NAWALAN tuloy ng gana sa kanyang ginagawa si Saskia. Nagbago rin ang kanyang pakiramdam. Ang kaninang kasiyahang nararamdaman niya ay bigla na lang na napalitan ng takot at pangamba.“Weston, anong gagawin natin? Mukhang malalim ang galit sa ‘kin ni Vivian base roon sa pagkakasabi niya sa sulat! Kung nagawa niya akong traydurin noon, ano pa kaya ngayon?” nangangambang sambit niya sa asawa.“Baby, huwag kang mag-alala. Huwag kang matakot at mangamba dahil naririto lang ako, kami ng pamilya ko sa tabi mo, sa tabi ninyo ng anak natin para protektahan kayo. Sa ngayon, magsaya na lang muna tayo, okay? Hanggang pagbabanta lang naman iyon si Vivian. Kailan ba siya nagtagumpay na makuha ako sa ‘yo, at masira niya ang relasyon natin? Hindi ba matagal na niyang ginagawa iyon, pero hindi siya nagtatagumpay?”Nabawasan ang pangamba at takot na nararamdaman niya dahil sa sinabing iyon ni Weston. kaya ang ginawa niya ay inilagay niya sa pinag-iihiwan niya ng manok at isda ang papel na ipinadala ni
NAPAGKASUNDUAN nina Saskia at Weston na magkaroon ng salo-salo ang kani-kanilang pamilya sa bahay mismo nina Saskia. Para silang nag pi-picnic dahil sa labas ng bahay sa mini garden nila naisip na magtipon-tipon.Naglagay sila roon ng lamesa at tent, at doon sila nagluto. Parang nakikisabay din ang ganda ng panahon sa ganda ng pakiramdam nila, dahil maaliwalas ang panahon dahil sa sikat ng araw na hindi pa naman masakit sa balat, sabayan pa ng presko at malamyos na simoy ng hangin na siyang nagpapasayaw sa mga bulaklak at mga sanga ng punong kahoy na naroroon. Para sa kanila, iyon ang araw na sila ay nagkaisa.Pero lingid sa kaalaman nila, ay may dalawang pares ng mga matang naglalagablab sa galit ang siyang masamang nakatingin sa kanilang lahat. Nakakubli ito sa isang malaking puno malapit sa gate ng kanilang bahay, at tila hindi ito masaya sa nakikita.“Weston, si Wesley, ha? Pakibantayan at baka makalabas ng gate, baka kung saan-saan ‘yon makapunta at maligaw pa,” paalala niya sa a
“I-isa ka sa mga biktima ni Dad? P-pero paano?” punung-puno ng pagtatakang tanong sa kanya ni Katrina.“Dapat ay hindi ka na nagtataka dahil normal naman kay Bastian ang maging masama, kaya hindi na rin ako nagtataka na ganyan din ang ugali mo. Pero ngayon, katapusan niyo na dahil wala na ang pundasyon ninyo na magtatanggol sa inyo, hahaha! Hahaha!”“Baliw!” sigaw sa kanya ni Katrina.Isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa kabilang pisngi nito.“Wala kang karapatan na sabihan ako ng baliw! Naiitindihan mo?!” nanggagalaiting balik sigaw niya rin dito. “Kung may baliw man sa ating dalawa rito, ikaw iyon at hindi ako! Akalain mo iyon, feeling mo mahal na mahal ka ni Weston dahil pakakasalan ka? Huhulihin lang pala ang demonyo mong ama!”Nagulat siya ng isang malakas na sampal din ang iginanti nito sa kanya.“How dare you para tawagin na demonyo si Daddy! Wala ka ring karapatan na sabihin iyan, bitch!”Sa pangalawang pagkakataon, ay ang hawak na niyang baril ang isinampal niya rito.
KAPWA walang ganang kumain ang mag-ina habang magkaharap sa isang pahaba at malaking lamesa sa kusina sa bahay bakasyunan. Doon sila dumiretso ng kanyang Mommy pagkatapos na arestuhin ang kanyang mahal na ama sa araw mismo ng kasal nila Weston.Hindi niya matanggap na naudlot ang pangarap niyang maging asawa si Weston. Naroon na, eh. Pero bigla pang may dumating na hadlang. Labis-labis ang kanyang panghihinayang dahil doon. At ang labis na nagpapabagabag ng kanyang isipan, ay ang iisipin ng mga tao sa kanila. Lalo na at live ang nangyaring pagdakip sa kanyang ama.Ngayon pa nga lang ay inuulan na ng mga negatibong komento ang kanyang social media account. Puro mga panlalait at mga masasakit na salita ang mga nababasa niya roon. Marami na rin ang nag-unfollow sa kanya. Hinusgahan din siya ng mga itinuring niyang mga kaibigan.At alam niya, at ramdam niyang ito na ang simula ng kanilang pagbagsak. Kung totoo man ang mga paratang sa kanyang ama na isa itong masamang tao at gumagawa ng mg
NAPANGISI na lang si Vivian nang maging matagumpay ang naisip niyang plano. Ilang minuto lang ang lumipas pagkatapos na kumain ng mga tauhan ni Bastian na nasa kanyang harapan, ay isa-isa nang natutumba sa kinauupuan ang mga ito habang hawak ang leeg.Bumubula ang mga bibig ng mga ito habang nangingisay, at hindi kalaunan ay nawawalan na ng hininga. Sino ba naman ang hindi kaagad mawawalan ng buhay sa dami ba naman ng inilagay niyang pulbos ng lason sa bawat pagkain at inumin?Ngunit mukhang may pinakamatibay na sikmura ang katabi niyang lalaki na nakausap niya kanina, dahil nagawa pa nitong hawakan siya sa kanyang damit at nakakapagsalita pa.“A-anong gi-ginawa mo sa ‘min? A-anong lason ba ang inilagay mo sa mga pagkain na-namin?” kandautal nitong tanong habang nagsisimula nang humawak sa sariling leeg.“Hay, akala ko ba wais at matalino si Bastian? Kasi, bigtime siya, eh! Pero tingnan mo nga naman ang pagkakataon kapag bumaliktad. Nagmana lang kayong mga tauhan niya sa kanya! Mga ta
PAKANTA-KANTA pa si Vivian habang nagluluto ng spaghetti sa malawak na kusina. Nakikita niya sa sulok ng kanyang mga mata ang pagsunod ng mga paningin ng mga tauhan ni Bastian sa kanya. Abot-abot man ang kaba at takot na nararamdaman, pero nagawa pa rin niyang kumilos ng normal.Kailangan niyang maging magaling na artista kung gusto pa niyang makaalis ng buhay sa ancestral house. Bahagya pang nanginig ang kanyang katawan nang makitang papalapit sa kanya ang isang tauhan na may nakasukbit na mahabang baril sa balikat. Isa iyon sa mga nagbabantay sa entrance ng bahay.“Madam! Mukhang masarap ‘yang niluluto natin diyan, ah? Para saan ba ‘yang nilututo mo at parang napakarami naman? May isini-celebrate ka ba?” nagdududang tanong nito. Parang gustong malaman nito sa mga kilos at reaksyon niya kung may alam na ba siya tungkol sa pagkakadakip kay Bastian.“Humarap siya rito ng may ubod tamis na ngiti. “Naku, ikaw po pala ‘yan! Ano ka ba! Masama bang magluto ng marami para sa pagdating ng lov