Home / Mafia / OUR THING / EKA-SAMPONG MISSION

Share

EKA-SAMPONG MISSION

Author: JJOSEFF
last update Last Updated: 2023-08-01 21:29:06

Makalipas ang dalawang buwan ay may ipinagawa sa akin ang aking amo na si Geralt.

Nagtakbuhan ang mga tao sa isang club. Binasag ko ang buntot ng isang empty bottle upang gamitin pang depensa laban sa mga tambay at lasing na mga lalaki. Anim silang lahat kung bibilangin. Napalaban ako dahil sa pambabastos nila sa isang babae.

Ang babaeng dancer ay sumasayaw sa gitna, pero dahil sa kalasingan nila ay lumapit sila sa stage at doon hinahawakan ang babae sa braso para hilahin at dalhin sa table nila. Walang sumita sa mga ito na kahit ang manager ng club ay walang nagawa.

Ayon sa narinig kong bulungan sa katabing table ang group na ito ay mga taohan ng wakwak gang. Timing, dahil ang group nila ang sadya ko sa lugar na ito.

"Ang tapang mo ah, sige! Lumapit ka dito!"

Nagsalita ang isa sa kanila, akmang bumunot ito ng baril pero hindi natuloy dahil pinigilan siya ng isa niyang kasamahan.

"Pre, babae papatulan mo?" sabi ng katabi niya.

"Hahahaha, Pre, pagbigyan mo na baka naghahanap to ng init sa katawan." Sabi pa ng isang lalaki na nakatayo sa hindi kalayuan mula sa kanila at nagsinde ng sigarilyo

"Hah! Talaga lang ah, sige, pagbibigyan kita pero pag natalo kita, sa kama na kita paiinitin!" Sabi ng matapang na lalaki. Pinagpawisan ito na tila nahimasmasan sa kalasingan.

Nang akmang lumapit na siya sa akin ay hinawakan ko ang dulo ng mesa malapit sa kinatayuan ko, hinila ko ito itinaob sa ulo niya. Basag ang gitnang bahagi ng plastic table, pero buo pa rin ang ulo niya. Nakatayo ito na parang nagyeyelong kahoy hanggang sa natumba.

Nagalit ang dalawang lalaki at bumunot na ng kutsilyo. Tumakbo sila ng sabay para atakihin ako, pero may isang plastic chair pa na upuan mula sa kinaroroonan nila. Mabilis akong nagtungo doon through sliding on the floor. Nakuha ng kaliwang kamay ko ang plastic chair at itinapon sa isang lalaki, sinalo niya iyon pero hindi niya namalayan sinundan ko ito ng paglaslas sa leeg niya gamit ang basag na bote.

Naka iwas ako sa sumunod na pag atake ng dalawa pang lalaki. At napunta ako sa lalaking may baril at walang malay. Kinuha ko ang baril niya at pinagbabaril ko ang dalawa.

"Saan ka pupunta?"

Tanong ko sa lalaking naninigarilyo, relax lang ito na nanonood sa mga pangyayari. Napansin ko na biglang nabasa ang soot niyang pants, nakaihi ito sa kung ano mang nararamdaman niya habang tinutotokan ko siya ng baril.

"Lalabas sana ako. Promise hindi ko ito ipagsasabi kahit kanino.!" Sagot sa akin habang nanginginig.

"Wala pa akong sinabi, nagpapaliwanag ka na, kargahin mo to, kung ayaw mong papasabugin ko ang ulo mo?" Utos ko sa kanya. Agad naman itong kumilos kahit medyo nahihiya dahil basang basa ang pantalon niya.

"Ikaw ginoo, mag report ka sa pulis, sabihin mo kagagawan ito ng wakwak gang. Sa susunod, mag-hire kayo ng bouncer para safe ang mga babaeng nagtatrabaho dito."

"Opo, salamat Po," Ang sabi ng matandang lalaki, na siyang tinuturong manager ng club.

"Ito pera, sapat na to para sa mga nasira ko," Ang sabi ko sa kanya sabay abot isang wallet. Binuksan ito ng manager at napakunot ng noo, bumalik ang tingin niya sa akin at nagtanong, "kayo ho ba ito?"

"Malamang hindi ako yan, kung sino ang may kasalanan siya ang magbabayad." Deretsong sagot ko sa kanya saka lumabas sa kabilang exit na pinto ng club. Ang may ari mg wallet na iyon ay walang iba kundi ang lalaking walang malay na kinakarga ng lalaking nakasunod sa akin.

Bumalik ako sa yacht kung saan ko ito iniwan. Kasama ko ang dalawang lalaki na parehong nahimasmasan mula sa kalasingan. Itinali ko sila sa gilid, habang tahimik lang silang nagtitinginan sa isa't isa.

Nakaramdam ako ng pagod, ngunit hindi ako pwedeng magpahinga. Kailangan kong malaman kung saan naglulunga ang leader ng wakwak gang. Umakyat ako sa taas at pinaandar ko ang yatch. Nang makarating na ito sa gitna ng dagat, nagustuhaan ko ang paligid, tahimik ang tubig na tila nagpapahinga sa ilalim nang maliwanag na buwan.

"Hoy kayo, bantayan nyo ang yatch na ito. Oras na gumalaw kayo diyan ay madi- detect ng system sa taas na tatakas kayo, pang nangyari iyon sasabog ang yatch na ito at sabay kayong mamamatay!"

Ang sabi ko sa dalawa, na nanlaki ang mga mata. Hinubad ko ang aking mga kasootan, boots, cellphone at relo. Naka bikini outfit ako ngayon sa kanilang harapan. Kinuha ko ang mga gamit na pweding gamitin sa ilalim ng tubig at makahinga.

"Itinali tayo dito para makaligo siya?" sabi nang isang lalaki na nakaihi sa pantalon kanina.

"Tumahimik ka nga diyan, ang panghi mo!" Ang naiinis na boses ng isa.

Narinig ko sila pero hindi ko lang pinansin. Lumukso ako sa malalim at malamig na tubig ng dagat na soot ang oxygen at doon ko unang naramdaman ang pagiging malaya. Lumangoy ako at nagpaikot-ikot na ini-enjoy ang tubig. Ang malayang lumangoy kasama ang mga isda ay nakakatuwa.

Later on nakaramdam ako ng pagkagutom kaya, sinubukan kong manghuli ng isda sa pamamagitan ng pana. Bitbit ko ang halos dalawang kilo na klase na isda na umahon paitaas.

Nginangatngat ko ang mainit na inihaw na isda, masarap kainin ang bagong huli na manamis namis ang lasa. Napalingon ako sa aking likuran, yumuko ang dalawang lalaki na nakagapos na tila ayaw magpahuli na kanina pa sila nakatingin habang nag iihaw ako ng isda.

Kumuha ako ng dalawang canned beer. Uminom ako sabay subo ng laman. Nang mabusog na ako ay saka ako lumapit sa dalawang lalaki.

"Papakawalan ko kayo sa isang kondisyon, sabihin nyo sa akin kung saan nagtatago ang leader ninyo" seryoso kong pagkasabi

"At sa tingin mo sasabihin namin? Kahit na ehulog mo pa kami sa dagat hindi namin sasabihin." Matapang na sagot ng isa.

"Ano bang pakay mo dito? Malawak ang lugar at halos ng mga tambay dito ay myembro ng wakwak gang. Baka ikamatay mo pa bago mo makikita ng personal si Boss." Ang sagot naman ng isa. Naisip ko na mukhang sa kanya ako makakuha ng tamang impormasyon.

"Ayos lang, nakahanda akong mamatay. Yon ay kung...oras ko na..."

Nagkatinginan ang dalawa. Maya maya pa ay nagsalita na ang isa sa kanila, "sasabihin na namin"

Sa wakas ay nakasundo ko ang dalawang lalaki. Binigay nila ang oras ng paglabas at pagpasok ng leader ng wakwak gang sa lunga na pinagtagoan nito. Ito na ang pagkakataon ko para sa susunod na hakbang. Kapalit dito ay ang kanilang kalayaan.

"Akala ko ba malaya na kami, bakit kailangan pa naming dumaan sa tubig?" Boses ng isa sa dalawang lalaki na nagtatanong, mukhang nababasa na din niya ang iniisip ko. Hindi paman siya nabasa ay halatang giniginaw na ito.

"Marunong kayong lumangoy di ba? Pwes, abutin ninyo ang pangpang kung gusto nyo pang mabuhay," sagot ko at agad kung pinaandar ang makina ng yatch.

"Uy, Ahhh! Teka! baka naman pwede pa nating pagusapan to...?" hirit pa ng isa. Pero hindi na ako nakinig.

Bigla kong pinihit ang ang susi ng makina, at agad tumakbo ng mabilis ang yatch, saka ko narinig ang sigaw ng dalawang lalaki na sabay nahulog sa tubig.

"Ipagdasal ninyong busog pa ang mga pating, para marating nyo pa ang pang-pang" sinabi ko at napailing na lang, sabay inom ng can beer habang nagmamaneho.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • OUR THING   IN EXCHANGE OF "OUR THING"

    Lumingon sa akin ang aking anak, pero naka kunot noo ito ng marinig ang pagtawag sa pangalan niya."Mama.... ?" "Go to your room," instead na sagutin ko siya ay pina-paakyat ko na lamang sa kanyang kwarto. Sumunod naman ito na tumakbo sa hagdan."Bakit mo naman sinabi yan?" inis na tanong ko."Hahaha. sinusubukang ko lang naman tawagin niya akong papa. Gues what? Sinabi naba ni Alexa sa iyo na buntis siya?""Ee ano naman ngayon, do we have to celebrate that?" tanong ko sa kanya."Yes, kayong dalawa ni Ole ang special guest. Darating din ang ilan sa mga close friends ko sa negosyo." nakangiting sinabi ni Kuya Jayson. Naka uwi na pala siya at sa ganitong oras pa ako sinurpresa."Congratulations!" sinabi ko sa mahinanong boses."Hanggang ngayon ba ay galit ka pa din sa akin?" tanong niya at umupo sa sofa malapit sa akin."Wala namang saysay kung magagalit ako sayo. Gayong tapos na ang lahat." sagot ko sa kanya."Gaano ba talaga ka halaga sayo ang tumira sa Isla ng Siargao?""Hindi lang

  • OUR THING   ANG TAMANG PAGKAKATAON

    "The deal is closed." sinabi ko sa dalawang negosyanteng kaharap ko."Abah.. gumagaling ka na ata sa pagnenegosyo!" sinabi ni Luciana na nagdadalang tao. Nakapangasawa siya ng isang mangingisda sa bayan ng Arayat. Limang taon matapos mamatay si Tantan. Ang akala ko noon ay silang dalawa ang magkakatuluyan, hindi pala."Kumusta naman si Candice..?" tanong ko kay Alice."Ayon, ayaw humiwalay sa afam niya. Parang pugita na parating nakapulupot.." nagtawanan kaming tatlo dahil sa pagbibiro ni Candice."Ehh ikaw Talya.. kumusta na kayong dalawa ng anak mo? Malaki na rin si Olifiano. Ayaw mo bang hanapan ng Tatay yan..?" tanong ni Luciana."Hindi na... Masaya na ako na kaming dalawa lang..""Eeh maghahanap pa rin ng tatay iyan.." bulong ni Luciana sa akin. Malapit lang kasi sa kinauupuan namin an

  • OUR THING   THE LAST TALK

    Ang lalaking ito ay masyadong mapangahas, magaspang, at mapuwersa. Siya ay 23 taong gulang at masyadong mapusok.Napahawak ako sa likod ng lalaki, senyales na nakikiusap ako na tigilan ang kasalukuyang ginagawa."Hmpp!!" unggol ko.Isang pagbulusok ang sumunod na pangyayari, na maramdaman ang hapdi na tumutusok sa aking private part. Mabilis ang pangyayari na hindi ko inaasahan. Ngunit nang mag-laon ay ginagawa na niya ito sa slow-motion na parang pagpa-plantsa lang ng damit."I want you more..." sinabi niya na itinigil ang kanyang paghalik at seryosong nakatingin sa aking mukha na naka-kunot noo.Nagpatuloy ang paglabas pasok ng dalawang daliri niya, hanggang sa ito ay parang nagugustuhan ko na rin, dahilan na nakita ng lalaki kung paano ako mag-moan.Ang naiinis na itsura ay napalitan ng pagmamakaawa. Kagat labi akong nakatingin sa lalaki na kasalukuyang gi

  • OUR THING   ANG MALUPIT NA SEKRETO

    Hinawakan ko ang kanyang baba, itinaas ko ang aking mukha para mabasa ko ang bawat nuance ng kanyang ekspresyon."For the third time, why are you here?" tanong ko sa kanya.Ngunit ang kanyang kamay ay nagtagal, hinimas ang isang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tainga. Nakatingin siya sa akin na para bang may kailangang sasabihin."You know why." Bumuntong hininga siya at ibinaling ang pisngi sa palad ko. Hawak niya ang aking kamay na parang aso na nagpapa-amo."Nakapag-desisyon na ako. Tungkol sa sinabi mo noon. Hayaan mo sanang pag aaralan ko ang kaso mo.""Malaking kaso ang maari mong hahawakan, maraming kilalang personalidad ang madadamay, politiko at ibang mga opisyales na nagtatrabaho sa gobyerno. Kaya mo bang maparusahan sila?" tanong ko sa kanya."Gagawin ko.." sagot nito.

  • OUR THING   END OF THE CONTRACT

    Nagliwanag ang mukha niya, unang nakita ko ang mahabang balbas niya at katangusan ng ilong. Papunta sa itaas nito, ay ang kanyang mga mata, na derektang nakatingin sa akin."From the very first, I already trust you. But my son failed to analyze how to run my business. Even though, I still hope that it will be corrected by you, but I did not expected that some of my investors has a big dream too. Big Boss is one of my top investors, but he cheat on me. And even steal something from me." paliwanag niya."Don Geralt?" bangit ko. Nagulat ako sa biglang pagkikita namin ngayon

  • OUR THING   KUMAWALA SA KAMAY NI BIG BOSS

    "Take this all" sigaw ni Bigboss sa kanyang dalawang taohan. Agad kumilos ang dalawa at nilagay ang dalawang malaking bag na itim sa tabi.Marahan akong gumapang na hawak-hawak ang taenga ko sa kanan, sira pa rin ang aking pandinig. Nag-echoe lang sa akin ang mga tunog at kalaskas sa paligid. Sumunod ay hinila ako ng isa sa mga taohan at lumabas ng basement. Paglabas ng warehouse ay agad sumalubong sa amin ang malakas na pagsampal ng hangin, bumaba ang isang helicopter sa second floor at naunang sumakay si Big Boss na paika-ika, dahil hindi niya hawak ang kanyang baston.Pinasok ng mga taohan sa loob nito ang dalawang malaking bag na naglalaman ng mga kinuha nila sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status