LOGINGabby's POV
Halos magkandarapa ako sa pagtakbo makaalis lang sa impyernong eskwelahan na iyon. Rinig ko pa ang tawanan ng bawat estudyanteng nadaraanan ko. Iyong iba sa kanila mukhang naaawa sa’kin pero karamihan talaga ay kasabwat ni Czarina sa pamamahiya sa’kin. Hindi na rin ako umasang may magmamagandang loob na tutulong sa’kin. Sino ba naman kasing gustong mapunta sa bad side ng Queen Bee? Nagtutuluan ang pinaghalong itlog at harina sa buong katawan ko habang tinatahak ang daan papunta sa main road. Ang lagkit sa pakiramdam. Nahihirapan na rin akong makakita dahil talagang pinuruhan nila ang mukha ko. Pero wala ang lahat ng iyon sa sakit na nararamdaman ng puso ko. Niloko ako ng lalaking pinagkatiwalaan ko. Kaya pala ayaw n’yang makilala ang Mama ko—may balak pala s’yang gaguhin ako. So lahat nang kasweetan n’ya sa’kin ay pagpapanggap lang? Hindi n’ya talaga ako mahal? Wala talaga s’yang feelings sa’kin? Palabas lang ang pagluhod n’ya sa gym at pagpropose sa’king maging girlfriend n’ya? Pe… Pero bakit? Ano’ng ginawa ko para saktan n’ya ako ng ganito? Sana hinayaan n’ya na lang akong maging silent admirer n’ya. Sana hindi na lang n’ya ako pinaniwalang gusto n’ya ako! Hindi ko akalain na ito pala ang tunay na kulay n’ya. Ang bulag ko talaga. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanila? Ayaw ko na magpakita sa campus. Sa tingin ko ay ide-delete ko na rin ang lahat ng social media ko dahil sigurado akong lahat nang nangyari sa prom ay nakapost na ngayon sa page ng school. Trending na naman ako. Mabilis kong tinaas ang kamay ko at kinuway-kuway nang may makita akong paparating na dyip. Tumigil naman iyon sa harapan ko. Sasakay na sana ako nang biglang bumusina at magsalita driver. “Ay, teka! Humanap ka na lang ng ibang magsasakay sa ‘yo. Baka madumihan mo lang ang dyip ko,” wika nito at saka umandar palayo. Wala akong nagawa kundi maghintay ng iba pang masasakyan. May dumating naman na lima pa pero lahat sila ay tinanggihan ako nang makitang nanlalagkit ako sa harina at itlog. Iyong iba siguro tinanggihan ako dahil doble ang makukuha kong space sa upuan. Sumasakit na naman na ang paa ko dahil sa heels na suot ko. Hindi ko alam kung bakit ko naisip na magandang ideyang isuot ko iyon. Lahat tuloy ng bigat ko ay doble ang pakiramdam sa paa ko. “Napakamalas ko talaga…” bulong ko sa sarili. Malungkot kong tinanggap ang katotohanan na kailangan kong maglakad pauwi. Alas dos na kasi ng madaling araw kaya madalang na rin talaga ang sasakyan. At kahit meron man ay sigurado akong magpapanggap lang silang isa akong obese na white lady sa Balete Drive. Nakakatawa, ‘di ba? Naging katatawanan na nga ako sa school pati ba naman sa labas ay kawawa pa rin ang lagay ko. Ang role ko lang ‘ata talaga sa Mundo ay maging isang malaking joke. Hinubad ko muna ang suot kong sapatos bago nagsimulang maglakad sa madilim na kalsada. Haaaaysst! Mukhang magkakatotoo pa ang exercise ko ng ‘di oras. Tahimik naman ang daan kaya hindi ako kinabahan. Medyo nakakatakot lang kasi wala talagang tao. Pero ‘di ba mas nakakatakot if meron? “Sheeeeeeeet!” mahabang mura ko nang marinig ko ang malutong na kulog ng kalangitan na sinundan pa ng nakakatakot na kidlat. Talaga naman, oh! Naglalakad na nga lang iyong tao tapos uulan pa? Hindi nagtagal ay bumuhos na nga ang malakas na ulan. Mabilis akong tumakbo sa pinakamalapit na establishment para sumilong. “Ang lamig!” nangangatal na wika ko. Kahit papaano ay nawala iyong lagkit feeling ko dahil sa ulan pero tumutulo naman ang tubig sa katawan ko. Gano’n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang marealize kung saan ko pa talaga napiling sumilong. Beers and Barn Jusko! Sa bar pala ako napunta. Balak ko pa naman sanang pumasok sa loob para bumili nang maiinom na kape. Ano’ng bibilhin ko riyan? Alak? As if naman p’wede na ako bumili ng alcohol. Tahimik akong tumayo sa sulok ng bar. Nakatulala lang ako at hinihintay na tumila ang ulan nang biglang lumabas mula sa loob ang tatlong lasing na mga kalalakihan. “Tangina, p’re! Kahit ako hindi ko papatulan iyon eh. Nakita mo ba kung gaano kalaki braso n’on ni Balyena Girl?” Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Schoolmates pala kami. “Dude, iyong mga gano’ng sobrang taba? Hindi na babae iyon. Hahaha! Tangina. Kahit iyon na lang ang matirang babae sa Mundo, hindi ko papatulan iyon eh.” Gusto kong magtago para hindi nila ako makita pero wala naman akong p’wedeng pagtaguan dito. Para akong paulit-ulit na sinasampal sa mga masasakit na salitang binibitawan nila. Ganito pala nila ako pag-usapan? Mas malala pa pala kapag nakatalikod ako. “Ang tunay na babae ay iyong mga kagaya ni Czarina. Shit. Nakita mo ba iyong suot n’ya kanina? Gagi. Hapit na hapit sa katawan n’ya, p’re. Ang sexy n’ya talaga. Swerte talaga ng tukmol na si Peejay.” “Ano ka ba, dude. Pareho lang naman silang sikat n’on. Magkalevel lang sila. Kung meron man ditong hindi kalevel ni Czarina ay ikaw iyon.” “Hoy! Pareho lang tayo. Gago!” “Hahaha!” ‘Di nagtagal ay naglakad na sila papunta ng parking lot. Naiwan akong tulala sa labas ng bar at mugto ang mga mata. Kung pag-usapan nila ako ay parang hindi ako tao ay walang nararamdaman. Grabe naman sila! Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Hinayaan ko na lang. Wala namang makakakita sa’kin eh. At kung meron man, ano naman ngayon? Pagtatawanan nila ako? Ano pa ba ang bago ro’n. Tumawa na sila nang tumawa. D’yan naman sila magaling eh. Ang pagtawanan ako. All because I’m fat. All because I don't fit their beauty standards. Isinandal ko ang ulo sa malamig na poste ng establishment. Hindi pa rin natigil ang ulan. Ayaw ko ring buksan ang cellphone ko para i-check ang oras at kung may message ba sa’kin si Mama. Isa pa pala iyon. Akala siguro ni Mama ay nageenjoy ako nang sobra. Paano ko ieexplain sa kanya na inuto lang ako ni Peejay? Ang bango bango pa naman ng kuwento ko sa kanya sa Mama ko. Busy ako sa pagkatulala nang bumalik ang isa sa tatlong lalaki kanina. At dahil paharap na s’ya sa’kin ay agad n’ya akong nakita. “Shit!” malakas na mura n’ya at akmang ibabato pa sa’kin ang hawak n’yang bote ng beer. Agad akong napailag. Mabuti na lang at hindi n’ya tinuloy. “Fuck! How long have you been there?!” Kung makamura naman ‘to sa’kin. Hindi ako sumagot. Sa halip ay tumayo ako at aalis na sana nang maramdaman ko ang presensya n’ya sa likuran ko. “Hoy, baboy! Kinakausap kita!” sigaw n’ya. Agad na nag-init ang ulo ko sa tinawag n’ya sa’kin. Dagdagan pa ng mga panglalait n’ya sa’kin kanina pa. Namumuro na sa’kin ‘tong abnormal na ‘to. Namumula sa galit akong humarap sa kanya. “Mas baboy ka! Gusto mo isumbong ko kayo sa guidance? Underage kayo pero pumupunta kayo sa bar!” pananakot ko. Mukhang natakot naman s’ya dahil namutla ang mukha n’ya. Oras kasi na isumbong ko sila ay may possibility pang hindi sila grumaduate. “Ano’ng sinabi mo?!” galit ang tonong sabi n’ya. Napaatras ako nang maglakad s’ya papalapit sa’kin. Mas humigpit ang hawak n’ya sa bote ng alak at mukhang gigil na gigil s’yang basagin sa ulo ko iyon. “A… Ano ba! D’yan ka lang. Huwag kang lalapit! Sinasabi ko sa—” “Or what?” Binalot ako ng takot nang hindi naalis ang pagbabanta sa boses n’ya. Mukhang hindi s’ya nagbibiro. “Akala mo hindi kita papatulang baboy ka? Hindi ako pumapatol sa babae pero tangina… babae ka ba?” PAKKK! Umalingawngaw ang malutong na sampal ko sa pagmumukha n’ya. Naluluha kong pinanood ang pagtagilid ng mukha n’ya sa sobrang lakas ng pagkakasampal ko. Nandidilim ang paningin n’yang hinawakan ang namumula n’yang pisngi. “Sobra ka na…” nahihirapang sabi ko. Nanlisik ang mga mata n’ya. Pipikit na sana ako nang iangat n’ya ang hawak n’yang bote at akmang babasagin sa mukha ko nang may kamay na pumigil sa braso n’ya. Gulat na napatigil ang lalaki at lumingon sa lalaking may hawak sa kanya. “Leorta Academy’s Code of Conduct, Article IV, Section 3—Possession or consumption of alcohol by minors, on or off campus, is a Level-Three Violation.” Namutla ang mukha ng lalaki. “And Article V, Section 1—Any act of physical intimidation or attempted assault results in immediate disciplinary action.” Kumislap ang suot n’yang salamin. “Break both in front of me again… and I’ll make sure you won’t make it to graduation.” Ang SSC President—Sergio Martinez!Gabby's POVTahimik lang akong nakayakap sa likuran habang pinapaandar ni Sergio ang motorsiklo. Malamig ang hangin na sumasampal sa mukha ko pero hindi ko alintana iyon dahil mainit naman ang katawan n’ya. Minsan talaga naiisip ko kung isa ba s’ya sa mga anghel ni Lord. Paano ba naman kasi ay sa tuwing may nangyayaring kamalasan sa buhay ko palaging s’yang sumusulpot na parang kabute para iligtas ako. Kagaya na lang ngayon. Paano naman s’ya napadpad sa lugar ng Tita ko ngayon?“Ahh… Sergio?”Sinilip ko s’ya mula sa side mirror. Nakapokus lang s’ya sa daan pero nakita ko ang bahagyang paggalaw ng mga mata n’ya na tila ba sinisilip din ako sa salamin. “What?”“Ahmm…” Humigpit ang kapit ko sa upuan ng motorsiklo. “Ano pa lang ginagawa mo rito?”Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang gumuhit na ngisi sa mga labi n’ya. “Do you think I’m following you?” Awtomatikong namula ang buong mukha ko sa sinabi n’ya. Hindi naman kasi iyon ang gusto kong palabasin. Curious lang naman talaga ako! Bak
Gabby's POVSiguro nga ay ipinanganak lang talaga ako para gawing katatawanan ng lahat ng tao. Hindi ko rin maintindihan kung ano ba ang ginawa ko para mangyari sa’kin ang lahat ng kamalasan sa Mundo.Hindi naman mahirap ang hinihingi ko, ‘di ba? Gusto ko lang naman na i-trato nila ako ng normal.Pero dahil lang sa mataba ako… hindi na nila ako magawang irespeto. Na parang nawalan na ako ng karapatan maging tao oras na lumampas sa 50 kilograms ang timbang ko. Awtomatiko na akong nawalan ng karapatan maging maganda. Ultimo paglalagay ko ng kolorete sa mukha ay nagawan nila ng paraan kutyain. Talaga ba? Baboy na may suot na lipstick. “Tita Ellen!” suway ni Mama sa matanda. Lumapit pa ito at pumagitna sa aming dalawa na akala mo naman ay dadaganan ko si Lola Ellen dahil sa sinabi n’ya. “Grabe naman po kayo sa anak ko. Hindi naman po ‘ata tama na pagsabihan ninyo ng gan’yan ang bata.”Tumaas ang manipis na kilay ng matandang babae. “At bakit hindi? Ilang taon na ba iyan para hindi mak
Gabby's POVHindi talaga magandang ideya ang pagpayag kong sumama kay Mama. Wala nang ibang ginawa ang mga pinsan ko kundi asarin ako simula no’ng pagdating ko. “Grabe! Nag-aayos rin pala mga Gabby, ‘no? In fairness, ah? Hindi bagay sa’yo!” “Hahahaha!”Inakbayan pa ako ni Lester na parang lalaki. Napangiwi ako sa bigat ng braso n’ya. “A… Ano ba…” mahinang reklamo ko. Napasulyap s’ya sa’kin habang malawak na nakangisi. Halatang sinasadya n’ya talagang bigatan pa lalo ang braso n’ya. Agad gumuhit ang sakit sa mukha ko nang tatlong beses n’ya akong inalog gamit ang malakas na pwersa. Muntik pa nga akong mataob sa lamesa namin kung hindi lang s’ya nakakapit sa balikat ko. “Ito naman si pinsan! Nagbibiruan lang naman tayo rito. Huwag ka naman mas’yadong seryoso!” Nasundan iyon ng tawanan ng lima pa naming pinsan. Lahat kami ay nakaikot sa table na ito. Bandang sulok kaya hindi ako napapansin ni Mama na mukhang paiyak na. Ayun kasi s’ya kina Tita Olive at nakikipagchikahan. Hindi man
Gabby's POVOne Week Later“20 hours?!” malakas na sabi ni Mama habang namumula ang mukha sa galit. Napataas ang balikat ko sa tinis ng boses n’ya. “Aray ko naman, ‘Ma!” Kaninang umaga pa kasi ako inaaya ni Mama kumain pero tumatanggi ako. Sinabi ko sa kanya na nakafasting ako ng 20 hours at gan’yan na nga ang naging reaction n’ya. “Bakit sobrang tagal naman, anak?!” sermon n’ya. Napanguso ako. Hindi ba’t ito ang gusto n’ya? Ang magpapayat ako? Oh eh bakit ngayong nagfa-fasting ako ay parang ayaw n’ya. “Si Dok Karlo naman po ang nagsabi n’on kaya ayos lang. Hindi na rin po ako muna kakain ng kanin at saka ng mga tinapay. Nakalow carb diet po kasi ak—”“Teka! Teka!” putol sa’kin ni Mama habang nakaharang ang palad n’ya sa mukha ko. “Sinasabi mo bang nasayang lang ang oras ko kakaluto ng masarap na ulam dahil hindi ka naman kakain ng tanghalian?”Saglit kong pinatay ang workout tutorial na sinusundan ko sa TV para kausapin s’ya nang maayos. “Kakain pa rin naman po. Hindi na nga l
Gabby's POVPagpasok ko pa lang sa loob ng establishment ay naintimidate na ako agad sa babaeng nakapuwesto sa reception desk. Kung magiging tao kasi ang hourglass ay baka s’ya na nga talaga iyon. Parang ako ang nahihirapan huminga sa liit ng waist n’ya. Iniisip ko nga na baka nakawaist trainer talaga s’ya at dinadaya lang ang proportions ng katawan n’ya pero para saan pa’t sa mismong weight clinic na nga s’ya nagtatrabaho.Malamang at lahat ng taong makikita ko rito ay fit.Ano ba naman ‘tong naiisip ko.“Good afternoon, Madam!” masiglang bati n’ya. Agad kong ginaya ang matamis na ngiting nakaguhit sa mukha n’ya.Mukhang mabait naman pala. Simula kasi no’ng pagtripan na ako palagi ng grupo ni Czarina ay lahat ng babaeng maganda ay awtomatikong nagkasungay sa mga mata ko. Paano ba naman ay palaging sa mga taong may istsura ko nararanasan mabully.Lalo na sa mga lalaki. Kahit nga iyong walang karapatan manghusga ay sila pa talaga ang nauuna.Ang kakapal ng mukha.“Ahhh… Hello! Ano…”
Gabby's POVThe Prom Queen Project Hindi ako sure kung sino’ng nagsingit ng papel na ‘to sa bag ko. Bukod kasi ro’n sa dalawang babaeng naghatid sa’kin sa stage no’ng prom ay si Sergio lang naman ang nakalapit sa’kin. At wala naman akong nakikitang dahilan para singitan n’ya ako ng contact ng isang weight clinic.I mean, maybe, he was concerned about me, but I genuinely don’t think that it would come to a point para offeran n’ya pa ako ng voucher para sa isang libreng makeover sa isang weight clinic na valid for six months.“You wanna wear that tiara, right? You know, you could be taking better care of yourself,” I read the short message silently.I gulped.Hindi ko alam kung ano’ng mararamdaman ko sa nabasa ko. Parang may halong guilt tripping ang atake ng invitation nila, ah?But you know what? Tama naman sila eh.I did this to myself.I am what I eat.Hindi ko p’wedeng sisihin si Mama o si Mang Bert dahil masarap sila magluto. I could always control my portions pero ako itong akal







