Share

Chapter 130

Author: Serene Hope
last update Last Updated: 2025-05-29 14:04:43

“ANO NA ang gagawin natin ngayon, Gerald? Alam na nina tito at tita ang lahat ng mga ginawa at pinlano natin! Sa isang iglap lang, ay nawala iyon lahat! Paano na tayo ngayon niyan? Pareho na tayong walang trabaho and worse, pareho rin na walang pera!” Sambit ni Vivian kay Gerald na kasalukuyang nakatulala at matamang nakatingala lang sa kisame.

Sa apartment ni Gerald si Vivian tumuloy nung gabing palayasin siya ng bahay ng kanyang tito Juancho at tita Sania. Wala sa hinagap niya na matutuklasan ng mga ito ang mga palihim na kalokohan nilang ginagawa; katulad ng paunti-unting pagnanakaw nila ng malalaking halaga ng budget sa kompanya na siyang ginagamit nila sa pagbabayad sa mga taong inuutusan nila, at sa iba pang mga bagay at kapritso nilang dalawa. Ang lihim na relasyon nila ni Gerald habang magkarelasyon pa ito at si Saskia, at ang pagdukot nila kay Saskia para itago ito sa malayong probinsiya para mailayo ito sa asawa na siyang kinababaliwan niya, para maangkin nito ng tuluyan ni
Serene Hope

Good afternoon.

| 4
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Melodycruz Bengantinos
update please
goodnovel comment avatar
Rowena Quiroz
update lang Po sana Ng update Ms. A
goodnovel comment avatar
Fatima Sato
Update more pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 132

    “A-AAMIN na po ako, Sir,” nahintakutang sambit sa kanya ng babaeng may-ari. Hindi maitago ang kaba sa awra nito, at ang bahagyang pagnginig ng mga kamay nito na nakapatong sa lamesa.“Binayaran po ako ng malaking halaga ni Vivian Santos at saka ng nobyo niyang si Gerald, para rito isagawa ang gagawin nilang pag-kidnap sa asawa ninyo. Nilagyan po nila ng pampatulog ang kapeng inihanda nila para sa asawa ninyo at para sa kaibigan nito. Maging ang kaibigan nito ay binayaran lang din nila.”“So nagawa mong makipagsabwatan sa kanila, dahil lang sa pera? Ano, nakukulangan ka pa ba sa kinikita mo rito sa café mo?” tila nang-uuyam na tanong niya rito.“Hi-hindi naman po sa ganoon, Sir. Tinakot din po kasi nila ako—"“Alam mong hindi sapat na rason ‘yan! Dapat, dahil isa kang owner ng isang negosyo, dapat handa ka sa mga ganyang kaganapan. Hindi lang pagpapalaki ng pera ang kailangan mo, kundi lakas ng loob at katapangan. Ang sabihin mo, nasilaw ka lang sa malaking halaga ng pera na ini-offer

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 131

    “SASA! Sasa! Ano ang nangyari sa ‘yo?!” sa wakas ay dinig ni Saskia na tanong sa kanya ni Jamila. Ibig sabihin, ay nahanap kaagad nito ang lugar na kinaroroonan niya.Ramdam niya ang marahang pagyugyog nito sa kanyang balikat, at paghaplos nito sa kanyang mukha. Naririnig man niya ito, pero hindi niya magawang sumagot o kahit ang magmulat man lang ng mga mata, dahil sa sobrang sama ng kanyang pakiramdam. Nananatili lang siyang nakapikit at patuloy lang na nakikiramdam sa paligid.“Kuya! I think she passed out! Kailangan natin siyang dalhin sa hospital! Baka kung napaano na siya! Ang putla-putla rin niya at parang nanghihina!” tarantang sambit ni Jamila kay Jedrick, na kasama pala nito.“Sige, bubuhatin ko na lang siya papuntang sasakyan,” narinig niyang sambit ni Jedrick na bakas din sa tono ang pagkataranta.Naramdaman niya ang pagbuhat nito sa kanya. Parang hinihintay na lang talaga ng katawan niya ang magkaroon ng komportableng lugar dahil nung maipasok siya ni Jedrick sa sasakyan,

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 130

    “ANO NA ang gagawin natin ngayon, Gerald? Alam na nina tito at tita ang lahat ng mga ginawa at pinlano natin! Sa isang iglap lang, ay nawala iyon lahat! Paano na tayo ngayon niyan? Pareho na tayong walang trabaho and worse, pareho rin na walang pera!” Sambit ni Vivian kay Gerald na kasalukuyang nakatulala at matamang nakatingala lang sa kisame.Sa apartment ni Gerald si Vivian tumuloy nung gabing palayasin siya ng bahay ng kanyang tito Juancho at tita Sania. Wala sa hinagap niya na matutuklasan ng mga ito ang mga palihim na kalokohan nilang ginagawa; katulad ng paunti-unting pagnanakaw nila ng malalaking halaga ng budget sa kompanya na siyang ginagamit nila sa pagbabayad sa mga taong inuutusan nila, at sa iba pang mga bagay at kapritso nilang dalawa. Ang lihim na relasyon nila ni Gerald habang magkarelasyon pa ito at si Saskia, at ang pagdukot nila kay Saskia para itago ito sa malayong probinsiya para mailayo ito sa asawa na siyang kinababaliwan niya, para maangkin nito ng tuluyan ni

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 129

    HABANG mag-isang kumakain si Weston sa harapan ng lamesa, ay parang hindi niya malasahan ang kinakain. Siguro, ganitong-ganito ang pakiramdam ni Saskia nung mga panahon na mag-isa lang itong kumakain.Hindi na nga niya ito kinatok pa sa silid nito dahil baka mas lalo lang itong matakot sa kanya. Papalipasin na lang muna siguro niya ang emosyon nito, at doon na lang niya ulit ito kakausapin.Handa na siyang tuklasin ang katotohanan sa likod ng pagkawala nito ng isang buwan noong nakaraan kasama si Gerald. Handa siyang tanggapin kung ano man ang magiging kalalabasan ng resulta. Dahil sa mga nagdaang araw na kasama niya si Saskia at pinapahirapan niya, ay doon niya napagtanto na mahal talaga niya ang asawa.Na kahit gaano man niya itong pahirapan, gaano man niya isipin na nagtaksil ito sa kanya, ay paulit-ulit naman itong isinisigaw ng kanyang puso. Pero humanda lang talaga sa kanya si Gerald, dahil oras na malaman niya na ito talaga ang may kagagawan ng lahat, ay talagang tutuluyan na n

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 128

    SAGLIT na naupo si Weston sa kama pagkapasok niya sa kwarto. Naglalakbay ang isip niya sa kasalukuyang sitwasyon nila ni Saskia. Gusto na rin naman niyang baguhin ang masamang pakikitungo niya sa asawa dahil kahit paano, ay nakokonsensiya siya.Sa tuwing aangkinin niya ito, ay hindi niya maitatanggi ang mga ungol nito, at ang paraan ng pagganti nito sa kanyang mga halik at haplos, na parang walang pinagbago. Na para bang walang ibang lalaki na nakagalaw dito.Kaya litong-lito na siya. Sa tuwing naiisip niya na gusto na niyang ibalik ang kung anumang mayroon sila noon, ay pilit naman na nagsusumiksik sa kanyang isipan ang ginawa nitong kataksilan.Kaya nga simula nung huling may mangyari sa kanila, ay tinanggal na niya ang pagiging mahigpit dito. Pinayagan na niya itong gumamit ng cellphone at lumabas ng mag-isa kung gugustuhin man nito. Pero ang pakikitungo niya rito ay malamig pa rin.Ayaw naman kasi niyang biglain ang lahat, gusto niyang dahan-dahanin ang proseso ng pagbabago, dahil

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 127

    NAGBIGAY ng kasiyahan kay Saskia ang pagbisita sa kanya nina Jedrick at Jamila. Agad niyang nakapalagayan ng loob ang dalawa dahil magagaan itong kasama at kausap. Parang nakatagpo siya ng bagong kaibigan sa katauhan ng mga ito.Pero napapansin niya ang mga kakaibang sulyap sa kanya ni Jedrick. Sulyap ng isang lalaki sa kanyang hinahangaang babae. Alam naman niyang mabait at mabuti itong tao, pero hindi na kasi pwede ang kung anumang damdamin ang gusto nitong iparating at iparamdam sa kanya dahil may asawa na siya.Siguro kung alam lang nito na siya ang asawa ni Weston, ay hindi magiging ganoon ang mga titig na ibibigay nito sa kanya. Siguro ay hindi pa rito nababanggit ni Weston ang pangalan niya nung mga nakaraan, basta ang alam nito ay may asawa si Weston.Ibinigay pa ng dalawa sa kanya ang mga personal number ng mga ito, at nangakong palagi siyang bibisitahin doon. At iniimbitahan din siyang lumabas minsan ng dalawa kapag may libre siyang oras, na siya namang mabilis niyang sinang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status