Home / Mafia / OUR THING / PAGKAMATAY NG KAIBIGAN

Share

PAGKAMATAY NG KAIBIGAN

Author: JJOSEFF
last update Last Updated: 2023-08-02 15:13:44

Napalingon ako sa kaliwa, nakita ko na kinakausap nito ang mga lalaki na kasamahan ko. Hindi nalalayo ang edad nila sa akin, ngunit mas marami sa kanila ang mas bata pa. Sila ay nagtitipon sa isang sulok at nakalagay ang mga kamay sa ibabaw ng ulo, habang nakaluhod. Ang iba ay umiiyak at ang iba naman ay tinitiis ang panginginig ng tuhod, malamang kanina pa sila nakaluhod sa sulok na iyon.

Akmang tatalikod na sana ako sa mga kababaehan na una kung nilapitan, ngunit may narinig akong boses, isa sa kanila ay biglang nagbangit ng pangalang "Lilly"

Muli, lumingon ako sa kanila at iniisa isa sila, confirmed wala nga si Lilly dito. Hindi ako nag-atubiling hanapin si Lilly.

Nagtanong ako sa ilang bantay ngunit walang sumagot ng maayos sa akin. Hanggang sa marating ko ang bakuran. Hindi ko alam kung bakit, ngunit malakas ang kutob ko na andoon si Lilly.

Lumapit ako doon upang tingnan sana ngunit may nakita ako. Kilala ko ito! kilala ko ang babaeng nakahandusay sa lupa na duguan.

"Lilly?"

Ang pagsigaw ko ng malakas, ang matalik kong kaibigan, si Lilly.

Si Lilly ang tangi kong kasama sa basement simula ng makarating ako sa impyernong na lugar na ito. ilang araw ang lumipas nadagdagan kami ng dalawang kasama, hanggang sa dumarami pa ang bilang namin. Mga batang nahiwalay sa pamilya, kinidnap at ang iba ay katulad ko, ibeninta ng sariling pamilya.

Dumiretso ako sa kanya at lumapit, sinubukan ko siyang sagipin ngunit tila huli na ako dahil mapuputol na ang kanyang may buhay na hininga.

“Ginahasa niya ak…ooo..” ang salitang naintindihan ko bago pa siya malagutan ng hininga.

"Lilly...sandali.. huwag kang ganyan..."

Ang daing ko sa kanya na tila hindi na niya ako naririnig. Ramdam ko ang bigat sa aking puso. Itinakwil na ako ng aking sariling pamilya ngunit ngayon namatay naman ang kaisa-isa kong kaibigan.

Dahil dito hindi ko na napigilang tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Sigaw ako ng sigaw habang binabangit ang kanyang pangalan.

“Sino sa inyo ang bumaril kay Lilly?”

Ang sigaw ko sa dalawang lalaki na may malaking pangangatawan, naroon sila sa bakuran, ngunit wala silang ginawa! Hinayaan nilang mamatay ang aking kaibigan. May limang kalalakihan pa na nasa taas. Ngunit ang dalawa ay hindi sumagot instead, tumawa lang ang mga demonyong ito. Balewala sa kanila ang anomang sinasabi ko.

“Bakit, anong magagawa mo?" ang sagot ng isang lalaki. Lumapit ito sa bakuran na tuwang tuwa sa nangyari. May hawak pa itong baril kaya malakas ang paniwala ko na siya nga ang bumaril kay Lilly.

Sa galit ko ay bumunot ako ng baril at itinutok sa ulo niya. Bumunot din ng baril ang lahat ng taohan na nakapaligid, pati na ang limang taohan na nasa taas.

"Hayop ka, matagal na akong nagtitiis sa mga ka-walang hiyaang ginagawa mo...Matalisod ka sana sa bangin at mahulog!"

Sigaw ko sa lalaking may lakas na loob kung tumawa. Kung wala silang tiwala sa akin mas lalo na ako, dahil matagal ko nang ninais na sunugin ang impyernong bahay na ito.

"Hindi porket ikaw ang paborito ni Boss ee. magagawa mo na ang mga gusto mo, huwag mong kalimutan na alipin ka pa rin" sinabi ng lalaking tumatawa kanina.

Narinig ko na naghiyawan ang mga kasamahan kong mga babae sa sala. Sa pagkakataong ito naaalala ko kung paano nila mino-molestya ang ilan sa amin.

"Bakit kailangan pang umabot sa ganito hayop ka?" Tanong ko sa kanya. Kahit ang pag hinga ng malalim ay hindi ko magawa dahil sa nararamdaman kong galit na umaapaw.

"Pasaway ang babaeng iyan! hindi ko sana siya binaril kung wala siyang ginawa." Ang hindi detalyadong sagot ng lalaking ito. Wala siyang takot na harapin ang baril na kasalukuyang itinutotok ko sa kanya.

Ang eksina ay biglang natigil ng biglang dumating ang leader ng safe house ngayon, si Jonathan.

“Sige! Iputok mo! kung gusto mong madamay ang lahat dito. Pag pinatay mo yan, lahat kayo ng kasamahan mo, mamatay din, mamili ka!?” ang sigaw ni Jonathan na nasa taas.

Bumaba si Jonathan sa hagdan na dinaanan ng lalaking tumatawa kanina, hindi na rin ako nagtataka kung paano niya ipagtatanggol ang kanyang mga taohan. Kahit kailan parating itong huli kung may mga eksinang nagaganap sa safe house. Kaya kahit siya, ay wala rin akong tiwala. Sa tagal kong pamamalagi sa malaking bahay na ito, alam ko na mainit ang dugo niya sa akin dahil alam niya na pinagkatiwalaan na din ako ni Geralt kaysa sa kanya. Natatakot itong mawalang ng kapangyarihan sa loob ng “safe house”

“Bakit pinatay si Lily?” ang tanong ko kay Jonathan.

“Dahil tinangka niyang patayin si Diego, natutulog siya at dumating si Lilly na may dalang kutsilyo. Buti nga sugat lang ang natamo ni Diego ee. Masamang damo yang kaibigan mo. hindi siya nararapat sa samahang ito ang sagot ni Jonathan.

“Ang sabi ni Lilly, ginahasa siya, alam mo ba kung sino ang gumawa ng walang kaluluwang iyon?" ang tanong ko sa kanya.

Inaantay ko ang sagot niya, napatulala siya na tila napapaisip. Alam kaya niya kung sino?

"Diego?" Ang tawag ni Jonathan.

"Boss?" sumagot naman ito agad.

"Iligpit niyo na ang bangkay, linisin nyo ang bakuran bago dumating si Don Monro." Utos nito na akala ko ay sasagutin niya ang tanong ko. Bumalik ang mga titig niya sa akin at sinabi,

“Dito sa "safe house" walang pamilya, kamag-anak at lalo na, walang kaibigan! Dahil sa totoong buhay kahit kadugo mo pa, ay kaya kang paglaruan, pagtaksilan at kung masama pa ay kaya kang patayin. Kung sa tingin mo ay hindi ka karapat-dapat bahay na ito. Mamili ka! Pasukin ang silid ni kamatayan? o mamatay kang lumalaban?” ang matapang na paliwanag ni Jonathan.

Paki alam ko sa nakaraan niya? Kahit pa siguro papatayin ko siya on the spot, delikado din ang buhay ko dahil sa limang baril na nakatutok sa akin.

Ibinaba ko ang baril ko, naisip ko na humanap na lamang ng tiyempo, na patayin sila one by one, upang maipaghihiganti ko ang pagkamatay ni Lily, lalo na sa Diego na iyon.

"Marahil ay hindi pa ito ang oras ko, dahil kahit ang hari ng kamatayan ay hindi pa handang tanggapin ako sa kanyang silid." Ang pagbawi ko sa kanyang mga salita.

Halata ang inis sa kanyang mukha. Lumapit ito sa akin na parang pating na gusto akong lamunin. Hindi ko inalis ang mag titig ko sa kanya, na tila nagbabarilan kami sa pamamagitan ng matulis na mga tinginan. Naputol lang ito ng bigla siyang tumalikod sa akin, ang akala ko ay suko na siya, ngunit bigla akong sinurpresa ng isang malakas na suntok sa mukha. 

Nadulas ako sa loob at labas ng kamalayan. Malabo ang isip ko at manhid ang katawan ko, iyon ay dahil sa nakatulog ako sa malamig na metal sa loob ng isang puting van.

Pinabagal ko ang aking paghinga at kinakalma ang sarili hangga't kaya ko. Kahit pa nakahiga ako ngayon na nakatagilid, nakatali ang aking mga braso, paa at bibig. Kasalukuyang nakabalot sa itim na plastic bag ang ulo ko, na may maliit na butas upang ako ay makahinga.

Sa pamamagitan ng kakaibang init sa magkabilang panig ng aking mga binti, sa harap at sa aking likod, masasabi ko na may tatlong taong nakapaligid sa akin habang binabantayan ako. Nakakapanibago lang sa pakiramdam dahil matagal na akong hindi nakasakay ng isang van, pero sa ganitong sitwasyon pa.

Sa sandaling ito, maayos pa naman ang pakiramdam ko, habang iniisip ko pa kung saan ang punta ng byaheng ito.

Matagal din akong nakakulong sa isang bahay na may sekreto at malaking basement sa loob, kasama ko ang iba pang tulad ko na nabili, sa ngalan ng salapi. Ang bahay na iyon, ay ang tinatawag na "safe house". Kami doon ay parang mga alagang hayop, na tinuturuan ng masasamang gawain, tulad ng pagpatay.

Ang ilan sa amin ay galing pa sa ibang bansa, at hindi kailan man pinalabas maliban kung meron silang mission na ipapagawa ng aming amo.

Pinilit kong huwag gumalaw upang hindi nila ako mapapansin. Akala nila tulog lang ako, maganda iyon. Para sa isang mapagpalayang sandali, habang nag iisip ako, kung paano makatakas.

Sa sobrang sama ng loob ko sa ginawa ni Papa, kailanman ay hindi ako nawawalan ng pag asa. Pero ngayon lang ako nakaramdam ng pag asa na may bigat, at nag iisip ng masama. Marahil ay delikado ang salitang "pag asa" kasi habang tumatagal, ay para bang paunti unti ako nitong kinakain ng buhay hanggang sa ako ay mamamatay.

Hindi ako makaalis sa isang matinding mental breakdown. Ramdam ko pa ang sakit sa ulo ko ng may biglang pumalo sa akin noong nakaraang umaga. Ngunit hindi na iyon mauulit, dahil ginagawa ko ang itinuro sa akin, kailangan kong magpakatatag.

"Gumising ka!" may sumigaw at sinipa ang likod ko. Umungol ako habang nakatiklop ang sarili ko na parang bola. Isang kamay ang malupit na kumapit sa braso ko, sinundan ng isa pa at hinila ako para makatayo. Parang nakabitin ang ulo ko habang kinaladkad ako paakyat ng hagdan. Hanggang sa may kumislap na malupit na ilaw sa kabilang bahagi.

Isang lalaki ang nagsasabi, "Nandito na siya."

Muli, bumitaw ang mga kamay na nakahawak sa aking braso, at inalis nila ang plastic bag sa aking ulo. Tila nagsipagliparan ang mga alitaptap sa paningin ko, nang sinubukan kong buksan ang aking mga mata.

"Dalhin niyo na siya kay Amo." sinabi ng isang naka-uniform na gwardiya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • OUR THING   IN EXCHANGE OF "OUR THING"

    Lumingon sa akin ang aking anak, pero naka kunot noo ito ng marinig ang pagtawag sa pangalan niya."Mama.... ?" "Go to your room," instead na sagutin ko siya ay pina-paakyat ko na lamang sa kanyang kwarto. Sumunod naman ito na tumakbo sa hagdan."Bakit mo naman sinabi yan?" inis na tanong ko."Hahaha. sinusubukang ko lang naman tawagin niya akong papa. Gues what? Sinabi naba ni Alexa sa iyo na buntis siya?""Ee ano naman ngayon, do we have to celebrate that?" tanong ko sa kanya."Yes, kayong dalawa ni Ole ang special guest. Darating din ang ilan sa mga close friends ko sa negosyo." nakangiting sinabi ni Kuya Jayson. Naka uwi na pala siya at sa ganitong oras pa ako sinurpresa."Congratulations!" sinabi ko sa mahinanong boses."Hanggang ngayon ba ay galit ka pa din sa akin?" tanong niya at umupo sa sofa malapit sa akin."Wala namang saysay kung magagalit ako sayo. Gayong tapos na ang lahat." sagot ko sa kanya."Gaano ba talaga ka halaga sayo ang tumira sa Isla ng Siargao?""Hindi lang

  • OUR THING   ANG TAMANG PAGKAKATAON

    "The deal is closed." sinabi ko sa dalawang negosyanteng kaharap ko."Abah.. gumagaling ka na ata sa pagnenegosyo!" sinabi ni Luciana na nagdadalang tao. Nakapangasawa siya ng isang mangingisda sa bayan ng Arayat. Limang taon matapos mamatay si Tantan. Ang akala ko noon ay silang dalawa ang magkakatuluyan, hindi pala."Kumusta naman si Candice..?" tanong ko kay Alice."Ayon, ayaw humiwalay sa afam niya. Parang pugita na parating nakapulupot.." nagtawanan kaming tatlo dahil sa pagbibiro ni Candice."Ehh ikaw Talya.. kumusta na kayong dalawa ng anak mo? Malaki na rin si Olifiano. Ayaw mo bang hanapan ng Tatay yan..?" tanong ni Luciana."Hindi na... Masaya na ako na kaming dalawa lang..""Eeh maghahanap pa rin ng tatay iyan.." bulong ni Luciana sa akin. Malapit lang kasi sa kinauupuan namin an

  • OUR THING   THE LAST TALK

    Ang lalaking ito ay masyadong mapangahas, magaspang, at mapuwersa. Siya ay 23 taong gulang at masyadong mapusok.Napahawak ako sa likod ng lalaki, senyales na nakikiusap ako na tigilan ang kasalukuyang ginagawa."Hmpp!!" unggol ko.Isang pagbulusok ang sumunod na pangyayari, na maramdaman ang hapdi na tumutusok sa aking private part. Mabilis ang pangyayari na hindi ko inaasahan. Ngunit nang mag-laon ay ginagawa na niya ito sa slow-motion na parang pagpa-plantsa lang ng damit."I want you more..." sinabi niya na itinigil ang kanyang paghalik at seryosong nakatingin sa aking mukha na naka-kunot noo.Nagpatuloy ang paglabas pasok ng dalawang daliri niya, hanggang sa ito ay parang nagugustuhan ko na rin, dahilan na nakita ng lalaki kung paano ako mag-moan.Ang naiinis na itsura ay napalitan ng pagmamakaawa. Kagat labi akong nakatingin sa lalaki na kasalukuyang gi

  • OUR THING   ANG MALUPIT NA SEKRETO

    Hinawakan ko ang kanyang baba, itinaas ko ang aking mukha para mabasa ko ang bawat nuance ng kanyang ekspresyon."For the third time, why are you here?" tanong ko sa kanya.Ngunit ang kanyang kamay ay nagtagal, hinimas ang isang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tainga. Nakatingin siya sa akin na para bang may kailangang sasabihin."You know why." Bumuntong hininga siya at ibinaling ang pisngi sa palad ko. Hawak niya ang aking kamay na parang aso na nagpapa-amo."Nakapag-desisyon na ako. Tungkol sa sinabi mo noon. Hayaan mo sanang pag aaralan ko ang kaso mo.""Malaking kaso ang maari mong hahawakan, maraming kilalang personalidad ang madadamay, politiko at ibang mga opisyales na nagtatrabaho sa gobyerno. Kaya mo bang maparusahan sila?" tanong ko sa kanya."Gagawin ko.." sagot nito.

  • OUR THING   END OF THE CONTRACT

    Nagliwanag ang mukha niya, unang nakita ko ang mahabang balbas niya at katangusan ng ilong. Papunta sa itaas nito, ay ang kanyang mga mata, na derektang nakatingin sa akin."From the very first, I already trust you. But my son failed to analyze how to run my business. Even though, I still hope that it will be corrected by you, but I did not expected that some of my investors has a big dream too. Big Boss is one of my top investors, but he cheat on me. And even steal something from me." paliwanag niya."Don Geralt?" bangit ko. Nagulat ako sa biglang pagkikita namin ngayon

  • OUR THING   KUMAWALA SA KAMAY NI BIG BOSS

    "Take this all" sigaw ni Bigboss sa kanyang dalawang taohan. Agad kumilos ang dalawa at nilagay ang dalawang malaking bag na itim sa tabi.Marahan akong gumapang na hawak-hawak ang taenga ko sa kanan, sira pa rin ang aking pandinig. Nag-echoe lang sa akin ang mga tunog at kalaskas sa paligid. Sumunod ay hinila ako ng isa sa mga taohan at lumabas ng basement. Paglabas ng warehouse ay agad sumalubong sa amin ang malakas na pagsampal ng hangin, bumaba ang isang helicopter sa second floor at naunang sumakay si Big Boss na paika-ika, dahil hindi niya hawak ang kanyang baston.Pinasok ng mga taohan sa loob nito ang dalawang malaking bag na naglalaman ng mga kinuha nila sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status