Mag-log inGabby's POV
No'ng nagpaulan siguro ang Diyos ng kagandahan ay nasa itaas ako at nagdo-donate sa madla. Sino ba naman kasing mas gaganda pa sa'kin gayong isang Peejay Jimenez na mismo ang dumayo ng punta sa subdivision namin para lang ayain ako maging prom date n'ya?
At hindi lang iyon!
Pinuntahan ako ni Peejay sa classroom ko kinabukasan para ayaing kumain ng lunch. Sabi n'ya s'ya naman daw ang taya. Hindi makapaniwala ang lahat ng estudyante habang pinagmamasdan akong umalis habang akbay ng isang Peejay Jimenez.
Siguro nga at parang Balyena ako sa laki pero ako na yata ang pinakamagandang Balyena ng karagatan!
Ilang beses naulit ang mini dates namin ni Peejay hanggang sa isang laro nila sa gymnasium—sa harap ng lahat ng estudyante ng Loarte Academy—lumuhod sa harapan ko si Peejay Jimenez at nagtapat ng feelings n'ya sa akin.
"Gabby, I know that we only met two weeks ago, but it feels like I've known you for years. I never thought I'd feel this way about anyone, especially not this quickly..."
Saglit s'yang tumigil para titigan ako sa mga mata. Para namang tambol na dumagundong ang puso ko sa sobrang saya.
"Will you be my girlfriend?"
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at binigay na sa kanya ang matamis kong, "YES!"
Simula no'n ay nagbago na ang buhay ko bilang isang Balyena Girl.
Ang dating pinagtatawanan at pinadidirihan ay trending na ngayon sa social media bilang girlfriend ng isang sikat na basketball star. Dumami ang mga taong gustong maging kaibigan ako. At higit sa lahat, mas tumaas ang kompyansa ko sa sarili ko.
"You want me to meet your Mom?" nakangiwing tanong ni Peejay.
Mabilis akong tumango habang nakangiti na parang aso. Nandito kami ngayon sa library kung saan ko ginagawa ang mga school projects n'ya. Kaunti lang naman 'to at saka wala namang masama kung tutulungan ko ang boyfriend kong pumasa, 'di ba?
"Sige na! Masarap magluto si Mama. Sigurado akong magugustuhan mo ang cookies n'ya."
Nagkakamot ng ulo s'yang pilit na ngumiti sa'kin.
"You know that I'm on a strict no-sugar diet, right? I can only eat foods that are high in protein."
Napanguso ako.
"May itlog naman ang cookies, ah?"
Beep! Beep! Beep!
Kinuha ni Peejay ang smart phone n'ya sa bulsa upang basahin ang message na natanggap.
"Si Marco ba iyan?" usyoso ko.
Isang beses ko pa lang nakakausap ang kaibigan n'yang iyon. Halata ngang natatawa s'ya no'ng makita n'ya akong kasama ni Peejay. Hindi ko na lang pinansin. Wala naman ako magagawa kung Balyena Girl pa rin ang tingin sa'kin ng ibang tao. Hindi ko sila kayang i-please lahat.
"Yeah... I have to go. Coach Henry is waiting for me at the gym."
Kumunot ang noo ko.
"Te... Teka! Sabi mo wala kang training ngayon?"
"I know, but I can't ditch coach, you know? We still have to train for the rest of the school year. You understand that, right?"
Wala na akong nagawa kundi tumango.
Nangako kasi s'ya sa'kin na magbu-buffet kami after school which is dapat nga ay dinner nalang with my Mom kaso bigla naman s'yang may lakad.
"P'wede ba akong manood?" habol ko.
He bit his lower lip.
"What about my school projects you're working on? I'm supposed to submit all that tomorrow, remember?"
Lalo naman akong nanlumo sa paalala n'ya. Oo nga pala. Bakit naman kasi sampung special projects ang pinapagawa sa kanya? Tapos lahat bukas na agad ipapasa.
"Sige..."
Niyakap n'ya ako.
Parang hangin namang lumipad sa kawalan ang tampo ko.
"I'll make it up to you next time, okay?"
Tumango ako at ngumiti.
"I love yo—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang kumaripas na s'ya ng takbo palabas ng library.
Sa loob ng isang buwan na magkasama kami ay never n'ya ako sinabihan ng "I love you" kahit minsan. Gusto kong isipin na baka hindi lang talaga Words of Affirmation ang love language n'ya pero kung hindi iyon ay ano? Mas lalong hindi naman ang natitirang apat na love languages.
"Donut?"
Napalingon ako nang makarinig ako ng pamilyar na boses sa likuran ko.
"President?"
Nakatayo si Sergio sa harapan ko at may bitbit na mga libro. Bumaba ang tingin n'ya sa magkakapatong na special projects ni Peejay sa lamesa ko.
"Isn't that supposed to be something Jimenez should be working on himself?"
Nag-iwas ako ng tingin.
Umupo s'ya sa kaharap kong upuan.
"Tinutulungan ko lang s'ya. Alam mo naman iyon, palaging busy. Gano'n yata talaga kapag captain ng basketball team. Kahit nga patapos na ang school year at may training pa rin sila."
"Training?"
Bakas ang pagtataka sa mukha ni Sergio.
"Sarado ang gymnasium ngayon in preparation for the prom at wala ang coach ng basketball team. Paano sila magkakaroon ng training?"
"Huh?"
Wala iyong coach?
Pe... Pero sabi ni Peejay hinihintay raw s'ya ng coach nila sa gym.
"And bakit paulit-ulit iyang special project na ginagawa mo? Sigurado ka bang kay Peejay lang ang lahat ng iyan?"
Dumapo ang tingin ko sa mga portfolio na ginagawa ko. Ngayon ko lang napagtanto na ito rin pala iyong mga ginawa ko last week. Mukhang nauulit nga lang.
"E... Ewan ko eh."
Makahulugang tumingin sa'kin si Sergio.
"Donut ka talaga."
Hindi na naalis sa isip ko ang usapan namin ni Sergio sa library. Buong Linggo iyong nasa utak ko kahit na magkasama kami ni Peejay. Mas napansin ko ang mga kakaibang kinikilos ng boyfriend ko dahil sa pinarealize n'ya sa'kin.
Oo nga naman.
What if kaya hindi maubos ubos ang mga special projects ni Peejay ay dahil pati ang projects ng mga tropa n'ya ay pinapagawa n'ya sa'kin?
NOPE!
Erase! Erase!
Bakit ko ba pinag-iisipan ng masama ang boyfriend ko? Dapat talaga ay hindi na lang ako nakikinig sa SSC President. Ano ba namang alam n'ya sa relasyon namin ni Peejay?
Dumating ang araw ng mismong araw ng prom at kinakabahan kong tinitigan ang blue sparkly gown na binili sa'kin ni Peejay last week. Kasya pa naman 'to sa'kin noong isang Linggo pero medyo naparami kasi ang kain ko kagabi. Medyo sikip pa naman na sa akin 'to last time.
Kahit hindi na halos makahinga ay sapilitin ko pa ring ipinagsisikan ang sarili ko sa maliit na gown.
Namilog ang singkit kong mga mata nang biglang napunit ang gilid ng gown ko.
Shit.
Paano na 'to?! Sinasabi ko na nga ba eh. Dapat talaga ay hindi ko na inubos iyong buong chocolate cake na pinadala ni Peejay kagabi.
Agad akong naghalungkat ng cardigan na p'wedeng ipatong sa suot kong gown. Wala akong ibang nakita kundi ang jersey jacket na binigay ni Peejay. Medyo fit pa nga sa'kin iyon pero mas okay na 'to kaysa makita ng buong Mundo ang sumisilip na bilbil sa gilid ng gown ko.
Ang sabi ni Peejay ay susunduin n'ya ako pero dalawang oras na at hindi pa s'ya dumadating. Hindi ko na rin naman kasi napansin dahil halos naubos ang oras ko kakapilit masuot ang gown na binili ni Mama.
Minabuti ko na lang na magcommute papunta ng school.
Pinagtitinginan ako sa daan habang tinatahak ko ang route papunta ng ball room kung saan gaganapin ang prom.
Pasado alas dose na ng gabi nang makarating ako. Madilim ang paligid at malakas ang tugtog mula sa naglalakihang mga speakers. Patay sindi rin ang mga makukulay na ilaw sa kisame na nagsisilbing gabay ko sa paglalakad sa madilim na venue.
Nasaan na ba ang boyfriend ko?
Halos atakihin ako sa gulat nang biglang may humawak sa braso ko.
"Miss Gabby?"
Napatingin ako sa dalawang babaeng nakasuot ng uniporme pangwaitress.
"Po?"
"Sumama raw po kayo samin sabi ni Sir Peejay. May surprise raw po s'ya sa inyo."
Agad kinilig ang tumbong ko sa narinig. Kaya naman pala hindi sumasagot sa mga chat ko. May pakulo pala s'ya. Hindi na ako nagreklamo nang lagyan ako ng piring ng dalawang babae. Hinatid nila ako sa kung saan. Wala akong makita dahil madilim pero naramdaman kong umaakyat kami.
"Ate? Nasaan na po kayo?" kinakabahang tanong ko. Bigla kasing nawala iyong pagkakahawak nila sa'kin.
Walang sumagot.
Dahan-dahan kong tinanggal ang piring ko at gano'n nalang ang gulat ko nang biglang bumukas ang lahat ng ilaw sa sa venue at nakita ko ang lahat na nakatingin sa akin. Nakatayo na pala ako sa gitna ng stage. Agad binalot ng hiya ang buong katawan ko.
Aalis na sana ako nang biglang magbukas ang malaking screen sa likuran ko.
Fwiiisshhhhh! Fwiiiisshhhhh!
Isang video ng whale nagda-dive sa dagat ang nagflash sa malaking screen. Ang mas pinakanakakahiya sa lahat ay imbes na mukha ng isda ay mukha ko ang nakalagay sa mukha ng whale at nakasuot pa ito ng parehong gown na suot ko.
Sumabog ang tawanan sa buong gym.
"HAHAHAHA!"
"HAHAHAHA!"
Nangilid ang luha sa magkabilang sulok ng mga mata ko.
"GOOD EVENING, LOARTE ACADEMY!"
Umalingawngaw ang pamilyar na boses ng babae sa speaker.
Czarina
Nakasuot s'ya ng red gown na hapit na hapit sa seksing pigura n'ya. Kulot ang hanggang baywang n'yang blonde na buhok at nakangisi ang mapupulang n'yang mga labi. Sa ulo n'ya ay nakapatong na ang korona at suot ang sash na may nakalagay na "Prom Queen" na nagpapatunay na s'ya ulit ang nanalong Prom Queen ngayong taon. Nakatapat sa bibig n'ya ang isang gintong mikropono na tila ba matagal n'ya nang hinihintay ang moment na ito.
"LET US ALL WELCOME THE "BALYENA GIRL" OF LOARTE ACADEMY!"
Gustuhin ko mang tumakbo paalis ay tila napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko.
Nasaan ka na, Peejay?
Tulungan mo ako.
"In fairness, bagay sa'yo iyang binili kong gown. Blue na blue. Mukha ka pala talagang balyena, 'no?"
Te... Teka?
Ano'ng sinabi n'ya? S'ya ang bumili ng gown na suot ko?
"And naenjoy mo rin ba iyong chocolate cake kagabi? Hahaha! May halong shit drink iyon. Specially baked by yours truly."
A... Ano?
Sarkastikong ginaya ni Czarina ang gulat sa mukha ko.
"What? Hindi ka makapaniwala? You really thought Peejay would waste his time on you? It's all my plan, Balyena Girl."
No…
Hindi 'to totoo.
"I dared him to date you for a month."
No! No! No!
Nagsisinungaling s'ya. Hindi ako magagawang lokohin ni Peejay!
Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng jersey para tawagan ang boyfriend ko. Pero gano'n na lamang ang pamumutla ko nang marinig ko ang pagring niyon at mas kinagulat ko pa na hawak ni Czarina ang smart phone na iyon.
"Looking for this? It's a dummy phone, Balyena Girl. Tingin mo talaga ibibigay ni Peejay ang number n'ya sa'yo?"
Nanlamig ako sa narinig.
Totoo ba?
Naglakad palapit sa'kin si Czarina pero hindi ko na s'ya pinansin dahil tila namanhid na ako nang malamang nasa kanya pala ang cellphone ni Peejay.
All this time…
S'ya ang kachat ko?
"What did I tell you?" nanunuyang tanong n'ya. "Walang bilang ang isang baboy na kagaya mo sa eskwalahang ito."
Nanlambot ang mga tuhod ko kasabay nang walang tigil na pagdaloy ng mga luha sa mga mata ko.
"You're just an ugly and fat creepy admirer of Peejay Jimenez." Tinuktok n'ya sa ulo ko ang smart phone na hawak n'ya. "And you will always be that Balyena girl na nagtrending dahil lumusot sa bleachers at nagdive sa sikat na basketball player ng Loarte Academy."
"BAL-YE-NA! BAL-YE-NA!"
"BAL-YE-NA! BAL-YE-NA!"
"BAL-YE-NA! BAL-YE-NA!"
Nahagip ng mata ko sa dagat ng mga nagsisigawang mga estudyante ang nakatayong si Peejay. Blangko lang s'yang nanonood at parang walang pakialam sa pamamahiyang ginagawa sa'kin ni Czarina ngayon. Hindi ko na s'ya kailangang komprontahin para malaman ang totoo.
Kita na ang katotohanan sa mga mata n'ya.
"AND WITH THAT, LET'S GIVE AROUND OF HEAVY APPLAUSE TO THE "BALYENA GIRL" OF BATCH SCHOOL YEAR OF 2024-2025!" malakas na sigaw n'ya sa mikropono.
Lumapit ang mga nakangising si Trixie at Vanessa sa'kin para isuot ang sash na may nakalagay na "Balyena Girl."
Napuno ng sigawan ang gymnasium.
Kasunod nito ay ang sabay-sabay na pagbato nila ng itlog at harina sa stage kung saan ako parang gusaling nakatayo.
"BAL-YE-NA! BAL-YE-NA!"
"BAL-YE-NA! BAL-YE-NA!"
"BAL-YE-NA! BAL-YE-NA!"
Pinikit ko ang mga mata at tahimik na tinanggap ang kinahinatnan nang pagtitiwala ko sa isang Peejay Jimenez.
Isang malaking pagkakamali na mahalin s'ya.
Yumukom ang kamao ko kasabay nang pagliyab ng galit at poot sa puso ko.
Tama na.
Ayoko na maging ganito.
Ayoko nang lumamon nang lumamon.
Pero gutom?
Gutom na gutom ako.
Gutom para sa pagbabago. Gutom para sa paghihiganti.
Sa next semester… sa prom…
No more Balyena Girl.
No more quiet, desperate Gabby.
Sa pagbabalik ko, hindi nila ako makikilala.
At pag dumating ng prom night… sila mismo ang luluhod sa bagong ako.
See you at next prom, bitches.
Gabby's POVTahimik lang akong nakayakap sa likuran habang pinapaandar ni Sergio ang motorsiklo. Malamig ang hangin na sumasampal sa mukha ko pero hindi ko alintana iyon dahil mainit naman ang katawan n’ya. Minsan talaga naiisip ko kung isa ba s’ya sa mga anghel ni Lord. Paano ba naman kasi ay sa tuwing may nangyayaring kamalasan sa buhay ko palaging s’yang sumusulpot na parang kabute para iligtas ako. Kagaya na lang ngayon. Paano naman s’ya napadpad sa lugar ng Tita ko ngayon?“Ahh… Sergio?”Sinilip ko s’ya mula sa side mirror. Nakapokus lang s’ya sa daan pero nakita ko ang bahagyang paggalaw ng mga mata n’ya na tila ba sinisilip din ako sa salamin. “What?”“Ahmm…” Humigpit ang kapit ko sa upuan ng motorsiklo. “Ano pa lang ginagawa mo rito?”Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang gumuhit na ngisi sa mga labi n’ya. “Do you think I’m following you?” Awtomatikong namula ang buong mukha ko sa sinabi n’ya. Hindi naman kasi iyon ang gusto kong palabasin. Curious lang naman talaga ako! Bak
Gabby's POVSiguro nga ay ipinanganak lang talaga ako para gawing katatawanan ng lahat ng tao. Hindi ko rin maintindihan kung ano ba ang ginawa ko para mangyari sa’kin ang lahat ng kamalasan sa Mundo.Hindi naman mahirap ang hinihingi ko, ‘di ba? Gusto ko lang naman na i-trato nila ako ng normal.Pero dahil lang sa mataba ako… hindi na nila ako magawang irespeto. Na parang nawalan na ako ng karapatan maging tao oras na lumampas sa 50 kilograms ang timbang ko. Awtomatiko na akong nawalan ng karapatan maging maganda. Ultimo paglalagay ko ng kolorete sa mukha ay nagawan nila ng paraan kutyain. Talaga ba? Baboy na may suot na lipstick. “Tita Ellen!” suway ni Mama sa matanda. Lumapit pa ito at pumagitna sa aming dalawa na akala mo naman ay dadaganan ko si Lola Ellen dahil sa sinabi n’ya. “Grabe naman po kayo sa anak ko. Hindi naman po ‘ata tama na pagsabihan ninyo ng gan’yan ang bata.”Tumaas ang manipis na kilay ng matandang babae. “At bakit hindi? Ilang taon na ba iyan para hindi mak
Gabby's POVHindi talaga magandang ideya ang pagpayag kong sumama kay Mama. Wala nang ibang ginawa ang mga pinsan ko kundi asarin ako simula no’ng pagdating ko. “Grabe! Nag-aayos rin pala mga Gabby, ‘no? In fairness, ah? Hindi bagay sa’yo!” “Hahahaha!”Inakbayan pa ako ni Lester na parang lalaki. Napangiwi ako sa bigat ng braso n’ya. “A… Ano ba…” mahinang reklamo ko. Napasulyap s’ya sa’kin habang malawak na nakangisi. Halatang sinasadya n’ya talagang bigatan pa lalo ang braso n’ya. Agad gumuhit ang sakit sa mukha ko nang tatlong beses n’ya akong inalog gamit ang malakas na pwersa. Muntik pa nga akong mataob sa lamesa namin kung hindi lang s’ya nakakapit sa balikat ko. “Ito naman si pinsan! Nagbibiruan lang naman tayo rito. Huwag ka naman mas’yadong seryoso!” Nasundan iyon ng tawanan ng lima pa naming pinsan. Lahat kami ay nakaikot sa table na ito. Bandang sulok kaya hindi ako napapansin ni Mama na mukhang paiyak na. Ayun kasi s’ya kina Tita Olive at nakikipagchikahan. Hindi man
Gabby's POVOne Week Later“20 hours?!” malakas na sabi ni Mama habang namumula ang mukha sa galit. Napataas ang balikat ko sa tinis ng boses n’ya. “Aray ko naman, ‘Ma!” Kaninang umaga pa kasi ako inaaya ni Mama kumain pero tumatanggi ako. Sinabi ko sa kanya na nakafasting ako ng 20 hours at gan’yan na nga ang naging reaction n’ya. “Bakit sobrang tagal naman, anak?!” sermon n’ya. Napanguso ako. Hindi ba’t ito ang gusto n’ya? Ang magpapayat ako? Oh eh bakit ngayong nagfa-fasting ako ay parang ayaw n’ya. “Si Dok Karlo naman po ang nagsabi n’on kaya ayos lang. Hindi na rin po ako muna kakain ng kanin at saka ng mga tinapay. Nakalow carb diet po kasi ak—”“Teka! Teka!” putol sa’kin ni Mama habang nakaharang ang palad n’ya sa mukha ko. “Sinasabi mo bang nasayang lang ang oras ko kakaluto ng masarap na ulam dahil hindi ka naman kakain ng tanghalian?”Saglit kong pinatay ang workout tutorial na sinusundan ko sa TV para kausapin s’ya nang maayos. “Kakain pa rin naman po. Hindi na nga l
Gabby's POVPagpasok ko pa lang sa loob ng establishment ay naintimidate na ako agad sa babaeng nakapuwesto sa reception desk. Kung magiging tao kasi ang hourglass ay baka s’ya na nga talaga iyon. Parang ako ang nahihirapan huminga sa liit ng waist n’ya. Iniisip ko nga na baka nakawaist trainer talaga s’ya at dinadaya lang ang proportions ng katawan n’ya pero para saan pa’t sa mismong weight clinic na nga s’ya nagtatrabaho.Malamang at lahat ng taong makikita ko rito ay fit.Ano ba naman ‘tong naiisip ko.“Good afternoon, Madam!” masiglang bati n’ya. Agad kong ginaya ang matamis na ngiting nakaguhit sa mukha n’ya.Mukhang mabait naman pala. Simula kasi no’ng pagtripan na ako palagi ng grupo ni Czarina ay lahat ng babaeng maganda ay awtomatikong nagkasungay sa mga mata ko. Paano ba naman ay palaging sa mga taong may istsura ko nararanasan mabully.Lalo na sa mga lalaki. Kahit nga iyong walang karapatan manghusga ay sila pa talaga ang nauuna.Ang kakapal ng mukha.“Ahhh… Hello! Ano…”
Gabby's POVThe Prom Queen Project Hindi ako sure kung sino’ng nagsingit ng papel na ‘to sa bag ko. Bukod kasi ro’n sa dalawang babaeng naghatid sa’kin sa stage no’ng prom ay si Sergio lang naman ang nakalapit sa’kin. At wala naman akong nakikitang dahilan para singitan n’ya ako ng contact ng isang weight clinic.I mean, maybe, he was concerned about me, but I genuinely don’t think that it would come to a point para offeran n’ya pa ako ng voucher para sa isang libreng makeover sa isang weight clinic na valid for six months.“You wanna wear that tiara, right? You know, you could be taking better care of yourself,” I read the short message silently.I gulped.Hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko sa nabasa ko. Parang may halong guilt tripping ang atake ng invitation nila, ah?But you know what? Tama naman sila eh.I did this to myself.I am what I eat.Hindi ko p’wedeng sisihin si Mama o si Mang Bert dahil masarap sila magluto. I could always control my portions pero ako itong akal
![The Four Kings and The Ace [SERIES 1]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






