NAHINTAKUTAN si Saskia nang lumapit sa kanya si Weston at hinaklit ang kanyang braso. Muntikan pa siyang mapasubsob sa dibdib nito dahil sa lakas ng pagkakahatak nito sa kanya.“You know, Saskia. Hindi na sana kita papansinin pa, pero naisip ko kasi, parang unfair naman sa ‘kin na hindi kita magagantihan. Kaya ang gagawin mo ngayon habang tayo lang ang magkasama rito? Ikaw ang magsisilbing tagaluto, tagalaba, at tagalinis! Sa madaling salita, ikaw na ang gagawa ng mga ginagawa ni nanay Lita!”“A-aray, Weston, ma-masakit…” nakangiwing sambit niya habang nakahawak sa malabakal nitong kamay na mahigpit na nakahawak sa kanyang braso. Pakiramdam niya ay madudurog ang mga buto niya.“Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?!” galit na tanong nito.“O-Oo, na-naiintindihan ko—aaah!” sigaw niya nang pisilin nito ng madiin ang kanyang pisngi.“Sumunod ka sa ‘kin sa itaas, dahil may sasabihin pa ako sa ‘yo roon!” malakas na sambit nito bago binitiwan ang kanyang pisngi at mabilis na tumalikod. Pakir
NAISIPAN ni Weston na bumisita sa kanyang bahay sa Villa. Gusto niya rin na makita kung ano na ba ang kalagayan doon ng Mommy niya at ni nanay lita. Halos isang buwan din kasi siyang hindi umuwi roon.Binabalak niyang ipagbili na lang iyon dahil alam niyang sa tuwing uuwi siya roon, ay maaalala lang niya si Saskia. At ayaw niyang patuloy na mangyari ‘yon sa kanya. Isipin pa lang niya na siya ay nagdurusa ngayon, samantalang ito ay nagpapakasarap sa piling ng kanyang pamangkin, ay nagngangalit na ang kanyang mga ngipin sa galit. At kapag dumating ang pagkakataon na magkita man silang muli, ay ipapalasap niya rito ang sakit, hirap at pagdurusa na siyang ipinaparamdam nito ngayon sa kanya.Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa pintuan, ay may nauulinigan siyang kausap ng kanyang Mommy. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang iyon, pero naririnig niya ang boses ni Saskia. Nakumpirma niya iyon nang tuluyan na siyang makapasok sa living area.Ang taksil nga niyang asawa ang kausap ng M
MASAYANG-MASAYA ang kanyang Mommy at Daddy nung makita siya, wala raw ibang hinihiling ang mga ito kung hindi ang makabalik siya ng ligtas. Ikinuwento niya rito ang lahat ng nangyari, simula sa simula hanggang sa pgtakas niya. Katulad kung paano siya nagkwento kay Mommy Diana.“Walanghiya talagang Vivian na ‘yan! Ang kapal ng pagmumukha niya! Pagkatapos namin siyang kupkupin at ituring na parang tunay na anak, ay ganoon lang ang isusukli niya? Nagsisisi ako naniwala ako sa mga kasinungalingan niya rati, sa mga paninira niya sa ‘yo, kaya nga nabaling ang atensyon namin sa kanya imbes na sa ‘yo na siyang tunay namin na anak! Gusto na lang niyang agawin sa ‘yo lahat! Kaya pasensiya siya, dahil mamayang pag-uwi niya ay hindi na siya rito manunuluyan!” sambit ng Mommy niya na galit nag alit.“Malaki ang perang nawawala sa kompanya natin, anak. Halos mahigit fifteen million pesos, sa loob lamang ng tatlong buwan. At hindi namin alam kung saan ba nila ginagamit iyon. Nag-surprise visit kami
PAGDATING nila ni Mommy Diana sa bahay ni Weston sa Villa, ay doon pa lang niya sinagot ang mga katanungan nito. Gusto niyang ipaliwanag dito na wala siyang kinalaman sa larawang naroroon sa cellphone ni Weston na ipinadala ng kung sinuman. At mas lalong wala siyang kaalam-alam kung paanong nagkaroon sila ng conversation ni Gerald sa kanyang cellphone, gayong matagal na niyang binura ang numero nito dahil ayaw na nga niyang magkaroon ng komunikasyon pa rito.Iyak din siya ng iyak nung sabihin ni Mommy Diana na sukdulan ang galit ni Weston sa kanya ngayon, dahil pinaniwalaan nito ang nakitang larawan nila ni Gerald na magkatabing natutulog, at ang conversation nilang dalawa na nasa kanyang cellphone.“Mommy, nagsasabi po ako ng totoo. Wala po akong kinalaman sa lahat ng ‘yan! Kung sinuman ang may gawa niyan, alam kong iisang tao lang siya na pilit kaming gustong paglayuin ni Weston!” paliwanag niya. Hindi niya alam kung anong klaseng paliwanag ba ang dapat niyang gawin, para paniwalaan
NAGTANONG-TANONG si Saskia sa mga taong naroroon sa terminal kung paano siya makakarating sa Maynila at kung saan siya sasakay. Mabuti na lang at mababait ang napagtanungan niya, kaya masaya siyang sumakay ng bus patungong Maynila ng walang pag-aalinlangan.Pagbaba niya ng bus sa huling terminal, ay lumapit siya sa isang pulis na nakabantay sa gilid ng kalsada.“Sir, pwede ko po bang mahiram saglit ang cellphone ninyo? Kailangan ko lang po kasing kontakin ang pamilya ko para masundo ako rito. Wala po kasi akong dalang cellphone, eh,” pakiusap niya.Tiningnan muna nito ang kabuuan niya at saka siya tinanong. “Bakit mo sila kokontakin? Sa anong dahilan?” tanong nito sa mapanuring tingin.Hindi niya alam kung ano ang isasagot, alangan namang sabihin niya rito na na-kidnap siya at nakatakas lang. Ayaw niya ng maraming tanong at komplikadong sitwasyon, kaya nag-isip na lang siya ng pwedeng isagot.“Ahm, galing po ako sa ibang lugar, at hindi ko na po alam ang pauwi sa ‘min, kaya kailangan
BASANG-BASA na siya Saskia dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan. Pagod na pagod na rin siya sa ginagawang pagtakbo. Hindi niya alam kung saan siya patungo at kung saan siya naroon, pero isa lang ang sigurado niya, malayo na siya kay Gerald. Patuloy siya sa ginagawang pagtakbo kahit pa hindi niya maaninag ang dinaraanan dahil sa kadiliman.Pagod man pero masaya siya. Dahil nagawa niyang makatakas sa mga kamay ni Gerald. Hindi niya hahayaang muli siya nitong madakip at ikulong kasama ito. Labis ang kasiyahang nadarama niya nung sa wakas, ay nakakita siya ng kalsada at isang maliit na gasoline station sa hindi kalayuan. Patakbo siyang lumapit patungo roon.Lumapit siya sa isang lalaking tagabantay doon at nagtanong.“Ku-kuya, ma-may telepono po ba kayo o kaya kahit ce-cellphone?” pautal-utal niyang tanong dahil sa labis na lamig na nararamdaman niya. Nanginginig na siya at nangangatal ang mga labi.Nagulat naman ito nung mapagmasdan ang kalagayan niya.“Naku, Ma’am, ano po ba ang nangyar
MALAKAS ang buhos ng ulan, at halos sakupin na ng liwanag na nagmumula sa tila nagngangalit na kidlat ang kubong kinaroroonan ni Saskia. Sabayan pa ng isang napakalakas na pagkulog na pakiramdam niya ay nagpapayanig sa lupa.Takot pa naman siya sa kidlat at kulog. Kaya ngayon ay nakasiksik siya sa gilid ng kama habang nakatalukbong ng kumot. Mag-isa lang siya dahil muling lumuwas si Gerald. Katulad ng dati, mukhang hating-gabi na naman ito makakauwi. Abot-abot ang kaba at takot na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.Labis ang naramdaman niyang tuwa nang sa wakas ay bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Gerald. Pero napawi ang sayang sandaling naramdaman niya nang makita ang awra nito sa tulong ng liwanag ng kidlat. Namumungay ang mga mata nito na parang punong-puno ng pagnanasa. Amoy alak ito at basang-basa ang damit dulot ng pagkabasa sa ulan.Patay-malisyang naghubad ito ng damit sa kanyang harapan, bago ito umakyat sa kamang kinaroroonan niya at gumapang palapit sa kanya. Pa
KANINA pa si Saskia naghihintay sa pagdating ni Gerald, ngunit magtatakip-silim na lamang, ay wala pa ito. Napabuntung-hininga na lang siya. Kung sana ay mayroong paraan para makatakas siya habang wala si Gerald, pero ano ba ang magagawa niya? Naka-locked sa labas ang pintuan ng kubo at kahit yari lang ito sa kahoy, ay matibay iyon.Mabuti na lang at kahit sinabihan siya ni Gerald kanina na huwag nang magluto para sa pananghalian dahil magdadala na lang ito ng pagkain pagbalik, ay nagluto pa rin siya. kung hindi ay baka nanginginig na siya ngayon sa gutom.Eksaktong alas-dies ng gabi nung marinig niyang kumalampag ang locked ng pintuan sa labas, palatandaan na dumating na si Gerald. Nagulat pa siya nung pagpasok nito ay hinalikan siya sa labi. Muntik na siyang mapatakbo sa lababo para magmumog. Pero syempre, hindi niya gagawin iyon dahil ayaw niyang ipahalata rito na nadididiri siya.“I’m sorry, babe. Hindi ko natupad ‘yong pangako ko kanina na magdadala ako ng lunch. Natagalan kasi a
PAREHO silang nakahubo’t hubad ni Vivian, habang mapusok na nagpapalitan ng mga halik sa ilalim ng shower. Tila hindi nila ramdam ang malamig na tubig na siyang bumabagsak sa kanila, dahil sa bumabalot na init sa kani-kanilang katawan.Hininaan ni Gerald ang shower, bago dinampot ang sabon, at sinimulang ipahid iyon sa katawan ni Vivian. Ganoon din ang ginawa nito, nagsabunan sila ng katawan. Pagkatapos ay sabay na silang nagbanlaw habang magkahinang ang kanilang mga kabi.Dahil sa ginawa nilang iyon ay mas tumindi pa ang init na nararamdaman nila. Isinarado niya ang takip ng toilet bowl at doon ay pinaupo si Vivian. Itinaas at ibinuka niya ang dalawang mga binti nito, at saka sinimulang lasapin ang medyo mamasa-masa na nitong hiyas.Umungol agad ito ng malakas. “Ooooh! Gerald, ito ang hinding-hindi ko sa ‘yo makakalimutaaaan!” wika nito habang nakapikit.“Do you like this? Do you like it this way?” tanong niya rito habang nasa pagitan siya ng mga hita nito.“Yes! Yes! Ooooh!” halingh