Naiinis na si Kraius dahil sa sobrang traffic ng EDSA. Kanina pa siya sa daan ngunit wala na yatang katapusan ang byahe niya dahil sa haba ng pila ng mga iba’t ibang sasakyan. Busina dito. Busina doon ang tanging naririnig ng binata. Mga usok na nagmumula sa tambutso ng jeep at ang mga taong naglalakad sa makipot na gilid ng kalsada.
Pawisan ang kaniyang noo at iritado ang kaniyang pakiramdam. The coldness that was coming from the aircon of his BMW wasn’t enough for him. Ang gusto niya ay makaalis sa gitgitan ng mga sasakyan. Makaalis sa lugar na iyon at makarating sa kaniyang destinasyon.
Sa naisip ay mas lalo siyang nainis. He hated to be late. Ang motto niya sa buhay, Time is Gold. Kaya nga nagtapos siya ng abogasya sa batang edad. Ngunit, wala na yata siyang magagawa sa sitwasyon sa kasalukuyan kundi ang maghintay kung kailan uusad ang trapiko sa EDSA at mukhang matatagalan pa iyon.
Kraius looked at his iphone. Napamura kaagad ang binata nang makita ang oras sa screen nito. Late na siya ng trenta minutos sa kaniyang meeting sa isang kilalang aktres. Alam ng binata na gwapo siya ngunit nauubusan din siya ng pasensya. Kaya nang umusad ang trapiko ay mabilis niyang pinaharurot ang kotse at nagtungo sa isang kilalang restaurant.
Ilang sandali ay tumigil ang sasakyan ng binata sa isang Chinese restaurant sa BGC. Kaagad niyang ibinigay sa valet ng restaurant ang kaniyang susi at umibis palabas. Dala ang kaniyang attaché case at cellphone ay naglakad siya na tila isang modelo ng Abercrombie. Wearing his usual business suit and tie. Black slacks and shiny loafers.
Nang makapasok ay inilibot kaagad ni Kraius ang paningin. Namangha kaagad siya sa interior ng buong lugar. Hindi lamang ito typical na Chinese resto kundi ekslusibo lamang para sa mga mayayaman at prominenteng mga tao. Cozy ang ambiance at malinis tingnan.
Nakita niya kaagad ang hinahanap nang ibaling niya ang paningin sa kaliwang bahagi ng restaurant. Nakaupo ito sa isang pandalawahang silya at mukhang aalis. Mabibilis ang mga hakbang na tinungo niya ito. Pagkatapos ay pinigilan at hinawakan niya ito sa braso mula sa likuran nito.
“Sorry, I’m late!” wika niya at mabilis na lumipat sa harapan nito. Ngumiti siya nang makita ng tuluyan ang kaharap. The famous Laura Moran was in front of him. Sopistikada ang anyo nito ngunit mababakas pa rin ang kasimplehan.
Puting blouse at jeans lamang ang suot nito. Isang simpleng relo sa kanang kamay habang nakapusod ang mahaba at kulay itim na buhok. Simpleng makeup sa mukha at pulang lipstick sa labi. Tantiya niya ay mas matanda lamang ito ng limang taon sa kaniya.
“Kraius Montreal at your service,” pabirong wika niya at inilahad ang kaliwang kamay dito.
“Laura Moran,” nakangiting sagot naman nito.
Napangiti si Kraius. Nainis man siya sa trapiko sa EDSA ay binawi naman iyon ng napakagandang mukha na nasa kaniyang harapan. Kung hindi lamang niya alam na may asawa na ito at magpapa-annul ay baka napabilang na rin ito sa kaniyang listahan.
Kraius loved virgin girls. Mas gusto niya ang mga inosenteng babae para makuha sa kama. He loved to train them in bed. Pleasuring them like a pro and claiming them senseless. Mas gusto niyang nasasaktan ang mga ito at umiiyak sa kama kapag kasama siya at pinapaligaya ang mga ito.
“Are you okay, Mr. Montreal?”
Napailing si Kraius, kapagkuwan. Tirik pa ang araw dahil alas-dos pa lamang ng hapon ngunit kung anu-anong kamunduhan ang pumapasok sa utak niya. Kailangan niyang palisin ang iniisip at maging propesyunan sa isang kliyente kaya paulit-ulit niyang sinaway ang sarili.
“Oh, yes!” sagot ng binata. “Of course, I know you!” masayang dagdag nito pagkaraan ng ilang sandali.
Nag-usap ang dalawa, pagkatapos. Seryosong inilahad ni Kraius ang plano sa kaso ni Laura Moran. Tulad ng kaibigan nitong naging kliyente na rin ng binata ay niloko rin ito ng asawa at plano nang makipaghiwalay. Katulad ng dati ay gagawan na naman niya ito ng pabor. Alam niyang gusto na nitong makawala sa asawa ngunit may pinoprotektahan pa rin ito.
“Leave it to me, Miss Moran. You made the right choice. Bukod sa gwapo ako, magaling din akong magpaikot sa lahat ng bagay,” wika ng binata. Malaki ang kompiyansa niyang mabilis matatapos ang kaso nito. Ang kailangan niya lang gawin ay malalim na paghuhukay ng mga impormasyon para sa asawa nito at pamilya na kabilang sa prominenteng pamilya sa lugar ng mga ito.
Saktong dalawang oras nang natapos ang pag-uusap ng dalawa. Nagkasundo sila sa lahat ng bagay na sinabi ng binata. Maging ang pagtanggi ng binata sa bayad na inaalok ni Laura ay napagkasunduan din nila. Gayunpaman, naunang umalis ang binata sa restaurant dahil may importante pa itong kailangang puntahan.
Kraius drove another half an hour before he reached his destination. Pumasok ang sasakyan ng binata sa parking lot ng isang matayog na building na matatagpuan sa sentro ng Makati, ang Monterio Empire. Owned and managed by the most sought after bachelor in town. A young billionaire, Andrius Monterio.
Lahat sa buong building ay yari sa salamin. Lahat ay kita sa alin mang opisina at palapag. Ang interior maging ang exterior nito ay purong puti na may halong itim. Halatang mahilig sa minimalist style si Andrius na hindi naman pinagtakhan ni Kraius dahil maging siya ay iyon din ang gustong disenyo. Banayad kasi iyon at magaan sa mata.
Masaya at magaan ang pakiramdam ng binata habang sakay ng elevator. May mangilan-ngilang empleyado siyang nakakasabay na panay ang bati dito. Maging ang binata ay ganoon din dahil likas na dito ang pagiging pala-kaibigan lalo na sa mga babae.
Nang makarating sa ika-dalawampung palapag ng gusali ay agad na lumabas ang binata. He headed towards Andrius’ office. Napakatahimik ng lugar dahil tanging si Andrius Monterio lamang ang umuukupa sa buong palapag. Napakalinis din nito at presko sa pakiramdam.
Sa labas ng opisina nito ay ang mesa ng sekretarya nito. Napailing kaagad si Kraius nang makitang bago na naman iyon. Tatawa-tawa siyang binuksan ang pinto ng opisina ni Andrius. Tulad ng dati hindi tumatagal ang mga nagiging sekretarya nito.
“What?!” bungad kaagad ni Andrius sa binata.
Napangisi si Kraius. Presko at maaliwalas ang opisina ni Andrius ngunit kabaliktaran naman iyon sa presensya nito. Nakakunot ang noo habang mariin ang titig ng bughaw nitong mga mata sa kaniya. Halatang iritado at wala sa mood ang kaniyang kaibigan.
“Relax, Mr. Monterio. I have good news for you,” wika ni Kraius dito. Nakangisi siyang lumapit sa binata at agad na naupo sa visitor’s chair nito.
Tulad ng dati, magulo na naman ang mesa nito. Punung-puno iyon ng mga papeles na nakasalansan sa gilid. Katabi naman ng mini-shelf ay ang MacBook nito. Isang study lampshade sa kabilang gilid ng mesa at isang baso na puno ng panulat nito.
“What is it?” tanong ni Andrius sa binata. Halata sa boses nito ang tinatagong inis. Napailing na lamang si Kraius habang pinagmamasdan ito. Kahit kailan ay pasan ng kaniyang kaibigan ang daigdig.
“Your sister Sofia. I will visit San Vicente soon because of a client. Gusto mo bang sumama?” tanong niya sa binata.
“Just do your job, Kraius. Take the marriage record out. I will show up if I want to,” mariing wika nito habang nakapatong ang dalawang kamay sa mesa nito.
Tumango siya. Matagal na niyang nagawa ang sinasabi nito nang walang kahirap-hirap. Ito ang unang ginawa niya bilang practice noong nagsisimula pa lamang ang kaniyang karera bilang abogado. Hindi naman siya nabigo kahit pa ilegal ang kaniyang ginawa. Hinarang niya lang naman ang kasal ng kapatid nitong si Sofia sa isang matandang haciendero. At ang bago niyang misyon, maging abogado at kunin ang loob ni Zeus Vergara.
Nag-usap ang dalawa ng seryoso. Kraius was Andrius’ legal adviser. Siya ang nagbibigay ng opinyon at ideya sa lahat ng gusto nitong gawin sa negosyo, maging sa mga negosyo nito sa ibat-ibang panig ng mundo. Andrius was a pro in his league, while Kraius was the best in his profession. They were the best tandem in town. Both powerful and influential.
“Anyway, Andrius. Why don’t you smile often? Kapag busangot ang mukha mo lalo kang pumapangit.” Natawa si Kraius sa kaniyang sinabi habang isang masamang titig naman ang natanggap ng binata mula kay Andrius. “Sobrang gwapo ko talaga,” pahabol pa nito at tumawang muli.
“Get out of my office!” galit na sigaw ni Andrius kay Kraius. Itinuro din nito ang pinto ng opisina nito.
Natatawang tumayo si Kraius mula sa pagkakaupo. Napailing siya habang nagpapaalam kay Andrius. Kahit kailan ay hindi niya ito mabiro dahil lagi na lamang itong pikon. Tumuloy kaagad siya palabas ng opisina nito matapos magpaalam. Kinindatan niya rin ang sekretarya nito bago tuluyang umalis ng lugar.
Saktong pagkasakay pa lamang niya sa kaniyang kotse nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Napangiti ang binata nang makita sa screen ang pangalan ng nanay niyang si Ferlyn. Isa itong dating aktres na nakapangasawa ng isang Turkish magnate. Ang tatay niya ay isang bilyonaryo sa Turkey.
For more than twenty-five years, Kraius traveled almost half of his life. Pabalik-balik sa Turkey o kung hindi naman ay sa Europe siya pumupunta. Pagwawaldas ng pera lang ang alam niya bago niya tuluyang mapagtanto na pagiging abogado ang gusto niyang pasuking propesyon. Na hindi naman siya nagkamali. Seeing where he was now, his effort paid off.
Kraius shrugged the thoughts off. He was thinking too much that he forgot to answer his mom’s call. His phone kept on ringing that made him smile even more. Sadyang makulit ang nanay niya sa mga bagay na gusto nito. Pagkatapos paandarin ang sasakyan ay saka pa lamang niya sinagot ang tawag nito.
“Hi, Ma!” masayang bati niya dito.
“Kraius dear, I miss you! How are you son?” tanong nito sa kabilang linya.
Napanguso si Kraius. Ang totoo, isa siyang mama’s boy. Masyado siyang marupok pagdating sa ina. Lalo na kapag naglalambing ito. At kung tama ang hinala niya base sa boses nito ay may hihilingin itong pabor sa kaniya.
“What is it?” tanong niya sa ina.
Natawa muna ito sa kabilang linya bago sumagot, “Can you join us for dinner? May ipapakilala ako sa’yo. Maganda.” Mapanukso ang boses nito sa kabilang linya.
Napabuntonghininga ang binata at napailing. Sinilip niya muna ang sideview mirror bago sinagot ang ina, “Okay. Just send me the location, Ma.”
“I will. Pakibilisan na rin at kakain na. Okay? Bye, baby. Seni Seviyorum!”(I love you) masayang wika nito bago pinatay ang tawag.
Kraius sighed again when he received the text message. Napamura siya dahil kailangan na naman niyang bumalik ng Makati. Nasa Forbes Park ang kinaroroonan ng ina at medyo malayo na siya roon. Mabilis pa sa alas-kwatro na nag-U-turn ang binata at tinahak ang daan pabalik.
Hindi katulad kanina, mas magaan na ang daloy ng trapiko. Rush hour ngunit mangilan-ngilan lang ang sasakyan sa kalsada. May ibang pumarada na sa gilid niyon habang ang iba naman ay abala sa paghihintay sa mga paparating na pasahero sa sakayan.
Gumaan ang pakiramdam ni Kraius dahil doon. Mas mabilis din siyang nakarating sa lugar. Eksklusibo ang Forbes kaya tinawagan pa muna ng guard ang kaibigan ng nanay niya bago siya pinapasok sa loob. Hindi na rin nagtaka ang binata sa mga nakikita nang tuluyang makapasok.
Large and elegant mansion from different rich people. Businessman, celebrities and in the Alta Sociedad. Halos lahat ay pare-pareho ang disenyo at ganda. Halos lahat ay gawa sa concrete o di kaya ay sa salamin. Each screamed wealth and power.
Tumigil ang sinasakyan ng binata sa isang makabagong bahay. A three storey house that made with glass and bricks. Modern classic design ang exterior nito. May malapad na bakuran at isang fountain sa gitna. Habang napapalibutan naman ito ng bulaklak sa gilid.
Kahit hindi sigurado sa gagawin ay umibis ang binata sa sasakyan. The door opened from inside and her mom showed up. Katabi nito ang isa pang babae na kasing edad lang din nito. Parehong sopistikada ang dalawa at pawang nakangiti sa kaniya.
“Kraius baby!” hiyaw ng kaniyang ina.
Napakamot si Kraius sa kaniyang ulo. Hindi niya malaman kung mahihiya o matatawa na lang sa reaksyon ng ina. Parang kaninang umaga lang ay magkasama pa sila nito. Kung umakto kasi ito ay tila ba matagal na silang hindi nagkita.
“Good evening Ma,” mahinang anas niya at humalik dito nang tuluyan itong makalapit. “Good evening, Tita,” baling naman niya sa kasama ng ina.
“May ipapakilala ako sa’yo, baby. Asan na ba ‘yon?” mahinang wika ng kaniyang ina at inakay ang binata papasok sa bahay ng kaibigan nito. Mukhang at home rin ang kaniyang nanay at sanay na sa lugar. “Baby Rhezi!” malakas na tawag nito.
Napakunot ang noo ni Kraius. Hindi niya kilala ang tinutukoy nito. Ibinaling niya ang paningin sa ina at nakita ang saya sa mukha nito. Tumigil sila nang may marinig na mga yapak mula sa engrandeng hagdanan ng bahay.
“Oh! Nandyan ka lang pala, Baby Rhezi!” masaya pa ring wika ng ina ni Kraius.
Napalunok si Kraius sa nakita. Alam niyang masama ang manghusga at tumingin sa panlabas na anyo ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. Sa isip ay pinagalitan na niya ang sarili ng paulit-ulit. Maling ideya talaga na pumayag siya sa hiling ng ina. Maling-mali. Dahil totoong mahilig siya sa bata pero hindi sa bata na mukhang dabyana sa taba.
Rhezi instantly closed her eyes as Kraius lips touched hers. Hindi kayang ipaliwanag ng dalaga ang pakiramdam na muling mahalikan nito. It has been a long time since she wished to be kissed by him. Iyon nga lang, fate wasn't on their side. Kailangan niyang lumayo para patunayan ang sarili at ang pagmamahal para kay Kraius.They were missing like no one was watching them. Savouring each other's lips like their life depend on it. Ang araw na humahalik sa dagat ay tila ba masaya sa nangyayari sa dalawa. Maging ang hampas ng alon sa buhanginan ay nakikiisa sa damdaming namamayani sa kanilang bawat puso. Habang ang mga matang nakatutok sa mga ito ay pawang masasaya at may ngiti sa labi.Nang tapusin ni Kraius ang halik ay halos habulin ni Rhezi ang mga labi nito upang halikang muli. Batid ng kaniyang puso ang labis na pangungulila dito kaya nang makita niyang nasa harap ito ng altar at naghihintay sa babaeng naglalakad patungo rito ay halos ika
Seven years laterWhere do broken hearts go?Iyon ang laging tanong ni Kraius sa sarili ilang taon na rin ang nakararaan. Love and it's consequences. Was it really have to be so painful and lonely that he couldn't even determine why he was still breathing? Was it really have to be unfair that it still kept on hurting him like hell?Habang nakatanaw sa malawak na karagatan ng Surigao ay hindi mapigilan ng binata na mapamura nang paulit-ulit. The emptiness and torment that he was feeling was just too much that he wished to stop breathing at all. However, he also wished that the thing that was keeping him sane would grant, sooner. That the impossible would be possible.Kilala siya ng lahat bilang makulit at masayahing abogado, ngunit sa likod ng mapagkunwari niyang pagkatao ay isang walang kamatayang kahungkagan na nanirahan nang matagal na panahon sa puso nito. Katulad ng malawak at walang katapusan
Rhezi had the most beautiful dream that night. She dreamed that Kraius and her got married in private. Pawang sila lang at mga malalapit na kaibigan. It was a beach wedding and she was just wearing her usual jeans while Kraius was wearing his khaki shorts. Iyon nga marahil ang dahilan kung bakit hindi mawala sa mukha ng dalaga ang isang matamis na ngiti. It seemed true that her heart flutter in happiness.Nang tuluyang ibuka ng dalaga ang mga mata ay mas lalong naghurumentado ang puso nito. Mas lalo ring lumapad ang nakapaskil na ngiti nito sa labi nang maramdaman ang mabigat na bagay na nakadagan sa may beywang nito. Kinapa iyon ng dalaga at hinila para mas humigpit pa ang pagkakayapos nito sa kaniya. Then she turned to face him, and saw the most handsome man she had ever laid eyes on.Ang mabagal na paghinga nito ay tumatama sa mukha ng dalaga. Ngunit, hindi nito alintana iyon. She stared at him intently as if her life and death depends
Hindi sinayang ni Kraius ang sandali. He released Rhezi from his tight hug and cupped her beautiful face. There were still tears in her eyes and he didn't waste time to remove it. Pinunasan nito iyon gamit ang likod ng mga palad nito ng dahan-dahan. Siniguro nitong hindi na masasaktan ang dalaga sa ginagawa. Pagkatapos ay ibinaba nito ang mukha papalapit sa mukha ni Rhezi at hinalikan nito ang mga mata ng dalaga ng banayad.Ipinikit naman kaagad ni Rhezi ang mga mata nito nang maramdaman ang ginawa ni Kraius. Damang-dama ng puso nito ang ibat-ibang emosyon na nagpapahurumentado sa pagtibok niyon. Nasasaktan ito sa mga nalaman at nagsisisi rin ito, ngunit sadyang kakaiba ang hatid ng bawat mga halik ni Kraius sa mukha nito pababa sa labi.Ang banayad na pagdampi ng mga labi ng binata ay para bang sinasabing magiging maayos din ang lahat. Na hindi na dapat ito mag-alala dahil nandito ito, ipaglalaban siya nito. Na hindi na siya masasaktang m
Abala si Kraius sa pagbabasa ng papeles nang pumasok ang sekretarya nito. Kaagad ang pagbaling ng tingin ni Kraius dito habang nakakunot ang noo. Katulad ng dati, pormal na pormal pa rin ang hitsura ng sekretarya habang patuloy ang lakad nito patungo sa lamesang kinaroroonan.Nang nasa tapat na ito ng lamesa ay tumigil ito at tinaasan ng kilay ang binata. "Someone wants to talk to you Mr. Montreal," wika nito.Kraius forehead creased. Wala itong inaasahang bisita kaya't mababakas sa mukha nito ang pagtataka. He looked at his Piaget watch afterwards, and smiled lightly. He felt excited and happy at the same time. Bigla ay nawala ang nararamdaman nitong pagod mula sa maghapong pagtatrabaho.The truth was, he was very eager to went home. Ilang linggo na rin mula nang makasama nito ang mga anak, at masasabi nitong walang naging problema sa sitwasyon. Naninibago man ang mga ito sa una ngunit hindi iyon hinayaan ng binata na mag
Hindi alam ni Rhezi kung paano ito nakarating sa Monterio Hotel. Ang tanging alam ng dalaga ay gusto nitong lumayo mula sa mansion ni Jericho matapos sabihing mahal siya nito higit pa sa isang kaibigan lamang. She didn't saw that coming. Nagimbal siya sa sinabi nito kasabay noon ay ang pait ng pakiramdam na lumukob sa puso ng dalaga dahil sa panlilinlang ng taong itinuring niyang sandalan sa mahabang panahon.She never thought that Jericho would trick her like that. Paniwalang-paniwala si Rhezi na bakla ito. She was lost when he was with her. She was vulnerable and broken. She ran away after he found her. Sa sobrang sakit ng puso niya nakalimutan ng dalaga ang inis dito. Then, she ran away with him and ended all of her connection to her friends and family.Rhezi sighed as she remembered the memories. She was still unwell but she needed to keep her sane. Ilang minuto na rin itong tulala habang nakatitig sa button ng elevator sa loob ng gusa