Accueil / Mafia / OUR THING / HARAPIN ANG WAKWAK GANG

Share

HARAPIN ANG WAKWAK GANG

Auteur: JJOSEFF
last update Dernière mise à jour: 2023-08-01 21:30:43

Sa di kalayuan nakita ko ang dalawang unngoy na nilalangoy ang dagat papunta sa pang pang. Sa dami ng na perwisyo nila, sana ay makarating pa sila sa pangpang.

Kinabukasan, maaga akong naglakbay sa damuhan, umupo sa isang bato, at pumwesto. Gamit ang isang telescope, ay nakikita ko na ang susunod na mangyayari, unang lumabas ang dalawang guard sa isang warehouse, bantay sarado ang buong paligid at napapalibutan ng CCTV camera, parang may binabantayan ito. Pumwesto ako at inayos ang aking dala na sniper rifles.

Halos isang linggo na akong nagmamatyag sa Isla. Ngayon lang ako nakakuha ng pagkakataon na mahanap ang leader ng wakwak gang, para patayin gamit ang sniper rifles.

Isa...

dalawa...

Within 3 seconds natamaan ko siya sa braso niya, bumilis ang takbo ng sinasakyan nitong kotse.

Pangalawang putok, tumama ito sa driver deretso sa ulo.

1 seconds more...

Nagpasuray-suray na ang takbo ng kotse sa kalsada.

Para sa pangatlong putok, dumeretso ito sa katabi niyang batang lalaki, ang anak ni Kwago.

Takbo dito, takbo doon narito ako sa masukal na kagubatan. Hinahabol ako ng mabangis na lobo, ang leader ng Wakwak gang. Nasa 40 na ang edad nito, ngunit mabilis pa din ito tumakbo. Ang tawag ko sa kanya ay "kwago", dahil sa gabi lang ito lumalabas sa lungga na pinagtataguan niya. Marami siyang napatay na tao dahil nagkalat ang marami niyang taohan. Gigil din akong mapatay siya dahil marami na siyang nasirang buhay ng kabataan. Dahil sa negosyo niya, naging talamak ang bentahan ng droga sa Pilipinas.

"Nasaan ka? Kung talagang matapang ka, lumaban ka ng patas!" ang sigaw ni kwago. Halata sa boses nito ang galit sa nangyari, malamang ay patay na ang anak nito.

Hindi nito alam na nasa likuran ko lang siya, na nagtatago sa isang malaking puno. Lumabas ako at itinutok ko ang hawak kong revolver gun sa ulo niya.

Humahalakhak ito ng malakas at sinabing

"Isa kang babae?" ang tanong nito na nagulat ng makita ako.

"Ang lakas ng loob mong pasukin ang lungga ko. Pati anak ko dinamay mo. Sabihin mo! sino ang nagpadala sa iyo dito?" ang tanong nito.

"Hindi na importante kung sino man siya, pero tinatawag ko siyang agila. Ngayon kilala mo na ba kung sino?" ang tanong ko sa kanya.

Halatang nag iisip pa ito.

"Kung hindi ako nagkakamali, si Don Monro? Ang hayop na iyon. Pero bago ko siya balikan ay papatayin na muna kita at ipapadala ko ang ulo mo sa kanya! maliban na lang kung makipag ugnayan ka sa akin." Ang sabi ni Kwago

"Hindi ako nakikipag ugnayan sa mga taong mapagmatyag, pero may mahinang pang amoy." Ang sagot ko sa kanya habang nananatili ako sa kinatatayuan ko.

"Magaling kang assassin, pero nagkamali ka ng binangga mo" ang sabi nito na nagsipag lakihan ang malaking mata sabay kalabit ng hawak niyang cal.45 1911.

Hindi na ako nagsalita pa. Pero wrong timing siya, dahil mas nauna akong e-putok ang baril ko. Naunang dumating ang bala sa bungo niya bago pa nagpakawala ng bala ang hawak niyang baril. Kaya ang direksyon ng bala ay napunta sa taas at natamaan ang sanga ng isang puno. Ito ay nabali, at buti naman ay nakailag na agad ako sa pagbagsak nito sa lupa.

Nang masisiguro ko na patay na si Kwago, I turn on my phone at tinawagan si Geralt Monro.

"Boss, mission accomplished!" ang sabi ko sa kanya sabay putol ng linya at umalis sa lugar.

Narating ko ang isang pangpang kung nasaan nakatago ang startup damon motor ko na kulay dilaw. Ang motor na unang regalo ni Don Geralt Monro sa akin, nang mapatay ko ang dalawang drug lords sa Mindanao.

Sinoot ko ang aking long coat, na kulay itim, madulas at manipis na tela. Sumunod ay sinuot ko na rin ang helmet na kulay dilaw, maliban sa isara ang salamin nito para takpan ang aking mga mata.

"Tsog! tsog! tsog!"

Bigla akong napayuko para umiwas sa tatlong sunod sunod na putok. Ngunit hindi na ako lumingon pa para hanapin kung saan galing ang pag putok.

Ang kinaroroonan ko ngayon ay nasa matarik na bundok, na may kalsada na parang bituka ng manok, umiikot mula itaas hanggang baba.

Batid ko na may sniper ang taohan ni Kwago kaya walang ibang hahabol sa akin kundi ang kanyang grupo lamang.

Dahil sa biglang pagpapaputok sa akin mabilis kung pinatakbo ang startup damon motor at nagmamaneho ng walang tigil, nagpasuray suray sa daan, dahil kahit anong layo ko na ay nasusundan pa rin ako ng pagputok.

"Shit!"

Hanggang sa nakita ko sa side mirror ang kahihinalang dalawang tao na nakasakay sa isang motor din.

"Habulin nyo ko!" sigaw ko pa sa eri.

Hindi ako makaganti sa pagpapaputok ngunit nag isip ako ng paraan kung paano makakawala sa sniper. Tuloy pa rin ang pagpapaputok niya sa akin, swerte lang at hindi pa ako natatamaan.

"Shaaacckk." tunog ng motor ko na tumatakbong naka-tagilid. Lumukso ako ng huminto ito sa may damuhan. Mabilis kong inakyat ang may kataasan sa lugar na iyon upang magtago, na tanging kutsilyo lang ang hawak.

Nang makahanap ng mapagtaguang lugar sa likod ng isang puno, ay sumilip ako ng bahagya sa kalsada. Doon huminto ang dalawang tao na nakasunod sa akin. Sila ay bumaba sa lugar kung saan naka hilata ang aking motor.

"Nasaan na siya?" sinabi ng isa.

"Natitiyak ko na narito lang siya sa paligid" sumagot naman ang kasama nito.

Ngayon ay pareho silang naghahanap sa akin. Dahil sa hindi nila alam ang kinaroroonan ko, inaantay ko ang tamang pagkakataon.

"Maghiwalay tayo, dito muna ako sa kabila" paunawa ng isa. Hindi naman sumagot ang kasama nito ngunit inilabas niya ang calib45.

Naghiwalay ang dalawa, ngunit ang isang ito ay magaling maghanap. Parang asong inaamoy ang lupa para sundan ang kinaroroonan ng kanyang hinahanap.

"Huwag kang kikilos kung ayaw mong madiin ko ang kutsilyo sa leeg mo."sinabi ko na nakatayo sa likod ng lalaking may hawak na baril.

"Hahahha.. di ko akalain na totoong isa kang babae" sumagot ito na binalewala ang sinabi ko.

"Sino kayo at bakit ninyo ako sinusundan?"

"Tsk. Hindi ba dapat ako ang magtatanong niyan? bakit ka nangugulo sa isla? Sino ka ba?" sagot nito.

"Wala akong pangalan" sagot ko sabay sipa ng kaliwa niyang kamay na may hawak na baril.

Mabilis din nakapaghiganti ang lalaki sa akin, natamaan niya ang ilong ko gamit ang kanyang siko. Dahilan para tumulo ang dugo sa ilong ko. Bahagya akong nahilo pero nagawa ko pa rin iwasan ang aksyong pagsuntok nya sa sikmura ko. Napasandal ako pabalik sa puno.

Ngayon nakita na ng lalaki kung saan tumilapon ang kanyang baril na hawak niya kanina. Kaya pinalipad ko na ang kutsilyo ko, at deretsong bumaon sa kanang bahagi ng leeg nya. Hindi lang sniper rifle gun ang kaya ko, kung hindi kaya ko rin ang "Darts game".

"Pare, wala dito" sigaw ng kasama nito na akmang tatawid na mula sa kabilang bahagi ng kalsada.

Kinuha ko ang baril na nasa lupa at sadyang pinaputukan ko na lamang siya sa ulo. Nang makita ko na natumba ang katawan niya, ay dito ko na inihagis ang baril sa isang malapit na sapa.

Muli, kumakaway ang dulo ng coat ko habang nagmamaneho, tila akoy isang paniki na lumilipad sa gitna ng kalsada. Parang ahas ang aking takbo, dahil sa maraming paliko na daan. Ang kalsada ay nasa gilid ng bundok, na napa-gitnaan ng baybaying dagat. Katulad sa isang artista, natutuwa ang mga unggoy na makita akong dumadaan sa kanila.

Tatlong oras ang binaybay ko sa kahabaan ng kalsadang dinaanan ko, ito ay ang lugar na sakop ng Leyte. Ngunit nang malagpasan ko ang San Juanico bridge ay nakaramdam ako ng kaba sa aking puso. Hindi ko alam kung bakit, kaya binilisan ko pa ang pagpatakbo ng motor ko pabalik sa safe house.

Kinabukasan, bago sumikat ang araw, dumating ako sa "safe house" ng ligtas. Maayos kong ipinarada ang motor ko sa garahe, na nakaloob sa second floor. Malawak ang "safe house" maraming security sa loob at labas ng bakuran, nasa ground floor ang aming silid tulugan, second floor ang garage at leaving room, sa third floor ang mga bantay ay nakakalat at may space dila doon upang makapag pahinga, ngunit iilan lang ang nakakaakyat sa fourth floor, kung nasaan ang kwarto at opisina ng tinatawag namin na "master's space" Ang space ni Don Geralt Monro.

Mula sa second floor ay narinig ko ang isang putok ng baril. Ito ay umalingawngaw sa aking paligid. Dahil sa kabang nararamdaman ko ay nagmamadali akong alamin kung anong nangyayari sa 'safe house" sapagkat batid ko ang mga karahasan dito, ever since na nakarating ako dito.

Sa sobrang pag aalala tumakbo ako papasok sa loob ng malaking ng malawak na sala. Nadatnan ko ang ilang tauhan at hinanap ko ang iba kong pang mga kasamahan, ang lahat ay nagtipon tipon na umiiyak sa takot.

"Anong nangyari?" Tinanong ko sila ngunit ne isa sa kanila ay walang may gustong magsalita. Hanggang sa may bigla akong narinig.

"Kung sino man ang may masamang balak sa bahay na ito, ay mapupugutan ng ulo!" boses ng isa sa mga lalaking taohan ni Don Geralt.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • OUR THING   IN EXCHANGE OF "OUR THING"

    Lumingon sa akin ang aking anak, pero naka kunot noo ito ng marinig ang pagtawag sa pangalan niya."Mama.... ?" "Go to your room," instead na sagutin ko siya ay pina-paakyat ko na lamang sa kanyang kwarto. Sumunod naman ito na tumakbo sa hagdan."Bakit mo naman sinabi yan?" inis na tanong ko."Hahaha. sinusubukang ko lang naman tawagin niya akong papa. Gues what? Sinabi naba ni Alexa sa iyo na buntis siya?""Ee ano naman ngayon, do we have to celebrate that?" tanong ko sa kanya."Yes, kayong dalawa ni Ole ang special guest. Darating din ang ilan sa mga close friends ko sa negosyo." nakangiting sinabi ni Kuya Jayson. Naka uwi na pala siya at sa ganitong oras pa ako sinurpresa."Congratulations!" sinabi ko sa mahinanong boses."Hanggang ngayon ba ay galit ka pa din sa akin?" tanong niya at umupo sa sofa malapit sa akin."Wala namang saysay kung magagalit ako sayo. Gayong tapos na ang lahat." sagot ko sa kanya."Gaano ba talaga ka halaga sayo ang tumira sa Isla ng Siargao?""Hindi lang

  • OUR THING   ANG TAMANG PAGKAKATAON

    "The deal is closed." sinabi ko sa dalawang negosyanteng kaharap ko."Abah.. gumagaling ka na ata sa pagnenegosyo!" sinabi ni Luciana na nagdadalang tao. Nakapangasawa siya ng isang mangingisda sa bayan ng Arayat. Limang taon matapos mamatay si Tantan. Ang akala ko noon ay silang dalawa ang magkakatuluyan, hindi pala."Kumusta naman si Candice..?" tanong ko kay Alice."Ayon, ayaw humiwalay sa afam niya. Parang pugita na parating nakapulupot.." nagtawanan kaming tatlo dahil sa pagbibiro ni Candice."Ehh ikaw Talya.. kumusta na kayong dalawa ng anak mo? Malaki na rin si Olifiano. Ayaw mo bang hanapan ng Tatay yan..?" tanong ni Luciana."Hindi na... Masaya na ako na kaming dalawa lang..""Eeh maghahanap pa rin ng tatay iyan.." bulong ni Luciana sa akin. Malapit lang kasi sa kinauupuan namin an

  • OUR THING   THE LAST TALK

    Ang lalaking ito ay masyadong mapangahas, magaspang, at mapuwersa. Siya ay 23 taong gulang at masyadong mapusok.Napahawak ako sa likod ng lalaki, senyales na nakikiusap ako na tigilan ang kasalukuyang ginagawa."Hmpp!!" unggol ko.Isang pagbulusok ang sumunod na pangyayari, na maramdaman ang hapdi na tumutusok sa aking private part. Mabilis ang pangyayari na hindi ko inaasahan. Ngunit nang mag-laon ay ginagawa na niya ito sa slow-motion na parang pagpa-plantsa lang ng damit."I want you more..." sinabi niya na itinigil ang kanyang paghalik at seryosong nakatingin sa aking mukha na naka-kunot noo.Nagpatuloy ang paglabas pasok ng dalawang daliri niya, hanggang sa ito ay parang nagugustuhan ko na rin, dahilan na nakita ng lalaki kung paano ako mag-moan.Ang naiinis na itsura ay napalitan ng pagmamakaawa. Kagat labi akong nakatingin sa lalaki na kasalukuyang gi

  • OUR THING   ANG MALUPIT NA SEKRETO

    Hinawakan ko ang kanyang baba, itinaas ko ang aking mukha para mabasa ko ang bawat nuance ng kanyang ekspresyon."For the third time, why are you here?" tanong ko sa kanya.Ngunit ang kanyang kamay ay nagtagal, hinimas ang isang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tainga. Nakatingin siya sa akin na para bang may kailangang sasabihin."You know why." Bumuntong hininga siya at ibinaling ang pisngi sa palad ko. Hawak niya ang aking kamay na parang aso na nagpapa-amo."Nakapag-desisyon na ako. Tungkol sa sinabi mo noon. Hayaan mo sanang pag aaralan ko ang kaso mo.""Malaking kaso ang maari mong hahawakan, maraming kilalang personalidad ang madadamay, politiko at ibang mga opisyales na nagtatrabaho sa gobyerno. Kaya mo bang maparusahan sila?" tanong ko sa kanya."Gagawin ko.." sagot nito.

  • OUR THING   END OF THE CONTRACT

    Nagliwanag ang mukha niya, unang nakita ko ang mahabang balbas niya at katangusan ng ilong. Papunta sa itaas nito, ay ang kanyang mga mata, na derektang nakatingin sa akin."From the very first, I already trust you. But my son failed to analyze how to run my business. Even though, I still hope that it will be corrected by you, but I did not expected that some of my investors has a big dream too. Big Boss is one of my top investors, but he cheat on me. And even steal something from me." paliwanag niya."Don Geralt?" bangit ko. Nagulat ako sa biglang pagkikita namin ngayon

  • OUR THING   KUMAWALA SA KAMAY NI BIG BOSS

    "Take this all" sigaw ni Bigboss sa kanyang dalawang taohan. Agad kumilos ang dalawa at nilagay ang dalawang malaking bag na itim sa tabi.Marahan akong gumapang na hawak-hawak ang taenga ko sa kanan, sira pa rin ang aking pandinig. Nag-echoe lang sa akin ang mga tunog at kalaskas sa paligid. Sumunod ay hinila ako ng isa sa mga taohan at lumabas ng basement. Paglabas ng warehouse ay agad sumalubong sa amin ang malakas na pagsampal ng hangin, bumaba ang isang helicopter sa second floor at naunang sumakay si Big Boss na paika-ika, dahil hindi niya hawak ang kanyang baston.Pinasok ng mga taohan sa loob nito ang dalawang malaking bag na naglalaman ng mga kinuha nila sa

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status