Share

Chapter 36

Penulis: Serene Hope
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-20 16:11:51

“MS. SUAREZ, ayaw ko man na matanggal ka sa trabaho, pero wala akong magagawa dahil na kay Weston pa rin ang desisyon. Siguro, kung hindi mo pa nalaman na asawa ako ni Weston, ay hindi ka naman magkakaganyan ngayon. Na humihingi ka ng sorry at nakikiusap na baka may magawa ako para hindi ka matanggal sa trabaho. Tapatin mo nga ako, Ms. Suarez. Ganyan ka ba makitungo sa mga baguhan at sa mga empleyadong mas mababa ang posisyon sa ‘yo?”

Bumukas-sara ang bibig nito pero wala namang lumalabas na salita. Para bang nagdadalawang isip ito kung sasagutin ba ang tanong niya o hindi.

"Well, hindi naman kita pipiliting sagutin ang tanong ko. Baka itanong lang din naman sa ‘yo ‘yan ni Weston, kaya, goodluck,” dugtong pa niya. At pagkatapos ay pumasok na siya sa bakanteng cubicle.

Paglabas niya ‘y hindi na niya ito inabutan. Habang naglalakad siya papuntang opisina ay panay naman ang bigay galang sa kanya ng mga empleyadong nadaraanan niya. Naninibago tuloy siya. Pagdaan niya sa marketing departme
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 128

    SAGLIT na naupo si Weston sa kama pagkapasok niya sa kwarto. Naglalakbay ang isip niya sa kasalukuyang sitwasyon nila ni Saskia. Gusto na rin naman niyang baguhin ang masamang pakikitungo niya sa asawa dahil kahit paano, ay nakokonsensiya siya.Sa tuwing aangkinin niya ito, ay hindi niya maitatanggi ang mga ungol nito, at ang paraan ng pagganti nito sa kanyang mga halik at haplos, na parang walang pinagbago. Na para bang walang ibang lalaki na nakagalaw dito.Kaya litong-lito na siya. Sa tuwing naiisip niya na gusto na niyang ibalik ang kung anumang mayroon sila noon, ay pilit naman na nagsusumiksik sa kanyang isipan ang ginawa nitong kataksilan.Kaya nga simula nung huling may mangyari sa kanila, ay tinanggal na niya ang pagiging mahigpit dito. Pinayagan na niya itong gumamit ng cellphone at lumabas ng mag-isa kung gugustuhin man nito. Pero ang pakikitungo niya rito ay malamig pa rin.Ayaw naman kasi niyang biglain ang lahat, gusto niyang dahan-dahanin ang proseso ng pagbabago, dahil

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 127

    NAGBIGAY ng kasiyahan kay Saskia ang pagbisita sa kanya nina Jedrick at Jamila. Agad niyang nakapalagayan ng loob ang dalawa dahil magagaan itong kasama at kausap. Parang nakatagpo siya ng bagong kaibigan sa katauhan ng mga ito.Pero napapansin niya ang mga kakaibang sulyap sa kanya ni Jedrick. Sulyap ng isang lalaki sa kanyang hinahangaang babae. Alam naman niyang mabait at mabuti itong tao, pero hindi na kasi pwede ang kung anumang damdamin ang gusto nitong iparating at iparamdam sa kanya dahil may asawa na siya.Siguro kung alam lang nito na siya ang asawa ni Weston, ay hindi magiging ganoon ang mga titig na ibibigay nito sa kanya. Siguro ay hindi pa rito nababanggit ni Weston ang pangalan niya nung mga nakaraan, basta ang alam nito ay may asawa si Weston.Ibinigay pa ng dalawa sa kanya ang mga personal number ng mga ito, at nangakong palagi siyang bibisitahin doon. At iniimbitahan din siyang lumabas minsan ng dalawa kapag may libre siyang oras, na siya namang mabilis niyang sinang

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 126

    “ANG IBIG mong sabihin, ay hindi nagpaalam sa ‘yo si Weston na mag-a-out of town siya at mawawala siya ng ilang araw at hindi makakauwi rito?” gulat na tanong ni Jamila kay Saskia pagkatapos niyang sabihin na wala namang binanggit si Weston na mawawala ito ng matagal.“Naku, parang hindi ka na nasanay sa kaibigan nating ‘yan, Jamila! Ganyan na talaga ‘yan noon pa! Parang walang nag-aalalang kasama sa bahay dahil hindi marunong magpaalam!” sabat naman ni Jedrick.Nagulat pa siya sa sinabi ni Jedrick na ‘kaibigan natin’, ibig sabihin, ay hindi babae ni Weston si Jamila, kung hindi ay kaibigan lang? Kung ganoon, ay wala pala talaga siyang dahilan para magalit at magselos kay Jamila. Nakaramdam tuloy siya ng konsensiya.“Okay ka lang ba, Sasa?” tanong ni Jamila nung mapansin nito ang pananahimik niya.“Oo naman!”“Ang boring naman ng buhay mo rito, Sasa. Alam mo bang ang gaan ng loob ko sa ‘yo nung una pa lang kitang nakita? Alam mo bang ikinuwento ko kaagad dito sa kapatid kong ito na ma

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 125

    AKALA ni Saskia ay nagbago na ang pakikitungo ni Weston sa kanya simula nung gabing patulugin siya sa tabi nito. Oo, hindi na ito mahigpit sa kanya katulad nung dati, dahil pinapayagan na siya nitong gumamit ng cellphone at lumabas ng mag-isa.Hindi na rin ito palaging nagagalit sa kanya, pero ang nakakapagpasakit ng damdamin niya, ay dahil sa malamig nitong pakikitungo sa kanya. Ni hindi man lang siya nito magawang kausapin, dinadaan-daanan na lang siya nito na parang hangin sa tuwing magkakasalubong sila.Mas gusto pa nga niya ang ugali nito nung una kahit palagi itong galit sa kanya, at least, kinakausap siya nito. Kakausapin lang kasi siya nito kapag gusto siya nitong gamitin at angkinin. Pakiramdam niya, ay iyon na lang ang silbi niya sa asawa, ang maging parausan nito.Pero katulad nga nung palaging sinasabi niya sa sarili at itinatatak niya sa kanyang isipan, na magbubunga rin ng maganda lahat ng paghihirap at pagtitiis niya rito. Hindi siya magsasawang maghintay na dumating an

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 124

    “TI-TITA, hindi ko po alam ang sinasabi ninyo! Maniwala po kayo sa ‘kin!” sagot ni Vivian sa kinakabahang tinig. “Tito,” tawag nito kay Juancho na parang humihingi ng saklolo.“Vivian, bilang tiyuhin mo at kaisa-isang kadugo, kinupkop kita nung basta ka na lang iniwan sa poder namin ng mommy mo. Ang swerte mo nga, eh. Kasi, tinanggap ka ng buong puso nitong si tita Sania mo at pati na rin si Saskia, dahil sabik siya na magkaroon ng kapatid. Noon, hindi ko napapansin ang lihim na inggit mo kay Saskia. Basta ang pakiramdam ko, ay gusto mo ng parehong treatment kung paano namin itrato si Saskia, at hindi ka namin binigo roon,” seryosong sambit ni Juancho, matigas ang tinig nito.“Dahil sa tamis ng iyong mga salita at sa galing mong maghabi ng kasinungalingan, ay napaniwala mo kami na si Saskia ang masama at ikaw ang mabuti. Inagaw mo ang boyfriend niyang si Gerald, kinuha mo ang posisyon niya sa kompanya, at kinidnap mo pa siya habang kasabwat mo si Gerald. Sabihin mo kung ano ang dahilan

  • OWNED BY HIM: A True Love By His Side   Chapter 123

    MATAMANG pinagmamasdan ni Saskia ang kabuuan ng gwapong mukha ng tulog na tulog na si Weston. Natutuwa siya dahil mukhang magiging maayos na ang pagtrato nito sa kanya simula ngayon.Hindi niya inaasahan na patutulugin siya sa tabi nito. Kailangan niya lang pala talagang sundin ang lahat ng gusto nito para maging maayos na ang pagtrato nito sa kanya. Pasasaan ba at magbubunga rin ng maganda ang pagtitiis niya sa piling nito ngayon.Kahit tulog ito ay hindi siya naglakas loob na hawakan ito, at baka maramdaman nito iyon, natatakot siyang baka muling bumalik sa dati ang treatment nito sa kanya. Ipinikit na lang niya ang mga mata, habang nakayakap at nakapulupot ang braso nito sa baywang niya. Nakatulog siya ng may ngiti sa labi.***NALULUNGKOT si Sania dahil hindi sila napagbigyan nina Weston at Saskia sa kahilingan nilang mag-asawa na roon na lang magpalipas sa kanila ng gabi ang mga ito. Pero ganoon pa man, ay pinairal niya pa rin ang pag-unawa sa sitwasyon, lalo na at nagpaliwanag n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status