway habang nakatingin sa matipuno at mamasa-masang katawan  na nakahantad sa kanilang harapan.

"Yes?" anang baritonong boses ni Norman na nagpagising sa diwa ng dalawa.

"Ah, sir, wine and foods courtesy of your uncle," wika ng medyo may pagka-chubby.

Iniawang niya ang dahon ng pintuan upang makapasok ang mga ito habang siya ay dumeretsong sa kaniyang silid.

Nagsuot lamang siya ng loose short at sando bago muling lumabas. Hindi na niya nadatnan doon ang dalawang empleyado. Kinuha niya ang wine na dala ng mga ito at kumuha ng kopita sa counter bar at tinungo ang terasa.

Buhat sa terasa na kinaroroonan, tanaw niya ang umpok ng mga taong nasa buhanginan at masayang pinapanood ang apat na fire dancer sa ibaba.

Natigil sa ere ang kopitang hawak ni Norman nang mag-umpisang umindak ang babaeng nasa stage, napako ang atensiyon ng mga manonood nang mag-solo number iyon. At maging ang atensiyon niya ay napukaw nito.

Malamyos ang bawat galaw…

... sumasabay ang indayog ng balakang ng dalaga sa bolang apoy na ipinaiikot-ikot niya sa magkabilang gilid. Dalawang bolang apoy na animo ginagwardiyahan ang dyosa na nang-aakit, sa gitna ng mga ito.

Patapos na ang tugtog nang tumalikod ito sa manonood upang gawin ang sa tingin niya ay ang huling stunt ng dalaga.

Natigilan si Norman kasabay ng tila paghinto ng kaniyang hininga dahil nakapaharap ito sa gawi niya. Wala sa sariling ipinatong niya ang mga braso sa balkonahe at inihilig ang sarili nang unti-unting lumiyad ang dalaga at mapatingin ito sa kinaroroonan niya.

He was on the fifth floor of the building. Malayo ang distansiya niya sa dalaga pero hindi niya maintindihan kung bakit pakiramdam niya, nakatitig ito sa kaniya kahit alam naman niyang hindi.

At nang lumiyad ang dalaga patalikod, dahilan para mas ma-expose sa paningin niya ang katawan nito, hindi niya napigilan sa pag-angat ang gilid ng bibig.

Damn those curves.

Hindi ito maputi. Kung tutuusin, kayumanggi ang kulay nito. Pero kumikinang sa dilaw na mga bumbilya ang morenang kutis ng babaeng pinagkakaguluhan na sa ibaba.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status