Home / YA/TEEN / OPERATION: PROM QUEEN / Chapter 4 | Will You Be My Prom Date?

Share

Chapter 4 | Will You Be My Prom Date?

Author: Melancholant
last update Huling Na-update: 2025-11-11 20:15:47

Gabby's POV

"ANAK, BUMANGON KA RIYAN AT TANGHALI NA!" malakas na sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto. Umalingawngaw ang boses n'ya sa maliit na bahay namin. Inaantok kong tinakpan ng unan ang magkabilang tainga ko upang bumalik sa pagtulog.

Pero ilang saglit pa ay kumalampag na ang pinto ko sa paulit-ulit na katok ni Mama.

BAGG! BAGG! BAGG!

"BUMANGON KA NA SABI RIYAN, GABRIELLE SANTILLAN!"

Mabilis pa sa alas kwatrong dumilat ang naniningkit kong mga mata para gumising.

"OPO AT GISING NA!"

Nagkakamot ulo akong bumangon ng kama. Alas singko pa lang ng madaling araw ay binubulabog na ako ni Mama. Kung tutuusin ay wala namang pasok ngayon dahil Sabado. Pero naging routine na n'ya kasing gisingin ako ng ganitong oras para p'wersahang magexercise sa umaga.

As if naman nageexercise talaga ako.

"BUMABA KA NA RIYAN!"

Hinilot ko ang tainga kong parang dumudugo na yata sa kakasigaw ni Mama.

Kung ano'ng hinhin ng itsura ng Nanay ko ay s'ya namang palingkera ng boses n'ya. Minsan nga ay iniisip ko kung iyon ba ang dahilan kaya iniwan kami ni Papa.

Bungangera kasi ang Nanay ko.

Matapos kong maghilamos at sepilyo ay agad akong bumaba. Lumiwanag ang mukha ko nang bumungad sa akin ang nakahandang almusal sa lamesa.

"Wow! Sopas!" excited na sabi ko.

Uupo na sana ako nang hampasin ni Mama ang lamesa na nagpataas ng mga balikat ko.

"Hep! Hep!" pigil n'ya sa akin. "Umikot ka muna ng limang beses sa subdivision. Huwag kang mandadaya. Saka ka na kumain pagbalik mo. Lalo ka na namang tumatabang bata ka!

Awtomatikong bumusangot ang mukha ko sa sinabi ni Mama. Seryoso ba?

"'Ma naman! Ang higpit ninyo naman sa'kin masyado. Paano kung mahimatay ako sa labas kasi pinagjo-jogging n'yo ako ng walang almusal. Hindi ba kayo naaawa sa anak n'yo?"

Pinatong ni Mama sa harapan ko ang umuusok na tasa ng kape. "Oh 'yan, inumin mo. Black coffee iyan with no sugar. Makakatulong iyan para hindi ka magutom agad."

Lalong bumusangot ang mukha ko sa sinabi n'ya. Black coffee na naman? Hindi ko nga inubos iyong gan'yan ko kahapon dahil sobrang pait. Napakalayo sa mga ice caramel coffee na inoorder ko sa mga coffee shop sa school.

"'Ma, kailan ba natin titigilan itong Operation: Prom Queen ninyo?"

Simula kasi nang mabalitaan ni Mama na may Prom kami sa katapusan ng school year ay inenroll n'ya na ako sa self-made fat loss plan n'ya na hindi ko naman sinusunod kapag wala s'ya. Ni wala nga akong balak dumalo sa prom na iyan. Dalaga pa lang kasi ay pangarap na ni Mama maging Prom Queen. Hindi nga lang natupad kasi maaga s'yang nabuntis sa'kin. Simula n'on ay hindi na nabalik ni Mama ang dating alindog at sexy n'yang katawan. Tingin n'ya nga ay ito ang dahilan kaya iniwan kami ni Papa.

Ewan ko ba.

Bakit ako ang kailangan magsuffer sa pangarap n'yang hindi natupad?

"Sige na! Lumakad ka na at lumiliwanag na sa labas. Limang beses, ha? Huwag kang mandaraya!"

Marahan pa akong tinulak ni Mama palabas ng pinto. Lingid sa kaalaman n'ya ay may bitbit akong pera at sa pinakamalapit na paresan ang diretso ko. Asa naman si Mama na talagang papayag akong walang almusal. Hindi na nga ako nakakakain ng almusal kahapon dahil sa pagmamadali ko para lang makaabot sa ticket ng basketball game ni Peejay tapos hindi na naman ako kakain ngayon?

Suot ang malaki kong pajama ay tinatamad kong nilakad ang paresan sa may labas lang ng subdivision.

Hindi naman na para i-monitor talaga ni Mama kung limang beses nga akong umikot sa subdivision. Kahit naman kasi kaunti lang ang lakarin ko ay tagaktak na ang pawis ko kaya mukha narin akong nagjogging.

Pagdating ko nga sa paresan ay medyo hinihingal pa ako. Lalo tuloy akong nagutom. Mukhang makakailang kanin ako nito.

"Good morning, Mang Bert!" bati ko sa matandang tindero.

"Naku! Ikaw na naman, Gabigat. Mukhang malulugi na naman ang paresan ko. Kaunti na lang ay tatanggalin ko na talaga iyang nakapaskil na unli rice sa tindahan ko."

Humaba ang nguso ko sa sinabi ng matanda.

"Grabe naman kayo sa'kin, Mang Bert. Dapat nga po ay grateful kayo na suking customer ninyo ako. Halos wala nga kayong customer ng ganitong oras."

"Ay! Paano ako matutuwa, e halos sampung tao ang katumbas nang kinakain mo tapos pang-isang tao lang naman ang bayad mo."

Tss…

Hindi ko na pinansin ang pagrereklamo n'ya at kumuha nalang ng mangkok.

"Lagyan ninyo po ng laman ang sabaw, ah? Gusto ko po iyong may maraming taba-"

Kukuha na sana ako ng nilagang itlog nang may makasabay akong kamay sa pagkuha. Mabilis kong inangat ang tingin ko sa lalaki para magsorry nang marealize ko kung sino ang lalaking nakatayo sa tabi ko ngayon.

Si... Si Peejay!

"Oh, hey? Ikaw pala, Balye-" Agad n'yang pinutol ang sarili. "Sorry, what's your name again?" nagkakamot ng ulong tanong n'ya.

Tameme kong binuka ang bibig para sumagot.

"Ga... Gabby."

Inabot n'ya sa'kin ang kamay n'ya.

"I'm Peejay."

He gently shook my hand.

"Alam ko. Haha."

Jusko! Totoo bang nangyayari 'to? Nasa harapan ko ba talaga ang isang Peejay Jimenez o nananaginip lang ako nang gising? Paano naman napadpad ang isang kagaya n'ya sa pipitsuging subdivision namin?

"I didn't know that you live around here. I was jogging back home when I suddenly felt hungry."

Jogging?

Pero two hours ang layo ng subdivision nila sa sudivision namin.

Wow! Ang sporty n'ya talaga! Nakaya n'ya iyon?

"Gano'n ba? Hehehe. Pagod na pagod ka siguro. Ang layo n'on, ah?"

Nanginginig ang bilbil ko sa kaba. Paano makipag-usap sa crush nang hindi kinikilig? Ang bango n'ya!

"Not really."

Dumapo ang tingin n'ya sa matandang nanonood sa aming dalawa. Muntik ko na makalimutan si Mang Bert. Hindi pa nga pala ako bayad.

Iaabot ko na sana ang fifty pesos ko nang mag-abot ng card si Peejay sa tindero.

"Here..." sabi nya habang matamis na nakangiti. "Let me pay for her."

Napangiwi naman ang matanda habang nakatitig sa card n'ya.

"Iho, barya lang."

Tumaas ang magkabilang kilay ni Peejay.

"Huh?"

Pinatong ko sa kamay ng matanda ang fifty pesos ko.

"Ito na lang, Mang Bert. Pagpasensyahan ninyo na. Rich kid kasi eh. Hehehe."

Inosente namang binalik ni Peejay ang card n'ya sa wallet. Ang cute naman. Gusto n'ya akong ilibre ng pares kaso wala s'yang cash.

Minabuti kong ibili narin si Peejay ng pagkain n'ya para makakain din s'ya kagaya ko. Hindi ko mapigilang kiligin habang hinihintay ang order n'ya. Kung iisipin mo kasi ay para kaming nagde-date. Napakaaga na date nga lang.

"Ito, oh. Kainin mo habang mainit pa. Gusto mo tulungan kitang magtimpla?"

Kanina pa n'ya kasi tinititigan iyong mga pampalasa sa harapan n'ya. Mukhang wala s'yang ideya kung para saan ang mga iyon.

Tumango naman s'ya agad.

Isa-isa ko nang nilagay ang secret formula ko para sa napakasarap na pares. Feeling ko nga ay nagtitimpla ako ng gayuma sa sobrang passionate ko maglagay ng pampalasa. Nang matapos naman ako ay agad ko iyong binigay sa kanya.

"Kain ka na."

Halatang hindi s'ya sanay kumain ng pares pero sinubukan n'ya pa ring tikman ang ginawa ko. Para naman akong ewan na nakaabang sa magiging reaksyon n'ya.

"Oh, wow. That's good!"

Lumawak ang ngiti ko sa sinabi n'ya. Nagustuhan n'ya! Nagustuhan n'ya!

"Sorry, I didn't know that they don't accept cards in here. I was planning to treat you pero ikaw pa iyong gumastos."

"Naku! Wala iyon. Hindi pa nga kita napapasalamatan sa pagsalo mo sa'kin kahapon. Super hero kaya kita."

Namumula kong sinubo ang isang malaking taba ng baka na nakita ko sa sabaw.

"A... Ah, really?"

Tumikhim s'ya.

"Actually, I lied about jogging all the way here."

Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Ha?"

He smiled.

"I asked around the school where you live, just to check on you. I wanted to make sure you're okay after what happened at the gym. I didn't have the chance to take you to the clinic."

Napatigil ako sa sinabi n'ya.

Te... Teka.

Tama ba ang narinig ko? Hinanap n'ya talaga ako?

"And also..." Lumunok s'ya. "...I wanted to ask if you'd like to be my prom date?"

Hihimatayin yata ako!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • OPERATION: PROM QUEEN   Chapter 14 | Flat

    Gabby's POVTahimik lang akong nakayakap sa likuran habang pinapaandar ni Sergio ang motorsiklo. Malamig ang hangin na sumasampal sa mukha ko pero hindi ko alintana iyon dahil mainit naman ang katawan n’ya. Minsan talaga naiisip ko kung isa ba s’ya sa mga anghel ni Lord. Paano ba naman kasi ay sa tuwing may nangyayaring kamalasan sa buhay ko palaging s’yang sumusulpot na parang kabute para iligtas ako. Kagaya na lang ngayon. Paano naman s’ya napadpad sa lugar ng Tita ko ngayon?“Ahh… Sergio?”Sinilip ko s’ya mula sa side mirror. Nakapokus lang s’ya sa daan pero nakita ko ang bahagyang paggalaw ng mga mata n’ya na tila ba sinisilip din ako sa salamin. “What?”“Ahmm…” Humigpit ang kapit ko sa upuan ng motorsiklo. “Ano pa lang ginagawa mo rito?”Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang gumuhit na ngisi sa mga labi n’ya. “Do you think I’m following you?” Awtomatikong namula ang buong mukha ko sa sinabi n’ya. Hindi naman kasi iyon ang gusto kong palabasin. Curious lang naman talaga ako! Bak

  • OPERATION: PROM QUEEN   Chapter 13 | White Lady

    Gabby's POVSiguro nga ay ipinanganak lang talaga ako para gawing katatawanan ng lahat ng tao. Hindi ko rin maintindihan kung ano ba ang ginawa ko para mangyari sa’kin ang lahat ng kamalasan sa Mundo.Hindi naman mahirap ang hinihingi ko, ‘di ba? Gusto ko lang naman na i-trato nila ako ng normal.Pero dahil lang sa mataba ako… hindi na nila ako magawang irespeto. Na parang nawalan na ako ng karapatan maging tao oras na lumampas sa 50 kilograms ang timbang ko. Awtomatiko na akong nawalan ng karapatan maging maganda. Ultimo paglalagay ko ng kolorete sa mukha ay nagawan nila ng paraan kutyain. Talaga ba? Baboy na may suot na lipstick. “Tita Ellen!” suway ni Mama sa matanda. Lumapit pa ito at pumagitna sa aming dalawa na akala mo naman ay dadaganan ko si Lola Ellen dahil sa sinabi n’ya. “Grabe naman po kayo sa anak ko. Hindi naman po ‘ata tama na pagsabihan ninyo ng gan’yan ang bata.”Tumaas ang manipis na kilay ng matandang babae. “At bakit hindi? Ilang taon na ba iyan para hindi mak

  • OPERATION: PROM QUEEN   Chapter 12 | Pig Wearing A Lipstick

    Gabby's POVHindi talaga magandang ideya ang pagpayag kong sumama kay Mama. Wala nang ibang ginawa ang mga pinsan ko kundi asarin ako simula no’ng pagdating ko. “Grabe! Nag-aayos rin pala mga Gabby, ‘no? In fairness, ah? Hindi bagay sa’yo!” “Hahahaha!”Inakbayan pa ako ni Lester na parang lalaki. Napangiwi ako sa bigat ng braso n’ya. “A… Ano ba…” mahinang reklamo ko. Napasulyap s’ya sa’kin habang malawak na nakangisi. Halatang sinasadya n’ya talagang bigatan pa lalo ang braso n’ya. Agad gumuhit ang sakit sa mukha ko nang tatlong beses n’ya akong inalog gamit ang malakas na pwersa. Muntik pa nga akong mataob sa lamesa namin kung hindi lang s’ya nakakapit sa balikat ko. “Ito naman si pinsan! Nagbibiruan lang naman tayo rito. Huwag ka naman mas’yadong seryoso!” Nasundan iyon ng tawanan ng lima pa naming pinsan. Lahat kami ay nakaikot sa table na ito. Bandang sulok kaya hindi ako napapansin ni Mama na mukhang paiyak na. Ayun kasi s’ya kina Tita Olive at nakikipagchikahan. Hindi man

  • OPERATION: PROM QUEEN   Chapter 11 | Nevermind

    Gabby's POVOne Week Later“20 hours?!” malakas na sabi ni Mama habang namumula ang mukha sa galit. Napataas ang balikat ko sa tinis ng boses n’ya. “Aray ko naman, ‘Ma!” Kaninang umaga pa kasi ako inaaya ni Mama kumain pero tumatanggi ako. Sinabi ko sa kanya na nakafasting ako ng 20 hours at gan’yan na nga ang naging reaction n’ya. “Bakit sobrang tagal naman, anak?!” sermon n’ya. Napanguso ako. Hindi ba’t ito ang gusto n’ya? Ang magpapayat ako? Oh eh bakit ngayong nagfa-fasting ako ay parang ayaw n’ya. “Si Dok Karlo naman po ang nagsabi n’on kaya ayos lang. Hindi na rin po ako muna kakain ng kanin at saka ng mga tinapay. Nakalow carb diet po kasi ak—”“Teka! Teka!” putol sa’kin ni Mama habang nakaharang ang palad n’ya sa mukha ko. “Sinasabi mo bang nasayang lang ang oras ko kakaluto ng masarap na ulam dahil hindi ka naman kakain ng tanghalian?”Saglit kong pinatay ang workout tutorial na sinusundan ko sa TV para kausapin s’ya nang maayos. “Kakain pa rin naman po. Hindi na nga l

  • OPERATION: PROM QUEEN   Chapter 10 | Homeschool

    Gabby's POVPagpasok ko pa lang sa loob ng establishment ay naintimidate na ako agad sa babaeng nakapuwesto sa reception desk. Kung magiging tao kasi ang hourglass ay baka s’ya na nga talaga iyon. Parang ako ang nahihirapan huminga sa liit ng waist n’ya. Iniisip ko nga na baka nakawaist trainer talaga s’ya at dinadaya lang ang proportions ng katawan n’ya pero para saan pa’t sa mismong weight clinic na nga s’ya nagtatrabaho.Malamang at lahat ng taong makikita ko rito ay fit.Ano ba naman ‘tong naiisip ko.“Good afternoon, Madam!” masiglang bati n’ya. Agad kong ginaya ang matamis na ngiting nakaguhit sa mukha n’ya.Mukhang mabait naman pala. Simula kasi no’ng pagtripan na ako palagi ng grupo ni Czarina ay lahat ng babaeng maganda ay awtomatikong nagkasungay sa mga mata ko. Paano ba naman ay palaging sa mga taong may istsura ko nararanasan mabully.Lalo na sa mga lalaki. Kahit nga iyong walang karapatan manghusga ay sila pa talaga ang nauuna.Ang kakapal ng mukha.“Ahhh… Hello! Ano…”

  • OPERATION: PROM QUEEN   Chapter 9 | Gold Voucher

    Gabby's POVThe Prom Queen Project Hindi ako sure kung sino’ng nagsingit ng papel na ‘to sa bag ko. Bukod kasi ro’n sa dalawang babaeng naghatid sa’kin sa stage no’ng prom ay si Sergio lang naman ang nakalapit sa’kin. At wala naman akong nakikitang dahilan para singitan n’ya ako ng contact ng isang weight clinic.I mean, maybe, he was concerned about me, but I genuinely don’t think that it would come to a point para offeran n’ya pa ako ng voucher para sa isang libreng makeover sa isang weight clinic na valid for six months.“You wanna wear that tiara, right? You know, you could be taking better care of yourself,” I read the short message silently.I gulped.Hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko sa nabasa ko. Parang may halong guilt tripping ang atake ng invitation nila, ah?But you know what? Tama naman sila eh.I did this to myself.I am what I eat.Hindi ko p’wedeng sisihin si Mama o si Mang Bert dahil masarap sila magluto. I could always control my portions pero ako itong akal

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status