LOGIN"This love game of mine is starting to become hideously dangerous. Nagsisisi na ba ako? Obviously not." — Lexy Black Pagkatapos ng isang mainit na gabi, inakala ni Lexy na maari na lamang niyang kalimutan ang karanasang iyon pero paano na lamang kapag nalaman niya na ang naka-one night stand niya ay ang mismong gustong ipakulong siya? Coincidence nga ba? Or faith was just playing with them? Habang tumatagal, mas umiinit ang laro nila. Every encounter feels personal. Every move, calculated. At sa gitna ng dangerous cat-and-mouse game nila, isang insidente ang nagpilit kay Lexy na iligtas ang buhay ng lalaking dapat ay kaaway niya. Now Samuel is trapped in a dilemma. How could he arrest the woman who was once in his arms? And now, he owes his life to? In this game, na nagsimula sa gulo at habulan—will he put her in handcuffs or a ring on her finger instead?
View MoreHindi na alam ni Lexy kung saang direksyon siya papunta dahil sa matinding sakit ng ulo.
Nahihilo siya, at pakiramdam niya ay may pumupukpok sa kanyang ulo. Noong una ay hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya hanggang sa napaisip siya sa kung anong kinonsumo niya kanina. Her face darkened, murderous intent flashing in her eyes. “Hayop ka, Vincent! I’ll kill you one day!” she cursed. Napahawak siya sa pader at isinandal doon ang katawan niya nang biglang manghina ang kanyang mga binti. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Malalim ang paghinga niya. Nag-iinit ang kanyang pakiramdam. Alam na niya ang ibig sabihin ng mga senyales na iyon. “Aphrodisiac… bw*sit talaga,” galit niyang bulong. Sa tindi ng pagkagat ng kanyang mga ngipin ay halos mabasag ang mga ito. Despite her vision blurring with every passing second, she forced herself to take out her phone. Halos hindi na niya makita ang screen habang pinipindot ang isang pamilyar na numero bago idikit ang telepono sa kanyang tainga. Ilang segundo lang ay agad na may sumagot. “President Black?” boses iyon ng kanyang assistant. “Raika… puntahan mo ako… kung nasaan ako… ngayon,” utos niya. “Bilisan mo!” Iyon na lamang ang nasabi niya dahil biglang bumigat ang kanyang pakiramdam. Her body slowly collapsed onto the carpeted floor, and her hand lost the strength to hold the phone. Her breathing became erratic and heavy. Her body burned. Tuluyan nang tumatalab ang aphrodisiac sa kanyang katawan. But what was worse than the drug taking effect… was the sound of footsteps approaching. Mga boses ng ilang lalaki ang narinig niya sa di-kalayuan. “Wala sa banyo ang babaeng pinapahanap ni Mr. Vandolf.” “Kailangan natin mahanap agad ang babaeng nagngangalang Lexy Black. Kung hindi, baka maging isa tayo sa mga taong pinugutan ng ulo ni Mr. Vandolf.” “Alam ko. Kaya bilisan na natin.” Napakuyom ang kamao ni Lexy at pinilit niyang tumayo. Kailangan niyang makatakas. One hour earlier... Lumapit ang isang waiter sa mesa dala ang isang menu. Hindi ito tinanggap ni Lexy. Bagkus, tinitigan niya ang lalaking nakaupo sa harapan niya. “Hindi ako nagugutom—” “Lexy, please, dine in with me. Lalo akong masasaktan kapag tinanggihan mong kumain kasama ako,” nagtatampong sabi ni Vincent, bahagyang basa ang mga mata para ipakitang nalulungkot nga ito sa pagtanggi ni Lexy. But she remained unexpressive. Why shouldn't she? Alam niya kung anong klaseng lalaki si Vincent Vandolf. A wolf in sheep's clothing. “Mr. Vandolf, I have more important matters to attend to. At isa pa, kanina pa naghihintay sa akin si Raika. Kinukulit na niya ako na tapusin na ang trabaho ko rito para makabalik na ako ng Valcressia,” paliwanag ni Lexy. She made up an excuse just to avoid a scheming man like Vincent. But the man sitting across from her wasn’t fazed. “No need to be so formal, Lexy. Parang hindi naman tayo engage,” sabi ni Vincent na nakangiti. “I’m your fiancé, remember?” Napasimangot siya sa huling sinabi nito. Sa totoo lang, sa una hindi niya talaga maintindihan kung bakit pilit siyang kinukulit ni Vincent. But she had a pretty good guess—lalo na nang makita niya kung gaano kabilis pumayag ang tiyuhin niya sa kasunduang ipagkasundo siya kay Vincent. Hindi naman mahirap intindihin. Magkakuntyaba ang dalawang Hudas. Bastards always recognize their own kind, malamig niyang sabi sa isip. “Marami pa akong kailangan gawin, Mr. Vandolf. Kaya mauuna na—” “One glass,” he interrupted. Tumaas ang kilay ni Lexy. Halatang hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ni Vincent. Ngumiti si Vincent at agad nagpaliwanag. “Isang basong wine lang. Iyon lang ang hinihingi ko. Puwede ba?” “Like I said, may—” “Please?” putol niya ulit. Napabuntong-hininga si Lexy. “Fine. Akin na.” Agad nagsenyas si Vincent sa waiter na nakapwesto sa likuran ni Lexy. Lumapit ito at marahang ibinuhos ang wine sa dalawang baso. Pagkabuhos, walang pag-aalinlangang kinuha ni Lexy ang isang baso at diretsong ininom ang laman nito. “Ininom ko na. Happy?” aniya, sabay lapag ng baso sa mesa. Ngumiti si Vincent habang pinapanood siyang ubusin ang bawat patak. Ngunit ang ngiting iyon ay hindi simpleng kasiyahan—ito’y puno ng kalkulasyon at balak. “Oo naman,” sagot niya, nananatiling nakangiti. Tumayo si Lexy at hindi na nag-abalang magpaalam. Wala rin naman siyang dahilan para gawin iyon—lalo na’t hindi niya gusto ang lalaking kaharap. Mula pa kanina, may kung anong kutob na siya na hindi mapagkakatiwalaan si Vincent Vandolf. Tahimik siyang pinanood ni Vincent habang papalayo. Nang tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin, bahagya siyang kumilos at sinenyasan ang mga tauhan niyang kanina pa nagtatago. Isa-isa silang lumapit. “Sir?” “Sundan ninyo ang babaeng kasama ko kanina,” malamig na utos niya. Iniabot niya ang isang itim na key card. “Pagkatapos ninyong mahuli si Lexy, dalhin niyo siya agad sa kuwartong ’to.” “Masusunod!” Pagkayuko, mabilis na lumabas ng restaurant ang mga tauhan upang hanapin si Lexy. Sa kasalukuyan, hindi na malaman ni Lexy kung nasaan siya. Anong floor, anong bahagi ng hotel, o kung paano siya napunta roon—lahat ay tila magulo sa kanyang isipan. Mabigat ang kanyang katawan. Nahihilo. Halos hindi maigalaw nang maayos. Pinilit niyang maglakad, halos kaladkarin ang sarili palayo—umaasang makakaiwas sa mga tauhan ni Vincent. Hingal na hingal at nanghihina, napasandal siya sa isang pintuan. Sa natitirang lakas, mariin niya itong kinatok—sunod-sunod, walang tigil. “May tao ba sa loob!?” mahina ngunit desperado niyang sigaw. "Kung mayroon man, pakiusap, buksan niyo yung pinto!" Inulit niya ang pagkatok, mas malakas, mas padalos-dalos—umaasang may sasagot sa kabilang panig. Mas nilakasan niya pa ang pagkatok. Naging paghampas na halos dahil sa taranta niya nang marinig niya ang papalapit na mga hakbang—mabibigat, mabilis, at malinaw na papalapit sa kinaroroonan niya. Ang mga taong tumatakbo ay ang mga tauhan ni Vincent na kanina pa siya hinahanap. Kung saan-saan na sila nagpunta—sa bawat sulok ng hotel, sa bawat corridor, sa bawat floor—pero hindi pa rin nila makita si Lexy. Kaya ngayon ay halos magmadali na sila sa takbo dahil kanina pa naghihintay sa kanila si Vincent na galit na galit sa telepono at pinagmumura silang lahat. "Ano bang ginagawa ninyo at wala pa rin si Lexy sa kwarto ko?!" galit na singhal ni Vincent sa telepono. "Pasensiya na, sir. Hinanap na namin siya sa kung saan-saan pero—" "Puro ka palusot!" sigaw niya. "Bilisan ninyo at hanapin ninyo si Lexy! Or else, you'll all be dead before sunrise!" Pagkatapos noon ay agad niyang pinatay ang telepono. Pinagpawisan ng malamig ang mga tauhan at aligagang nagmadali para hanapin si Lexy. Wala na silang pakialam kung anong gagawin ng amo nila sa babae—ang mahalaga ay mailigtas nila ang mga sarili nila. Halos nanghihina na si Lexy. Unti-unti nang nagdidilim ang paningin niya. Pahina na rin nang pahina ang pagkatok niya sa pinto, at sa huling hampas niya, bigla na lamang itong bumukas. Dahil sa lakas na ibinuhos niya—at sa panghihina ng katawan—pabagsak na sana siya sa matigas na sahig nang may sumalo sa kanya. Napasinghap si Lexy. Matibay ang brasong humawak sa kanya, mariin pero hindi masakit.Sabay na napaabante ang katawan ng tatlo—si Lexy, Raika at Rei—nang bumangga ng malakas ang kotseng lulan sila sa sandaling bumangga ito sa sasakyan na sakay si Samuel at Dexter.Ilang segundo lang ay pinaharurot ni Dexter ang sasakyan nila na para bang wala lang ang ginawa niya.Seeing the car ahead speeding away, Rey was left stunned for seconds before he stumps on the gas pedal making the car speed away in full throttle.He was freaking mad at what Dexter did earlier so he was determined to catch up.Muling naghabulan sa kalsada ang dalawang sasakyan. Pero sa pagkakataong ito ay magkatabing nagsasalpukan, nagbubungguan at nagkikiskisan ang gilid ng mga sasakyan.Wala ni isa kay Rey at Dexter ang nagpapatinag.Tahimik na pinanood ni Lexy ang palitan ng dalawa hanggang sa napaisip siya na baka hindi na nila makuha ang kalaban na dala ni Samuel.The assailant might get killed in the process, she thought to herself. Guess I have to retrieve it myself.Napabuntong-hininga si Lexy. Ibina
Tumaas ang kilay ni Lexy, medyo nagtataka sa sinabi ng lalaki. “What do you me—Aghhh!”Walang kamalay-malay si Lexy na bigla na lamang siyang sisipain ni Samuel sa tiyan dahilan para tumalsik siya ng ilang hakbang bago bumagsak sa matigas na sahig.Pagbagsak sa sahig ay umikot ang paningin niya matapos tumama ang ulo niya sa sahig. Dahil sa lakas ng pagkakasipa sa kanya ni Samuel ay bigla niyang naramdaman ang pagkirot ng kanyang ulo at pagbaliktad ng kanyang sikmura.Nag-angat siya ng katawan at doon na lumabas ang lahat ng kinain niya kanina bago sila magpunta ng warehouse ni Raika.“Blekhh!”Napaubo siya ng ilang beses, napadura ng laway. Humihingal na para bang tumakbo siya ng malayo.Dahan-dahan siyang tumayo at lumingon, pero sa sandaling hanapin niya si Samuel ay wala na ito sa harapan niya.Napapadyak sa sobrang inis. “Ang walang hiyang ‘yon!” galit niyang sigaw.Kahit iniinda pa ang sakit ng sikmura ay parang nagkaroon ng kakaibang lakas si Lexy na tiisin ang sakit. Mabilis n
Hindi na siya nakipagtalo o ano kay Samuel at hinayaan na lamang ang lalaki matapos magsabi ng ‘okay.’Lumuhod si Samuel, tsaka inabot ang maskara at agad itong tinanggal.Sa sandaling maalis ang maskara ay sabay na namilog ang mga mata ni Samuel at Lexy nang masilayan ang mukha ng kalaban.Hindi nila inaasahan pareho na ang mukha sa likod ng maskara na inakala nila’y maari nilang malaman ang pagkakakilanlan kung sakaling ipakita nila o ipahanap ang anumang impormasyong makakalap tungkol sa kalaban ay hindi pala magiging madali dahil ang tao sa likod ng maskara ay puno ng burnmarks ang mukha.Sunog ang buong mukha ng taong nasa likod ng maskara.“What the actual f*ck?” Lexy said, her brow raised as she stared down at the unconscious assailant.Hindi gaya ni Lexy, hindi nag-react ng kung ano si Samuel. Bagkus, sinubukan nitong alamin ang kahit anong pwedeng gamitin para malaman ang pagkakakilanlan nito.Kinapkapan at hinalungkat ang bawat bulsang makikita ni Samuel. Pinanood lamang ni
“Ahhhh!”Hindi inaasahan na ibabato mismo ng kalaban sa mukha ni Lexy ang isang smoke bomb.Agad na naglabas ng makapal na usok ang isang maliit na bilog na smoke bomb.Nabalot ng makapal na usok ang buong warehouse dahil lang isa, hindi lang dalawa, kundi tatlong smoke bomb ang inilabas ng kalaban.Mabilis na pinunasan ni Lexy ang kanyang mukha gamit ng damit na suot niya.Nang medyo nakakaaninag na ay doon na siya naalarma nang makitang napapaligiran siya ng napakakapal na usok.“Kung ganito kakapal ang usok. Hindi kaya…” bulong niya.May bigla siyang naisip.Hindi lang sinusubukan ng kalaban niya kanina na tumakas, balak din nitong itakas pati ang mga kasama nito para walang makaaalam ng kanilang pagkakakilanlan.Dahil sa naisip na ito, umikot ang mga mata niya. Sinusubukan na maaninag o humanap ng anino ng isang tao, ang anino ng mga kalaban.Ilang segundo ang lumipas nang makakita siya ng dalawang aninong nakatayo, ilang hakbang lang mula sa kanya.Hindi na siya nagdalawang-isip
Nanigas ang buong katawan ni Samuel sa ginawang paghawak sa kanya ni Lexy. Ilang segundo bago siya nakapag-react at agad na inalis ang kamay ng dalaga, tsaka humakbang paatras upang makalayo rito.“Huwag mo ’kong hawakan!” galit niyang saad. “At ano bang pinagsasasabi mo?”Sa halip na mahiya, tumaw
Mahigit isang oras na ang lumipas simula nang maglaro si Lexy ng poker. Habang siya ay masaya at kalmadong naglalaro, ang mga kalaro naman niya sa mesa ay pinagpapawisan dahil sa matinding nerbyos at pagkadismaya sa tuwing natatalo. Paano ba naman—mula simula ay si Lexy lang ang nananalo. Wala ni
Pagkasakay ng kotse, mabilis na pinaandar ni Rey ang sasakyan. Nilabas ni Lexy ang cellphone niya at tinawagan si Raika. Ilang segundo pa lang itong nagri-ring nang agad itong sinagot. “President Black?” “Ang galing ng timing mo, ah?” nakangising sabi ni Lexy. Sa kabilang linya, narinig niy
Bumaba ng sasakyan si Lexy. Hindi na siya nagpasama kay Raika kahit nag-insist itong samahan siya, at sinabihan na lang niya itong dumiretso sa opisina. Pababa na sana ng kotse si Raika. “Pero, President—” “Basta sundin mo na lang ang sinasabi ko sa ’yo. Mauna ka na sa opisina at asikasuhin ang






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore