“I-isa ka sa mga biktima ni Dad? P-pero paano?” punung-puno ng pagtatakang tanong sa kanya ni Katrina.“Dapat ay hindi ka na nagtataka dahil normal naman kay Bastian ang maging masama, kaya hindi na rin ako nagtataka na ganyan din ang ugali mo. Pero ngayon, katapusan niyo na dahil wala na ang pundasyon ninyo na magtatanggol sa inyo, hahaha! Hahaha!”“Baliw!” sigaw sa kanya ni Katrina.Isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa kabilang pisngi nito.“Wala kang karapatan na sabihan ako ng baliw! Naiitindihan mo?!” nanggagalaiting balik sigaw niya rin dito. “Kung may baliw man sa ating dalawa rito, ikaw iyon at hindi ako! Akalain mo iyon, feeling mo mahal na mahal ka ni Weston dahil pakakasalan ka? Huhulihin lang pala ang demonyo mong ama!”Nagulat siya ng isang malakas na sampal din ang iginanti nito sa kanya.“How dare you para tawagin na demonyo si Daddy! Wala ka ring karapatan na sabihin iyan, bitch!”Sa pangalawang pagkakataon, ay ang hawak na niyang baril ang isinampal niya rito.
KAPWA walang ganang kumain ang mag-ina habang magkaharap sa isang pahaba at malaking lamesa sa kusina sa bahay bakasyunan. Doon sila dumiretso ng kanyang Mommy pagkatapos na arestuhin ang kanyang mahal na ama sa araw mismo ng kasal nila Weston.Hindi niya matanggap na naudlot ang pangarap niyang maging asawa si Weston. Naroon na, eh. Pero bigla pang may dumating na hadlang. Labis-labis ang kanyang panghihinayang dahil doon. At ang labis na nagpapabagabag ng kanyang isipan, ay ang iisipin ng mga tao sa kanila. Lalo na at live ang nangyaring pagdakip sa kanyang ama.Ngayon pa nga lang ay inuulan na ng mga negatibong komento ang kanyang social media account. Puro mga panlalait at mga masasakit na salita ang mga nababasa niya roon. Marami na rin ang nag-unfollow sa kanya. Hinusgahan din siya ng mga itinuring niyang mga kaibigan.At alam niya, at ramdam niyang ito na ang simula ng kanilang pagbagsak. Kung totoo man ang mga paratang sa kanyang ama na isa itong masamang tao at gumagawa ng mg
NAPANGISI na lang si Vivian nang maging matagumpay ang naisip niyang plano. Ilang minuto lang ang lumipas pagkatapos na kumain ng mga tauhan ni Bastian na nasa kanyang harapan, ay isa-isa nang natutumba sa kinauupuan ang mga ito habang hawak ang leeg.Bumubula ang mga bibig ng mga ito habang nangingisay, at hindi kalaunan ay nawawalan na ng hininga. Sino ba naman ang hindi kaagad mawawalan ng buhay sa dami ba naman ng inilagay niyang pulbos ng lason sa bawat pagkain at inumin?Ngunit mukhang may pinakamatibay na sikmura ang katabi niyang lalaki na nakausap niya kanina, dahil nagawa pa nitong hawakan siya sa kanyang damit at nakakapagsalita pa.“A-anong gi-ginawa mo sa ‘min? A-anong lason ba ang inilagay mo sa mga pagkain na-namin?” kandautal nitong tanong habang nagsisimula nang humawak sa sariling leeg.“Hay, akala ko ba wais at matalino si Bastian? Kasi, bigtime siya, eh! Pero tingnan mo nga naman ang pagkakataon kapag bumaliktad. Nagmana lang kayong mga tauhan niya sa kanya! Mga ta
PAKANTA-KANTA pa si Vivian habang nagluluto ng spaghetti sa malawak na kusina. Nakikita niya sa sulok ng kanyang mga mata ang pagsunod ng mga paningin ng mga tauhan ni Bastian sa kanya. Abot-abot man ang kaba at takot na nararamdaman, pero nagawa pa rin niyang kumilos ng normal.Kailangan niyang maging magaling na artista kung gusto pa niyang makaalis ng buhay sa ancestral house. Bahagya pang nanginig ang kanyang katawan nang makitang papalapit sa kanya ang isang tauhan na may nakasukbit na mahabang baril sa balikat. Isa iyon sa mga nagbabantay sa entrance ng bahay.“Madam! Mukhang masarap ‘yang niluluto natin diyan, ah? Para saan ba ‘yang nilututo mo at parang napakarami naman? May isini-celebrate ka ba?” nagdududang tanong nito. Parang gustong malaman nito sa mga kilos at reaksyon niya kung may alam na ba siya tungkol sa pagkakadakip kay Bastian.“Humarap siya rito ng may ubod tamis na ngiti. “Naku, ikaw po pala ‘yan! Ano ka ba! Masama bang magluto ng marami para sa pagdating ng lov
“BAKIT NGA PALA hindi mo isinama ang anak natin sa pagpunta mo rito?” tanong sa kanya ni Weston kapagkuwan.Kasalukuyan siyang nakatalikod dito, habang nakayakap naman ito sa kanyang likuran. Bigla naman siyang napabangon nang maalala si Jedrick. Alam niyang hinihintay siya nito dahil sinabihan niya itong sabay dapat silang uuwi.“O, Baby? What happen?” nagtatakang tanong naman ni Weston pagkatapos niyang isa-isahing damputin ang mga damit para isuot.“Nakalimutan ko kasi ang oras! Ang usapan namin ni kuya Jedrick ay sabay kaming uuwi ngayon!" sambit niya habang nagmamadaling isinusuot ang damit.“Akala ko kung ano na,” sambit nito kasabay ng pagbangon, kumakamot-kamot pa ito sa ulo.“Pasensiya ka na, ha? Kailangan ko na talagang lumabas kahit ayaw ko pa. Hindi ko naman kasi alam na mauuwi tayo sa ganito. Akala ko, simpleng pag-uusap lang. Ako pa naman ang nagpumilit kay kuya Jed na hintayin ako kasi gusto kong sabay kaming uuwi.”Nakita niyang mabilisan din itong isinuot ang mga dami
PINAGHALONG inis at galit at nararamdaman ni Saskia sa pakikialam sa kanya ni Weston sa gusto niyang gawin sa katawan nito. Gusto lang naman kasi niyang ipaalam dito na kaya rin niya itong paligayahin, katulad kung paano siya nito paligayahin dati. Pakiramdam kasi niya, kapag pinipigilan siya nito, ay hindi nito nagugustuhan ang ginagawa niya. Kaya naman nagagalit siya. At ngayon ay nakahiga ito habang tirik na tirik at galit na galit ang alaga sa sobrang tigas. Dahan-dahan niya iyong hinawakan. At dahil hindi kasya sa isa niyang kamay, ay ginamit pa niya ang isa pa. Nakita niyang napapikit at napanganga si Weston sa ginawa niyang iyon.Nakaramdam siya ng kasiyahan sa nakitang reaksyon mula rito. Ibig sabihin lang, ay gusto nito ang ginagawa niya. Kaya mas pinagbuti pa niya ang ginagawang pagpapaligaya rito. Itinaas baba niya ang kanyang dalawang kamay sa kahabaan nito, pagkatapos ay dahan-dahan niyang pinasadahan ng mainit at mamasa-masa niyang dila ang ulo nito, sa mismong butas.N